6 Testing the Waters

824 Words
"I'm sorry Aubs, I need to go." Kumawala si Alex mula sa pagkakayakap ni Aubrey, nagmamadaling inabot ang back pack niya at tinungo ang pinto ng cafe. Narinig niya ang pagbuntong-hininga nito.  "Come on, Alex. You can't baby sit Raine for the rest of your life!" Medyo tumaas ang boses nito.  Napahinto si Alex sa paglalakad. Lumingon siya kay Aubrey. "What?!" Medyo iritableng tanong niya. "Can't you see na sinasamantala ka niya? Pagkatapos ka niyang iwasan dahil kay Brent, ikaw pa rin ang lalapitan niya ngayon kapag may kailangan siya. For sure, Brent dumped her kaya bumabalik na naman siya sa iyo. You deserve to be happy too and she can't give that to you. She just keeps dragging you sa mga misfortunes niya."  "Who says she can't make me happy?" Sagot niya kay Aubrey. She walked away leaving Aubrey dumbfounded and teary-eyed habang sinundan naman siya ng tingin ng mga tao sa coffee shop.  Nagmamadaling tinungo ni Alex ang Nurse's station pagdating niya sa ospital na nakalagay sa text message na natanggap niya mula sa isang unknown number. Nag-aalala siya. Hindi sinabi ng nag-text kung bakit nasa ospital si Raine pero may kutob siya na may nangyaring masama dito dahil sa mga missed calls nito sa kanya at sa isang text message nito. Hindi rin niya matawagan ang number ng kaibigan. Sumilip siya sa kwarto na itinuro ng nurse sa kanya. Nakita niya si Raine na nakahiga sa kama. Napakuyom ang kamay niya. It's all my fault. Nasabi niya sa sarili. Hindi niya dapat inignore ang mga tawag Raine. --- Lumipat si Aubrey sa couch kung saan nakaupo si Alex. Medyo malaki ang couch so kasya ang dalawang slim na babaeng magsiksikan.  "Hey. What are you doing?" Takang tanong ni Alex.  "Making you realize things." Sagot ni Aubrey.  Naramdaman ni Alex na nag-vibrate ang phone niya. She took it out from her pocket. Nakita niya ang pangalan at larawan ni Raine na nag-appear sa screen. Huminga siya ng malalim. She swiped it left to cancel the call. Wala pang sampung segundo ay nag-vibrate ulit ito. Si Raine ulit. She was tempted to answer the call pero naalala niya ang huling argument nila. She cancelled the call again.  "You can turn that off kung ayaw mong tanggapin ang call niya." Suggestion ni Aubrey na halatang naiirita na sa interruption.  "I can't. I'm waiting for Ms Aquino's call. Di ba we need to work on the articles for the school paper?" Pinaalala niya ang assignments nila na due na next week.  Aubrey raised her hand in defeat. "Fine. Sige. E di ilagay na lang natin siya dito no?" Kinuha niya ang phone ni Alex at inilapag yun sa mesa. Bumaling ulit siya kay Alex. She smiled bago niya inabot ang kamay niyo. She kissed the back of Alex's hand. Nagulat si Alex sa ginawa niya pero that did not stop her from continuing to flirt with Alex.  She moved closer to Alex and snaked her arms around her. Nanlaki ang mata ni Alex.  "Aubs, stop." Sita nito sabay lingon sa paligid. Medyo nailang ito dahil sa mga matang nakatingin sa kanila.  "Nahihiya ka ba?' Mapang-asar na tanong ni Aubrey habang nilalaro niya ang tenga ni Alex. Nag-eenjoy siya dahil nakikita niyang nag-blush ang huli. Hindi ito ang unang beses na nag-attempt si Aubrey na landiin si Alex. Actually, palagi niya itong sinusubok kapag nasa Your Editor's nook sila, the place where the members of the Journalism Club work on their articles for the school paper. Sadya lang talagang mailap si Alex, she would always move away from her. Ngayon lang siya naging ganito kalapit sa dalaga kaya sinasamantala niya.  Tumunog ulit ang phone ni Alex habang nag-vibrate ito sa ibabaw ng mesa. Nag-appear ulit ang picture at name ni Raine sa screen nito.  "Uh! She just wouldn't stop no?" She cancelled the call herself. Tumingin ulit siya kay Alex. Walang emotion ang mukha nito at parang may malalim na iniisip. She kissed her on the cheek na ikinagulat nito.  "Aubs, I don't think we should be doing this. Here." Umusog ng bahagya si Alex pero determinado si Aubrey. Si moved closer. Niyakap niya si Alex at tiningala ito.  "I like you, Alex. I really do. Can't you just give us a chance?" Sinserong tanong niya. Hindi makasagot si Alex. Nakatingin lang siya kay Aubrey. Nagtatalo ang isip niya. May something kay Aubrey na she's drawn into pero mas malakas ang sigaw ng isip niya na hindi tamang magkalapit silang dalawa. Unti-unting lumalapit ang mukha ni Aubrey sa kanya. She was so close she could feel her breath. Hndi siya makahinga. Para siyang nasu-suffocate. Alam niya na Aubrey is going to kiss her pero hindi pa siya ready para dito. She needs to get out of this situation before it gets out of hand.  Muling nag-vibrate and phone niya. Pero this time hindi na ito call kung hindi text message. Mabilis niyang inabot ang phone niya. She could feel na frustrated na si Aubrey dahil sa higpit ng yakap nito sa kanya.  She unlocked her phone and read the message.  "Alex help!!!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD