NGAYONG araw at hindi sinundo si Janine ni Louie. Mabuti na lamang at nakakasabay niya sa pag-uwi si Chanel dahil parehas naman sila ng daan na tinatahak pauwi.
“Ihatid na kita sa inyo?” alok nito nang makababa sila ng sinakyang bus.
“Ano? Hindi na, may tricycle naman.”
“Ito naman, pumayag ka na! Nang makasipat naman ako kay Erik.”
“Sinasabi ko na nga ba, may hidden agenda ka,” sagot niya sa biro nito.
Nag-peace sign lang ito.
Pumayag siyang ihatid siya nito, at syempre, makikikain na naman ito ng dinner na okay na okay naman sa kanya. Ngunit gusto niyang pagsisihan iyon nang makitang kasama ng kuya niya ang latest girlfriend nito at nabungaran pa nila ni Chanel na naghaharutan sa may hardin.
Napalingon siya sa kaibigang pilit na pinasisigla ang itsura. Iyon ang dahilan kung bakit ayaw niyang magustuhan nito ang kuya niya—alam kasi niyang kung sakaling magka-develop-an ang dalawa ay hindi rin naman magtatagal dahil madaling magsawa ang kuya niya.
Gayunman, mas naunang pumasok sa gate si Chanel kaysa kanya.
“Hi, Kuya! Bagong girlfriend, a,” masiglang bati ni Chanel kay Erik at dumiretso na sa pagpasok ng bahay. Halata ang pagkagulat sa kanyang kuya habang sinamaan naman niya ito ng tingin na para bang sinasabi niyang ‘mamaya ka sa akin’.
Tinawag niya ang kaibigan. “Chan, wait—”
Nahinto siya sa pagsunod dito nang mabungaran niya ang mga nagkalat na pula at puting lobo sa sahig, may dekorasyon ding nakasabit sa mga pader.
Be my girl again, Princess Janine.
Napasinghap siya nang mapansin niyang nakaupo si Louie sa high chair malapit sa bar counter ng kanilang bahay.
“Manghaharana ka?” halos bulong niyang tanong dahil may hawak itong gitara at nagsimula na sa pag-strum.
He was really serenading her! Bagay na hindi nito ginawa noong una. Bago pa ito makakanta ay nagsalita siya.
“Louie George, ano na namang pakulo ito?” Hindi niya mapigilan ang matinding pagkabog ng dibdib niya. The butterflies in her stomach were unstoppable, too! Ganito pala ang pakiramdam ng hinaharanahan…
Hindi ito tumigil sa pag-strum ng gitara at buong-pusong tinitigan siya.
Nanubig ang kanyang mga mata nang sabayan na ng malamyos nitong tinig ang napakagandang musika.
Sa buong durasyon ng pagkanta nito ay tahimik niyang pinapanood ang lalaki at taimtim siyang nakikinig sa bawat liriko ng kanta.
Hindi niya napigilan at napahagulgol na siya. Ramdam niya ang bawat katagang inaawit nito. Tumayo ito at lumapit sa kanya.
“Nakakainis ka!” bagkus ay sagot niya matapos itong kumanta; mahinang pinagsusuntok ang matipuno nitong dibdib.
Louie chuckled with her reaction. “I miss you, too, hon,” pagkuwa’y masuyong bulong nito.
“Nakakainis ka,” bulong niya; hindi na maiangat ang kanyang mga braso. Pilit na pinigilan ang mga luhang naglalandas sa kanyang pisngi.
“I know I am. Kaya sana’y bigyan mo pa ako ng pagkakataon, Janine. Isang taon na ang pinalipas ko para magawa mo na ang lahat ng bagay na gusto mo… sapat na ba iyon para patawarin mo ako?”
Nagtatakang tiningnan naman niya ito. “What do you mean?” Sa totoo lang, kahit parang nagkabalikan na sila ay hindi pa rin nila napag-usapan ang nangyari noon. Maybe it waa because Louie was waiting for her to recover from what happened between her and Rill.
“I let you do all the things you couldn’t.”
“That was why…”
“Yes. That’s why I didn’t pursue you.”
“B-but you cheated on me.” Pumiyok siya.
“I didn’t cheat,” nasasaktang hayag nito at pinunasan ang kanyang luha gamit ang likod ng palad nito.
“But, I saw you! I clearly saw you with that g-girl. Ang sabi, ka-fling mo na iyon dati pa…”
“Dati. Noong hindi pa tayo,” pagod na sambit nito.
“Pero bakit hindi mo sinabi sa akin noon?”
“I’m sorry if I didn’t clear things out. Maysakit ako noong datnan mo kami sa bahay. Pumunta siya roon, hindi ko na-i-lock ang gate at ang pinto. She went inside my room and tried to seduce me but that’s just it. Iyong naabutan mo, pinapaalis ko siya.” He still explained the reason why. Pero ang totoo, wala na iyon sa kanya mula nang magdesisyon siyang magpatawad na. May kirot, oo, pero iyon ay dahil sa inakala niyang nagtaksil ito noon.
At inaamin din naman niyang nagkamali rin siya nang hindi ito binigyan ng pagkakataong makapagpaliwanag nang husto noon. Hanggang sa ito na ang magdesisyong palayain siya.
“You were so mad. Alam mo pa ba ang mga sinabi mo sa akin? Na napapagod ka na sa relasyon natin. Nagsasawa ka na’t nasasakal. Na nagpapasalamat ka dahil binigyan kita ng dahilan para makipaghiwalay ka sa akin… para magawa mo na lahat ng gusto mong gawin.”
Nanlaki ang mga mata niya sa siniwalat nito. “I only said those things because I was fuming!” Those were the times when he was trying to ask for her to listen to him after what happened. Pero hindi niya hinayaan.
“Exactly. I was devastated hearing you say those things, and eventually I realized that you were partly right. So I gave you enough space to do what you want.”
Was that what he meant awhile ago?
He nodded. Napalakas pala ang tanong niya. “I hope you enjoyed every bits of it because I am now marking you mine again. No one will ever come closer to you,” madiin na usal nito.
“What if I tell you I don’t love you anymore?”
Saglit na dumaan ang sakit sa itim na pares nitong mata at agad ding napalitan ng pagngisi.
“Chanel confessed to me that you didn’t really move on.”
As if on cue, lumipad ang dako ng tingin niya sa kaibigan niyang abala na sa pagpapak ng piniritong lumpiang shanghai. Nag-peace sign lang ito.
“Tutal ay bati na kami ni Louie, uuwi na ako, ah? Allergic kasi ako sa mga mahaharot! Bye!” paalam nito, hindi na niya napigilan ang kaibigan nang lumabas na ito, napansin niya pang bahagya nitong inirapan ang kuya niya. Then, she gracefully walked out in front of them.
“So?” nakangisi pa ring tanong ni Louie nang bumalik ang tingin niya rito.
“I’m hungry. Let’s eat,” pag-iiwas niya sa usapan.
“I won’t get tired courting you just so you’ll come back in my arms.”
“Remember when I told you we are through?” pagpapaalala niya rito, pinipilit na magsungit.
“Hmm…” Saglit itong tumahimik at nagpatuloy, “We were through. You were lost without me. And now I’ll make that sure you’ll find your way back home.”
“Ewan ko sa iyo, George!”
“I told you not to call me George,”
“At ang ibang babae mo, pwede?”
“Oo…”
Bahagya siyang nasaktan sa pag-amin nito.
“Si mama lang ang ibang babae sa buhay ko na sinasabi mo. Baka magselos iyon kapag nalaman niyang mas gusto kong naririnig sa iyo na tinatawag mo akong George.”
“Ha?”
“You’re really cute. Come one, let’s eat. Pumayat ka na… Ikaw kasi, nakipag-break ka pa. Ayan tuloy, napabayaan ka.”
“Marinig ka ni mama!” singhal niya.
“Napabayaan ka ni Tita sa kusina,” biro naman nito at narinig nilang natawa ang mama niya na simpleng nakikinig pala sa usapan at saka tinanguan sila at pumanhik na sa itaas ng may ngiti sa mga labi.
Natutuwa siya sa gaan ng usapan nila ng lalaki. Na parang hindi taon ang lumipas mula nang huling magkasama sila nito.
“Nag-diet ako,” mahinang sambit niya nang sinundan ito sa kusina.
“Bakit?”
“Bakit bakit ka pa, eh, nakita kitang may kasamang babae na halos lumuwa na ang kaluluwa sa sobrang sexy ng isinusuot!”
“I was sick that day,” he reminded her.
Alam na niya iyon pero hindi pa rin niya makalimutan ang tagpong iyon. Aminin man niya o hindi, bukod sa confidence, kaya puspusan ang pagpapayat na kanyang ginawa ay dahil iniisip niyang baka kapag naging balingkinitan na ang katawan niya ay balikan siya ni Louie.
“What should I do so you’d forget all of that?” sumamo ni Louie. Napaupo siya sa upuan habang ito ay nakatayo sa kanyang tabi. Napaangat siya ng tingin nang masuyo nitong hinaplos ang mukha niya.
“Kiss me,” anas niya.
She closed her eyes and she felt him kissed her forehead. She’s waiting for him to kiss her lips but he didn’t do it.
“Why didn’t you kiss my lips?” naiiritang tanong niya nang magmulat siya.
“Well…”
“Ano?”
Lumapad ang pagkakangisi nito.
“Ano nga? ‘Naku, pasalamat ka at nagbakasyon ang mga tao rito sa bahay! Wala tayong audience!” She meant her tita and her cousin. Isinama rin ang mga matatanda.
“Hindi mo pa kasi ako sinasagot ulit,” nakangising untag nito.
Gusto niyang magmura sa sobrang inis. Hindi niya ito pinalayas sa pamamahay nila, hindi pa ba halatang pumapayag na siyang bumalik ito sa buhay niya?
She frustratingly stood up and tiptoed so she could reach him and she gave him a peck on his lips. Magaan at mabilis ang halik na iginawad niya rito.
“Oo, sinasagot na ulit kita,” naiirita pa ring untag niya.
“Damn!” mura nito habang magaan na tumatawa. Saka siya masuyong tinitigan. “You really look adorable even when you’re annoyed.”
She’s about to sit down when he snaked his arms around her waist and started kissing her softly and gently until their kisses went deeper.
She responded to his hungry kisses with the same amount of longing that he’s feeling.
“I miss you…” she murmured.
Bahagya itong nagmura at mas humigpit ang pagkakayakap sa kanya. They were both panting when they ended the kiss.
Ipinatong ni Louie ang baba sa bunbunan niya at pagkuwa’y kinintalan ng magaan na halik ang kanyang ulunan.
“I miss you so bad...”