Chapter 6

1813 Words
WALA nang mahihiling pa si Janine sa relasyon nila ni Louie matapos ang gabing sinagot niya ang lalaki. Everything went smoothly and she was like living in a fairy tale dream—just as what she always dreamed of. “Kumain ka pa,” nakangiting sambit ni Louie nang dagdagan ng dalawang piraso ng fried chicken legs ang kinakain niya. Eksaherada siyang sumimangot. “Tumaba na ako nang tumaba sa iyo.” Paano ay parang nawalan na ng epekto ang pagdi-diet niya noong mga nakaraan. “Okay iyan, may girlfriend na ako, may unan pa ako,” biro nito. Tinampal niya ang braso nito. “’Kainis ka!” Napansin nga niyang nadagdagan ang kanyang timbang dahil kadalasan ay kumakain sila sa labas o hindi kaya ay lagi siyang pinagluluto ni Louie ng mga paborito niyang pagkain sa tuwing pupunta siya sa bahay nito. Nag-college siya at kadalasan ay hatid-sundo nito. Buong durasyon ng first year niya ay nakakilala rin siya ng mga bagong kaibigan. Sina Chanel at Elise ang pinakamalapit sa kanya sa lahat at ipinakilala na rin niya sa boyfriend niya. “Hon, baka mag-sleepover kami kina Elise bukas matapos manood ng dance contest sa school. Nasabi ko na sa iyong lalaban sina Elise, hindi ba?” paalam ni Janine sa boyfriend. Nakapagpaalam na siya sa kanila at pumayag ang mga ito dahil kilala naman na rin sa kanila ang mga kaibigan. “Hindi ka makikitulog. May kasama kayong lalaki,” malamig na tugon nito at ipinasuot sa kanya ang helmet. Sinundo siya nito pauwi. “Ha? Pero marami naman kami.” “Hindi ka pupunta, Ja,” pinal na sagot nito. Everything went smoothly. At first. Dahil sa totoo lamang ay masyado siyang nasasakal sa pagka-possessive ng boyfriend niya. Ang daming bawal. At dahil mahal niya ito ay hindi na niya alintana kung parang unti-unti na siyang nagiging anti-social. O baka naman, nag-o-overthink lang siya at para sa kanya naman talaga ang paghihigpit ng huli. Mas mahigpit pa nga ito kaysa sa pamilya niya. Lumuwang na ang pamilya sa kanya mula nang mag-college, hindi katulad noong hayskul na ni hindi umaabot ng alas otcho sa school sa tuwing may events, ngayon ay pwede na siyang mag-sleepover. Na hindi pa rin niya nagagawa dahil nga binabawalan siya ni Louie. Hanggang sa mag-second year siya ay ganoon ang naging ganap sa kanila. Away-bati rin dahil sa hindi nito pagpayag sa kanya na makipag-party sa mga kaklase sa tuwing walang pasok. Ang katuwiran nito palagi ay nag-aaral siya at hindi nakikipag-party. “Janine naman, hindi ka na nga nakasama noong nakaraan. Kaya sumama ka na ngayon, please. Fiesta naman sa amin,” pakiusap ng kaibigan niyang si Elise. “Kaya nga. Isama mo na lang si Louie.” “Ayoko, baka ma-out of place siya, eh. Isipin pa ng mga kaklase nating nagsama ako ng KJ,” paliwanag niya. She meant ‘killjoy’ in KJ. Nakauunawang tumango ang mga kaibigan. “Sige na nga. Sasamahan ka na lang namin habang hinihintay mo siya,” desisyon ni Chanel. “Nasaan na raw ba siya?” “Hindi pa nga nagre-reply, e,” medyo naiinis na niyang tugon. Napapansin niya na nitong nakaraan ay hindi na ito ganoon kadalas mag-text sa kanya, katulad na lamang ngayon. Sa pagkukwentuhan ay hindi nila namalayang isang oras na pala ang lumipas. “Matagal pa raw ba?” tanong ni Elise. “Sige na, mauna na kayo, parating na rin naman niyan iyon.” “Hindi, ayos lang. Sasamahan ka namin,” anang Chanel. “Paano ang mga bisita mo?” baling niya kay Elise. Nagkibit-balikat ito. “Hindi naman pababayaan nina Momshie iyon,” sagot nito. “Saglit lang, magsi-C.R. lang ako,” paalam nito. Napansin niyang kanina pa balisa si Chanel. “‘Oy, napapaano ka ba riyan? Parang kang bulateng binudburan ng asin, a?” sita ni Elise. “Wait lang talaga, bathroom lang ako,” mabilis na umalis si Elise. Mukhang hindi na mapigilan ang tawag ng kalikasan. “Ayos ka lang ba?” pansin niya kay Chanel nang mukha pa ring hindi ito mapakali. Matagal bago ito sumagot. “Hindi sa nakikialam ako o naninira ng relasyon, pero kasi, lagi mong sinasabi na pakiramdam mo, wala siyang time sa iyo...” Bumuntonghininga muna si Chanel bago nagpatuloy, “...iyong asawa ng pinsan ko, nakatira rin sa Sunrise Village.” Iyon ang village kung saan nakatira ang boyfriend niya. Tila nahihirapan din sa paghayag ang kaibigan niya patungkol sa nais sabihin. Pakiramdam niya ay dinamba ng kung anong mabigat na bagay ang kanyang dibdib sa narinig. Gusto niyang patigilin ang kaibigan ngunit gusto niya ring malaman ang sasabihin nito. Tumahimik siya upang mapakinggan pa ang mga kasunod na pangungusap. “Ano, m-may babaeng kasama raw. Hindi ko alam kung totoo o tsismis, nasabi lang sa akin. But since it concerns you, I can’t help but tell you this. I tried looking for some proof but I didn’t manage to. Hindi naman din kasi ako naniniwalang kaya niyang gawin sa iyo ‘yon.” At saka mariin siyang tiningnan ng kabigan, nag-aalala sa kung anong magiging reaksyon niya. “I mean, huwag mo nang alalahanin iyon! Tsismis lang naman. Saka, bakit ko ba kasi sinabi?” kastigo ni Chanel sa sarili. “Hindi, Chan, thankful akong sinabi mo. Alam kong nag-aalala ka kaya kahit nagdadalawang-isip ka, mas pinili mo pa ring ipaalam sa akin,” she assured her, but her friend knew she wasn’t okay. Her head was making some stories she did not want to entertain. Hindi ito mapakali nang mapansin ang reaksiyon niyang nasaktan sa nalaman, kasehodang tsismis o hindi. “Uuwi na ako, pagod na ako, e,” paalam niya bigla. Magkaklase sila ng kaibigan at kasalukuyang nasa kiosk para magpalipas ng oras. Maaga kasi silang d-in-ismiss nang araw na iyon kaya may oras pa sila para mag-snacks at magkwentuhan sana. “O, bakit ang seryoso ninyong dalawa?” pansin ng isa pa nilang kaibigang si Elise na galing sa restroom. Napakagat-labi si Chanel habang tinitingnan siya. Nakokonsensiya na ‘ata ito na sinabi nito ang mga bagay na iyon sa kanya kahit walang pruweba. “It’s really okay,” ulit niya. Besides, she trusted her boyfriend more than she trusted herself. “Then, why the tears?” Doon siya natigilan. Hindi siya iyaking-tao, kahit manood siya ng mga malulungkot na palabas ay hindi siya umiiyak. Hindi rin siya umiyak noong namatayan siya ng paboritong alagang isda kaya imposible ang sinasabi ng kaibigan niyang umiiyak siya. Just because of some baseless rumor? She did not think so. Agad na lumipat sa tabi niya si Elise at inabutan siya ng ilang piraso ng tissue paper. “Tara sa amin?” yaya nito. Napakurap-kurap siya dahil nanlabo ang kanyang mga mata. Tama nga ang mga kaibigan, dahil kasabay ng pagpikit ng kanyang mga mata ay tumulo na ang luha. “Sumama ka na muna kaya sa amin? Nag-aalala kami sa iyo.” Pumayag na siya dahil hindi pa rin talagang nagpaparamdam ang kanyang boyfriend. She made sure to send him a text message before going with her friends. Kaya naman nang puntahan niya ito at mahuling may kasamang babae ay basta-basta siyang umalis. Ang masakit ay hindi siya nito sinundan man lang nang araw na iyon. Just like that, everything between them ended up in just a blink of an eye. Looking back, Janine thought that her life with Louie was just as perfect as a fairy tale dream. But she was wrong. Dahil matapos ang tagpong iyon kung saan naabutan niya itong may kasamang babae sa bahay ay nakipaghiwalay na siya rito. Her life was never been enjoyable after she became free. Palagi na siyang sumasama sa night’s out ng mga kaklase tuwing Sabado, at natuto rin siyang uminom ng alak. Palagi silang na kila Elise noon kasama ang mga kaklaseng malalapit sa kanila at nag-iinuman hanggang sa hindi na nila kayang uminom pa. That was their way of de-stressing after the whole week of studying. Puspusan din ang ginawa niyang pagda-diet nang summer vacation na iyon kaya naman nang mag-third year college na ay manghang-mangha ang mga kaklase niya sa laki ng pagbabago sa kanya. Kapansin-pansin iyon dahil sinigurado niyang papayat siya—she worked out and jogged every morning religiously. Kaya naman ay hindi kataka-takang dumami ang mga nanliligaw sa kanya, na hindi naman niya pinapansin. Idagdag pa na nagpa-braces siya. Road to set of perfect teeth na siya. Kahit naman nilalait-lait niya ang bunny front teeth niya noon, hindi naman ibig sabihin na hindi na siya kontento sa mayroon siya kaya siya nagpa-braces. No, it was not because of that. She did those things to be more confident and beautiful because that’s how she felt. At saka, coping mechanism na rin para hindi niya maalala si Loiue. Kumusta na kaya ang lalaki? Siguro ay nakahanap na ng kapalit niya. After all, he’s seven-year older than her. “Buti naisipan mong nag-diet?” tanong ni Kei, ang kaklase nilang malusog din ang pangangatwan. Ilang linggo na mula noong magbukas ang klase at hanggang ngayon ay napag-uusapan pa rin ang pagpapayat niya. “Wala naman,” kibit-balikat niyang sagot sa tanong nito. “Changed person, ganoon.” “‘Ku! Baka kasi dahil sa crush niyang kamukha ni Gu Jun Pyo!” kantiyaw naman ni Chanel; tinutukoy nito ang senior nilang, well, crush nga niya. Hinalintulad nito ang lalaki sa isang fictional character sa isang sikat na Korean Drama na “Boys Over Flowers” dahil may katangkaran at medyo singkit din. Hindi nagtagal ay nagkaroon siya ng boyfriend, si Leomar, ka-batch niya ngunit iba ang kursong kinukuha. Hindi naman sila nito nagtagal. Ilang linggo lang ang nakalipas ay nagkaroon na naman siya ng panibagong boyfriend, iyong sinasabing kamukha ng artistang gumanap na Gu Jun Pyo. Ngunit gaya nang nauna rito ay hindi sila nagtagal ni Jun. “’Nine,” pukaw ni Elise sa atensiyon niya nang maiwan silang dalawa sa study table. Wala si Chanel dahil maysakit ito. “O?” “Napapansin kong iba-iba ang nagiging boyfriend mo.” Saglit siyang natigilan. “Nanliligaw, e. Sinasagot ko lang.” “But you don’t even like them.” “I do.” “Nagwa-gwapuhan o kaya naman ay naku-cute-an ka lang sa kanila pero hindi sapat na dahilan para maging boyfriend mo sila.” Natahimik siya. Pakiramdam niya ay sinesermunan siya ng kaibigan. She did not answer because her friend may prove her point, and she didn’t want to listen now. Elise sighed and said, “Basta kung may problema ka, nandito lang ako—kami ni Chanel, okay? Absent lang iyon pero lagi iyong nasa likod natin.” Tumango siya at ngumiti. Masaya siyang naiintidihan siya ng mga ito, hindi katulad ng mga kaklase o ilang kakilala na sinasabihan siyang maharot dahil sinadya raw niyang magpapayat para makapagpalit-palit ng boyfriend. As if!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD