LOVE conquers all, especially fears.
A seventeen-year old cheerful girl strongly believed in this saying. Kaya naman, kahit natatakot siyang malaman ng istrikto niyang pamilya na may manliligaw siya ay pilit niyang nilabanan ang takot na iyon dahil gusto na niyang sagutin ang lalaki.
He was different from the other guys she met. He was older than her, more matured, and not to mention, he had the appeal. The latter had been courting her for months now which made her believe he had changed.
She could still remember the very first interaction they had:
Foundation week ng school na pinapasukan niya noon, at may pakulo ang kanilang paaralan.
A school carnival.
The admission was free for students and their guardians, too, and faculty, but not with the outsiders.
“Boss, may susunduin lang ako sa loob, hindi naman ako sasakay sa mga rides.”
Narinig niyang may nakikiusap na lalaki sa gwardya ng paaralan.
“Hindi pwede, Sir. Kailangang may ticket po muna kayo. Mabibili iyon doon,” anang guwardiya at itinuro ang ticketing booth malapit sa entrance.
“Boss naman.” Napakamot ng ulo ang lalaki. “Wala akong pera, e.”
She scowled as she heard him say that. Ito? Walang pera? It seemed impossible. Well, he’s only wearing casual or the usual clothes—jeans, white t-shirt, and white sneakers—and he didn’t really look like he didn’t have money.
Unti-unting lumapit siya para pasimpleng makinig sa usapan ng mga ito.
“Baka mamaya modus ka, a. Mapahamak pa ang mga estudyante rito.” Siya yata ang na-offend sa sinabi ng gwardya rito. “Bakit hindi ka na lang kasi bumili ng ticket?” ang guwardiya ulit.
Napakamot lang ng ulo ang lalaki.
Lumingon ito malapit sa kanya at natitigan niya ito nang maigi. This guy wasn’t good looking at first glance, but he had an appeal wherein she’d just want to stare at him, and would eventually appreciate his visuals. Mapupungay ang mga mata, may katangusan ang ilong, may kakapalan ang labi nitong mamula-mula, at ang panga nito na animo’y hinulma ng isang magaling na manlililok. His jet black side-parted hair made him look more appealing, too. She couldn’t help but adore him.
Her heart thumped when their eyes met. Tila tumigil ang mundo ng mga sandaling iyon, bagay na hindi niya pa naranasan noon sa tuwing tumitingin sa mga estranghero.
Suminghap siya nang ngumiti ito sa kanya. Wala sa sariling iniwas ang mga mata at napatitig sa katawan nito. Sa matipuno nitong dibdib, sa maskuladong mga braso... Mahahalata talaga na mas matanda ito kaysa sa kanya. May be a college student, or a working guy already.
“Uh, Manong, guardian ko po si Kuya,” sabad niya sa usapan.
Mukha namang paniwalang-paniwala ang guwardiya. From the looks of it, the guy didn’t look a high school student.
“Ah, ganoon ba, Hija?” Pagkuwa’y lumingon ito sa lalaki. “Pasensya ka na, hindi mo naman kasi kaagad sinabi.”
“Naiintindihan ko.”
Tinatakan din ang palapulsuhan nito matapos siyang tatakan gamit ang stamp at nakapasok na nang tuluyan.
“Maraming salamat!” Iyon lang ang binanggit nito at patakbong lumayo na sa kanya.
Iyon na iyon? Parang hangin lang na dumaan?
Bakit? Ano ba ang ine-expect mo? Bulong niya sa sarili.
She just pouted and went to watch the Campus pageant. Paniguradong late nang matatapos ang pre-coronation night. At dahil istrikto ang pamilya niya ay sigurado rin siyang hindi na niya matatapos ang pageant. Kahit grade twelve na siya at huling taon na niya sa high school, mukhang hindi pa rin niya ma-e-enjoy ang events na gaya niyon.
Hindi siya nagkamali dahil wala pang isang oras nang tumawag ang kanyang kuya.
“Ja, susunduin na kita,” bungad nito nang sagutin niya ang tawag.
“Can’t I just finish the show? It’s just six fifty-five. Kauumpisa pa lang halos. “
“Bakit mo pa tatapusin, candidate ka ba?” pambabara ng kuya niya.
“Sige na naman, Erik.”
“I told you to call me ‘kuya’, Janine.”
She groaned to protest. Nasanay na kasi siyang tawagin ito sa pangalan nito noon pa man.
“Malapit na ako sa entrance ng Gate One. Let’s just meet there so I won’t have to go inside and look for you. Waste of time,” he idly told her.
Nagmamaktol na umalis siya sa Function Hall para abangan ang kanyang sundo. Ni hindi man lang niya nakasama ng matagal ang mga kaklase. At hindi na siya pinigilan ng mga ito dahil sanay namang lagi siyang kaagad na sinusundo.
Nag-aabang siya malapit sa ticket booth nang dumating ang kanyang kuya, he’s driving their Ford Expedition, which was his favorite car.
“O, bakit nakasimangot ang baby girl ko?” Erik teased her and patted her head.
Masungit na tinanggal niya ang kamay nito. Nahagip ng kanyang mga mata ang estrangherong tinulungan niyang makapasok kanina.
Nakakunot ang noo nitong nakatingin sa kanya; sa kanilang dalawa ni Erik. Nag-iwas din ito ng tingin ngunit halata pa rin ang pagdidikit ng mga kilay nito.
Bakit?
Imbis na isipin pa iyon ang bumaling siya sa kuya niya.
“Sige na naman, o,” pakiusap niya kay Erik. Tungkol pa rin iyon sa panonood ng pageant show.
“No, Janine, uuwi na tayo.”
“Please, Kuya?” she readied herself for her pleading eyes. Kadalasan noong bata sila ay nadadaan niya ito sa ganoong pagpapa-cute. Pero parang malabo na ngayon.
“Still no,” matigas na desisyon nito bago pa man siya makapag-paawa effect. Tumalikod na ito, tanda na kailangan niyang sumunod.
“Aeiou is there!” bulalas niya. Saglit itong natigilan. Aeiou, pronounced as ’Ayu’ was her brother’s current fling.
“Let’s go,” wika ng kanyang kuya.
Laglag ang balikat na sumunod siya rito.
Ngunit nang mapansing papunta ito sa entrance ay halos nagtatalon siya. Masaya siya dahil makakanood pa siya ng pageant.
“Thank you, Erik! Hindi kita isusumbong kay mama na nambabae ka lang at hindi mo naman talaga ako sinundo. Ay lab yu!” tuloy-tuloy niyang litanya habang pinipisil ang braso ng kanyang kuya. Natigilan siya nang mapansing nandoon pa rin ang lalaking tinulungan niyang makapasok kanina. Hindi na masama ang tingin nito sa kanya! O, baka naman kasi assuming lang siya kanina na sa kanya ito nakatingin?
“Guardian niya po ako, Manong,” narinig niyang sambit ng kanyang kuya pagkalapit sa gate.
The security guard looked at her critically.
“Ikaw na naman? Hindi ba at kapapasok niyo lang ng kuya mo kanina?”
Nanlaki ang kanyang mga mata. Patay! Mukhang wala siyang lusot. Naalala siya ng guwardiya. Hindi niya ito masisisi, wala pa yatang isang oras noong pumasok siya.
“Naku, baka nagkakamali ho kayo. Heto po ang Kuya Erik ko,” palusot niya.
Pumalatak naman ang gwardya.
“Hindi pa ako ulyanin para makalimutan ang mga kapapasok lang dito. Ang mga kabataan nga naman ngayon, oo.”
Naniningkit ang mga matang tiningnan siya ng kanyang kuya.
“Princess Janine,” his low baritone.
She already knew what to do. Hindi man siya sesermunan ng kanyang kuya ngayon, malamang mamaya, kapag silang dalawa na lamang.
“Sorry po, Manong,” maliit ang tinig na hinging-paumanhin niya.
“Huwag mo nang uulitin iyon, hija. O, ayan pa nga iyong pinakilala mong kuya mo,” turo nito sa likuran niya. “Baka mamaya, boyfriend mo.”
Mabilis pa sa alas quatro na lumingon siya kung saan bumaling si Manong. Pero wala naman ang lalaki roon.
“Umuwi na tayo,” madilim ang tinig ng kanyang kuya. Alam niyang seryoso na ito ngayon at hindi na niya maipipilit ang gustong mag-stay roon.
Tumango siya at bahagyang napayuko nang sumunod siya rito.
Hindi nga siya nagkamali, pagkasay pa lang nila sa sasakyan ay kinastigo na siya nito. Tumahimik na lang siya dahil alam naman niyang may mali siya.
“Paano kung masamang tao pala iyon? Kung napahamak ka?”
Ngumuso siya. “Hindi naman…” katwiran niya. “Naawa lang ako kaya tinulungan ko ang makapasok.”
He started the car engine. “Siguraduhin mo lang na hindi mo boyfriend iyon, kung hindi, malilintikan iyon sa ‘kin.”
Ayaw man niya ay bahagya siyang natawa. Paanong malilintikan ng kuya niya iyon, e, patpatin ito? Malayong-malayo sa mukhang well-toned maskels ng lalaki kanina.
“I’m serious!” singhal nito.
Hanggang sa magmaneho na ito ay bahagya pa rin siyang natatawa.
“Hindi ako nakikipagbiruan,” angil nito nang hindi inaalis ang tingin sa kalsada.
Tumigil siya sa pagtawa saka nilinaw rito kung ano ang nangyari kanina.
HALOS tatlong linggo matapos ng tagpong iyon ay napansin ni Janine ang pamilyar na bulto ng estranghero na nasa labas ng paaralan. Naka-motorsiklo ito at tila may hinihintay. Nang napansin nito ang paninitig niya ay nag-iwas siya ng paningin.
Ilang beses niyang napapansin ang ganoong tagpo—kung saan nasa tapat na building ng eskuwelahan, sa kung saan banda nakapuwesto ang aircon ng isang opisina sa gusaling iyon. Minsan ay nakaupo ito sa motorsiklo, o di kaya'y nakatayo malapit doon.
They would always look at each other, like there was a staring contest between them. At siya ang palaging natatalo dahil siya ang kaagad na nag-iiwas ng tingin. May kung ano kasi sa mga titig nito na hindi niya mapangalanan.
Isang Biyernes ng hapon, maaga silang d-in-ismiss dahil may meeting ang faculty. Palabas pa lamang siya ng gate ay hinanap na ng kanyang mga mata ang lalaki kung saan ito laging nakapuwesto, subali’t wala ito roon.
Habang naglalakad patungong Bookstore ay may nakasalubong siyang pamilyar na motorsiklo. Ang bulto ng sakay niyon ay pamilyar na sa kanya. Saglit na nagtama ang kanilang mga mata habang bumagal ito sa pagmamaneho dahil lumiko.
Siya iyon!
She stopped walking to glance back at the building where he always stayed but he didn’t park there. Mukhang lumiko ito sa likuan at napadaan lang doon.
Sumunod na linggo, ganoon pa rin ang kanilang tagpo. She could not help but notice him; discreetly adore him.
She never thought that he would ever approach her until that one gloomy afternoon, it was about to rain and she didn’t bring any umbrella at all. Kahit kapote ay wala siyang dala.
Hindi nga siya nagkamali, kalalabas pa lang niya sa eskuwelahan ay bumuhos na ang malakas at mga malalaking patak na ulan. Mabilis na tumakbo siya sa silong sa katapat na gusali, hindi na alintana kung sino ang nandoon.
Her heart thumped when her cold skin accidentally brushed against the person beside her.
Bahagya siyang yumuko para humingi ng tawad dito.
“It’s alright,” his voice was hoarse.
Nag-angat ng tingin. It was really him standing beside her; slightly crouching to look at her. Ang motorsiklo nito ay bahagya nang nababasa ng ulan.
He smiled and his almost perfect set of white teeth were shown. Ang cool pala nitong tingnan kapag nakangiti. Mas lumalakas ang dating.
Ang pagganti niya sana ng ngiti ay napawi. Naalala niya kasi ang kanyang hitsura, mukha siyang basang-sisiw at kung ngingiti pa siya ay makikita nito ang bahagyang nakaangat niyang mga ngipin sa harapan. She’d look like a messy bunny if she smiled! Even if how many times she empowered herself about her looks; that she accepted everything about herself, there were times where she’s becoming insecure about her physical appearance.
Nag-iwas siya ng tingin. Magpapa-braces na ako!
Nagulat siya nang ipinatong nito ang suot na leather jacket sa kanyang basang likuran.
“Wear that, your blouse is so thin.”
Maang na napatingin siya rito. Nakatingin ito sa katawan niya at nag-iwas din kaagad ng tingin.
“Salamat,” she responded. “Giniginaw na nga ako kasi manipis ang tela ng unifom ko.”
Nakita niya ang pagtaas-baba ang Adam’s apple nito nang lumunok ito.
“Ang lakas ng ulan,” lakas-loob niyang sinimulan ang pag-uusap. “Lowbat pa naman ako, baka hindi ako sunduin ni Erik kasi abala iyon sa pambababae,” she joked and chuckled a bit. “Ah, Erik is my brother,” dagdag niya at tumango lang ito nang bahagya.
“Why don’t you have an umbrella?” tanong naman nito.
“I don’t like bringing it. Feeling ko, mabigat kasi sa bag, eh,” katwiran niya.
Naiiling ito, medyo nakakunot ang noo pero halatang nagpipigil ngumiti.
“Kaya lang, baka mapagalitan ako. Alas sais dapat ay nasa bahay na ako. Pero mukhang hindi naman kaagad titila ang ulan,” nag-aalalang paliwanag niya.
“I have a raincoat,” anito at tumalikod ito saka lumapit sa motorsiklo. Ilang sandali pa ay may hawak na itong makapal na dilaw na kapote, maayos iyong nakatupi. “Use this.”
“Sure ka?”
Marahan itong tumango.
“Anong gagamitin mo?”
“I have a spare.”
“Oh, okay.”
She’s about to remove the black leather jacket and give it back to him when he stopped her.
“Manipis ang blouse mo,”
“Oo, pero may raincoat na.”
“Manipis ang blouse mo,” ulit nito sa mas madiin na pagbigkas.
Ngumuso siya habang sinusuot ang kapote, ang backpack niya’y hindi na mababasa. She could now go home safely.
“Thank you for this!”
Kumaway siya rito at pumara na ng tricycle.
Nang lulan na siya ng tricycle ay saka niya naalalang hindi niya alam kung paano isasauli ang mga gamit nito.
I’ll just return these tomorrow.
Tutal ay lagi naman niya itong nakikitang nakatambay roon sa may gusali. Nang makauwi ay dumiretso siyang kwarto, agad na tinanggal ang jacket. Hindi sinasadyang napatingin siya sa salamin, nagulantang siya sa nakita. Mukha nga siyang hindi marunong magsuklay sa itsura niya ngayon, para siyang bruha! At mas nagulantang siya nang mapatingin sa kanyang blouse. Sa kanipisan niyon ay nakabakat na ang suot niyang foamless b*a na may design na mga candies. But she’s not worried about that. Nag-aalala siyang baka nakita ng lalaki ang taba niyang bumakat sa kanyang blouse kanina. Baka naumay ito kaya tinakpan nito ang katawan niya gamit ang jacket nito.
Confident naman siya sa kutis niyang may kaputian at makinis. May katabaan si Janine kumpara sa mga babaeng kaedad niya. Nadadaya niya lang ang mala-siopao niyang pisngi dahil sa mahaba at itim niyang buhok. In short, majubis siya pero tanggap niya ang lahat ng mayroon siya. Maganda naman kasi talaga siya. Pero minsa’y hindi talaga mapigilang ma-insecure.
Mabuti at may ipanlalaban naman ang kagandahan niya, her eyebrows were perfectly shaped. Kilay-goals, ‘ika nga. Sapat lamang ang katangusan ng kanyang ilong; ang labi niya’y malambot at mamula-mula, hindi na nga niya kailangang mag-liptint gaya ng mga kaklase niya na kinukulayan ang labi ng kulay rosas na lipsticks o lip tints para magmukhang natural. Hindi makapal at hindi manipis ang labi niya, sakto lamang. Hindi nga lang siya confident sa ngipin niyang nakausli ang upper teeth niya na parang si Bugs Bunny.
What’s up, doc?
Napabusangot siya. Magpapa-braces na talaga siya para umayos na ng pagkakhanay ng mga ngipin niya.
Kaagad na nilabhan niya ang jacket nito para matuyo na’t maisauli. Subalit kinabukasan ay hindi niya nakita ang lalaki. Ganoon din nang sumunod na araw.
She somehow felt sad. She didn’t even ask for the stranger’s name, or phone number, just so she could return his jacket and raincoat.
Iyon lang ba talaga?