"Get in the car!" Pinagbuksan ni Alex ng pinto si Raine.
"I won't until you tell me why you punched Brent in the face!" Hindi nagpatalo sa pataasan ng boses si Raine.
Umikot sa likod ng kotse si Alex, pagbukas ng pinto at derecho upo ito sa driver's seat. "Hop in or uuwi kang mag-isa!"
Nagkibit-balikat lang si Raine.
Alex turned the engine on at pinaabante ang sasakyan.
"Damn it!" Napatili si Raine at napalundag papasok mg kotse. Padabog niyang isinara ang pinto. "Iiwanan mo talaga ako no?" Pinandilatan niya ng mata ang kaibigan.
Saglit siyang sinulyapan ni Alex bago nito pinaharurot ang sasakyan.
"Tell me what happened para maintindihan ko!" Bulyaw ni Raine habang papasok sila ng kwarto niya.
"Just get away from that bastard! Naiinitindihan mo?" There was fire in Alex' eyes.
"Not gonna happen!" Pagmamatigas ni Raine.
"That's bullshit! Bahala ka na sa buhay mo!" Alex walked out of Raine's room. Sinundan naman siya ng kaibigan at pinigilan siya bago pa man siya makarating sa main door ng bahay. Hinila siya nito paupo sa sofa at binuksan ang first aid kit.
Labinlimang minutong katahimikan ang namagitan sa kanila habang ginagamot ni Raine ang sugat sa kamay ni Alex. Magang-maga ito. Hindi siya nagtaka na basag ang ilong ni Brent nang iwan nila kanina.
"Tell me what happened, Alex. Please." Nagmamakaawa ang mga mata ni Raine.
"Just quit asking, Raine. Wala akong sasabihin." Seryosong sagot ni Alex.
Raine gave up. She knew hindi magsasalita si Alex kung ayaw niya.
"Fine. Kung ayaw mo sabihin, di wag. Pero you can't force me not to see Brent again." Determinadong pahayag ni Raine.
"Do whatever you want. Pero if in case I'd come face to face with that freak again, kahit madurog ang kamay ko, hindi ako magdadalawang isip na gamitin ulit ito sa kanya." Tumayo si Alex at tuluy-tuloy na lumabas ng bahay.
---
Alex was finishing her 3rd bottle of beer. Nakaupo siya sa gilid ng pool. She was like a hawk watching Raine dance with Brent. Ganun din naman si Brent sa kanya. Makailang ulit na silang nagkatitigan. Ayaw niyang malingat dahil alam niyang nag-aabang lang ng tiyempo ang lalaki para samantalahin ang kaibigan niyang sa bilang niya ay nakaka-apat na bote na ng beer.
She saw them move away from the crowd papasok sa bahay. Maagap siya tumayo para sundan sila nang makabangga niya si Aubrey. Ang editor-in-chief ng school paper nila.
"Sorry." Hinging paumanhin nito.
"It's ok." Sinilip niya ang loob ng bahay and saw Brent guiding Raine to the stairs.
"I'm really sorry Alex." Pinupunansan ni Aubrey ng panyo ang ibabang bahagi ng shirt niya na natapunan ng cocktail na iniinom nito.
"I said it's ok!" Hinawi niya ang kamay nito.
Napatanga ang babae sa ginawa niya. Napansin niya ang paglamlam ng mga mata nito.
"Aubs I'm sorry. I'll talk to you later. I just have something important to do." Nataranta si Alex nang hindi na makita si Raine. Nagmamadali siyang pumasok sa bahay at umakyat sa 2nd floor.
Malaki ang bahay nila Brent. May limang kwarto sa taas. Alex open the first door to her right. Nakapatay ang ilaw nun. She was about to close the door when someone grabbed her wrist and forcefully pulled her inside the room.
Pabalibag na isinara nito ang pinto at isinandal siya sa likod nito. Narinig niya ang pag-click ng door lock.
"What took you so long sweetie?" She can feel his warm breath on her neck. "Hmmm... You smell good." The tip of his nose brushed through her shoulders up to her neck.
"Let go of me Brent! Nasan si Raine?" Nagtatangis ang bagang si Alex.
"I have no idea. Iniwan ko siya sa baba kanina. She needs to go to the ladies room daw. I don't really care about her. I was really eyeing on you." Hinapit ni Brent ang beywang niya at idiniin ang katawan nito sa kanya.
"You are so damn hot Alexandria! You excite every inch of my body. Gaya ngayon." She had a glimpse of his devilish grin when the light from the outside caught his face.
"f**k you Brent! Bitiwan mo ko!" Nagpumiglas siya.
"Oh yeah. We'll do that later. Alam ko namang kanina mo pa gusto yun. I can tell by the way you looked at me kanina. I bet you were jealous na si Raine ang niyaya kong ka-date. Napaka-stiff mo kasi. I knew I could easily make Raine say yes and that she would bring you along. Your friend was easy to get" Ngumisi ito bago hinalikan ang leeg niya.
Nagpanting ang tenga ni Alex sa narinig. Buong lakas niyang itinulak si Brent at nagpakawala ng isang suntok which landed on his nose. Napangiwi siya sa lakas ng impact. She felt a splat of blood na tumalsik sa braso niya. She was just not sure if it was hers or Brent's dahil inubos niya ang lakas niya suntok na yun that her hand was numb.
Napaluhod si Brent with both his hands covering his nose. Alex took this opportunity para buksan ang pinto at dali-daling lumabas. Nagulat siya nang makita si Raine palinga-linga sa labas ng kwarto.
"Alex? What happened?" Nakatingin si Raine sa kamay niyang duguan. Pagkatapos ay tumingin ito sa loob ng kwarto at nanlaki ang mga mata nito nang maaninag si Brent. "Oh my God! What did you do?" Gulat na tanong nito.
Alex grabbed her hand at mabilis na hinatak ito. She can hear Brent cursing habang pababa sila ng hagdan.