Chapter 7

1052 Words
BUONG third year ni Janine ay ganoon ang naging ganap sa buhay niya bukod sa pag-aaral nang mabuti—papalit-palit ng boyfriend. Pero ni isa ay walang nagtagal. She wondered what could be wrong? Hindi kaya, sobrang guwapo ng mga sinasagot niya? O hindi kaya ay masyado pang bata kaya gusto ay magpapalit-palit din nh mga karelasyon? She sighed heavily. Then, she browsed through her phone and saw an unknown number from her call history. Missed call iyon. She clicked the message button, there was no text messages from that person. Nangunot ang noo niya. “Huh? Who’s this?” takang-bulong niya sa sarili. She called back the number. At nang sumagot ito ay uutal-utal ang nasa kabilang linya. “H-hi,” bungad nito. “Hello, sino po sila?” tanong kaagad niya. Baka mamaya ay importante pala iyomg tawag, hindi niya lang napansin. “You p-probably don’t know me. Sorry, pero huwag kang m-matatakot, magpapakilala naman ako.” Nangunot ang kanyang noo. “Huh? Bakit naman ako matatakot?” Such a weird person. The person on other line laughed awkwardly. “Kaya gusto kita, Janine.” Now, she was startled. Sign na iyon para i-block niya ang number. Pero bago pa mapatay ang tawag ay nagsalita ulit ang lalaki sa kabilang linya. “My name is Rill, I hope we’d meet soon.” Pinatayan niya ito ng tawag. Gusto niyang mailing. Dahil kahit hindi aminin ay umasa siyang ang lalaking gusto niyang kalimutan ang nagmamay-ari sa unknown number na iyon. Pero imposible. Hinayaan nga siya nitong makipag-break noon. Via text message pa! Gosh. Ilang araw na rin ang nakalipas at lagi siyang nakakatanggap ng morning greetings sa lalaking tumawag. At hanggang gabi ay may text messages ito. Araw-araw iyon at walang palya. Katulad na lang ngayon, may text ulit ito. “May nag-text na naman?” tanong ni Chanel kaya tumango siya. “Bakit hindi mo pa i-block?” Iyan din ang tanong niya sa sarili. Sa huli ay binasa na lamang niya ang text message nito. Unknown Number: Hi, I saw you at the garden! I like your hair, it’s tied up today. Napaangat siya ng tingin, sa may guard house ay may nakita siyang matamang nakatingin sa kanya. Nanghilakbot siya dahil sa kakaibang titig nito. “Do you know him?” Elise asked. “Napansin kong kanina ka pa nakatingin sa banda natin.” “Ha? Hindi ko kilala,” sagot niya. Nagyaya siyang magpunta na ng classroom. “Hayaan na lang natin. Baka nagkataon lang na nakatingin dito.” Nagkibit-balikat ang kaibigan. Sa unang pagkakataon, nag-reply siya sa unknown number: Ikaw ba iyong nasa guard house kanina? The one who’s wearing bright orange polo? Iyong may backpack na black? He replied: Ako nga! Hindi sigurado si Janine pero nahanap na lang niya ang sarili na nakikipag-usap dito. Nakikipag-text, nakikipagtawagan. Hanggang sa marami nang nakaalam niyon lalo pa’t hindi naman talaga sila magkakilala ng lalaki noon pa, at magkaiba ng Department. Mabilis na kumalat na nililigawan siya ni Rill. Hindi niya alam kung panliligaw nga ba iyong matatawag pero hindi na niya itinanggi. Kahit ano kasing sabihin niya ay siguradong paniniwalaan at paniniwalaan ng iba ang gustong paniwalaan. Eh, kung sabihin niyang hindi? Tutuksuhin lang siya na itinatanggi ang panliligaw ni Rill. She knew her classmates. Gaya na lamang ngayon, ang lalaki na naman ang usapan nila. “My gosh, Janine! Sure kang papatulan mo iyon?” tanong ni Myka, ang kaklase niya, na parang nag-uuyam. “Wala namang masama.” That was just a comment if ever Rill was courting her. Not a confirmation that he was actually courting her. Sa totoo namang walang masama kung manliligaw ito sa kanya. “Jesus! He looked like a criminal!” ang lalaking kaklase nila ang nagsalita, si Raven. She looked at him indifferently. “Anong mukhang kriminal?” Sumagot ito ng, “Iyong mukhang iyon. Mukhang kriminal. Mukhang hindi gagawa ng mabuti.” “Hey, don’t you know about the saying to never judge a book by its cover?” tanong niya. “Grabe ka naman!” komento naman ni Chanel sabay baling kay Raven. “Mabait naman iyong tao, bakit kayo ganyan magsalita?” “Mabait? Talaga?” Bumaling sa kanya ang kaklaseng si Raven. “Sige nga, isama mo kapag nag-inuman tayo!” Tumingin ulit ito kay Chanel. Ang alam niya ay matagal nang nanliligaw ang binata sa kanyang kaibigan ngunit hindi pinapansin ng huli. Hindi siya sigurado sa detalye. Hindi pa naman kasi nagkukwento si Chanel. “Talaga!” singhal ni Chanel dito. She crossed her arms and looked at her. “Janine, yayain mo iyang Gorilla mo nang mapatunayan natin sa mga judgemental na ‘to.” Nagtawanan ang iba habang siya ay napangiwi. Isa rin itong si Chanel, e. ‘Gorilla’ ang tawag nito kay Rill dahil ganoon daw ang itsura nito. Pero hindi niya makita ang sinasabi ng mga ito lalo pa’t mabuti naman talaga ang pinapakita ng lalaki sa kanya. “Ano namang nakakatawa?” nakataas ang kilay na tanong ni Chanel na bumaling sa mga kasamahan nila. Nasa may hallway sila at hinihintay pa ring makalabas ang mga estudyanteng nasa computer laboratory na gagamitin nila sa para susunod na klase. “Hindi mo alam kung bakit kami tumatawa?” si Raven. “Gaga ka talaga!” singhal ni Elise. “Bahala kayong tumawa riyan. Mga baliw.” Nagkibit-balikat si Chanel. “Mayaman naman si Rill kaya okay na kahit pangit, ‘no, Janine?” pangungutya ng isa pa nilang kaklase na si Anda. “Huh?” Anong kinalaman ng yaman nina Rill? Janine did not even know about that even before she knew him. Nalaman lang niya noong ibinalita sa kanya ng mga kaklase nila na kamag-anak ni Rill ang may-ari ng University. “Na mayaman kaya kahit pangit, okay na sa iyo,” ulit pa talaga ng kaklase nila. “Hay, ‘naku, Anda, sa iyo pa talaga nanggaling ang salitang pangit?” sarkastikong tanong ni Chanel dito. “Gandang-ganda ka na naman sa sarili, Ate?” Nagtawanan ang mga kakalase nila sa ka-prangkahan ng kaibigan. Kitang-kita ang pag-asim ng mukha ni Anda. Na kung hindi lang sila pumasok sa room ay siguradong hindi pa matatapos ang usapan tungkol sa kanya. Napailing na lang siya at sumunod na sa mga kaklase.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD