Chapter 16

1080 Words
ALAS diyes pa lang at marami pa silang magagawa sa araw na iyon. “Let’s ride the bike?” yaya kay Janine ni Louie. Tumango siya pero naalalang hindi siya marunong mag-bisikleta. “Don’t worry, iaangkas kita.” Halos pumalakpak ang tainga niya. Mahigit isang oras silang nag-bike, kasama na roon ang paghinto nila para kuhanan siya ng pang-i********: na picture ni Louie. “Tayo naman!” aniya. “Ikaw na lang ang kukuhanan ko.” “Ang pangit naman ng mga kuha mo, e!” Totoo iyon dahil hindi maganda ang mga anggulo ng pagkuha nito ng litrato sa kanya. “Hoy, kayong dalawa! Hindi man lang kayo umalis dito sa park?” “Chan? Akala ko ba pupunta kang strawberry farm?” pansin ni Louie. “Nagbago na ang isip ko.” ani nito. Ngumisi siya at tiningnan ang kaibigan. Agad nitong nakuha ang gusto niyang iparating. Naningkit ang mga mata nito habang siya’y itinaas-baba ang mga kilay. “Ay! Aalis pala ako.” “Friend!” singhal niya. “Joke lang, ito naman!” mabilis nitong inagaw ang hawak niyang camera at sinenyasan silang dalawa ni Louie na mag-pose. “Thanks!” “Kaya naman pala ako sumama rito, para may photographer kayo. May bayad ito, ‘oy!” Sabay silang natawa ni Louie sa mga litanya nito habang kinukuhanan sila ng litrato. “Huwag kayong malikot! Akbayan mo ulit siya, Louie!” “Yes, boss!” Ipinulupot naman niya ang braso sa balakang nito at masayang tumingin sa lente ng camera. “O, iyan, tama na. Sa ibang view naman.” “Kuhanan ka rin namin.” “Nako, huwag na. Hindi kayo marunong mag-picture.” prangkang sagot nito. “Wait, sakay tayo roon sa floating chenelyn na iyon. Mukhang masaya!” yaya ni Chanel ba agad ding napabusangot nang may maalala. “Sorry, Chan.” “Oo nga pala, hindi mo bet ang ganyan,” anito. “O, heto ang camera ninyo, magliwaliw na kayo at sasakay ako roon.” Nang makalayo ito ay yumakap siya ulit sa binata. “Hon, let’s call the other two. Yayain natin si Chanel sa strawberry farm.” untag niya. “Mabuti pa nga.” Alam nilang lahat na bukod sa apple-flavoured beer, patay na patay sa strawberries ang kaibigan nilang single. “O, nasaan na ang manok ko?” bungad ni Elise nang makita sila. Nasa likuran nito si Jameson na hirap sa pagbitbit ng kung ano-ano na namang pinamili ng kanyang kaibigan. “Gaga, ano’ng manok ang pinagsasabi mo riyan?” “Manok ko kay Kuya Erik.” Naiiling na bumaling siya kunh nasaan si Chanel. “Ayun, at naging bibe na.” Ngumuso siya para ituro ang kaibigang tuwang-tuwa sa pagsakay sa hugis-bibing bangka. Ilang sandali pa ay sabay silang napatili nang mahulog si Chanel sa tubig. “Hon!” “Babe!” Magkapanabay nilang sigaw ni Elise at bago pa makatalon sa tubig ang dalawa ay umahon na si Chanel, tinulungan siya ng lifeguard. Tawang-tawa ito sa nangyari rito. “Pinakaba mo kami!” Tinampal niya ang braso nito. Ganoon din ang ginawa ni Elise sa kabilang braso nito at kaagad naman nagreklamo si Chan. “Grabe, ang ginaw!” ang tanging sambit nito. Tinanggal ni Jameson ang suot na leather jacket, pati ang hoodie ni Louie ay tinanggal at pinasuot dito. “Salamat, mga jowawers!” Naiiling na lang sila sa kaibigan. “Magpunta muna tayong SM para makapagpalit ka ng damit. Bili ka na lang doon,” yaya niya. “Oo, nagugutom na rin ako.” “You still didn’t eat?!” bulalas ni Elise. Lagpas ala-una na. Maging sila ni Louie ay hindi pa nananghalian pero kumain sila ng nabiling tinapay kanina habang naglilibot. “Dapat talaga humanap ka na ng boyfriend mo,” komento ni Jameson na sinegundahan ni Louie. “Anong konek ng boyfriend sa hindi ko pagkain?” Napakamot ng ulo ang dalawang lalaki. Oo nga naman, may punto si Chanel. “Pero saka na, kapag may inaanak na ako sa inyo,” biro ni Chan. Mabilis na pumili sila ng pampalit damit nito at pinapalitan ang suot nito nang makarating sa mall. Kumain na rin sila sa isang Japanese restaurant dahil gusto raw mag-noodles ng giniginaw na si Chanel. “Alam kong magyayaya kayo sa strawberry farm, kaya hindi na ako tatanggi.” Inunahan na sila ng kaibigan sa pagsabi. In short, nagyayaya ito. Naglibot muna silang magkakasama-sama sa iilang mga pamosong lugar sa Baguio bago tuluyang nagpunta sa farm. “Omg, hindi ko first time dito, pero parang first time ko na naman!” nasasabik bulalas ni Chanel. “Let’s take pictures.” Si Chanel ang nag-set ng camera, nag-pose sila sa strawberry farm. Magkatabi sila ni Louie, nakagitna si Chanel, habang nasa kabilang banda sina Elise at Jameson. “O, maraming shot ito, bahala na kayong mag-pose, bibilang ako kung go na.” True to her words, hindi iisa o dalawang shot lang ang nakuhanan. Ang dami nilang litrato na karamihan ay candid shots. Pumitas muna sila ng mga strawberries bago bumalik sa tinutuluyan. Uuwi na sila. Buong biyahe ay tulog ang mga kaibigan niya. Silang dalawa lang ni Louie ang gising. Nasa dulo sila ng bus, saktong panlimahan kasi ang upuan. Hindi tulad noong papunta, solo si Chan sa upuan nito at narinig nilang impit na umiiyak ito dahil sa sakit ng ulo kaya naman ngayo’y pinilit nilang magtabi-tabi sila. “Hon,” si Louie. “Hmm?” “Matulog ka na.” “Ayaw ko pa.” Lalo siyang sumiksik dito habang nakasandal pa rin sa dibdib nito. “Mahaba-haba pa ang biyahe natin.” “Gusto kong namnamin ang bawat sandaling kasama pa kita.” Suminghap ito. Matagal na hindi sumagot at tila malalim na nag-isip. “May problema ba tayo?” nag-aalalang tanong niya. Kanina pa kasi niya napapansin ang pagkabalisa nito. “Hindi na ako sa Korea, hon,” amin nito. Ibig sabihin ay hindi na ito pupunta ng Korea? Napatuwid siya ng upo at maang na nakatitig dito, na nakatingin naman sa bintana. “Tingnan mo ako,” utos niya. Sumunod naman ito. “Ano’ng ibig sabihin niyon?” Kinutuban na siyang dahil sa kanya kaya hindi ito aalis pero hindi, determinado na itong umalis para kumita kaya imposibleng siya ang dahilan. Kailangang marinig niya ang sasabihin nito. Mahabang katahimikan pa ang namayani bago nito isiniwalat ang totoong dahilan ng hindi na nito pagtuloy sa Korea. “Na-scam ako.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD