“BAKIT nga pala George ang tawag sa iyo ng ilan?” kuryosong tanong ni Janine kay Louie nang minsang katawagan niya ito. Nagbibiyahe na sila pauwi dahil enrollment week na sa papasukam niyang unibersidad.
“Kinalakhan ko kasi iyon. Aside from that’s my mom’s endearment to me. Kaya lang, akala ng ibang nakarinig noong bata ako, pangalan ko iyon,” esplika nito.
“Even Jenny?”
“About that, we accidentally met her at the supermarket, then she heard my mom called me that way.”
“Ah, ganoon pala.”
“Sige na, magpahinga ka na. Mahaba-haba pa ang biyahe ninyo.”
Tumango siya kahit hindi naman siya nito nakikita. Nagpaalam na siya at nakatulog sa mahabang biyahe. Mabuti na lamang at komportable ang mga upuan ng bus na nasakyan nila hindi gaya nang papunta. Imbis na mag-eroplano para sana mapadali ang biyahe ay nag-bus na sila uoang makatipid ng pamasahe.
Nang makauwi sila ay sumalubong sa kanila ang magulong itsura ng bahay at ang mga nakatambak na hugasin. Hula niya ay kanina pang umaga ang mga iyon. Halos isang araw silang nagbiyahe at ganoon ang bubungad sa kanila? Pakiramdam niya tuloy ay d-um-oble ang pagod na nadama.
“Jaja, magpahinga na kayo ng kuya mo. Ako nang bahala rito,” ang kanyang mama.
“Bukas na lang po iyan, Mama. Pumanhik ka na sa taas.”
Siguro’y dahil sa pagod ay hindi na ito kumontra pa.
Kung tutuusin, sila ang may-ari ng bahay na iyon. Nakikitira ang kanyang tita at ang anak nitong lalaki na halos kasing-edad niya roon. Ang kanyang mga lolo at lola ay sa kanila rin nakatira. Parehas nang mahina na ang mga ito dahil sa katandaan. Wala rin silang kasambahay na kasama kaya sanay na sanay siya sa mga gawaing-bahay noon pa mang bata pa.
“Janine! Kanina pa ring nang ring ang cellphone mo!” Ibinigay ng kanyang kuya ang cellphone niya sa kanya pero hindi niya naabutan ang tawag.
“Bitiwan mo na lang diyan,” turo niya sa may lababo. Sinimulan na niya kasing punasan ang makalat na mesa, mamaya ay sa dirty kitchen siya magliligpit. Mas makalat doon dahil may nag-inuman pa.
“Bukas mo na lang gawin iyan. Magpahinga ka na rin,” paalala nito at pumanhik na sa sariling kwarto.
Naiwan siyang mag-isa sa kusina. Hindi na niya ipagpapabukas pa iyon para mahaba-haba ang pahinga ng mama niya.
Muling nag-ring ang kanyang cellphone. At nang tingnan ang tumatawag ay si Louie iyon. Hula niya ay kanina pa tumatawag ang huli.
“Hello,” bungad niya.
“Nakauwi na ba kayo? You weren’t answering my calls, nag-alala ako.”
“Sorry naman, pero sandali lang, magliligpit muna ako, ah. Halos kauuwi lang namin,” paalam niya at akmang papatayin na niya ang tawag nang magsalita ito.
“What? You are tired. You should be sleeping now.”
“I slept, though. Halos buong biyahe ay natulog ako,” katwiran naman niya.
Saglit na katahimikan ang namayani bago ito bumuntonghininga. “I’m outside your house.”
“Ha?”
“Kadarating ko lang din. Now, please, open the gate.”
“But it’s eleven o’clock!” In the evening!
“I know,” namamaos nitong untag. “I’ll just see you and I will go home. I promise.”
Nagmamadaling lumabas siya. True to his words, when she peeked, she saw him standing in front of the gate.
“Gabi na,” bungad niya nang pagbuksan niya ito ng gate.
“I miss you.”
Natigilan siya. Kaya ba ito nandoon? Para makasipat sa kanya?
“M-me, too,” nauutal niyang untag. “Now, go home.” Ayaw man niyang pauwiin ito ay nag-aalala siya dahil masyado na ngang malalim ang gabi. Magmo-motor pa ito.
Hindi ito natinag. Bagkus ay dumiretso sa dirty kitchen nilang nasa likuran ng bahay.
“Louie!”
“I will go home. Pagkatapos magligpit.” Ngumisi ito.
“Ano’ng…? Huwag na!” awat niya ngunit hindi naman ito nagpapigil.
“You already cleaned the table,” pansin niya. “Umupo ka muna riyan. I’ll do the dishes.”
She pouted. “Umuwi ka na.”
“Umupo ka na lang muna. Kahit tulog ka buong biyahe, alam kong pagod ka pa rin.”
Mas nanulis ang nguso niya at sinunod na lang sinabi nitong maupo na lang siya.
Then she silently watched him do the dishes. Mukhang sanay na sanay talaga ang lalaki sa gawaing-bahay kahit hindi halata sa pangangatwan at itsura nito. Mas mukha kasing babad ito sa pagpapaganda ng katawan sa gym at pagpapapogi sa ibang mga babae, sa totoo lang.
She cleared her throat after a few minutes. “Ako na lang diyan. Umuwi ka na at gabi na.”
“Nasimulan ko na. Kaunti na lang naman ito.”
Kaunti? Tambak nga ang ang hugasin, e.
Nang matapos ito ay tinulungan niya ito sa pagpunas ng mga hinugasan at itinago na ang mga iyon.
Ngayon ay hinarap naman nito ang makalat na sahig. Halatang may nag-inuman talaga roon habang wala silang mag-iina. Ang pinsan na naman siguro niya, kasama ang mga barkada nito. Mukhang hindi alam o nakaligtaan na ngayon ang uwi nila kaya ayun, hindi na nag-abalang magligpit pa. Inisip siguro ng pinsan na ipagpabukas na ang pag-aayos.
“Kami na lang diyan bukas. Umuwi ka na.”
“Hindi, tatapusin ko na para makapagpahinga kayo nang maayos.”
Tumango na lang siya para hindi na humaba ang usapan dahil baka imbis na may matapos, hanggang mamaya ay nagtuturuan sila.
Hanggang nang matapos ay inalok niya muna itong mag-kape. Pinagtimpla niya ito at umupo sila sa may hardin. Lagpas ala una na ng madaling-araw iyon.
“Sa guestroom ka na lang matulog,” alok niya bigla nang mapagtanto ang oras.
“Uuwi ako.”
“Pero—”
“Wala nang pero pero. Ayaw kong may isipin pamilya mo.”
Totoo nga naman.
Marahan siya nitong tinitigan at mabilis siyang umiwas ng tingin. The way his eyes glowed that way he looked at her made her blush.
“Nag-diet ka nga,” anas nito matapos ang ilang sandali.
Napakagat-labi siya. “I told you so.”
“Damn, marami akong makakaagaw nito sa iyo.”
Napakurap-kurap siya.
“You look more beautiful...”
Binobola ba siya nito?
“Wala ka namang makakaagawan,” komento niya.
“No, believe me, Ja, once you enter college, those college boys will go crazy over you.”
Napamaang siya at isinara ang bibig. Pagkuwa’y sinabing, “You won’t let that happen, right?”
Saglit itong natigilan. “Wala naman akong karapatan.”
Napanguso siya.
“But I am not complaining, though. Kailangan ko lang mas galingan ang panliligaw.”
May multo na ng ngiti sa kanyang mga labi. “Then, I am giving you the rights now.”
Maang itong napatingin sa kanya dahil tila pinoproseso ang kanyang sinabi.
Ngumisi siya sa reaksyon nito.
“Does that mean—”
“Oo, Louie, sinasagot na kita.” Matamis siyang ngumiti matapos bigkasin ang mga katagang iyon.
“Huwag mo akong binibiro ng ganyan, Janine.” Sinubukan nitong ngumisi pero tabingi. Halata na kinakabahan ito nang husto sa sinabi niya.
Magaang tinampal niya ang braso nito. “I’m serious.”
“Damn it,” hindi makapaniwalang bulalas nito. Natuwa siya nang mapansin ang pamumula ng mga tainga nito. “You just made me really happy!” Nginitian siya nito.
“Tayo na.”
“Can I hug you?” Natawa siya sa paraan ng pagtatanong nito; halos malunod siya sa tuwang ipinaramdam nito sa kanya.
“Of course, I’m your girlfriend now.”
“Yes!” hiyaw nito at tumayo. Tatayo na sana siya nang unahan siya nito. “I love you, Janine,” anas ni Louie at niyakap siya nito sa paraang halos buhatin siya para makatayo.
Humiwalay ito nang may tumikhin mula sa kanilang likuran.
“Kuya.”
“Erik.”
Magkapanabay na bati nilang dalawa sa pupungas-pungas na si Erik.
“Princess Janine, umakyat ka na sa kwarto,” malamig ang tinig na utos nito.
Napayuko siya at tahimik na umalis. Ngunit hindi alam ng kuya niya ay hindi pa siya pumanhik sa kwarto.
“Sinagot ka na?”
“Oo,” direktang sagot ni Louie.
“Bata pa ang kapatid ko.”
“Alam ko iyon.”
“Bakit mo niligawan, kung alam mo naman pala?”
“Gustong-gusto ko ang kapatid mo. Kahit hindi niya ako sagutin ngayon, magpapatuloy ako sa panliligaw.”
“Sinagot ka na.”
“I can tell her I can wait.”
“Sigurado kang hindi mo siya binakuran para walang makalapit sa kanya sa University?” Nananantiya ang tanong na iyon ng kanyang kuya.
“Hinding-hindi ko iyon gagawin.”
“That’s great, then.” Gumaan na ang tinig nito. “Dito ka na matulog, gabi na rin naman.”
She heaved a deep sigh of relief upom hearing thay. Ang akala niya ay magagalit ang kuya niya at sasabihing hiwalayan na siya nito dahil bata pa nga siya.
“Uuwi ako, brad.”
“Sigurado ka?”
“Oo.”
“Ja!”
Napakislot siya sa pagtawag ng kanyang kuya sa kanya.
“Janine, alam kong nasa likuran ka lang ng pinto. Pumanhik ka na sabi sa kwarto mo!”
Nagmamadaling umalis siya at bago tuluyang makaakyat ay narinig niya ang tawanan ng dalawa.
Napasandal siya sa likurang ng pinto nang makapasok siya sa kanyang kwarto. Ipinatong ang dalawang kamay sa malakas na kumakabog niyang dibdib.
“Boyfriend ko na si Louie,” tila nananaginip niyang untag.
Tumakbo siya at pabagsak na humiga sa kama. Mahigpit niyang niyakap ang unan at nagpagulong-gulong pa sa kama hanggang sa mahulog siya sa sahig. Mabuti ay hindi siya nauntog sa sahig.
Tumunog ang message alert tone ng kanyang cellphone.
Louie:
Uuwi na ako. Magpahinga ka na. I’ll see you tomorrow, honey :’)
“Gosh! Honey!” she squealed.
Mabilis siyang nag-reply:
Good night :*
Louie:
Good night, hon. I love you :*
That emoji was so cute! She replied:
I love you, too. :*
Kung siya ang masusunod, mas gugustuhin niyang huwag munang matulog para makatawagan pa sana ito o maka-text nang mas matagal, pero, dahil na rin sa sobrang pagod ay mabilis siyang hinila ng antok.
Boyfriend ko na si Louie George Centeno Torrejos!
Kailangang full name? With middle initial?
Ha! Inggit ka lang!
Anong inggit? Matulog ka na.
Boyfriend ko na si Louie…
Tinakpan niya ang kanyang mukha ng unan at saka tumili roon bago pinigilan ang sarili na kausapin ang sarili. Siguradong mapupuyat siya kung hindi pa niya pinigilan ang sarili.