Nakatitig si Alex sa tatlong magkakapatong na rectangular na microwave safe containers na iniwan sa ibabaw ng desk niya. May assorted fruits, rice and lemon chicken at chocolate chip cookies. There's a short note sa nakadikit na post it.
Enjoy! See you later?~Aubs
Nagulat siya ng biglang may tumapik sa likod niya.
"Kanino galing yan?" Tanong ni Raine.
She did not answer.
"Uy! May admirer siya." Tukso nito.
Hindi parin siya sumagot. Hindi kasi niya matanggap na nagmamatigas pa rin si Raine at patuloy pa rin na sumasama kay Brent.
"I guess you don't need this then." Ipinatong ni Raine ang isang paper bag ng McDo sa desk nito. Sigurado siyang burger at twister fries ang laman nun pero wala siyang balak na magpadaig sa tigas ng ulo ni Raine. Binuksan niya ang container na may lamang cookies at inamoy ang laman nun.
Narinig naman nila ang malalim ng buntong-hininga ng katabi.
"Alex naman. Galit ka pa rin ba sa akin? Sabihin mo na kasi kung bakit mo yun ginawa kay Brent para alam ko kung bakit ako iiwas?" Hinawakan ni Raine ang braso niya.
Bumaling siya sa katabi. "It wouldn't change a thing kung malaman mo. Hindi ba pwedeng sumunod ka na lang sa akin kasi I'm just concerned sa kapakanan mo?"
"Do you really like Brent?" Tanong ni Raine sa kanya.
"What the f**k? San galing yun?" Iritableng sagot niya.
"Sinabi sa akin na Brent that you confessed to him kaya ko kayo nakita dun sa kwarto and that he rejected you kaya mo siya sinapak. Is that true?"
"That asshole!" Nagkuyom ang kamao niya.
"Just answer the question, Alex. Do you like him?"
Alex gave Raine a disgusted look. "Alam mo Raine, if you don't know the answer to that, then you don't know me well." Tumayo si Alex at naglakad palabas ng room.
"Alex wait!" Hahabulin sana siya ni Raine pero napatigil ito nang makita si Aubrey na nakatayo sa pinto.
"Hi!" Bati ni Aubrey kay Alex. "Are you free?"
Hindi makapagdesisyon si Alex. Nagtatalo ang isip niya kung gusto ba niyang sumama ulit kay Aubrey. May hangover pa kasi siya sa culture shock na inabot nung huli siyang sumama dito pero sa huli ay nanaig pa rin ang kagustuhan niyang iwasan ang pakikipagtalo kay Raine.
Bago tuluyang umalis ay nilingon pa niya si Raine. Bakas sa mukha nito ang lungkot.
---
"Let's go." Binuksan ni Aubrey ang pinto ng coffee shop.
Inikot ni Alex ang paningin sa buong paligid. Napaka-cozy ng lugar. Dim ang ilaw at katamtamang lakas ng classical music ang maririnig.
"Hey Aubs! New FRIEND?" Tanong babaeng nasa likod ng counter. May diin ang pagkakasabi nito sa huling salita.
Makabuluhang ngiti lang ang sinagot ni Aubrey sa kanya pagkatapos ay naglakad ito papunta sa sulok ng shop kung saan ay bakanteng upuan.
Sinundan siya ni Alex na palinga-linga pa rin sa paligid. What is this place? Tanong niya sa isip.
"This is where people like us love to hang out." Parang narinig ni Aubrey ang tanong niya.
Kumunot ang noo ni Alex. Like us? Tanong niya ulit sa isip.
Umupo si Aubrey sa solo couch. Umupo naman siya sa couch sa harap nito.
"Us." Maiksing sambit ni Aubrey sabay turo sa isang pares na magkatabing nakaupo sa kabilang dulo.
Namukhaan ni Alex ang mga ito. Si Serah ang team captain ng volleyball varsity team nila at si Maika, ang team setter. Nakayakap si Serah kay Maika habang mahimbing na natutulog ito sa dibdib niya. Hinawi nito ang buhok na tumabing sa mukha ng kayakap dahilan para magising ito. Tumingala ito sa kanya at marahang nagdikit ang kanilang mga labi. It was not just a smack, it stayed like that for a few seconds bago tuluyang mauwi iyon sa isang mahabang passionate kiss.
"Don't stare." Nagulat si Alex nang tapikin siya niya Aubrey sa braso. Napaayos siya ng upo. Pero hindi pa rin niya maiwasan na lingunin ng split second ang dalawa na tuloy pa rin sa kanilang kissing spree.
Tumingin siya kay Aubrey. Confused and amazed expression on her face. Muli niyang inikot ang tingin sa paligid. Bakit nga ba di niya napansin na walang lalaki sa loob. Lahat ng nakita niyang magkakasama at puro babae. Some were holding hands. Some were more subtle na ok na sa titigan and then there are some na all out. Like Serah and Maika.
Hinawakan ni Aubrey ang kamay niya. "Alex, this is us."
"What do you mean?" Parang naiintindihan niya ang sinasabi ni Aubrey na parang hindi.
"I'll help you realize." Pinisil ni Aubrey ang kamay niya.