NANININGKIT ang mga matang tinitigan ni Janine si Louie. Napansin din niyang tumahimik ang mga kaibigan nilang masaya pang nagkukwentuhan tungkol sa maikling bakasyon nila. She honestly did not want to spoil the mood but she could not help but glare at his boyfriend. Ano raw ang sinabi nito? Na-scam ito?
“What the heck are you talking about?”
He guiltily looked away.
“Tingnan mo ako. Anong ibig sabihin niyon?” malamig na tinig na tanong niya.
Bumuntong-hininga nang malalim si Louie at hindi na niya kailangang mag-isip kung anonh ibig nitong sabihin. Naloko ito. Kaya naman ay nagsimula nang uminit ang kanyang ulo. Libo-libo na ang nagastos nito at ang alam niya’y naka-schedule na ang pag-alis. Hindi niya alam na may ganoong issue.
“But don’t worry, nabawi ko ang lagpas kalahating nagastos ko.”
“That’s not the point here, Louie George.”
“Aalis pa rin ako.”
“Magti-TNT ka roon?!” Hindi siya makapapayag na pupunta ito roon sa ilegal na paraan. TNT meant ‘tago nang tago’. Kaya tago nang tago ay para hindi mahuli na ilegal ang mga papeles.
“Hindi, hon, kumalma ka muna, please.”
Which she did. Pumikit siyang mariin para mapakalma ang sarili. Alam niyang hindi madadaan sa init ng ulo ang sitwasyon ngayon.
Hindi niya mainitindihan ang ibig ipakahulugan nito nang sabibin nitong aalis pa rin ito kahit na na-scam na nga ng isang nagpanggap na agency. Kahit malapit na sa boyfriend ang taong tumulong dito ay nakuha pa rin itong lokohin.
Pinalipas niya ang oras at hindi ito kinausap sa buong dirasyon ng biyahe hanggang sa makauwi sila sa apartment na tinutuluyan nila. Their friends excused themselves so the two of them could talk. Mukhang nakaramdam na may hindi sila pagkakaunawaan.
Naibaba na nila ang mga gamit sa sofa ngunit patuloy pa rin silang nakatayo. Nananantiya kung iyon na ba ang tamang oras para magsalita. Dumiretso siya sa kusina upang uminom ng tubig. Subalit hindi pa rin siya umupo. Sumunod si Louie sa kanya.
“Bakit kasi hindi ka dumiretso sa POEA noong una pa lang?” panimula niya. POEA stood for Philippine Overseas Employment Administration.
“Nagtiwala ako sa kaibigan ko noon. Mapagkakatiwalaan naman kasi siya noon college,” ang tanging nasagot nito.
“Hindi na ako magtataka kung bakit bumagsak ang farm ninyo.”
Dumaan ang sakit sa mga mata ni Louie ngunit hindi niya babawiin ang sinabi. Hindi siya galit sa nangyari rito. Bakit siya magagalit kung hindi naman nito ginusto iyon? Nag-aalala lang siya sa mga maaaring mangyari rito ngayon.
At kung galit man siya, galit siya roon sa taong nanloko rito.
“Paano na ngayon? Sigurado ka na ba riyan sa in-apply-an mo?”
Tumango ito. “Dumaan na ako sa legal na proseso. Sa Paris ako magta-trabaho bilang isang barista.”
Alam niyang may bartender certification ito kaya tiwala siyang kakayanin nito kung iyon nga ang magiging trabaho nito sa ibang bansa kung sakaling matuloy na.
“Kailan ang alis mo?”
“Baka sa susunod na linggo.”
“Baka?” Parang ang bilis naman…
“Hinihintay ko na lang ang visa, okay na ang lahat.”
“Sigurado ka na ba talaga?”
Ngayo’y umurong ang lahat ng tapang niya. Kung siya kasi talaga ang papipiliin ay hindi na niya ito patutuluyin sa pangingibang-bayan pero ayaw niyang may pagsisihan nito sa huli kung hindi nito nagawa ang nais na gawin.
“Please, don’t cry…”
Hindi niya namalayang lumuluha na pala siya. Sa isang iglap ay nagbalik-tanaw siya noong teenager pa lamang siya; noong mga panahong wala siyang inaaalala kundi ang panliligaw nito sa kanya.
Kung sanang hindi tumatanda ang mga tao, siguro’y masaya pa rin sila ngayon at walang ganoong mga problemang kinahaharap.
She had been living on her freewill, go with the flow ‘ika nga. Hindi niya namalayan na tumatanda na sila, lalo na si Louie. Pitong taon ang tanda ng huli sa kanya. Kung siya’y ganoon na ang nararamdaman patungkol sa buhay ngayon, paano pa ito na ilang taon nang sinisisi ang sarili sa pagkabagsak ng isang negosyo ng pamilya nito?
Hindi na nga sila mga bata pa, hindi habambuhay na matatakasan nila ang pagtanda. Kailangang umakto sila ng naaayon sa edad.
“Hon,” usal ni Louie habang masuyong hinahaplos ang kanyang pisngi.
“Ilang taon kang nag-adjust sa akin dahil mas bata ako sa iyo,” panimula niya. “Siguro nga ay matagal mo nang pina-plano ang pag-a-abroad mo; hindi lang matuloy-tuloy dahil inaalalayan mo pa ako sa pagbabago ng buhay ko.”
Umiling ito.
“You don’t have to deny it anymore, Louie, magpakatotoo ka na sa sarili mo. For how many years, you devoted yourself to me. You guided me to grow at hindi mo na namalayang napag-iwanan ka na ng panahon. We always act like giggly teenagers dahil nasanay na tayo. Dahil ganoon ang personalidad ko ay niyakag mo na rin na maging ganoon ka.”
Umiling ulit ito. “Mahal kita,” anas nito.
“I know! Alam kong mahal mo ako. Mahal na mahal…”
“Then why are you saying these things? Hindi ito tungkol sa kung paano ang naging relasyon natin sa mga nagdaang taon,” tila nasasaktang hayag nito. Marahan siyang tumango. Tama naman ito.
“This isn’t just about our relationship anymore… it’s about our maturity, on how will we embrace adulthood together.”
Lumapit siya sa kasintahan at marahang niyakap para iparating dito na hindi siya nakikipaghiwalay.
“You don’t have to adjust yourself for me anymore.” Kumalas siya sa yakap at tinitigang maigi ang namumula na nitong mga mata. Tumulo ang luha nito na agad niyang pinunasan gamit ang kanyang mga palad.
“This time, we’re going to grow up together.”
She smiled sweetly and she gave him a peck on his lips and a tear rolled down on her cheek.
Nang gabing iyon ay mahimbing siyang nakatulog. Sa mga susunod na araw ay alam niyang may magbabago na sa kanya, sa kanilang dalawa ni Louie. At buong-puso niyang yayakapin iyon.
Ah, adulting!