Chapter 2
TATLONG araw ang nakalipas, kahit pa nga hindi na siya umaasang makikita niya ang lalaki ay nagtatagal pa rin siya ng ilang minuto sa may gate ng eskwelahan, kung saan natatanaw niya ang kabilang gusali.
Aalis na sana siya nang mapansin niyang may nag-park na motor. She slowly stared at the one who’s driving.
“He’s here!” Her mood lightened.
Ngumiti siya at halos patakbong tumawid ng kalsada. Bago pa makalapit ay lumingon na ito sa kanya.
“Hey,” bati nito habang tinatanggal ang suot na helmet. Damn, so cool!
He was effortlessly appealing in that dishevelled hair of his.
“H-hi,” ganting-bati niya.
“How are you?”
“Ayos lang ako. Ikaw? Wala ka noong nakaraan, ah.”
“Hinanap mo ako?”
“No!” she denied. “I mean, y-yes. Pero dahil iyon sa mga gamit mo. Isasauli ko na kasi,” she answered defensively.
Maang itong napatingin sa kanya at unti-unting sumilay ang ngiti sa labi nito.
“Nasaan?”
Napakagat-labi siya. She didn’t bring any of those. Gusto niya lang kasing masilayan ito, nawala na sa kanyang isipan ang mga gamit nito.
“N-nakalimutan ko pala.”
He chuckled a bit. Parang musika sa kanyang pandinig ang paraan ng pagtawa nito. Could she listen more to his laughter as they converse?
“I’ll just get your number, then.”
“Huh?” takang-tanong niya.
“I want to get your phone number. Bayad mo sa jacket at sa kapote ko.” He playfully looked into her eyes.
Napakurap-kurap siya.
At dahil talaga namang hinahangaan niya ang lalaki simula pa noong mahagip nito ang kanyang mga paningin ay hindi na siya nagpaligoy-ligoy pa.
“Textmate tayo?”
Hindi niya alam kung saan siya kumuha ng lakas ng loob na sabihin iyon. Text mate? May ganoon pa ba ngayon?
Ngumisi ito. She knew the type. A playboy. She was certain about that. But there’s something about him that caught her attention. Something that made her young fragile heart fluttered inevitably.
Saglit na may kinuha siya sa kanyang bag, it’s a marker with fine thin tip.
She grabbed his hand and decided to write on his palm. Mukhang nakuha naman nito kaagad ang kanyang gagawin kaya hindi nito kinuyom ang palad.
She wrote her contact number accurately. Matapos iyon ay mabilis siyang tumalikod at pumara na ng tricycle. Hindi pa naman nakakalayo ay nakatanggap na siya ng mensahe.
Unknown number:
Take care.
Halos mabitiwan niya ang cellphone sa kagyat na pagdaan ng tricycle sa humps, idagdag pa ang pagpapakitang-gilas ng mga tambulero sa kanyang dibdib. She had been feeling so strange eversince she met him. It was odd but she knew it was him who texted her.
And now, she couldn’t calm her crazy heartbeats over a simple text message from that person she’s starting to like for real.
“Wala pa nganv ginagawa iyong tao…” bulong niya sa sarili.
KINABUKASAN ay inaasahan ni Janine na nandoon na naman sa kabilang gusali ang lalaki. Hindi siya nabigo nang masilayan niya ang motorsiklo nito. Wala sa sariling lumapit siya kahit wala naman siyang dahilan para lumapit.
Oh, wait, yes, she brought his raincoat.
“Hi,” bati niya.
“Hi, there!”
“S-sorry, hindi ako nakapag-reply kahapon, busy,” dahilan niya pero ang totoo ay hindi niya alam kung ano ang ire-reply rito.
“It’s alright. You can reply whenever you’re available.” Tipid itong ngumiti. “How did you know it was me?”
“Uh, just a hunch.”
“I see.”
“Mukhang may inaabangan ka lagi?”
“Wala naman.”
Nangunot ang kanyang noo. Bakit ito laging nandoon kung ganoon? Parang imposible na siya ang dahilan.
“Ah...” Imbis na magtanong pa ay napatango-tango na lamang siya.
“Siya nga pala, nakalimutan ko iyong jacket mo. Raincoat lang ang nadala ko kasi mabigat sa bag, e.”
Akmang kukunin niya iyon sa kanyang bag nang pigilan siya nito.
“Just keep that, para may gamitin ka ulit kapag umulan.”
“Hindi, okay lang ako,” tanggi niya.
Kumunot ang noo nito.
“Dala ko na ang payong ko. Actually, I bought a new one. Magaan lang. Tatlong tupi iyon kaya mas maliit ang space sa bag kaysa sa isang payong ko,” esplika niya.
“That’s good, then,” anas nito.
Saglit na katahimikan ang namayani sa pagitan nila. Lumingon siya sa motorsiklo ng lalaki. Ang gara ng motorsiklo nito, mukhang mamahalin. Naisip niyang kung makita ng kuya niya iyon ay baka magustuhan ang motor.
“Ite-text kita kung dala ko na iyong jacket mo bukas,” basag niya sa katahimikan.
“Alright.”
Napalingon siya sa mukha nito para basahin ang huli, pero tahimik lang ito. Ang tipid naman nitong kausap. At mukhang nakahalata na ito.
“What’s your name?” namamaos na tanong nito. Napahinto siya saglit. Oo nga naman, ilang beses na silang nagkaroon ng mga interaksyon pero hindi pa rin nila kilala ang isa’t isa.
“Princess Janine Vergara,” pakilala niya. Wait, that’s too long. “Just call me Janine.”
“Janine,” anas nito.
Pakiramdam niya ay may mga maliliit na mga daga na nagtakbuan sa kanyang dibdib. Bakit ganoon na naman ang nararamdaman niya?
“Hm,” tumango siya. “Ikaw?”
“Louie. Louie Torrejos.”
Bahagya siyang tumango. Hindi pa rin niya mapigilan ng pagkabog ng kanyang dibdib kaya naman ay nagdahilan na siya.
“B-baka hinihintay na ako sa amin. Mauuna na ‘ko,” paalam niya.
Tumango ito. “Ingat ka.”
Pagkauwi niya ay ginawa niya muna ang lahat ng kailangang gawin. Matapos maghugas ng pinagkainan ay naghilamos na siya, at tinapos na ang kanyang mga homework. Weekend naman pero tinapos na niya ang mga iyon para bukas, pagkatapos nilang maglaba ng mama niya ay makapagpahinga siya nang maayos.
Lagpas alas nueve na nang mahiga na siya sa kama. Pero hindi siya makatulog kaya naman napagpasyahan niyang cellphone muna. Her phone wasn’t the latest model, hindi rin siya nakagagamit ng internet dahil de-pindot—dahilan para masabi niya ang text mate kay Louie imbis na makipag-chat. Hindi siya binibilhan ng bago dahil calls and texts lang naman daw ang kailangan niya. About the Internet, she could always browse on their computer. Or that’s what her Tita Sheng was always saying whenever she tried to ask for a new phone; a smartphone.
Pagkuwa’y may naisip siya. Ite-text niya ang lalaki. Mabilis na tumipa siya ng message:
Hi, Louie.
Pikit-mata niyang s-in-end iyon.
Ilang sandali lang ay nakatanggap siya ng reply:
Good evening, Janine! Have you eaten your dinner?
“Omg! Ang bilis niyang mag-reply!”
She typed in:
Yup! Kanina pa. Ikaw ba?
Louie:
Yes. I ate dinner with my family. Buti gising ka pa? It’s getting late.
Napabusangot siya. Ayaw ba siya nitong ka-text? Ang tagal niyang nakatitig sa screen, hindi alam ang ire-reply.
Louie:
I’m just concerned that you’re tired from school works. We can exchange text messages tomorrow, so you can have a good rest now.
Ah, iyon naman pala ang ibig nitong sabihin. Kinuha niya ang unan at niyakap habang tumitipa:
Medyo pagod na nga. I was about to sleep but I remember to text you. Nasabi ko kasi kanina na ite-text kita kung dala ko ang jacket mo bukas pero wala namang pasok.|
Hindi niya iyon pinasa at binura ang mensahe. She typed in a new one:
Oo sige. I will text you tomorrow. Good night! :’)
Louie:
Good night. Huwag ka nang mag-reply para makapagpahinga ka na.
She turned off her phone before she could even text back. Baka kasi hindi siya tuluyang makatulog at gustuhing makipag-text na lamang sa lalaki.
She kept on thinking of him until she fell asleep with a light smile on her face.