prologue
Palaging nararamdaman iyon ni Vierrah Thompson.
Ang bigat ng isang titig.
Ang malamig na pakiramdam sa batok niya tuwing naglalakad siyang mag-isa pauwi matapos ang klase.
Ang pakiramdam na may sumusunod—pero hindi kailanman nahuhuli.
Minsan, tinatawanan niya na lang.
Baka paranoid lang siya.
Baka guni-guni lang niya ang lahat.
Pero sa gabi, sa tuwing maririnig niya ang mahina at mabagal na kaluskos mula sa labas ng kanyang bintana—bumibilis ang t***k ng puso niya.
Nanginginig ang mga kamay niya habang ini-lock ang pinto ng kwarto.
At sa kung saan, sa gitna ng kadiliman, may isang taong ngumiti.
Limang taon nang pinagmamasdan siya ni Lucas Alvarez.
Alam niya kung paano bumabagsak ang buhok ni Vierrah sa balikat nito tuwing umaga, ang eksaktong amoy ng paborito nitong pabango, at ang tunog ng tawa niya kapag kasama ang mga kaibigan.
Alam niya kung saan ito madalas umupo sa paborito niyang café, kung anong oras siya karaniwang umaalis ng dorm, pati ang brand ng bolpen na ginagamit niya kapag nag-aaral.
Alam niya ang lahat.
Dahil siniguro niyang ganoon nga.
Mula sa tinted na bintana ng kanyang itim na sasakyan, pinanood niya si Vierrah na tumawid ng kalsada noong unang araw limang taon na ang nakalipas—ang araw na may nagbago sa loob niya.
Hindi lang iyon basta paghanga.
Hindi rin iyon pag-ibig.
Mas malalim pa roon.
Isa iyong pangangailangan.
Pinanood niya itong lumaki.
Mula sa isang estudyanteng puno ng pangarap, hanggang sa isang dalagang pilit hinahanap ang sariling landas.
At sa bawat sandaling lumilipas, lalo siyang nilulunod ng ideya na balang araw, magiging kanya si Vierrah.
Anuman ang mangyari.
Kahit gaano pa siya kabusy sa imperyong pinaghirapan niyang buuin, palagi niyang nakikita si Vierrah sa monitor.
Oo—mga monitor.
Dahil may mga kamera si Lucas.
May mga tauhan siya.
May mga mata siya sa lahat ng dako.
At sa tuwing ngumingiti si Vierrah sa iba, may isang madilim na galit ang kumukulo sa dibdib niya—
isang tahimik ngunit mapanirang selos.
“Sir, gusto n’yo po bang ipatanggal ‘yung lalaking kausap niya sa café?” tanong ng isa sa kanyang mga tauhan habang pinapanood ang live feed.
Lucas leaned back in his leather chair, eyes never leaving the screen.
Vierrah was laughing—so carefree, so beautiful.
He clenched his jaw.
“No,”
“But make sure he doesn’t talk to her again.”
“Copy, sir.”
Pinanood ni Lucas ang kanyang tauhan habang tumatalikod upang isagawa ang tahimik na utos.
At nang bumalik ang tingin niya sa monitor, isang banayad na ngiti ang sumilay sa kanyang labi.
“She looks tired,”
“She should go home early tonight. Tell the driver to follow her.”
Noong gabing iyon, habang naglalakad pauwi si Vierrah—walang kamalay-malay na may sasakyang sumusunod ilang metro sa likod niya—nakaupo si Lucas sa kanyang opisina na balot ng dilim.
Tanging ang liwanag mula sa mga monitor ang nagbibigay-ilaw sa kanyang mukha—matulis na panga, malalalim na mata, at ang bahagyang bakas ng ngiti.
Iginuhit niya ang daliri sa mukha ni Vierrah sa screen.
“Someday,”
“You’ll see me not as a stranger… but as someone you can’t live without.”
Lumipas ang mga linggo.
Naging mga buwan.
At ang mga buwan ay naging mga taon.
Hanggang sa ibinigay ng tadhana ang sandaling hinihintay niya.
Ang Thompson Empire—ang negosyo ng ama ni Vierrah—ay unti-unting nilulunod ng utang.
Isa-isang umatras ang mga investor.
Ang kanyang ama, desperado at wasak, ay nagsimulang humingi ng tulong sa sinumang makapagliligtas sa kanila.
At si Lucas…
Si Lucas ay matagal nang naghihintay.
Ang sandaling wala na siyang pagpipilian.
Ang sandaling lalapit na sa kanya si Vierrah—kahit kapalit pa nito ang kanyang kalayaan para sa kaligtasan ng pamilya.
Nakatayo siya sa harap ng bintana ng kanyang opisina, pinagmamasdan ang mga ilaw ng lungsod sa ibaba.
Dumadaloy ang malamig na ulan sa salamin, sumasalamin sa bagyong nasa kanyang dibdib.
“She’s mine,” bulong niya, mababa at halos banal ang tono.
“She just doesn’t know it yet.”
Pagkatapos ay tumalikod siya, madilim ang mga mata sa paghahangad at tagumpay.
Isang bahagyang ngisi ang lumitaw sa kanyang labi habang inaabot ang telepono sa mesa.
“Prepare the contract,”
“Tell Mr. Thompson that Alvarez Enterprises is ready to help his company.”
Huminto siya saglit, lalong bumaba ang tono ng boses.
“But on one condition…”
Sa labas, umuugong ang kulog sa buong lungsod.
Sa loob, ngumiti si Lucas—isang ngiting kayang magpatunaw at magwasak.
Sa kanyang puso, hindi siya nakikipagkasundo.
Isinaselyo niya ang tadhana.
Dahil para kay Lucas Alvarez, ang pag-ibig ay hindi tungkol sa paghihintay.
Ito ay tungkol sa pag-angkin.
At ngayong gabi, simula pa lamang ito.
ipagpapatuloy.....