Chapter 15

1647 Words
TINANONG ni Janine si Louie kung bakit na may katagalan ang paglalakad ng mga papeles na kakailanganin sa pag-abroad nito. Sinubukan kasi nitong mag-apply sa South, Korea dahil in demand daw ang trabahong papasukin nito roon. At kaya matagal daw ay may mga mas mauunang aalis kaysa rito. “Sigurado kang kakayanin mo ang trabaho roon? Mabigat ang trabaho ng isang factory worker,” tanong niya rito nang makauwi ito galing sa agency. “Kakayanin ko, hon. Para sa kinabukasan natin ito,” buo ang loob na sagot nito. “Eh, kung humingi ka na muna ng tulong sa mga magulang mo?” suhestisyon niya. “Tutal panganay ka naman.” Umiling ito. “Ipinagkatiwala na nila ang farm sa akin noon pero binigo ko sila. At isa pa, si Ion ang mamamalakad ng kumpanya kaya nahihiya rin akong humingi sa kanya.” Tinutukoy nito ang nakababatang kapatid. Matanda lang si Ion ng dalawang taon sa kanya at nakapagtapos ng kursong related sa Business. “Siya na rin ba ang namamalakad sa farm ngayon?” Umiling ito. “Nabenta ko na sa iba noong nalugi. Pero ang dinig ko ay maayos na ngayon at nakaahon na sa pagkalugi.” “Pero bakit hindi ka nga muna humingi ng tulong sa kapatid mo?” Umiling ito. Nalaman niyang bukod sa nahihiya ito ay napag-awayan pala nilang magkapatid ang pagbenta nito sa farm. “Baka naman kasi hindi talaga para sa iyo ang agricultural business kaya bumagsak iyon. Malay mo, sa opisina talaga ang trabaho mo?” “Nagtapos ako ng Agribusiness. Hindi lang talaga ako naging magaling sa pamamalakad ng farm.” Bumuntong-hininga ito. “Ano ba talaga kasi ang nangyari?” “Hanggang ngayon, ongoing ang imbestigasyon.” “Akala ko ba, ibinenta mo?” “Nalaman ng kapatid ko na may ginawang anomalya ang buyer para mabenta ko sa kanya ang farm.” “Oh!” She’s lost of words. Iyon na nga siguro ang dahilan nh pinag-awayan ng magkapatid. “Pero, okay na ba kayo ng kapatid mo?” dagdag niya. Tumango ito. “Hinayaan ko na si Ion ang tumingin sa lahat dahil nawalan na ako ng tiwala sa sarili kong kakayahan patungkol sa pagnenegosyo.” “Hon…” “Ang akala ko rati, makukumpleto na ang buhay ko kapag sinagot mo ako.” May kirot na nagdaan sa kanya. Ibig sabihin ba ay kulang pa rin ang pagmamahal niya para mapagaan ang pakiramdam nito? Nagpatuloy ito. “Pero hindi ko pala kayang hindi ka mabigyan ng magandang buhay, Janine. Kaya magsisikap ako kapag nakapag-abroad na ako para matustusan ko ang mga pangangailangan natin nang hindi na tayo mahihirapan pa.” Her heart melted. Wala pa siya sa parte na iyon ng buhay niya ngunit si Louie ay ganoon na kalayo ang nasa isip nito. “And if I fail, I promise I’ll crawl back so I could provide everything for you.” “I will help you.” “Yes… I’ll be needing you by my side but that’s impossible for the next two years.” He groaned. “Mabilis lang ang two years...” “I can’t hug you, I can’t kiss you.” “High-tech na ngayon—” He groaned to protest again. Parehas silang naging abala nang nagdaang mga linggo. Siya ay sa pagma-master’s habang ito nama’y sa paglakad ng mga papeles na kakailangin nito sa pag-alis. Then, they decided to go to Baguio with her friends on her twenty-third birthday. “Mama, sumama na po kayo sa amin sa Baguio,” yaya niya nang umuwi muna siyang Maynila para sa maagang selebrasyon ng kanyang kaarawan. Umiling ito. “Mapapagod lang ako kalalakad.” “O, sige, pumasyal na po muna kayo sa mga kumare ninyo kung ganoon.” Kinabukasan ay sabay-sabay na silang bumiyahe pa-probinsya. They’d spend the night in their apartment before travelling. “Walang magda-drive sa inyo,” untag ni Chanel na iisang maliit backpack lang ang bitbit. “We can just bring the hummer,” Jameson suggested. “Nope. Mapapagod kayo sa long drive. Let’s commute,” pinal na desisyon ng nag-iisang single sa kanila. “Hay, ‘naku, Chanel. Basta ba walang iiyak sa haba ng biyahe, ha?” tukso niya. Napangiwi naman ito. Nahihilo kasi ito at kadalasan ay nagsusuka kapag mahaba-haba ang biyahe. “Matutulog na ako,” si Elise na halatang kanina pa wala sa timpla ang mood nito. “Jameson, ano’ng nangyari?” baling niya sa kaibigan nang makapasok na sa kwarto si Elise. “Pinabawasan ko kasi ang mga gamit niya; ang sabi ko, hindi ko bibitbitin lahat ng iyon.” Nakauunawang tumango siya. “Sundan mo na, p’re,” abiso ni Louie rito at sinundan na nga si Jameson kay Elise. Naiwan silang tatlo nina Chanel sa sala. “Huwag n’yo na lang ako’ng pansinin. Isa lang ako’ng aparisyon,” segunda ni Chanel. Natawa na lang sila. Dahil nga sanay na ito sa pagte-third wheel at hindi na bago sa kanila kung panay na lamang ang pagsulpot nito o ang hindi nito pag-alis sa tuwing magkasama sila ni Louie. Ganoon din ito sa dalawa pa. “Humanap ka na kasi ng boyfriend mo,” biro ni Louie. “Saka na, kapag wala nang jowa ang Erik ko.” Napailing na lang siya. Naging biro na kasi nito ang paghanga sa kanyang kuya mula pa noon. Naalala pa niya noong nakatira pa sa kanila ang tita niya ay lagi nitong mina-matchmake ang dalawa, na sinasakyan naman ng kanyang kaibigan. “Sus! Wala ka nang chance doon, ‘oy! Mukhang enjoy na enjoy ang Davao.” “Ang dami niya sigurong babae roon,” malungkot na komento nito. Kung hindi lang siya sanay kay Chanel ay iisipin niyang seryoso ito. “O, sige na, bibigyan ko na kayo ng time para magharutan. Huwag na huwag na kayong maghaharutan ulit sa harapan ko. Nakakagigil!” kunwari ay kantiyaw nito at nagmartsa na papasok sa kwarto kung nasaan sina Elise at Jameson. “Mukhang ang dalawa naman ang aabalahin niya,” natatawang untag ni Louie. “Hayaan mo na. Bored na naman siya panigurado.” “Pero, hon, alam mo bang may gusto si bayaw kay Chanel?” Nanlaki ang mga mata niya. “Niloloko mo ba ako?” Umiling ito. “Matagal na. Unang taon pa lang yata kayo sa college. Naalala mo noong fiesta sa inyo, nag-videoke tayong apat nang umuwi na ang lahat ng mga bisita ninyo…” “O?” aniya, naaalala nga niya iyon. Iyon ang first time na uminom si Chanel kahit nineteen na ito noon—mas matanda sa kanya ng isang taon ang kaibigan—pagkatapos ay nakainom ito ng marami at nag-ala singer na animo’y may concert ito noon. “Erik was smitten by Chanel’s charm, then. Lalo na noong kumanta si Chan.” “Baka nagbibiro lang si kuya.” “Hindi, lagi niyang sinasabi iyon sa tuwing kasama natin si Chanel, then, he always got drunk because he thought that our friend will eventually move on with her simple crush with him.” Napakurap-kurap siya. She remembered a particular scene before her brother went to Davao. “Ibig sabihin… totoo ang sinabi niyang si Chanel ang dahilan kung bakit nagpursigi siya sa pag-aaral at pagtatrabaho ngayon?” Ngumisi si Louie tanda na tama siya. “Pauwiin ko na kaya si Kuya? May chance naman pala si Chanel sa kanya.” “Akala ko ba biro lang ni Chan iyon?” Napatigil siya sa pag-iisip. “Hayaan na natin ang tadhana sa kanila. Kung sila, sila.” “Gaya na lang na kung tayo, tayo talaga, ‘no?” “Alisin mo ang kung, dahil tayo namang talaga.” Napangisi siya para pigilan ang kilig. “Kinilig ka na naman.” “Kailan ba ako hindi kinilig sa mga banat mo?” “Damn, you’re irresistible.” “Talaga ba?” “I don’t like the way you’re smirking,” mapanganib na ani nito. “Hmm...” yumakap siya sa braso nito at bahagyang sinundot-sundot ang tagiliran. “Hon,” natatawang saway nito. Napakislot naman siya nang tumunog ang cellphone nito. “Sagutin mo,” utos niya. “That can wait,” anas nito. “But it may be important!” Naiinis na inabot nito ang cellphone at sinagot. “Hello,” bungad nito. Siya na ang tumayo at sumenyas na papanhik na sa kwarto nito dahil sigurado siyang hindi pa matutulog ang mga nasa kabilang kwarto. Inaantok na siya at maaga pa silang bibiyahe paakyat ng Baguio bukas. Kinabukasan ay maaga silang gumayak para makabiyahe na. Umalis sila ng alas tres ng madaling-araw, at mag-a-alas nueve na silang nakarating ng Baguio. Tumuloy sila sa inarkilang transient house at mabuti na lamang ay kumpleto na ang mga gamit doon. Pagkain na lang nila ang kulang. “Let’s just eat outside. Iwanan na natin ang mga gamit natin dito,” anang Chanel. Ganoon nga ang ginawa nila. Ngunit bago mapagpasyahang kumain ay dumaan na sila sa Mines View Park at pinagsawa ang mga mata sa mga magagandang tanawin. “Let’s split! Tutal ay nakapag-picture na tayo together.” “Aba, Chanel, talagang gusto mong humiwalay, ha?” “Syempre para may quality time kayo together. Isang araw lang tayo rito, remember?” Nakakabitin! Gaya nang napagkasunduan ay maghihiwa-hiwalay sila, alas diyes pa lamang, napagkasunduan nilang magkita na lang sa SM Mall ng hapon. Bahala na rin daw silang kumain ng lunch kung saan nila gusto. “Sumama ka na sa amin, Chan,” may pag-alala sa boses ni Louie. “O kaya sa amin,” nag-aalala rin si Jameson. Alam nilang lahat na hindi matandain sa direksyon ang kaibigan nilang iyon. “How sweet...” komento ni Chan. “But nope. Hahanap ako ng jowa kaya ayoko ng chaperone!” Natawa sila sa tinuran nito. Mga kalokohan talaga nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD