KINAKABAHAN si Janine nang patapos na ang kanilang klase. Sure she said that she would see Louie but she couldn’t contain her feelings and couldn’t compose herself.
“Sa second gate na lang kaya ulit ako dumaan?” bulong niya sa sarili at bumuntong-hininga.
“Huy! Ang lalim naman niyan,” untag ng kaklase at ka-seatmate niyang si Heizen.
“Ang alin?” lutang niyang tanong.
“Iyang iniisip mo,” sagot nito. “Kanina pa malalalim ang mga buntong-hininga mo riyan,” pansin nito.
“Ah, wala naman. Pagod lang siguro ako,” dahilan niya
“Ganoon ba? E, ano pang hinihintay mo riyan? Uwian na!”
Noon lang niya napansin nagsipaglabasan na ang mga kaklase at silang dalawa na lang ni Heizen ang naiwan.
“Siya nga pala, sa main gate ka dumadaan, hindi ba? Sabay na tayo, may pupuntahan lang ako saglit.”
Sumabay nga ito ng paglalakad sa kanya. At ang kabang nadarama ay lalong tumindi nang mamataan niya ang magarang motorsiklo ni Louie na naka-park sa kabilang kalsada.
Higit pa sa kanyang pang-unawa na kaibigan lang ang dapat ituring niya sa lalaki pero alam niyang sa kaloob-looban ay hinahangaan niya ito. Na hindi lang pagkakaibigan ang gusto niyang ibigay sa lalaki.
Pinilit niyang huwag lumingon kay Louie at sa daan siya tumingin.
“Ja, mauna na ako, ah,” paalam ng kaklase nang makalabas sila ng paaralan.
“Heize, s-sasama ako sa iyo,” pigil niya rito at nag-isip ng palusot. “Wala pa kasi iyong sundo ko. Saan ka ba pupunta?”
“Hmm, sige. Sa bookshop lang naman ang punta ko.”
Naglakad na silang dalawa papuntang bookshop. Ilang sandali lang ay nakatanggap siya ng mensahe. Hindi na niya kailangang manghula kung sino iyon. Pagkarating ng bookshop ay saka pa lamang niya binasa iyon.
Louie:
Busy ka pala. Ingat sa pag-uwi. I’ll just go back tomorrow.
Napalunok siya pagkabasa niyon.
She replied:
Oo. Pasensya na at hindi kita nasabihan agad, a. Sige, may gagawin pa ako.
Louie:
Sige.
She typed in another reply:
Ingat sa pagmamaneho.
She sighed. Why was she chickening out? Hindi siya dapat ganito lalo pa at siya ang nagsabi na makikipagkita siya kay Louie ngayon kaya dapat niyang panindigan iyon, hindi ba?
Pero nasabi na rin naman niyang abala siya…
Kahit na! Ang usapan ay usapan.
“Ayos ka lang ba talaga?” untag ni Heizen.
“O-oo.”
“Are you sure? You look troubled.”
Napakagat-labi siya.
“May masakit ba sa iyo?”
Umiling naman siya at naalala ulit si Louie.
Nakapagdesisyon na siyang puntahan ito. “Heizen, pasensya na. Mauuna na ako, ah. Bye!” mabilis siyang nagpaalam dito at lakad-takbong tinahak ang daan pabalik sa kanilang paaralan. Humahangos pa nga siya nang makarating sa tapat ng gusali kung saan laging nandoon si Louie.
She sighed in relief when she saw he’s still there. Mabuti na lamang at pasakay pa lamang ng motorsiklo.
“Louie!” Natigil ang pagsakay nito para lingunin siya.
“Janine?” nagtatakang-tanong nito. Mabilis na tinanggal ang suot na helmet. “Akala ko, may gagawin ka pa?”
“Tapos na,” aniya sa maliit na tinig.
Napatango ito.
“I lied,” lakas-loob na amin niya bigla. She noticed him kicked his lower lip without removing his gazes towards him. Mukha itong namangha sa pag-amin niya. Nagpatuloy naman siya. “Ewan ko pero kinakabahan kasi akong makita ka kanina. Saka hindi na nga sana ako magre-reply pa sa iyo kahit kailan pero may parte sa aking ayaw na gawin iyon.” Napalakas ang pagkakasabi niya at napalingon ang ilang dumadaan.
Halata na ngayon ang pagkagulat at pagkamangha sa mga mata ni Louie.
“Why are you not saying anything?”
“Let’s go to the café? Mag-commute na lang tayo,” anyaya nito bigla.
Nangunot ang kanyang noo. “Bakit pa tayo magco-commute, you have your Ducati?” she asked. Noong una ay hindi niya alam kung anong motorsiklo iyon, hanggang sa itanong niya nang minsang nagkwentuhan sila.
“I don’t think I can drive now.” namamaos nitong untag.
“Huh? Bakit? May masakit sa iyo?”
Umiling ito. May multo na ng ngiti sa mga labi.
“O, sige, sa café na lang tayo. May café roon malapit sa second gate,” yaya niya.
Pumara na ng tricycle si Louie bago pa niya mabanggit na lakarin na lang nila. Walking distance lang naman kasi iyong naturang café.
Hindi sumakay sa loob ng tricycle si Louie, bagkus ay umangkas ito sa likuran ng driver. Napabusangot siya. Kung naglakad na lang sana sila, ‘di sana’y mas mahaba ang oras na kasama niya ito at kasabay pa sa paglalakad. Katabi niya ito panigurado, hindi tulad sa tricycle na sinakyan.
What are you thinking about? Kastigo noya sa sarili. Kung marinig siguro ng tita niya ang iniisip niya ay masasabihan na siyang malandi. Na tama itong nakikipag-boyfriend lang siya imbis na nag-aaral nang mabuti.
Nang makarating sa café ay nauna na siyang um-order siya ng paborito ng milk chocolate frappe at isang slice ng cheesecake.
“Sa iyo?”
“Same with yours,” he answered hoarsely.
Bahagya siyang tumango. Bakit parang bigla itong na-conscious ngayon? Dahil ba sa mga sinabi niya kanina? But all of those were true.
Umiling siya nang kunin ng cashier ang atensyon niya. Sinabi naman niya ang additional order matapos humingi ng paumanhin.
At bago pa niya makuha ng pitaka sa loob ng bag ay nakapag-abot na ng bayad si Louie.
“Hala, ako na lang dapat ang nagbayad. Ako ang nagsabing magkita tayo ngayon.”
“No, Janine, I should be paying. This is our first... time eating together.”
Napalunok siya. He sounded af if they were on a date. Hindi siya sumagot dahil hindi na niya mapigilan ang kabang nadarama; ang kakaibang kiliti na humahaplos sa kanyang dibdib. Tumalikod na lamang siya at lumakad upang humanap ng pwesto. Sa may dulo siya nakahanap ng medyo tahimik na lugar kumpara sa may bungad ng café. Tahimik naman siya nitong sinundan.
Nang pagkalapag ng order nila ay saka pa lamang nito binasag ang katahimikan.
“Janine...” Mataman siya niyong tinitigan. “About Jenny, it’s true that I was courting her before. And she was the reason why I went to your school during your Foundation Week,” panimula nito.
“But she said you didn’t see her.”
“Remember when I ran?”
Tumango ito.
“I chickened out because I felt a strong unfamiliar feeling while being with you in that very short span of time.” He chuckled a bit. “It was childish, I know.”
Napakurap-kurap siya. This man, chickening out? She couldn’t imagine.
Tumikhim ito at saka sumeryoso. “Then, I forgot about seeing her—no, I think I even forgot everything that night. Ikaw na lang ang nasa isip ko noon.”
Napamaang siya.
“I followed you so I could get your contact number. But I didn’t know how to. I don’t want you to catch me following you and would think that I am a stalker.”
Napanguso siya. Would she even think of that when she was actually attracted to him the first time she saw him?
“I saw you with your brother, I thought you were together. You two don’t look alike that much.”
Ano bang isasagot niya?
“I just want to say that you caught my attention that night.”
“Is this a confession?” hindi napigilang tanong niya.
“You can say that,” amin nito saka ngumiti.
“Paano kung may nakita kang iba at nagustuhan mo, baka i-ghost mo ako niyan,” pilit na pagpapagaan niya sa usapan. Ghosting ang usong term ngayon na ginagamit sa mga bigla na lang hindi nagpaparamdam na tao.
“No, Janine. I’ve never felt this way before. I never liked someone younger than me.”
“Jenny is younger,” komento niya.
“I know.” Maingat siya nitong tiningnan matapos sumagot.
“So you really courted her just because you don’t want her to court you?”
He sighed heavily, tila nahihirapan sa isasagot. At ilang sandali pa’y marahang tumango. “So she really told you everything.”
“Betatche is right, you are nice in your own way,” komento niya. “Pero pwede namang tanggihan mo kapag hindi mo gusto, hindi ba?”
“I want to be honest with you, I liked being surrounded by girls before.”
In short, playboy.
“Pero nagbago ang lahat ng iyon nang makilala kita.” Hinanap nito ang kanyang paningin at masuyong tiningnan.
“Liligawan mo ba ako?”
“I want to. But you’re too young.”
Nangunot ang kanyang noo.
“Huwag mong masamain ang sinabi ko. I want to woo you when you’re at legal age...”
Lumiwanag ang kanyang iniisip tungkol sa binanggit nito. Ang akala kasi niya, ayaw nito sa kanya dahil masyado siyang bata para rito. Na baka ma-boring ito sa kanya at magsawa rin kalaunan. Ngunit nagkamali siya, ang iniisip pala nito ay masyado pa siyang bata para magka-boyfriend.
“We can be friends for now,” untag niya.
“I don’t...” Hindi nito dinugtungan ang nais sabihin. Bagkus ay bumuntong-hininga ito. “Alright.”
Ang daling kausap.
“Pero gusto ko nang maligawan mo,” nakangusong sambit niya.
“I will.”
“I mean, now.”
Saglit itong natigilan at namamanghang tiningnan siya.
“You’re not worried about me, being a playboy?”
“I am!” mabilis na sagot niya. Bahagyang tumaas ang boses. Pagkuwa’y ginagap ang kamay nitong nakapatong na sa mesa. “But believe me if I say that I trust you enough nang sinabi mong nagbago ka na,” puno ng sinseridad na wika niya. Hindi maipagkakaila ang kuryenteng nadama dulot ng pagkahinang ng kanilang mga kamay.
Parang sirang-plaka na tumugtog sa kanyang isipan ang partikular na kantang “Pag-Ibig Na Kaya”.
Ilang sandali na mataman siya nitong tinitigan at ngumiti ito nang hindi inaalis ang mga titig sa kanya.
“Friends?” she offered.
“Friends,” anas nito.
Then, they both smiled at each other.
Matapos ng tagpong iyon ay naging magkaibigan nga silang dalawa. Madalas din silang magtawagan at mapalitan ng text messages. Both of them weren’t fond with social media that was why they stick with their phone calls.
Totoo nga ang sinabi nitong hihintayin nitong mag-eighteen siya. Graduate na siya ng Senior High School nang magsimula na itong manligaw nang pormal. To be precise, on her eighteenth birthday, seventeenth of April.
Simple lamang ang selebrasyon ng kanyang kaarawan. Idinaos nila iyon sa kanilang bahay, nagpa-cater sila at nagkaroon ng kaunting salu-salo. She chose not to celebrate her debut extravagant because she wanted to use the money for her college. A wise choice. Kung siya nga ang papipiliin, kahit wala na sanang selebrasyon na ganoon dahil sapat na iyong makapagpasalamat siya sa Maykapal sa mga biyayang natatanggap niya at ng kanyang mga mahal sa buhay. Pero hinayaan na rin niya nang sabihin ng mama niya at kuya na magkakaroon ng salu-salo, basta huwag iyong bongga, aniya.
Mga malalapit na kamag-anak at kaibigan lamang ang mga dumalo. Inanyayahan niya rin si Louie na magpunta sa kanila noong araw na iyon.
Dumating ito na may dalang pumpon ng magaganda at mapupulang mga rosas, at hula niya ay may iba pa itong dala bukod doon.
“Happy birthday,” masuyong bati nito nang makalapit sa kanya at saka hinalikan ang likod ng kanyang kaliwang palad. That simple gesture screamed that they had something. Kahit sinong nakakita niyon ay hindi na kailangang manghula kung sino si Louie.
Tila tumigil ang mundo ng mga sandaling iyon, gwapong-gwapo ito sa suot na black jeans, at putting polo na hindi nakabutones hanggang sa may dibdib pero nakatupi ng three-fourths. Maayos ding naka-porma ang buhok nito na lalong nagpa-presko sa hitsura nito.
“Aba, sino itong lalaking ito, Jaja?” bungad ng kanyang mama na may kakaibang ngiti sa labi; nanunukso iyon.
“Uh, Ma, si Louie po, k-kaibigan ko.”
Bumati ito sa kanyang mama at matapos magmano.
“Boyfriend mo, Janine?” madilim na tanong ng kanyang kuya.
“Hindi, Kuya.”
Ngumisi si Erik at bahagyang ginulo ang kanyang buhok na tila siya isang batang babae. “Sagutin mo na, kung ganoon. Mabuti iyan at nang tawagin mo na akong kuya.”
“Erik!” she hissed. Nakakahiya talaga itong kuya niya kung minsan.
Umawat naman ang kanilang nanay at pagkuwa’y niyayang kumain si Louie.
Umulan ng tukso nang araw na iyon mula sa ilang kaibigan at kamag-aral. Maging ang kanyang mga kaanak ay hindi napigilang mag-komento.
Madilim na nang umalis ang mga bisita ngunit nandoon pa rin si Louie. Nagulat pa siya nang makitang tumutulong ito sa pag-aayos ng mga gamit.
“Hala, bakit ka nagliligpit?”
“Tutulong ako.”
“H-huwag na.”
“Sanay naman ako sa trabaho, Janine.”
“Nakakahiya! Bisita ka namin. At saka, iyong catering na ang bahala sa mga iyan,” aniya.
“Tutulong daw siya. Hayaan mo na,” sabad ni Erik na abala lang sa paglalaro ng PSP habang tamad naka-upo sa sofa. Sa paraan ng pagkakangisi ng kuya niya ay alam niyang sinadya nitong hayaan si Louie na tumulong doon.
Sakto namang kakauwi lang ng kanyang tita galing trabaho at naabutan si Louie roon.
“Manliligaw mo?” bungad nito; bahagya pang nagtaas ng kilay nang bumaling na ito sa lalaki.
Bago pa siya nakasagot ay tumayo nang tuwid Louie sabay sabing, “Kung papayag po sana kayong lahat, gusto ko ng maligawan si Janine,” magalang na tugon nito.
Ngumisi ang kanyang tita na ipinagtaka niya. Hindi ito magsusungit? O hindi kaya ay manenermon? Hindi ba at ayaw nitong maligawan siya? Parang nagagalit pa nga ito sa tuwing nagbabanggit ng boyfriend niya noon kahit na wala naman.
“Masipag ka ba?” tanong ng kanyang Tita Sheng.
“Po?” sabad niya.
“Tita,” ang kanyang kuya. “Aakyat daw ng ligaw kay Janine, hindi mamamasukang katulong,” pabirong dagdag pa nito.
“Narinig ko.” Nagtaas ng kilay ang tita niya sa kanyang kuya bago bumaling ulit kay Louie. “Sige na, magligpit ka na riyan at nang makatulog na kami.”
Nanlaki ang kanyang mga mata at gusto niyang kastiguhin ang kanyang tita.
“O, Ja, nandiyan pa pla ang bisita mo. Ihatid mo na sa labas nang hindi na gaanong gabihin sa daan,” puna ng kanyang mama na kagagaling lang sa kusina, may dala pang mga tatlong piraso ng Tupperware na siguradong itatago na sa cabinet.
“Ate, hayaan mong magligpit. Manliligaw iyan ni Janine.”
“Kaya nga pinapauwi ko na dahil gabi na. Nakakahiya kung tutulong pa sa paglilligpit,” ang kanyang mama. “’Rik!” tawag nito sa kuya niya.
Bumaling naman si Erik.
“Ibalik mo nga muna ito sa cabinet. Ayusin mo at titingnan ko mamaya iyan.”
Kakamot-kamot ang ulo na sumunod ang kanyang kuya.
Ang mama niya ay bumalik ng kusina. Sumunod kaagad sila rito dahil ang tingin nito ay nagsasabing sumunod sila ni Louie.
“Liligawan mo ang anak ko?” tanong kaagad nito nang nagsasandok ng pagkain.
Hindi na niya alam kung may mukha pa ba siyang maihaharap sa lalaki. Nahihiya na siya rito at hindi niya sigurado kung bakit.
“Opo, tita.”
“Bata pa iyan, a. Magka-college pa.” Simple ang mga salita pero alam niya ang ibig-ipakahulugan ng mga iyon.
“Maghihintay po ako.”
Seryoso ito? Sa dinami-rami ng babae sa buong mundo? Mga malalapit pa sa edad nito, kung tutuusin…
“Pinapaalalahanan ko lang kayo. O, siya, sige na, heto at pinagbalot kita ng makakain. Mag-iingat ka sa pag-uwi, hijo.” Ang tono ng pananalita ng kanyang ina ay nagsasabing huwag nang maglagi pa ang lalaki roon dahil gabi na rin naman. Na hindi ito papayag na tumulong sa pagliligpit pa roon.
“Akala ko ba, tutulong sa pagliligpit ng gamit?” sabad ng tita niya; nakabihis na ng pambahay.
“Tita,” she muttered under her breath.
Magalang naman nang nagpaalam si Louie at bago pa magsalita ang kanyang tita ay hinila na niya ang lalaki palabas ng bahay.
Sa totoo lang, natatakot siya noon na malaman ng pamilya niya na may gustong manligaw sa kanya dahil ang alam niya kasi ay strict ang mga ito pagdating sa ganoong bagay. Wala sa hinagap niya na papayag ang mga ito na manligaw si Louie sa kanya nang ganoon-ganoon na lamang. Inakala nga niya na pauulanin ito ng tanong. O bala masyado pang maaga para roon?
She would never know. She had not been courted formally before. Ngayon pa lang may nagsabi sa kanila na may manliligaw sa kanya.
“Pasensya ka na kay tita,” dispensa niya at wala nang sinabi pa.
“Okay lang iyon.”
“Nakakahiya pa rin.” Gusto niyang takpan ang mukha.
“But I am serious about finally courting you, Janine. You’re eighteen now.”
“Pabigla-bigla ka naman!” Kahit ang totoo, noon pa niya hinihintay ang pormal na panliligaw nito. Kahit naman kasi hindi nito sinasabi na manliligaw na, e, parang ganoon anf dating.
Hindi na niya pinahaba pa ang usapan.
“Umuwi ka na, pagod na ako,” dahilan niya.
Halata sa itsura nitong ayaw pang umalis ngunit sa huli ay sumuko rin ito, “Sige, magpahinga ka agad.”
Tumango siya at hinatid ito sa gate.
Subali’t hindi rin sila madalas na magkita ni Louie dahil nang summer na iyon ay nagbakasyon silang mag-iina sa probinsya ng Tuguegarao, kung saan lumaki ang kanyang yumaong ama.
Gayunpaman ay walang palya sa pagtawag at pagti-text sa kanya si Louie. Kung minsan pa nga ay nakatutulugan na niyang hindi pa nakapag-reply sa lalaki.
“Ano’ng course ang kukunin mo sa kolehiyo?” tanong nito nang minsang kausap niya sa cellphone. Now that he mentioned it, she realized she still did not think about it deeply. At isa pa, malinaw na sa kanya ang kukuhaning kurso noon pa man.
“Hmm... Sa totoo lang, gusto ko sanang mag-fine arts. Pero ang gusto kasi nila tita ay mag-titser ako. So, Education ang course ko. Hindi pa nga lang ako sigurado kung high school ba o elementary,” she honestly told him.
“Will you pursue your dream? Probably, after you graduate?”
“Tingnan ko. Bata pa naman ako, e. Maybe in the process of studying Education, I’d come to like it.”
“Basta, nandito lang ako. I’ll wait for you.”
“I know,” pagtatapos niya sa usapan.
“Kumain ka na pala?”
“Ay, oo nga, ‘no? Nakaligtaan ko.”
“Ano?” pagalit na tanong nito. “You should be taking care of your health, Ja.”
“Oo nga, pero nagda-diet nga kasi ako,” amin niya.
“Makapagda-diet ka naman nang kumakain,” sagot nito.
“Mabilis na madagdagan ang timbang ko kaya hindi na ako nagdi-dinner after six. Eight o’clock na kaya.”
“Kahit na. Kumain ka na ngayon.”
“Ayaw ko na nga.”
“Janine.”
Bumusangot siya. She could never say no to this guy.
“Oo na, kakain na ako. Pero ulam lang.”
“That’ll be okay. Protina naman.”
“I’ll end the call now. I will text you once I’m done eating.”
“Eat well. Huwag mong tanggalin ang baby fats mo. I love your softness.” Tumawa ito nang bahagya.
“Heh!” kunwaring singhal niya.