I Love You

933 Words
"Hoy! You're spacing out again." Pag-agaw ng pansin ni Raine sa nakatulalang si Alex. "Huh? Ano na ba ang pinag-uusapan natin?" Wala sa sariling tanong ni Alex. "Wala. I was just asking you if you're ready to party." Excitement is evident on Raine's face. "You know I hate parties. Kung hindi lang dahil takot akong magkalat ka dun, hinding-hindi talaga ako sasama. Mapapahamak pa tayo dahil itatakas ko ang kotse. Dad doesn't want me to drive until after I graduate di ba? Tapos ginawa mo pa akong driver mo." Nagmamaktol na sabi ni Alex. "Sorry na. I owe you one. Big time! Promise pagtapos nito, I'll do whatever you want." Itinaas ni Raine ang kanang kamay as if reciting a pledge. "Anything?" Pagkaklaro ni Alex. "Anything!" Tumango pa ang kaibigan. "Let's go then!" Masayang binuhay ni Alex ang makina ng kotse niya. "Thank you Alex. I love you." Biglang napapreno si Alex sa narinig. She remembered the first time she heard those 3 words 2 years ago. "Nasan si Raine?" Tanong ni Alex sa isang kaklase. "Hindi ko alam e. Pero nakita ko siya papunta gym kanina. Ewan ko lang kung nandun pa siya." Sagot nito. Inikot ni Alex ang buong paligid ng gym ng school. Di alintana ang lakas ng ulan. Halos mabaliw siya nang hindi makita ang matalik na kaibigan. "s**t Raine! Where are you?" Inilabas niya ang cellphone para tawagan ito ngunit naka-off ang telepono nito. Lalo siyang nag-alala. Kulang isang oras pa lang ang nakalilipas nang tawagan siya ni Raine. Nasa student council meeting siya nun kaya hindi niya nasagot ang tawag. Nagulat na lang siya nang mabasa ang text message nito. Bestfriend, I need you. :'( Umalis siya ng meeting kahit hindi pa ito natatapos. Narinig niya ang bulung-bulungan ng ibang mga estudyante na nagconfess daw siya kay Nerdy Thirdy at binasted siya. "Ang kapal ng mukha ng nerd na yun! Humanda siya sa akin pag nakita ko siya!" Kinuyom niya ang kanyang kamao. Nanginginig na siya sa lamig. Siguradong ganun din si Raine. Naisip niyang pumasok sa loob ng gym. Baka sumilong doon ang kaibigan ngunit walang tao doon. Nakapatay din ang mga ilaw. Lalabas na sana siya nang mapansin ang liwanag na nagmumula sa ladies room. Agad siyang pumasok dito. At sa loob, nakita niya ang nanginginig na kaibigan na nakaupo sa sahig at tahimik na umiiyak. Lumapit siya sa kaibigan at ginagap ang palad niyo na nangungulubot na sa matagal na pagkakababad sa tubig ulan. "What are you doing Raine?" Malungkot niyang tanong. "He rejected me, Alex. Thirdy rejected me." She said in between sobs. "That asshole! Nasan siya?" Tumayo si Alex at akmang aalis nang pigilan siya ni Raine. "He left. He broke my heart and left. He's not coming back." Dumaloy na naman ang masaganang luha sa mga mata ni Raine. Alex knelt in front of her and hugged her tight. Madilim na ng marating nila Alex ang bahay nila. Doon muna niya inuwi si Raine dahil wala ang mama nito sa kanila. Ang parents naman ni Alex ay kasalukuyang nasa probinsya at inaayos ang titulo ng lupain nila doon. She asked Raine to take a bath while she stormed to Thirdy's house which was a few blocks away from their house. Thirdy was the only guy she and Raine have became friends with. Maliban sa magkakakalapit ang bahay nila, outcast din si Thirdy sa school. Paminsan-minsan ay sumasama ito kina Alex at Raine pero dahil sobrang close ng dalawa, mas madalas na pinipili na lang nitong mapag-isa. Si Thirdy ang kakumpetensiya ni Raine sa Top 1 sa klase. Ito rin ang dahilan kung bakit attracted ang dalaga sa kanya. Dahil nachachallenge siya dito. "Thirdy!" Malakas ang ginawang pagbayo ni Alex sa pinto ng bahay nito. "Lumabas ka dyan Thirdy!" She was screaming at the top of her lungs. Maya-maya ay lumabas si Aling Luding. Ang kasambahay nila. "Alexandria, umalis na sila Thirdy kani-kanila lang. Hindi mo na inabutan. Sa Japan na sila maninirahan gawa ng negosyo ng daddy niya. Katatapos ko nga lang mag-impake ng mga gamit ko." Hirap na hirap ang ale sa pagbuhat sa bagahe niya. Tinulungan siya ni Alex sa pagbuhat nito papunta sa tricycle na naghihintay sa gilid ng kalsada. "Salamat anak. Magpakabait ka ha." Bilin mg matandang ale bago ito sumakay ng tricycle. Nakuyom ni Alex ang kamay niya. "Thirdy, you bastard. Wag ka na sanang bumalik." Nasabi nito sa sarili. Nadatnan ni Alex na natutulog sa kama niya si Raine pagbalik niya. Tapos na itong maligo at nakapagpalit na rin ng damit. Suot nito ang paborito pares ng pajamas niya na may print na Cars. Umupo siya sa gilid ng kama at pinagmasdan ang kaibigang nahihimbing sa pagtulog. She felt relieved. Kanina lang ay halos mamaga na ang mga mata nito sa pag-iyak pero ngayon, payapa na itong natutulog. Hinawi niya ang buhok na tumabon sa mukha nito. Naramdaman niya ang init ng temperatura nito. Inaapoy ito ng lagnat. Agad siyang bumaba sa kusina para kumuha ng bimbo at plangganang may tubig. Naghanda din siya ng gamot. Matapos punasan ng bimbo ay marahang ginising si Alex si Raine. "Raine... Wake up. Just take the medicine then you can go back to sleep." Inalalayan niya ang kaibigan para maiangat nito ang katawan. Nang makaupo ay ipinainom niya ang inihandang gamot. Nagulat siya nang bigla siyang yakapin nito ng napakahigpit. "Thank you for taking care of me, Alex." Kumalas ito at tinignan siya ng derecho sa mata. "I love you." Parang napako na siya sa kinauupuan. Hindi siya makakilos. Namasa ang kanyang mga mata sa tinuran ni Raine. "I love you too." Nakangiti niyang sagot. "You are the only family I have. Thank you for being the sister I never had. I love you so much." Niyakap siyang muli ni Raine. At dahan-dahang pinakawalan ni Alex ang mga luhang nanahan sa kanyang mga mata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD