NAGPUNTA sina Janine at Louie sa presinto at nagulat pa siya nang makitang nandoon pa rin sa loob si Rill. May takot pa rin siya pero nang makita ang hitsura ni Rill ay nahabag siya nang husto rito. Sising-sisi talaga ito sa nagawa.
“Bakit hindi ka nagpiyansa?” she asked him. Si Louie ay nasa labas ng presinto dahil ayaw raw nitong majita ang pagmumukha ni Rill.
“I am sorry, Janine. I’m so sorry. I have been a jerk. Nararapat lang na nandito ako para pagbayaran ko ang ginawa ko.” Guilt was visible in now his fragile eyes. Magang-maga ang buong mukha nito at mukhang nabalian pa ng ilang mga buto sa katawan mula sa pagkakabugbog ni Louie rito, pero ang sabi sa kanya ay ito mismo ang nag-presinta na ibalik sa kulungan matapos magamot ang mga tinamong sugat dahil deserve nitong makulong sa nagawa, anito.
Napaiwas ito ng tingin matapos tumitig sa kanya, dala marahil ng matinding konsensiya.
Naaawa siya rito, sa totoo lang. Minahal siya nito nang totoo at may kasalanan siya kung bakit umasa ito. Pinaasa niya ito at humantong hanggang sa halos mabaliw na ito nang dahil sa nararamdaman para sa kanya.
“I forgive you. But know that I am only forgiving you and it does not mean that what you did was right. It won’t free you from the legal consequences of your actions…” Pinatigas niya ang tinig sa huling pangungusap.
Nag-angat ito ng tingin at malungkot na hinuli ang matigas na niyang mga titig dito. “Pero nakikita ko pa rin ang takot sa iyong mga mata, Janine,” puno nang hinanakit na sambit nito.
Kung gayon ay halata pa rin ang takot niya… “You can’t blame me, Rill. Takot na takot ako sa iyo nang muntikan mo na kong gawan ng masama. Pero totoong pinatatawad na kita, basta’t ipangako mong sa susunod na taong mamahalin mo ay buong-puso mo siyang gagalangin at iibigin.”
Nangilid ang luha ni Rill at paulit-ulit na humihingi ng tawad sa kanya.
“And I think you should see a doctor so they can help you.” She meant a psychiatrist or psychologist. Based on her experience, Rill was not in his right mind. Maaaring ngayon ay maayos ito pero hindi niya masasabi kung maayos nga ba ito. It must be her trauma speaking, or something was just really wrong with him.
“I think so, too… I’m sorry, Janine.”
Napatango na lang siya at kahit nasa loob ito ng rehas ay hindi talaga siya lumapit kahit hindi naman siya nito magagawan ng masama. Damn trauma.
“I’m sorry…” ulit nito.
At kahit na sinabi niyang he wouldn’t be free from the legal consequences of his actions, iniurong pa rin niya ang kaso rito ilang araw lang ang nakalipas. Alam naman niyang hindi naman niya kailangang gawin iyon ay makakalabas at makakalabas ito pero ginawa pa rin niya. She wanted to free herself from her fear and anger towards Rill. Basta sisiguraduhin niyang hindi na ito makalalapit pa sa buhay niya, kahit bilang kaibigan man lang.
Nang matapos ang klase ay may naghihintay sa kanya sa tapat ng classroom.
“Ikaw ba si Janine?” tanong ng isang babaeng sa tingin niya ay mas bata lang ng ilang taon sa kanya.
Tumango siya.
The younger girl cried and thanked her that made her silently asked who was her. Nakakuha na rin sila ng atensyon sa iba pang mga estudyante.
“Uh…”
“Ayaw magpa-piyansa ni Kuya, ayaw niya ring lumabas doon sa mabahong kulungan na iyon kahit okay na ang piyansa. Maraming salamat at binago mo ang isip niya.” Puno ng damdaming bulalas nito nang lumayo sa kanya pero nakahawak pa rin sa magkabila niyabg braso. Kung ganoon, nakababatang kapatid pala ito ni Rill.
Muli ay marahan siyang tumango. Napansin niyang nakakuha na sila ng atensiyon at dinig na dinig na ang pagbubulungan ng ilan.
“I really thank you…”
She didn’t know what to say so she just nodded and excused herself.
Mabilis nang nakasunod ang dalawa niyang kaibigan sa kanya.
“Grabe, ang daming nangyari,” komento ni Chanel.
“Usapan kayo sa campus. Akala ko nga kanina, tsismis lang.”
Napalingon siya kay Elise at sinabi nitong kumalat na ang balita.
“I don’t know if should I be thankful to Louie that he was there. Kasi kung sakaling natuloy man si Rill sa paggawa ng masama sa iyo; kung sakaling hindi ka nakatakas, siguradong iniligtas ka na ni Louie,” ani pa ni Elise.
“Yes. Pero alam kong hindi maalis sa isip mo na medyo creepy na inaabangan pala niya lagi ni Janine nang patago, para lang makasipat. He was like a stalker, don’t you think?” si Chanel.
“Ganoon ba ang tingin ninyo?” tanong naman niya. Naglalakad pa rin sila papunta sa susunod na klase.
They guiltily nodded. “But he didn’t come near to you naman and was harmless. So, I could say that we’re thankful…” segunda ni Chanel. At alam niyang ganoon din ang tingin ni Elise.
But for her, she knew that Louie was just missing her. She felt that yesterday when she was brought to the hospital. Nalaman din niyang kamag-anak pala ni Louie iyong counselor na tumingin sa kanya. May ilang sessions pa siya bago masabing tuluyan na siyang gumaling sa trauma na idinulot ng nangyari.
“So… did you to talk?” pukaw ni Elise sa atensiyon niya.
Umiling siya. “Hinatid lang niya ako at hindi kami nakapag-usap nang tuluyan tungkol sa amin.”
Napatango na lang ang dalawa.
Gayunpama’y nagsimula na ulit si Louie na ihatid-sundo siya. Pabor iyon sa kanya dahil hindi pa rin tuluyang nawawala ang takot sa kanya kahit pa nga ramdam naman niya ang sinseridad sa paghingi ng tawad at pagsisisi ni Rill sa nagawa. May balita pa ngang nag-dropout ito, nag-transfer, o nag-home school. Hindi na lang niya pinansin ang mga usapan para mamatay rin kaagad ang topic.
Ilang linggo matapos niyon ay nabalitaan na lang niyang nag-drop out nga si Rill at doon din natigil ang usapan tungkol sa kanila. Nanghinayang siya dahil ilang linggo na lamang ay tapos ng ang ikalawang semestre ng taong iyon. Pero aaminin niyang napanatag siya at saka nawala na ang takot na baka gawan siya ulit ng masama ng lalaki. Mukhang tama nga ang counselor niya, hindi pa niya tuluyang na-overcome ang trauma.