Chapter 8

1067 Words
SA TOTOO lang, may mali sa kay Janine. Hindi naman niya gusto si Rill, pero hinahayaan niyang makipaglapit ito sa kanya. As in, palagi na niyang nakakausap at nakaka-text si Rill. This was an ugly thought and she was actually having this mindset wherein if she couldn’t move on with good-looking guys, maybe, someone like Rill, who may not be that good-looking but had a good heart, could help her move on. Oo, inaamin niyang taon man ang lumipas ay hindi pa rin niya nakalimutan si Louie. Hindi man naging maganda ang naging relasyon nila ay ito talaga ang minahal niya nang buo. The ugly truth was she kept on jumping from one relationship to another relationship so she could finally move forward. Pero ngayong hindi na nila kasa-kasama ang mga naging barkada nila noon ay bigla-biglang bumalik sa isipan niya ang kahigpitan ng lalaki noon sa kanya. Nasakal man siya ay hindi na niya iyon dinamdam noon dahil alam niyang para sa kapakanan din naman niya ang ginagawa nito. Siguro ay sumobra lamang ito noon lalo na sa tuwing ayaw nitong makisalamuha siya sa mga kaklase. And speaking of their classmates who used to be her circle of friends, she had a beef with them, meaning, they had some sort of fight. Hindi na nila kasa-kasama ang iba dahil siniraan sila ng mga ito—pinakalat na kaya siya nakipaglapit kay Rill ay dahil sa maykaya nga ang pamilya ng lalaki. Chanel got mad and confronted them if what they heard was true. Nagtawanan lang ang mga ito at sinabing biro lang naman daw iyon. Inakusahan pa siyang guilty kaya defensive masyado. At kahit na sinabi ng mga dati nilang kaibigan na biro lang naman ang mga pinakalat ay hindi naman ganoon ang naging dating. Nadismaya siya dahil iyon ang pinaniwalaan ng iba. May pinakalat din na tsismis ang mga ito tungkol kay Elise. They felt sad for Elise dahil ang itinuring nitong malapit na kaibigang si Myka ang nanguna sa pangangalat ng sabi-sabi. “We are never going to be their friends anymore,” galit na komento ni Chanel. “Pinag-uusapan n’yo ba kami?” matapang na tanong ni Myka na nakalapit na pala sa kanila sa garden kung saan sila nagkukwentuhang tatlo nina Chanel at Janine. “Oo, bakit? Kayo lang ba ang may karapatang pag-usapan kami kapag wala kami?” Gusto sana niyang awatin si Chanel pero alam niyang mas magsasalita ito kapag ginawa niya iyon. “Backstabbers!” Napataas ang kilay niya sa sinabi ni Anda. “Backstabbers? Hindi ba, kayo iyon?” si Chanel. Nakita niyang bahagya nang hinila ni Elise ang dulo ng damit nito. “Bakit n’yo ba pinakalat na dahil mayaman si Rill kaya ko pinansin? Alam ninyong hindi totoo iyon.” Hindi na siya nakatiis at sumabad na. “Are we back at that topic? Joke nga lang sinabi iyon. Malay ba naming seseryosohin nila.” Ang tinutukoy ni Anda ay ang mga nakainuman ng mga ito sa ibang Department noong nakaraang linggo. “What is happening in here?” tanong ng kadarating lang na si Raven. “Ewan ko. Isama mo na nga iyang mga tropa mo,” si Chanel ang sumagot. “Aalis na lang kami. Isa pang makarinig kami ng tsismis, hindi na kami mananahimik pa,” si Elise iyon na talaga namang dismayado sa nangyari. Napabuntong-hininga siya. Dahil sa nangyari ay napagtanto niyang mali ang mga ginawa niyang rebound ang mga lalaking nanligaw sa kanya. At bago pa niya magawa ulit iyon kay Rill ay nakapagdesisyon na siya. Para na rin matigil na ang bali-balitang gold digger siya kaya pinagtya-tyagaan niya ang lalaki. At tinigilan nga niya ang paghahanap ng lalaking makapapalit ng pwesto ni Louie sa kanyang puso. Tinanggap na lang niya na patuloy siyang mangungulila sa lalaki. She’d realised that looking for a rebound would never bring her peace on her mind. And that she must fully submit everything to the One above, hope and pray for her to be truly fine. Hindi niya rin kasi namalayang nakasasakit siya ng damdamin dahil lang sa pansariling kapakanan. Kaya naman ay pumayag siyang magkita sila ni Rill sa Coffee Shop, malapit sa unibersidad, para masabi na rito ang naging desisyon. “Buti naman at pumayag ka na. Ang tagal na kitang gustong makasamang kumain sa labas. Sayang nga at dito mo pinili, we could’ve have eaten to a restaurant, you know,” anito. Tipid siyang ngumiti. “Dito na lang. May mga pagkain din naman dito.” Ito na ang um-order matapos nilang makahanap ng pwesto. Nang bumalik ito ay hinintay pa nilang ma-serve ang order nila at siya naman ay kinakabahan. Hindi niya alam kung paano magsisimula sa sasabihin nang hindi ito masasaktan. Ilang sandali pa ay nai-serve na ang order nila: hers are chocolate frappe and a slice of cheesecake, and he ordered iced coffee and a slice of chocolate cake. Wala pa yatang isang minuto nang pansinin nito ang biglaan pananahimik niya. “Why are you silent? Ayaw mo ba nfg in-order ko?” Umiling siya. “I like it. It’s just start I don’t know how to start speaking to you.” Ngumisi ito. And then, he smiled at him. She realized that Rill was not bad looking just as what others were seeing him to be. He was actually attractive when you stared at him closely, and when you get a chance to know him more. Anyway, going back to his physical appearance, he wasn’t really bad looking. His thick eyebrows complimented his a bit slanted brown eyes very well. Maganda ang hulma ng ilong at sakto lang ang kapal ng labi. His built was okay, too. Kahit may kapayatan ay hindi naman mukhang mahina. May katangkaran din kasi kaya siguro mas nagiging kapansin-pansin ang kapayatan. Pero hindi talaga masama ang itsura nito. And those acne? Normal lang naman iyon. Hindi naman habambuhay na mayroon itong acne basta alagaan nito ang sariling balat o magpaalaga sa espesyalista. “Natahimik ka. Nagugustuhan mo na rin ba ako?” pukaw nito sa atensyon niya. Bahagya pa siyang napapitlag dahil napansin niyang may dating pati ang boses nito. May kalaliman pero hindi pala nakakatakot pakinggan. Now, he’s smirking again, and took a slice of that cake he was eating. Bahagya siyang natawa para pagaanin ang kaba niya. Pero mas lalo siyang kinabahan. Rill was so nice. Huwag ko na kayang basted-in?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD