bc

(Filipino) Love Conquers All

book_age12+
201
FOLLOW
1K
READ
possessive
second chance
goodgirl
sweet
bxg
city
childhood crush
friendship
slice of life
love at the first sight
like
intro-logo
Blurb

Sure, Janine and Louie have a lifetime ahead but how can they spend it together if her beloved is on the other side of the world?

chap-preview
Free preview
Prologue
“HUWAG mo namang gawin sa akin ito. Ang sakit-sakit na kasi.” Nanlalabo na ang mga mata dahil sa pamumuo ng luha ng dalagang si Janine habang paulit-ulit na idina-dial ang numero ng boyfriend niyang si Louie. Hindi pa rin nito sinasagot ang kanyang tawag kahit kanina pa niya sinsubukang. She knew her boyfriend, he was not that type of person who ignored her. Bigla naman niyang naalala ang isiniwalat ng kanyang kaibigang si Chanel noong nakaraan. Ayaw niyang pagdudahan ang lalaki pero sa nalaman ay hindi niya maiwasang mapaisip lalo na’t ngayon, hindi uto sumasagot sa mga tawag niya. “Hindi sa nakikialam ako o naninira ng relasyon, pero kasi, lagi mong sinasabi na pakiramdam mo, wala siyang time sa iyo...” Bumuntonghininga muna si Chanel bago nagpatuloy, “...iyong asawa ng pinsan ko, nakatira rin sa Sunrise Village.” Iyon ang village kung saan nakatira ang boyfriend niya. Tila nahihirapan din sa paghayag ang kaibigan niya patungkol sa nais sabihin. Pakiramdam niya ay dinamba ng kung anong mabigat na bagay ang kanyang dibdib sa narinig. Gusto niyang patigilin ang kaibigan ngunit gusto niya ring malaman ang sasabihin nito. Tumahimik siya upang mapakinggan pa ang mga kasunod na pangungusap. “Ano, m-may babaeng kasama raw. Hindi ko alam kung totoo o tsismis, nasabi lang sa akin. But since it concerns you, I can’t help but tell you this. I tried looking for some proof but I didn’t manage to. Hindi naman din kasi ako naniniwalang kaya niyang gawin sa iyo ‘yon.” At saka mariin siyang tiningnan ng kabigan, nag-aalala sa kung anong magiging reaksyon niya. “I mean, huwag mo nang alalahanin iyon! Tsismis lang naman. Saka, bakit ko ba kasi sinabi?” kastigo ni Chanel sa sarili. “Hindi, Chan, thankful akong sinabi mo. Alam kong nag-aalala ka kaya kahit nagdadalawang-isip ka, mas pinili mo pa ring ipaalam sa akin,” she assured her, but her friend knew she wasn’t okay. Her head was making some stories she did not want to entertain. Hindi ito mapakali nang mapansin ang reaksiyon niyang nasaktan sa nalaman, kasehodang tsismis o hindi. “Uuwi na ako, pagod na ako, e,” paalam niya bigla. Magkaklase sila ng kaibigan at kasalukuyang nasa kiosk para magpalipas ng oras. Maaga kasi silang d-in-ismiss nang araw na iyon kaya may oras pa sila para mag-snacks at magkwentuhan sana. “O, bakit ang seryoso ninyong dalawa?” pansin ng isa pa nilang kaibigang si Elise na galing sa restroom. Napakagat-labi si Chanel habang tinitingnan siya. Nakokonsensiya na ‘ata ito na sinabi nito ang mga bagay na iyon sa kanya kahit walang pruweba. “It’s really okay,” ulit niya. Besides, she trusted her boyfriend more than she trusted herself. “Then, why the tears?” Doon siya natigilan. Hindi siya iyaking-tao, kahit manood siya ng mga malulungkot na palabas ay hindi siya umiiyak. Hindi rin siya umiyak noong namatayan siya ng paboritong alagang isda kaya imposible ang sinasabi ng kaibigan niyang umiiyak siya. Just because of some baseless rumor? She did not think so. Agad na lumipat sa tabi niya si Elise at inabutan siya ng ilang piraso ng tissue paper. “Tara sa amin?” yaya nito. Napakurap-kurap siya dahil nanlabo ang kanyang mga mata. Tama nga ang mga kaibigan, dahil kasabay ng pagpikit ng kanyang mga mata ay tumulo na ang luha. KAGAYA na lamang ngayong hindi niya ma-contact ang kanyang boyfriend ay hindi iyaa maiwasang manubig ang kanyang mga mata. Sa pag-alala sa sinabi ng kaibigan noong nakaraan ay nasaktan siya sa isipan na paano kung totoo pala ang lahat ng iyon? Pero hindi! Hindi siya magagawang lokohin ni Louie. Palikero ito noon pero nagbago na mula nang makilala siya. Nasaksihan niya iyon. She dialled his number again. “Please, sumagot ka,” she desperately whispered as she looked on the screen of her cellphone. Subali’t halos magdamag niyang paulit-ulit na tinawagan ang lalaki at hindi ito sumagot. She knew about his reputation as a casanova when he started courting her. Umiling siya’t napakagat-labi upang pilit na mapigilan ang pagtulo ng kanyang luha. Wala naman kasing basehan kung iiyak siya ngayon. Baka natutulog na pala ito o kaya nama’y abala lamang sa kung ano. Pero bakit hindi ito nagpaalam? Maiintindihan naman niya. Kinabukasan ay namumugto ang mga mata niya nang gumising siya. Hindi dahil sa pag-iyak kundi dahil sa kakulangan ng tulog. Desidido na siyang puntahan ang bahay ng boyfriend niya lalo pa at wala namang pasok dahil Linggo, mas mahaba ang oras na makakasama niya ito. Bago gumayak ay sinigurado niya munang natapos na niya ang mga gawaing-bahay para pag-uwi niya mamaya ay hindi siya masermon na puro lakwatsa ang kanyang inaatupag. Kasama kasi nilang nakatira ang kanyang mga tita, lolo’t lola sa kanilang bahay. Para hindi maging pabigat sa sariling tahanan ay lumaki siyang sanay sa mga gawaing-bahay. Na ultimo pagkuha ng tubig para sa kanyang tita ay nakasanayan na niya, ang pag-utos-utos ng kanyang pinsan, lalo na ang paglalaba sa mga damit nilang lahat. Matapos mag-ayos ay tumulak na siya papuntang Sunrise Village. Hindi na siya hinarang ng mga guwardiya dahil kaagad siyang nakilala ng mga ito. May access card din siya sa pagpasok doon na bigay ni Louie kung sakaling hanapin ng gwardya iyon. “Good afternoon!” bati niya sa mga ito. “Good afternoon, Ma’am! Magpapahatid po ba kayo sa shuttle?” tanong ng gwardya. Magalang siyang umiling. Hindi naman mainit at saka malapit lang naman ang lalakarin niya upang makarating sa bahay ni Louie. Matagal nang bumukod ang kanyang boyfriend, simula pa noong makabili ito ng sariling bahay tatlong taon na ang nakaraan. Dumaan muna siya sa Clubhouse Café para bumili ng dessert, panigurado kasing mag-aahin ito ng meryenda pagdating niya roon kaya carrot cake na lang ang binili niya. Pagdating niya sa tapat ng bahay nito ay nagtaka siya dahil nakabukas ang gate. Nagkibit-balikat siya at nasasabik nnng pumasok sa loob ng bahay. Nakita niyang nakakunot ang noo nito na para bang may kinaiinisan nang bumaling sa kanya. At halos manginig ang kalamnan niya dahil naabutan niyang naka-boxer shorts lang ito at mukhang kagigising lang. Nagulat ito nang magtama ang kanilang mga mata. Unti-unting bumaba ang mga titig niya sa kamay nito... na nakahawak sa palapulsuhan ng isang magandang babae na sa tingin niya ay halos lumuwa na ang kaluluwa sa suot nitong maiksing spaghetti-strapped dress na hanggang itaas ng tuhod ang haba. Milyong mga karayom ang pakiramdam niyang tumusok sa kanyang puso dulot ng kanyang nasaksihan. Wala sa hinagap na maaabutan niya sa ganoong sitwasyon ang lalaki. Subali’t imbis na magwala ay kinalma niya ang sarili. Ang madiin na pagkakahawak niya sa hawakan ng kahon ng cake ay halos mapunit na ang parteng iyon ng lalagyan. Binitiwan niya iyon at inilapag sa ibabaw ng mesitang nasa sala kung saan malapit siya. “’Nine…” anas nito. “Aalis na ako,” malamig ang tinig na bulalas niya nang hindi inaalis ang walang emosyong mga titig sa puno ng takot na mga mata ng lalaki.  

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
97.6K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
74.6K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.0K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
159.6K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.9K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook