NAGBANAT ng buto si Louie sa Pransya sa buong taon na naroon siya. Bukod sa pagiging bartender ay naging caretaker din siya ng isang malaking bahay roon. Bago mag-isang taon ay natapos na ang trabaho niya bilang caretaker. Malaki ang naging bayad sa kanya dahil mayaman ang pamilyang nagmamay-ari niyon. Sa ngayon ay sa bar pa rin siya nagta-trabaho.
Kaya naman ang balak sana niya’y so-sopresahin ang kasintahang si Janine sa ika-dalawampu’t apat na kaarawan nito pero hindi iyon natuloy dahil kinailangan ang presensya niya sa pinapasukang club-s***h-bar. Isang buwan pa ang kailangan niyang gugulin doon bago tuluyang makauwi.
“Pare, hihingi sana ako ng pabor sa inyo…” aniya nang kausap si Jameson sa kanyang Messenger app; kasama nito si Elise. They turned on their cameras to see each other’s faces.
“Aba, Louie, our friend! Gumanda-ganda yata ang pangangatwan natin diyan, ah. Maglalaway ang Princess Janine nito,” untag ni Elise na sinuway naman agad ni Jameson.
“Ano nga pala iyong sasabihin mo, p’re?” balik ni Jameson bago pa lumihis ang usapan.
Inilahad niya ang balak na pag-sorpresa sa kanyang minamahal sa susunod na buwan. Birthday kasi nito.
Noong una ay inaasahan niyang dalawang taon ang gugugulin niya sa pagta-trabaho sa ibang bansa, ngunit ilang buwan pa lamang siya roon ay naging sapat na ang pinambayad niya sa lahat ng kanyang utang, hindi lang sapat dahil sa loob ng halos isang taon ay nakaipon na siya ng pang-kapital sa binabalak niyang itayong negosyo.
He decided to end his contract in legal way. Handa siyang magbayad ng danyos basta’t makauwi lang siya para makasama na ang kanyang mahal; at maipatayo na ang restobar na ilang buwan na niyang pinagpa-planuhan.
“I apologize, but I will pay—”
“There’s no need, man! You’ve been a very loyal and one of the best employees. We will terminate your contract but you have to render for a month,” anang kanyang employer; kung tutuusin ay parang kaibigan ang turing niya rito dahil hindi nalalayo ang edad nila sa isa’t isa at Pilipino rin ito, ang bar na pinapasukan niya ay isa lamang sa mga bagong branch nito sa ibang bansa at talaga namang tinangkilik. “Hayaan mo muna kaming makahanap ng ipapalit sa iyo,” dagdag pa nito.
“Thanks, man!”
Nagtagal pa ng ilang sandali ang pag-uusap nila dahil nagtanong ito tungkol sa balak niyang negosyo.
“Mukhang may ibang pupuntahan na ang mga Manileño bukod sa The Dreams.” komento nito, prenteng nakaupo sa upuan nito sa opisina.
Nginisihan niya ito. “Mas mainam iyon. Nang hindi sila magsawa.”
“Hindi nakakasawa ang The Dreams.”
Tumawa na lang siya. Nasaring pa niya yata ang pride nito.
“Hindi natin masasabi, may mga taong sadyang salawahan,” biro niya para mapagaan ang usapan.
Mabilis na lumipas ang tatlong linggo, sa susunod na linggo na ang uwi niya ng Pilipinas. He couldn’t wait to see his Princess Janine’s face. He longed for her, and he wanted to be with her forevermore.
KATATAPOS lamang na kausapin sina Janine at Elise ng ate ni Chanel patungkol sa surprise birthday party ng kaibigan. Gustong bumawi ng nakatatandang kapatid nito kay Chanel, maging ang mga magulang nito.
She felt happy for her friend, she’d been living in misery for years now—not knowing what she really wanted to do—that her family almost condemned her.
Bago ang susunod na pasukan ay tuluyan na siyang uuwi ng Maynila para asikasuhin ang nalalapit niyang pagtuturo sa isang public school. Magiging abala siya sa kanyang unang brigada-eskwela bilang isang pampublikong guro. Sa wakas, nakapasok na siya at malapit-lapit lang ang elementary school na pagtuturuan niya sa kanilang bahay. Isang sakay lang ng jeep o tricycle kung magco-commute siya.
“Ihahatid-sundo kita araw-araw, Ja,” alok ng kanyang kuya.
“Ayos lang ako, kuya. Ang asikasuhin mo ay ang panliligaw kay Chanel.”
Umiwas ito ng tingin. Huli ka ngayon, Erik.
Tatawa-tawa siya nang magdahilan ito at umalis na. Magkapatid nga sila, tumanda na’t lahat-lahat ay may pagka-isip bata pa rin kung umasta paminsan-minsan. Just like what some people do.
Napakislot siya nang mag-ring ang kanyang cellphone. Louie was calling her and it’s just four in the morning there! Alas diyez na sa Pinas at kasalukuyang nag-aalmusal siya sa kanilang hardin. Dayoff niya kasi ngayon dahil weekend kaya umuwi muna siya ng Maynila.
“Good morning, hon,” namamaos na bati nito.
“Morning,” malambing niyang tugon. “Ang aga mo ngayon?”
“I will be very busy the whole day…” dahilan nito.
Napaungol siya bilang protesta. Ibig sabihin ay hindi niya ito makakausap nang matagal-tagal. Ang akala pa naman niya ay off nito, iyon pala’y work on off nito.
“Turn on your camera,” anas nito. Nakita niya sa screen ng kanyang cellphone na nakabukas na ang camera nito. She was welcomed by his dangerously appealing morning look. Namumungay ang mga mata nito at namumula ang labi. Wala rin itong suot na pang-itaas and she could see how his muscles flexed when he turned to the other side of the bed. He smirked at her while persuading her to turn on her camera.
“I can’t. I still didn’t take a bath yet!”
He chuckled inevitably. “I used to see your morning face.”
“That’s because we were living together then,” katwiran niya.
Living together…
Ang sarap sa pandinig. Sa ibang sitwasyon at may makarinig sa kanyang sabihin iyon ay iisiping nakipag-live in na siya. Napaisip tuloy siya na kung totoo nga kayang nag-live in silang dalawa noon, kakailanganin pa kaya nitong umalis ng bansa?
“Hon,” malungkot na bulalas niya.
“What’s wrong?” napuno ng pangamba ang tinig ng lalaki.
Umiling siya kahit hindi naman nito nakikita. “Nothing, I just really miss you.”
“Kaunting panahon na lang.” Tila hirap na hirap ito sa pagsambit. Kung pwede lang ay pumasok na siya sa screen ng kanyang cellphone at lumusot sa tabi ni Louie, para lumingkis sa kasintahan nang hindi na sila magkawalay pa.
She turned on her camera.
Marahas na suminghap ang nasa kabilang linya. He welcomed her with his loving words.
“Mahal na mahal kita.”
Janine was never this emotional. Ngayon lang. Dahil matindi ang pangungulilang nadarama niya kay Louie.
“Don’t mind me. Don’t cry, too. It must be my hormones that’s making me emotional. Monthly period ko na niyan,” pauna na siya sa lalaki nang hindi niya mapigilan ang pagluha.
“Don’t cry, love. I’m missing you more…” garalgal ang tinig mg kasintahan. “I’m sorry.”
“Don’t be sorry!” napalakas na sambit niya; pilit na pinapakalma ang sarili.
“I’m not sorry for missing you, hon. I’m sorry for myself,”
“Please, no…” Pinunasan niya ang luha gamit ang kanyang palad. “We’ll keep on fighting. Isang taon n-na lang naman. M-mabilis na lang iyon,” utal-utal at pumipiyok na usal niya.
Ngunit siya ay hindi sigurado kung kakayanin pa ba niya ang isang taon na wala ito sa kanyang piling. Kahit pa bigyan ito ng panandaliang bakasyon ay nasisiguro niyang hindi iyon sapat para sa pangungulila nilang dalawa. She couldn’t stop herself from crying with the thought that they lived far from each other’s arms.
Sure, they had a lifetime ahead but how could they spend it together if her beloved was on the other side of the world?