Kung ang kawalang-kibo ay oo para sa iba, kay Harlow naman ay OMG.
Sandaling nagkaroon ng katahimikan sa loob ng silid. Wala sino man ang nagtangkang magsalita. Ang apat ay nagtitinginan lamang sa isa't isa.
Ipinikit ni Harlow ang kaniyang mga mata nang may pitik. Hindi niya lubos-maisip na ang lalaking nagligtas sa kaniya ay si Tyson. May galak sa kaniyang puso, gayon pa man, may kaguluhan din sa kaniyang isipan. Ano naman ang ginagawa ni Tyson sa gitna ng siyudad sa kalagitnaan ng gabi?
Nais mang tanungin ng dalaga ay hindi niya magawa sapagkat hindi pa naman ito gaanong malapit sa binata. Hindi rin naman niya ito kaibigan kundi isa lamang kakilala.
"Thank you for rescuing me, Tyson," nahihiya pang sambit ni Harlow.
Nagbigay naman si Tyson ng isang malawak na ngiti. "My pleasure."
Simula nang araw na iyon ay napapadalas na ang pagbisita ng binata sa dalaga. At sa tuwing dadalaw ito, lagi itong may dalang pagkain. Lagi pa itong may baon na mga kuwento.
Nagkalapit ang dalawa hanggang sa pag-isipan na sila ng iba ng kanilang mga magulang, ngunit batid ng mga ito na sila'y magkaibigan lamang. Isang araw pa rin sa ospital, nagkaroon ang mga ito ng isang seryosong usapin patungkol sa nangyari sa gabing iyon.
"So you think it's all because of the detective you aforementioned?" tanong ni Tyson na tinanguan naman ng dalaga. "Do you have any proof na siya talaga ang may kagagawan n'on?"
Iyinuko ni Harlow nang bahagya ang kaniyang ulo. "Nothing. I... I just can feel it. Pero kung siya man o hindi ang may gawa nito sa 'kin, I want to take revenge. Hahanapin ko ulit 'yang detective na 'yan."
"Gano'n na ba kalaki ang galit mo sa kaniya?" mahinang tawa ng binata.
"Aba, oo! Hindi mo kasi siya kilala, eh. But I swear once you meet him, iinit din ang dugo mo sa kaniya. He's so arrogant. Akala naman niya kung sino siyang magaling!"
"So, when will you find him again?"
"Kapag nakalabas na ako dito."
"Are you sure? Mahina ka pa n'on."
Ngumiti ang dalaga. "Pero lalakas ako kapag kasama kita."
"What do you mean?" kunot-noo ni Tyson.
"Isn't it obvious? Sasamahan mo akong hanapin ang detective na 'yon. We're now friends, right?"
Magsasalita pa lamang sana ang binata ngunit pinasalamatan na ito ni Harlow. Ni hindi man lang ito nagkaroon ng pagkakataon na sabihin ang panig nito. Ngunit dahil sa inasta ng dalaga, wala na itong ibang nagawa kundi ang pumayag sa kagustuhan niya.
Nang makalabas na si Harlow sa ospital ay dali-dali siyang nagplano kasama ang binata patungkol sa mga taktika na kanilang gagawin. Hindi pa man siya gaanong magaling ay nakipagsapalaran na siya. Sinubukan siyang pigilan nito ngunit hindi siya nagpapigil.
"When something bad happens to you, failed din 'yang mission mo, I'm telling you," sambit ni Tyson saka dumukot ng popcorn sa mesa.
"Kaya nga kasama kita, 'di ba?" mariin na titig dito ni Harlow.
"Can't you just talk with that detective... sa mahinahong pamamaraan? Lahat naman naaayos doon."
"Tyson, nahihibang ka na ba? Sino namang gustong makipag-usap nang mahinahon sa isang taong muntik ka nang patayin?"
Dahil sa katigasan ng ulo ng dalaga ay hindi na muli pang nagsalita ang binata dahil kahit anong sabihin nito ay hindi siya nito pakikinggan.
Sa sumunod na gabi ay parehong tumakas ang dalawa. Kapag nalaman pareho ng mga magulang nila ang pinaggagagawa nila, siguradong lagot sila. Kaya naman, sinigurado nilang maayos ang lahat.
Sa oras na alas diyes ay sakto silang nakarating sa gitna ng lunsod. Nanatili sila sa puwesto kung saan madalas makita ni Harlow ang detektibo. Doon ay pasimple silang tumingin-tingin sa paligid. Pagkalipas ng ilang minuto ay may isang lalaking nakasuot ng sumbrero ang dumating; nakasindi ang mga ilaw ngunit dahil medyo madilim sa nilalakaran nito ay nahirapan silang mukhaan ito.
"I'm sure he's the detective we are looking for. Prepare yourself, alam mo na ang gagawin natin," bulong ni Harlow sa binata.
Nang malapit na sa kanila ang lalaki ay inihanda ni Tyson ang sarili. Tatakbo na sana ito papunta sa lalaki nang pigilan ito ng dalaga. "Bakit?" kunot-noo nito.
"It's not the detective."
Ibinaling muli ni Tyson ang tingin sa lalaking naglalakad pa rin hanggang sa tuluyan na iyong masinagan ng ilaw. "Are you sure?" tanong nito. "Baka naduduling ka lang? Tell me, habang hindi pa siya nakakalayo."
"I'm sure, hindi siya 'yon. Though I still didn't see what's really the face behind the detective's hat, alam kong hindi siya 'yon. Hindi sila pareho ng tindig at mukhang may edad na 'yang naglalakad."
"Well, if you say so."
"We just have to wait for some time, lalabas din 'yong kumag na 'yon."
"But wait..."
"What?"
"You told me you didn't still see his face, then how would we find him or recognize him?"
"Just trust me."
Nagpatuloy lamang sa pag-aabang ang dalawa. Paikot-ikot na rin sila sa buong kalye, ngunit wala silang nahintay. Gayon pa man, naniniwala pa rin si Harlow na makikita nila ito. Samantala si Tyson ay unti-unti nang nawawalan ng pag-asa.
"Anong oras na, sa tingin mo ba magpapakita pa 'yon?" singhal ng binata.
Nagpilit ng ngiti ang dalaga saka ito tinanguan.
Muli ay naghintay ang dalawa ngunit dahil madaling-araw na at wala pa rin silang nahihintay, pinili na lamang nilang umuwi at bumalik sa mga susunod pang gabi. Sa kasamaang-palad, kahit ilang beses na silang nagbalik ay wala pa rin silang nakita.
Nasaan na nga ba ang sekreta na iyon?
"Hindi ka ba napapagod?" tanong ni Tyson na nakasandal sa isang poste. "Ilang gabi na tayong naghihintay, pero hindi pa rin nagpapakita 'yang detective na sinasabi mo."
"I don't know. Baka wrong timing tayo or hindi lang natin siya nahuhuli, namamalayan..."
"Okay, okay. But will you please take some time to rest? Makakapaghintay naman 'yang detective, but your health is important. Kapag sumuko 'yang katawan mo, walang mangyayaring revenge."
"Para kang tatay ko kung magsalita, ha?"
"Well, I just care for you because we are... we are friends."
"Okay po," sarkastikong ngiti ni Harlow.
"So, will you go out with me tomorrow?"
"Huh? Bakit?"
"To take some time to unwind," sagot ni Tyson. "Well, let me just name it a friendly date. So, are you free?"
"Ah, sure!" malawak na ngiti ng dalaga "Pero... sa isang kondisyon."
"What?"
"Hindi tayo titigil hangga't hindi natin nakikita ang detective."
Sa sumunod na umaga ay parehong nagpaalam ang dalawa sa kanilang mga magulang na kung maaari ay lumiban muna sa kanilang mga trabaho. Dahil sinabi nila ang totoong dahilan ay pinayagan sila ng mga ito; isa pa, umaasa pa rin ang mga ito na silang dalawa ang magkakatuluyan.
Muling inilabas ni Harlow ang kaniyang matamis na katauhan. Lumabas siya sa kanilang tarangkahan na may suot na pulang bistida na may tatak na mga seresa. Ang mukha niya ay mayroon ding simpleng meykap.
Samantala, si Harlow ay nakasuot lamang ng isang simpleng itim na tisyort na nakapaloob sa itim din nitong pantalon na pinaresahan ng puting pares na sapatos-- simple ngunit nagmukhang elegante rito.
"Tara na?" handog ni Tyson ng kamay sa dalaga.
Tinanggap ni Harlow ang imbitasyon ng binata habang pangiti-ngiti pa. Nang makapasok sa kotse ay natawa na lamang siya habang pinakikinggan ang musika nito sa radyo.
♪ "My love, there's only you in my life
The only thing that's bright..." ♬
♪ "My first love
You're every breath that I take
You're every step I make..." ♬
"What's funny?" kunot-noong tanong ni Tyson nang mapansing pulang-pula na ang dalaga sa kapipigil ng tawa.
"'Di ko akalain na ganyan ang music taste mo," tawa ni Harlow. "Ang angas natin diyan, ha?"
"What are you sayin'? Is it bad? Ang ganda ngang pakinggan, hindi ba?"
Tumawa pa nang mas malakas ang dalaga.
"Please stop laughing, I can't clearly hear the music."
"Wala ka bang Batang Pasaway diyan?
"What the hell."
"Kiddin' aside. But in fairness, ang ganda ng kantang 'yan. It's old but gold."
"Indeed."
Nagkaroon ng katahimikan sa pagitan ng dalawa. Habang nasa daan ay nakikinig lamang sila sa awitin. Ngunit bago pa man sila tuluyang makarating sa kanilang destinasyon ay binasag na ni Harlow ang kapayapaan.
"Uhm, Tyson..." bigkas ng dalaga.
"Yes?" utal ni TYson nang hindi lumilingon sa kaniya.
"About death..."
"What about it?"
"'Di ba noong first encounter natin, you told me you believe you'll go to hell when you die?"
"Yes."
"But are you afraid of death?"
"No."
"How about your destination?"
"Hindi rin. Why?" Sa pagkakataon na ito ay ibinaling na ni Tyson ang tingin sa dalaga.
"Well, I'm just-" Hindi na magawang ituloy ni Harlow ang sasabihin nang makita ang malaking sasakyan na pasalubong sa kanila. "Tyson!" sigaw niya. "Look at the way!"
Nasa paese-eseng daan ang dalawa kaya nahirapan ang binata na iwasan ang trak lalo na't napakabilis ng takbo niyon. Gayon pa man, ginawa nito lahat ng makakaya upang umiwas; ngunit sa huli, natigil ang magandang musika.