Give him a chance?

2544 Words
Janine POV Hindi pa din ako makatulog, dahil gulong gulo na ko kay Luc, mag- aalas tres na ng madaling-araw, ang diwa ko gising na gising pa din. Iniisip ko pa din, bakit ginagawa ni Luc ang lahat ng ito? Bakit nagkakaganon siya? Bakit nagiging mabait at sweet pa siya sakin?! Diba eto naman yung gusto niya, ang lumayo ako? Papano na ko makakaalis dito kung ganito ang pag trato niya ulit sakin. Naiwan sila Luc sa party dahil after daw nun, pupunta sila sa bar ni Diego, sinasama niya ako pero tumanggi ako dahil hindi naman ako mahilig sa ganon at pangalawa, ayokong laging dumidikit kay Luc. Nandito ako sa kusina ngayon dahil hindi ako makatulog sa kakaisip. Nagpunta ako dito para uminom ng gatas baka sakali kasing makatulog na ko. "Ay! Pusang kinakalbo!." Nagulat ako nang may humawak sa braso ko. Paglingon ko si Luc mukhang naparami ng inom. "Wife! i mish you, hik!" Naku lasing nga ang pula din niya sobra, kaya ayokong umiinom to kasi ang skin reaction nya ganyan. "Wife shorry for what im done tsu you. I'm very fool para hindi ka pahalagahan shoori puhhh!" Natawa ako kasi ginaya niya pa si Chuchay. "Ipaatatawag ko isa sa mga kasambahay at guard para iakyat ka sa kwarto mo, tapos ipag gagawa kita ng kape, wag kang mag alala ipapadala ko kay ate Lilia sa kwarto mo. Pakikiusapan ko na din na punasan ka para maginhawaan ka o kaya kay Sophia na lang para kumportable ka." Ayaw niya kasi akong nag-aasikaso sa kanya kapag lasing sya, baka daw kung anong gawin ko sa kanya. Bigla syang lumapit sakin. "Wife pwedeng ikaw na lang gumawa nun para shakin. hik! Shige na please promish! hik! Hindi kita shashaktan! wife." Nagulat ako sa sinabi niya na parang batang humihingi ng candy. "Okay papadala na lang kita dun sa kabilang kwarto." Ayaw na ayaw kasi niyang pumapasok ako sa kwarto nya. "No, wife dun na lang sa kwarto ko." Totoo ba to dati pag lasing sya galit pa din siya sakin at puro paninisi ang sinasabi. "Okay sige, tara na." Habang akbay ko siya palagi nyang hinahalikan ang pisngi ko at inaamoy ang buhok ko. Ano ba nangyayari dito may cancer, ba si Luc? Hinayaan ko na lang dahil lasing at mamaya magalit pa to sakin saktan na naman ako. Nasa loob na kami ng kwarto at hiniga siya sa kaniyang kama, nang inayos ko na ang pagkakahiga niya pumunta ako sa cabinet para kumuha ng pampalit niyang damit. May nakita akong brown envelope sa gilid kinuha ko yon at saka binuksan, pag tingin ko sa loob agreement contract kanino tong agreement? Titingnan ko na sana kung para kanino yon kaso bigla akong tinawag ni Luc kaya binalik ko agad sa damitan niya. Pagbalik ko sa kaniya, napansin kong grabe na ang pawis niya at sobrang pula ng katawan niya. Bago ko buksan ang aircon kailangan palitan ko muna siya ng damit. "Sorry huhubaran kita huh? Pawis ka kasi eh baka matuyuan ka." Nahihiya kong sabi kay Luc na nakahiga pero wala siyang responds, tulog na nga ata talaga. Pag kahubad ko nakita ko yung abs niya, syete naman eight packs lang naman!Napakagat ako sa labi ko. Grabe bakit ba ako pinagpapawisan nang ganito? Ako ata ang kailangan magpalit. Pinilig ko ang ulo ko, kung ano ano naman ang naiisip ko, hindi to maganda. Pumunta muna ako ng banyo niya at kumuha ng tubig pang punas niya. Mapunasan na nga lang siya nang mawala ang init ko. Este ang kaba ko. Habang pinupunasan ko siya, napadako na naman ang paningin ko sa mapipintog niyang abs. Napabuga ako nang hangin. Lord kung kelan pa move on na oh! Ganito ang inilalatag niyo saking blessings! At pag tapos nun binihisan ko na siya pang itaas at ang next yung pantalon niya, tulog na tulog pa din sya. Pag kaayos ko ng pantalon niya may bumagsak na kung anong bagay sa bulsa niya, mabilis kong kinuha dahil baka hanapin niya agad yon. Pagkakuha ko wedding ring pala namin to. Umupo ako sa gilid ng kama niya habang tinitingnan ko ito. "Kahit minsan hindi ko nakitang sinuot mo to." Sinasabi ko yun habang nakatingin sa mukha niya na kahit tulog napaka gwapo pa din. "Siguro nga totoong diringdiri ka sakin. Inis ka sakin nang sobra talaga. Sorry kasi ginawa kong miserable ang buhay mo. Sorry kung naging sakim ako. Sorry kung pinilit kong ikasal tayo. Sorry kung mangarap akong maging akin ka. Pinilit kong inangkin ang puso mo na kahit alam kong kahit kailan, hindi naging akin at kahit kailan hinding hindi magiging akin sorry. " Hawak ko ang wedding ring namin kinuha ko yung sakin at pinagtabi iyon. "Sana nakuntento na lang ako sa pagkakaibigan na meron tayo, eh di sana maayos tayo kahit lihim kitang minamahal. Eto sinosoli ko na lang sayo to, pasensya na kung ito lang ang maisosoli ko dahil yung mga nanakaw ko sa'yong panahon na dapat kayo ang magkasama hindi ko na maibabalik patawad. At saka kasi hindi naman talaga sakin to eh, hindi mo naman to binili para satin, nakisingit lang ako, Sa inyo to ng mahal mo." Paalis na ko ng may nakalimutan ako. "Thank you nga pala. Kasi nakapasok din ako sa kwarto mo at hinayaan mo kong alagaan kita kahit ngayon lang ulit. Pinapalaya na kita Lucas, simula ngayon ang pagiging malaya mo sakin ang kasiyahan ko, dahil alam kong masaya ka don." Siguro kung gising to sinigawan na ko, hinalikan ko siya sa labi kahit sa huling pagkakataon at umalis na ko sa kwarto niya. Bukas uumpisahan ko nang maghanap ng malilipatan at pipirmahan ko na yung annulment papers. Janine POV Nagising ako ng maaga, balak ko kasing maghanap ng malilipatan ngayon, tinext ko si Cindy kagabi na magkita kami sa coffee shop na malapit dito samin. At nang makaiwas na din kay Luc. Magmamadali na kong makaalis dito at yung annulment papers' namin papakuha ko na lang kay Atty. Nag-ayos muna ko ng sarili ko para makapunta agad ako, kasi baka maghintay ng matagal si Bess nakakahiya na nga dun sa tao. Pagbaba ko nasa sala na si Lucas nagbabasa ng dyaryo, hinihintay siguro si Sophia. Palabas na ko ng magsalita si Luc. "Wife, good morning." Kaya napatigil ako at lumingon bastos naman kung hindi ko babatiin. "Good morning din." Aalis na ulit ako nang biglang hinaltak niya ko. Grabe ang hilig nitong manghaltak na lang bigla. "Sit down, eat your breakfast." At ngumiti sya grabe tunaw agad ako dun ah. Pero hindi pupwede yung ganito kailangan kong balewalain ito. "Pero Luc kailangan ko ng umalis si Be-" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko kasi naman na subuan niya na ko ng pagkain sa bunganga. Aangal na ko pero teka ang sarap ng pagkain ahh. My favorite pancakes! Gusto ko to! Kinain ko agad yung nasa plate ko at mabilis kong nausbos. Nilagyan ulit ako ni Lucas sa plate tapos nilagyan nya ng butter and muffle's lalong mas masarap talo talo na to. "Wife you like it?" Tumango ako grabe the best talaga tong food na to! Nakita kong ngumiti siya after kong sabihin yon at kumain na din sya. Maya maya May maingay na takong papasok dito sa dining area. "Aba Bess at ang galing mo talaga eh noh?! Nandito ka lang pala para kumain ng p-pan cakes!" Bigla syang umupo. Sinenyasan ko yung kasambahay namin para bigyan ng plate si Bess at kinuha naman pero dala nya dalawa. "Kunyari pang pa galit na galit makikikain lang din naman!" Narinig kong sabi ni Nilo na sumulpot din dito. Bigla naman tumingin na matalim si Bess sa kanya. "Bakit epal ka ba?! Driver ka lang naman dito ahh!" Bigla din sumimangot si Nilo. Driver lang ba talaga to ni Luc? "Pogi naman!" Biglang may hinanap si bess sa gilid ni Nilo at na-curious ang mokong tiningnan ang hinahanap ni Bess na ang laki ng pinagtataka. "Nasaan wala naman ahh! Ang galing mo din mangarap eh noh!" Natatawa ko sa kanila pero pinatigil na sila ni Lucas kumain na lang daw sila. " Bess may nahanap na kong lilipatan mo. Nakausap ko yung katrabaho ko na binebenta yung condo niya, meron ding isa town house. Sinabi ko na sa kaniya na titignan natin mamaya muna." Ngumiti ako saka tumango ng medyo awkward, bakit naman dito nagsasabi si Bess sa harap nila Luc. "Wife lilipat ka, bakit? Naliliitan ka ba dito sa mansion? Pero kung naliliitan ka bakit mas maliit pa ang gusto mong tirhan? Gusto mo bumili pa ko ng mas malaki tapos pagawa natin ang kwarto mo ng mas doble pa sa ngayon." Napanganga kami ni Cindy samantalang si Nilo kumakain lang ng kalmado. Nakita ko sa mukha niya ang lungkot bakit kaya? Dapat maging masaya ka Luc. Para sayo to, kahit ikaw ang buhay ko. "Kasi para masanay na ko nang wala dito at kasama mo. Para din naman satin to para maging masaya ka na." Mahinahong paliwanag ko kay Luc na alam ko naman ikatutuwa niya talaga ito pero bakit ngayon iba ang nakikita ko? "Bakit? Sa tingin mo yun ang magpapasaya sakin, ang umalis ka? Sinabi ko ba na lumipat ka ng bahay? Bakit naliliitan ka ba sa kwarto mo? Papalakihan ko para sayo." Nabigla kami ni Bess lalo sa sinasabi nya. Pero si Nilo kumakain lang at natatawa. "Please wife wag kang umalis please." Ano ba nanggyayari kay Luc? Hindi ko siya maintindihan. "Luc hindi pwede kailangan ko ng umalis dito. Hindi ko na kaya, pasensya na. " At hinila ko na si bess para umalis. Gabi na nang nakauwi ako ng bahay. Namasyal muna kami ni Bess pagkatapos naming puntahan yung sinasabi niyang unit, tumingin din kami ng mga gamit sa lilipatan ko. Okay na bayad na lahat nang dapat bayaran. Parehas kong binili kasi kailangan pala nang makilala ni Cindy ang pera, pag iisipan ko na lang kung san ako titira at ano ang gagawin ko sa isa. Nasa tapat na ko ng kwarto ko nang medyo nakaramdam ako ng lungkot, mamimiss ko din tong naging tahanan ko sa loob ng tatlong taon. Binuksan ko pero naka locked ang pinto. Kinuha ko yung susi ko sa bag, siguro na locked ko kanina bago ako umalis. Teka?! Bakit ayaw mabuksan? Dumaan si manang sa likod ko. "Naku! Iha pinabibilin ni Luc na wag ka na daw papasok dyan. Inalis nya na din yung mga gamit mo." Napabuga ako ng hangin dahil sa sama ng loob. Bakit pinapaalis na niya ko kagad? Alam naman nyang nag hahanap pa ko ng titirhan kanina eh. "Nasaan siya manang?" Tanong ko. "Nasa dining kanina ka pa hinihintay doon puntahan mo na." Bumaba agad ako para kausapin siya, nakakainis. Bakit ganon sya sakin?! Kanina kunyari na nalulungkot sa pag alis ko yun pala acting lang ang lahat! Pag dating ko sa dining room, kalamado lang siyang nakaupo sa kung saan siya laging nakapwesto, nakatingin sa pagdating ko. Bakas ang maaliwalas na mukha. Saya niyan?! "Luc bakit mo naman pina locked yung room ko agad?! At nasaan na yung mga gamit ko? Akin na nang makaalis na ko, kung yan ang gusto mo." Ngumiti sya nang matamis. Aba nang aasar pa talaga siya! "Wife sit down. Sabayan mo kong mag dinner. Kanina pa ko naghihintay sayo, gutom na gutom na ko kanina pa." Aba naiinis na ko sa lalaking to! Sobra na talaga siya! "Nasan na yung gamit ko? ahh! Akina aalis na ko! " Natawa siya bigla at iniwas ko ang tingin ko dahil naiinis na ko. "Wife easy okay. Let's eat." Mukha tong eat, patatabain ata ko nito eh! Umupo na lang ako kasi hindi naman ako mananalo eh pag dating sa kaniya. "Wife for you." Nagulat ako nang binigay nya ang favorite flowers, white tulips. Alangan ako, kung kukunin ko ba? "Wife na ngangawit na ako. Kunin mo na kaya tong flowers, now." Nakangiti siya habang inaabot nya sakin. Kinuha ko na baka mamaya first and last dinner na namin to as a couple. Naging couple nga naman kami, sa papel nga lang. Bigla siyang pumitik nagulat ako, namatay ang ilaw. Brown out ba? May generator kami ahh. Nagulat ako nang binuksan ni Luc ang kandila sa table. Nagtitipid ba to? Baka naman naghihirap na sya. "Ano ang iniisip mo Wife?" tanong nya habang nakatingin sakin. Nililibot ko kasi ang paningin ko. "Naghihirap ka na ba Luc? Kaya magkakandila ka na lang, sana sinabi mo pinaut-" Bigla naman syang tumawa ng malakas. "Wife hindi ako naghihirap. Sa dami kong pera at magiging pera, kahit ilang mansyon pa ang bilin nating mag asawa hindi tayo magugutom! Kanina pa ko nag papaka romantic dito yun pala nasa isipan mo iba." Natawa na naman siya. r Romantic dinner pala to di naman niya ko agad sinabihan? Ginala ko ang paningin ko kasi kahit kandila ang gamit lang namin may mga ilaw sa ding ding at nakalagay wife sorry, wife don't leave me tapos may mga heart san nila nabili yan? Ang ganda, nakakatuwa lalo na yung mga words parang totoo. "Anong ibig sabihin nito Luc?" Seryosong tanong ko sa kanya. "I want you to be happy. wife" Sincere nyang sabi naguguluhan na ko sa mga sinasabi at kinikilos niya kaya dapat talagang malaman ko na ang lahat. "Luc bakit? Bakit mo to ginagawa sakin? Lalo mo lang akong pinahihirapan eh. Pinapagulo mo lang ang lahat. Eto na oh! Magpaparaya na ko. Diba yun naman ang gusto mo? Gusto ko nang mag move on." Tumutulo na ang luha ko kasi hindi ko na maintindihan. "Kung pinag loloko mo ko, wag na please lang. Kasi pagod na ko gusto ko nang mamuhay nang maayos. Hindi man ako umaasa na may darating saking lalaki na mamahalin din ako pero kung darating man siya, nangangako ako sa Diyos na mamahalin ko siya nang sobra sobra. " Lumapit sya sakin na parang nasaktan sa mga sinabi ko. Na parang ayaw tanggapin sa sarili niya lahat sa kung ano ang mangyayari. "Wife please wag kang mag move on, wag mo kong iwan please." Hinawakan niya ang dalawa kong kamay saka hinalikhalikan, ano ba ibig sabihin nya. "Bakit Luc? Bakit ayaw mo ko mag move on? Anong gusto mong mangyari? Linawin mo!" Hindi ko mapigilang sumigaw sa inis. Aalis na lang ako ayoko na, tumayo agad ako at bigla niya kong hinaltak at niyakap. "Wife sa totoo lang hindi ko din alam. Kung bakit at kung ano ang rason ko? Bakit ako nagkakaganito? Hindi ko din maintindihan ang nangyayari sakin. Basta't ang alam ko ayokong umalis ka, ayokong mag move on ka. Natatakot akong mawala ka. Ewan ko kung bakit? Pero nakikiusap ako, tulungan mo kong malaman kung ano ang totoong nararamdaman ko. Please wife." Seryosong sinasabi niya sakin habang yakap nya ko. "Anong tulong ba ang gusto mo? Papano kita matutulungan? Sa paanong paraan?" Tanong ko sa kanya dahil hindi ko alam kung papano ko sya matutulungan eh. "Wife wag kang aalis ayusin natin lahat nang pagkakamaling nangyari satin. Magsama tayo hanggang sa alam na natin kung san patungo to. Nangangako ako sayo papasayahin kita hindi ka na malulungkot wife. " Naguguluhan na ko,papayag ba ko? Pano kung sa huli malaman nyang hindi pala nya ko mahal? Baka lalo lang akong masaktan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD