Chapter 10

1645 Words
“OH, my God! Rill did what?!” hindi makapaniwalang bulalas kay Janine ng kaibigan niyang si Elise nang ikwento niya sa mga ito ang muntikang mangyari kahapon. Sa totoo lang ay takot siyang pumasok ngayon dahil baka mamaya ay abangan siya ni Rill, pero para siyang nabunutan ng tinik nang malamang absent ang huli. “Kaya ba absent siya?” si Elise. Ito kasi ang nagtanong sa isang kakilala nito na kaklase ni Rill sa isang minor subject nang makisuyo siyang tanungin nito iyon kanina. “I think so…” “He won’t be looking like a masamang tao for nothing,” komento naman ni Chanel. Napailing siya dahil tonong-nagbibiro ang kaibigan kahit seryoso ito. “What? I’m serious! Pinagkatiwala ka namin sa kanya kasi akala namin mabait. Iyon pala, pangit na nga; pangit pa ang ugali!” Nilamutak nito ang sinusulatang yellow paper. Nasa garden sila ngayon at nakaupo sa pabilog na mesa, nakaharap sa kanya ang dalawang kaibigan. “Ang assignment mo!” pansin niya. Nagkibit-balikat lang ito at inayos ang kapirasong papel na animo’y nagpa-plantsa. “But are you sure you’re okay now?” tanong ni Elise. Nababakas ang pag-aalala sa mukha. Gayon din si Chanel. Tumango siya. “But I left my things. Kaya kung may mag-text man sa inyo na gamit ang number ko, hindi ako iyon,” paliwanag niya. “You know what, ‘Nine, I think we should report that ugly gorilla! Hindi ko yata dapat tawaging gorilla iyong hinayupak na iyon kasi nadudungisan ang pangalan ng mga gorilla kung sa kanya ko iuugnay! P—” Natawa siya kaya natigil ito sa pagsasalita. Nagpatuloy ito kaagad, mukhang hindi talaga nakikipagbiruan. “Pero seryoso, kung hindi man sa school, sa mga pulis natin siya isuplong,” gigil na gigil na naman si Chanel sa pagsasalita at paglamukos ng kapirasong papel. “No, really, I’m fine. Ayaw ko nang palakihin pa at baka mali ang kumalat na tsismis.” “But what he did was not a joke!” si Elise. “I know. I just…” “You’re afraid,” dagdag pa ng kaibigan. “Do you think you should just let it pass? Because we don’t think so,” ani Chanel na tumigil na sa paglalamukos ng papel. “Natatakot ako. Parang ibang tao talaga siya kahapon,” she disappointingly told her friends about that thing. “And thaw wasn’t just a small thing. That’s s****l harassment. You should report him.” “Huwag na,” sagot niya kay Elise. “Hindi ko na lang papansinin.” “Pero paano kung abangan ka niya; i-stalk ka niya? Mas okay talaga na i-report mo na,” si Chanel na tumayo at inayos ang gamit. “Saan ka pupunta? Hindi pa oras ng Calculus,” tanong niya. “I think I know what are you thinking,” si Elise na bumaling kay Chanel. “You really are my friend. Let’s go!” Takang-tumingin siya kay Chanel bago nakuha ang balak nitong gawin. “No, let’s not waste our times. I told you, I won’t just entertain Rill anymore,” pigil niya. Alam na niyang sa presinto sila nito yayayain para makapagsumbong siya sa pulis. Pero natigilan si Chanel na nagpataka sa kanya. “Oops!” Nagtaka naman siya kay Elise dahil hindi tugma ang reaksyon nito na parang nagulat na hindi niya mawari. Nang tingnan niya ito ay maang na nakatitig lamang ito sa likuran niya. “Why?” she asked with her brows furrowed. Bahagya namang lumapit sa kanya si Elise habang si Chanel ay ang sama na ng tingin sa tinitingnan din ni Elise. “Your ex is here,” bulong ni Elise. “My ex? Sino sa kanila?” magaang biro niya. “Sa sobrang dami ba ay hindi mo na mapagsino?” malalim at madilim na sabad ng kung sino na nagpataas sa mga balahibo niya. Napatuwid siya ng upo nang marinig ang pamilyar na boses na iyon; hinding-hindi niya iyon malilimutan. Ilang buwan na ba mula noong huli silang magkita? Taon? Kung hindi siya nagkakamali ay mag-iisa o lagpas isang taon na ang lumipas at hindi pa rin nagbabago ang kakatuwang reaksyon niya sa tuwing malapit ito sa kanya. “George, my friend,” sarkastikong bati ni Chanel sa lalaki. Madilim ang mga titig na ipinukaw ng huli sa kanyang kaibigan kaya natahimik si Chanel. Mukhang hindi pa nakalimutan ng lalaki na si Chanel ang nagsumbong sa mga kagaguhan nito base sa nalaman ng kaibigan niya noon. “Huwag mong sinasamaan ng tingin ang kaibigan ko,” banta niya. His face softened. “I’m sorry, Chan.” Sa akin, kailan ka magso-sorry? Kailan ka mag-e-explain? “Okay lang iyon. Just know that bad shot ka pa rin sa akin,” si Chanel. Nagkibit-balikat lang ang lalaki na parang wala lang iyon. She could not believe how her friends had already moved on with what happened but she was still stuck with the fact the Louie cheated. “Bakit ka nandito?” Chanel asked. “Wait,” bulalas ni Elise na nagpabaling sa kanya sa tinitignan nito. “Ang bag mo, Ja!” Pati si Chanel ay napalingon kay Louie na hawak-hawak ang kanyang bag. Naniningkit ang mga matang napatayo siya at tinitigan ang lalaki. “Bakit nasa iyo iyan? Ninakaw mo?” What kind of question is that, Janine? “I saved you from that ugly bastard, Princess Janine, and that’s what you’re going to tell me?” Humagalpak ng tawa si Chanel na agad ding tinakpan ang bibig; pilit na nagpipigil ng tawa habang siya ay hindi maintindihan ang pagkabog ng kanyang dibdib. Why did he have to be here just when she realized she still had not moved on from her feelings for her? Really? Just as when she already decided to move forward? “I’m not here, don’t mind me!” Iwinasiwas ni Chanel ang kamay sa ere. Sa huli ay tumawa pa rin ito kaya sinamaan niya ng tingin. Parang hindi ito sarkastiko sa lalaki kanina kung makatawa ngayon. “Ang accurate kasi ng ‘ugly bastard’. Iyon ang perfect nickname niya imbis na gorilla,” komento pa nito. Natatawa na rin si Elise habang umiiling-iling. Pilit din nitong pinatayo si Chanel na parang may balak nang umalis. At tama nga ang hinala niya nang magsabi si Elise. “Mauna na kami ni Chan, baka kailangan ninyong mag-usap.” “Anong baka, baka? Talagang kailangan nilang mag-usap ‘kamo! Parang ewan naman kasi itong si Louie, hindi man lang nag-esplik—” Tinakpan ni Elise ang bibig ni Chanel dahil hindi na naman napigilang mag-komento mg huli. “Yuck! Laway mo, Chanel!” kunwa’y nagreklamo si Elise sabay bawi sa kamay at ipinunas sa likuran ni Chanel. Ano ba iyan, parang mga bata na naman. “Tara na—” Hindi niya natapos ang sasabihin nang tuluyan nang hinila ni Elise si Chanel at mabilis ring lumayo na sa kanilang dalawa ni Louie. Dapat ay sumunod na siya sa dalawa pero napako ulit ang tingin niya sa bag niyang hawak ni Louie. “Uh, nasaan si Rill?” kinakabahang tanong niya rito. Hindi dahil nag-aalala siya sa gagong iyon. Nag-aalala siyang baka kung mapaano si Louie kapag napuruhan si Rill. Sa palagay kasi niya ay hindi tatahimik si Rill kung sakaling nagpang-abot man ang dalawa. Ano ba kasi ang nangyari? “Sa kulungan.” “What?!” bulalas niya. “Dinala ko siya sa presinto kahapon. Kaya hindi na kita nahabol pa noong tumakbo ka,” he casually explained but his pained look was still visible. “Mayaman iyon! Paniguradong nakalaya na iyon. Baka balikan ka!” “I don’t f*****g care, Janine!” Tumaas ang boses nito. “Bakit ka pala nandoon kahapon? Why didn’t you meddle in when he tried to… to…” Bahagyang gumaralgal ang tinig niya at hindi matapos-tapos ang sasabihin. “I wasn’t riding my motorbike and I was at the other side of the alley. And, I thought that you were really about to kiss.” Why was he there? Mukhang nakuha nito ang pagtataka niya kaya sumagot ito ng, “I wanted to see you. Kahit sa malayo man lang.” Takot pa rin siya na muntikang mangyari ngunit nakuha ng atensiyon niya ang sinabi nito. “What do you mean?” But he did not answer. Then, she remembered that Rill was in jail so she asked him. “Saan siya nakakulong? Dalhin mo ako sa kanya.” Bakas ang pagkainis sa mukha nito. Dang it, he looked more matured now… She shook her head to focus on the topic. “Gusto ko siyang makausap.” “What?” Tonong naiirita na ito. “Can’t you just bring me there? I just want to know why.” “Natatakot ka, ‘tapos ay gusto mo pa ring makita? Are you damn blind and still like that bastard?” Ganoon ba siya ka-transparent sa takot niya kay Rill? But Louie was getting it all wrong that she liked Rill that way. “Ihahatid kita sa ospital.” Her brows furrowed. “Anong gagawin ko sa ospital? Hindi naman ako nasaktan.” “I’ll bring you to a counselor. It must have been traumatizing…” Now, she was lost of words. But still, she demanded him to bring her to Rill. Pwede naman niyang tanungin na lang kung saang presinto pero aaminin niyang natatakot pa rin siya khit oa nga nasa likod na ng rehas ang lalaki. But if she was with Louie, she was surprisingly strong. Kampante siya na hindi siya pababayaan nito. “Damn it!” Marahas itong bumuntong-hininga at mataman siyang tinitigan. “I can never say no to you. But we’ll go straight to the hospital afterwards.” Hindi siya makapaniwalang sa ganoong sitwasyon ay nakuha pa rin nitong patabain ang kanyang puso.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD