NAGDALAWANG-ISIP si Janine sa sasabihin pero sa huli ay bahagya siyang umiling siya para iwaglit iyon sa kanyang isipan. Hindi na dapat niya iyon patagalin.
“I see.” Tumabingi ang ngiti ni Rill dahil mukhang inakala nito na ang pag-iling nita ay ang sagot niya sa patanong na biro bito kung nagugustuhan na rin ba niya ang huli. “So, what is it?”
“K-kumain muna tayo.”
Pero hindi pa man niya napangalahatian ang cake ay hindi na siya nakatiis at nagdesisyon na siyang sabihin na rito ang dahilan kung bakit biglaan siyang punayag na makipagkita rito.
She took a deep breath when she realized he was just staring at her with that worried look in his eyes. Halata rin na kinakabahan ito sa sasabihin niya.
“Uh, Rill…” panimula niya.
“You alright?”
Tumango siya.
“You don’t look fine.”
“No, I’m fine. It’s just that I’m nervous. I don’t want to hurt yo—”
“Ihahatid na kita sa klase mo,” putol nito sa sasabihin niya.
Matagal na nagkahinang ang mga mata nila. And the way he stared at her told her that he got a hint on what was she going to tell him.
Nag-iwas ito ng tingin. “Baka ma-late ka. Tara na.”
Umiling siya dahil alam niyang kita pa rin naman siya nito sa peripheral vision nito. “Kailangan ko nang sabihin ito dahil ayaw kong pahabain pa. Mas masasaktan kita.”
“I don’t want to hear it.” Iniiwasan talaga nito ang mga titig niya kaya malumanay niyang pinatong ang kamay niya sa isang palad nitong nakapatong sa mesa at dahil maliit lang ang pabilog na mesa ay madali lang sa kanya na mahuli ang kamay nito. She extended her arms to hold him and that stopped him from avoiding her gazes.
“Rill…”
And when he set his gazes towards her, the happiness that she saw in his eyes just a while ago disappeared. Sadness was now visible.
Napalunok siya kasabay ng pagpikit nang mariin at pagkamulat ay sinabing, “I can’t do this anymore. Hindi ko pala kayang paasahin ka, hindi ko kayang saktan ka.”
“Ano bang pinagsasabi mo? Hindi mo naman ako pinapaasa. Gusto mo na rin ako, ʼdi ba?”
Her heart ached because he looked so hopeful and at the same time, hopeless.
“Hindi ba, Janine?” His voice sounded so pleading.
“I’m sorry,” aniya sa maliit na tinig.
Tumawa ito nang pagak.
“Ang sinabi mo, bibigyan mo ako ng chance?” tonong naghihinakit si Rill.
Nilakasan niya ang loob niya. He deserved to know the truth. “I’m sorry, Rill, ayaw kong saktan kita at gusto ko lang na magpakatotoo na sa sarili ko,” amin niya.
“Tutulungan kitang maka-move on, Janine.” Buo ang desisyon nito. Alam nito ang breakup nila ni Louie, nakwento niya rito. Kaya nga ba napapayag siya agad dahil ang sabi nito ay tutulungan siyang makalimutan ang lalaki. Pero hindi pala niya kaya lalo na’t may masasaktan siya.
Umiling siya. “I can’t use you. Kung magmu-move on man ako, sarili ko lang ang makakatulong sa akin. Hindi ko kailangan ng ibang lalaki. I’ve tried to enter in new relationships before, but it didn’t help me. Niloloko ko lang ang sarili ko kaya ayaw ko na sanag magawa pa ulit ang maling bagay na iyon. You deserve someone else.”
“No, please, kahit sagutin mo na lang ako... kahit hindi mo na ako gustuhin o mahalin, basta maging tayo.” Namumula na ang mga mata nito. Napalakas din ang boses nito kaya nakaagaw na sila ng atensyon.
Umiling siya. “I’m really sorry. Soon, you’ll find someone who would love you unconditionally.”
Umalis na siya, pero hindi pa siya gaanong nakalayo ay hinabol siya si Rill.
Hindi naman siya nito hinawakan kaya nakapaglakad pa rin siya palayo rito. Ha ggang sa nakapasok na ng eskinita kung saan shortcut iyom para makarating sa main road.
“Janine… let’s talk, please,” he pleaded. Nakasunod pa rin pala ito.
Pero nagpatuloy lang siya sa paglalakad. “I’m sorry. My decision is final.”
“But I really like you.”
“No. Kahit magmukha akong walang puso, hindi pa rin ang sagot ko.”
Nakakaloko itong humalakhak na nagpagulat sa kanya. Humarap siya rito at puno ng pagtatakang tiningnan niya ito.
“Why don’t you like me? I can be any person you want un exchange of me, having you.” Ang mga titig nito ay nanlilisik na at kinilabutan siya. She never saw thi side of him. Her instincts told her to ran but she couldn’t move her feet.
Napasinghap siya sa mga sumunod na sinabi nito.
“I also want to bed you, Janine. I always imagine you everyday, on top of me. Pero parang hindi na mangyayari iyon.”
“R-Rill! What the heck are you talking about? This is not you!”
Bumalik na naman ang kalungkutan sa mga mata nito. “How would you know? You didn’t even give me more chance to show myself to you.” Then, his eyes were full of anger once more. “Let me just kiss you instead.”
She was never this afraid in her whole life especially when he licked his lower lip as he stared at her now trembling lips Biglang tila ibang tao ang nasa harap niya ngayon.
Napalingon siya sa paligid ngunit dahil nasa eskinita sila ay wala pang taong dumadaan doon. Sa ilang beses siyang nagso-shortcut doon ay walang gaanong taong nandoon. Kung mayroon man, madalang lang.
“A-ano’ng ibig mong sabihin?” kinakabahang tanong niya kahit alam naman na niya ang kahulugan niyon. Damn, I need to distract him, In her mind.
“Pahalik lang ng isa. Kahit labi mo lang ang matikman ko.”
Nahintakutan siya. Hindi na talaga ito ang Rill na kilala niya. Bigla ay pumangit sa paningin niya ang lalaki. Nakita niya ang lahat ng pangungutya ng mga kaklase niya rito; at ang ginagawa nito ngayon ay higit pa kaysa sa salitang pangit. It’s evil!
Mabilis na nakalapit ito sa kanya at hinawakan ang kanyang magkabilang braso. He tried kissing her but his lips ended on her ears when she looked away.
Pilit na nanlaban siya para makalayo rito. Nagtagumpay siya ngunit hindi pa nakakalayo sa pagtakbo ay nahablot nito ang shoulder bag niya na naging dahilan kung bakit siya ay natisod at nadapa.
Nagmamakaawang tumingin siya rito para baguhin ang isip nito sa binabalak na gawin.
“P-parang-awa mo na, Rill, huwag mong gagawin,” sinisinok na pakiusap niya.
“Mahal kita, Janine...”
Bago pa ito makalapit nang tuluyan ay sinipa niya ito gamit ang buo niyang lakas. At hindi man niya naramdamang tumama ang paa sa katawan nito ay sumubsob pa rin ito sa sementadong daan.
Sa sobrang gulat at takot niya ay mabilis siyang nakatayo at mabilis ding kumaripas ng takbo papalayo sa eskinita para makalabas na siya’t makarating sa main road. Hindi na niya alintana na wala ang kanyang mga gamit.
Kailanma’y hinding-hindi na siya dadaan sa tahimik at hindi mataong eskinita na iyon dahil napagtanto niya kahit maliwanag pa, may masasama pa rin talagang mga tao na maaaring makapanakit.