Janine POV
Nagdaan ang buwan na sobrang maayos kami ni Lucas. Maganda na ang samahan namin talaga ngayon at napakasaya ko sobra. Sana hindi na matapos lahat ng ito.
"Honey are you done? Nandyan na silang lahat sa baba, tayo na lang ang hinihintay nila." Lumapit sya sakin, nakaharap kasi ako sa salamin dahil nag aayos pa ko ng sarili ko. Niyakap niya ko mula si likuran at inamoy amoy niya ang aking leeg saka dinampian niya ng halik.
"Wife wag na kaya tayong sumama sa kanila, dito na lang tayo sa bahay parang mas maganda." Naka pout pa siya pagka tapos niyang sabihin sakin yon. Ang cute naman niya! Hinarap ko siya at pinisil ko ang pisngi niya.
"Hindi ka ba napapagod palagi na lang ang hilig mo. Ang pervert mo talaga!" Natawa siya sa sinabi ko at niyakap ako ng mahigpit.
"Papano naman ako mapapagod sayo. Kung makita lang kita agad, ginahanahan na ko." Sabay winked niya, ang kulit talaga nito! Hinalikan nya ko at nag response ako. Hindi ko kasi sya matiis eh lalo na yung mga labi niya na sobrang lambot.
"Hey kay-!" Naghiwalay kami bigla dahil nagulat kami kay Bess.
"Okay na kayong dalawa ahh?! End of the world na ba?! Alam ba to ni Niel?" Sigaw niya samin, baka mapaos naman to.
"Sino Si Niel?!" Tanong ko sa kaniya dahil kung sino sino na naman nakikilala niya.
"Haller! Eh di si Nilo and Niel ang tawag ko sa kanya kasi ang gwapo niya at ang hunk nya tapos Nilo lang ang tawag ko sa kanya diba? Kahit ayoko sa opinyon ko na yon sige na lang " Parang baliw talaga to palagi.
"San ka pupunta at bakit nandito ka ngayon? Kasama ka ba samin Bess?" Tanong ko sa kanya kasi yung outfit nya eh mukhang aalis.
"Yep niyaya ako ni Niel. Kasi may usapan kami eh." Mukhang may iba akong naamoy sa mga sinasabi niya ah.
" Oh Tara na,baka gusto niyo ng bumaba ha?! Kasi kayo na lang ang hinihintay namin. Mahiya naman kayo noh, pwede niyo naman ipagpatuloy dun sa pupuntahan natin kung ano man ang balak nyo eh!" Hinatak na ko ni Bess kay Lucas at sumama naman ako, para makaalis na nga kami.
"Hoy Cindy! Ang asawa ko wag mong kunin sakin!" Natawa ko kay Lucas parang batang naiwan sa kwarto.
Nandito na kami sa Cebu, sinalubong kami nila Jeric at ng Fiancee nya, ang ganda ng asawa niya pero alam ko dati hindi naman ito ang girlfriend niya, anong nangyari sa kanila?
Nasa iisang van kami ngayon lahat at ang iingat talaga ni Nilo at Diego kapag magakasama. Katabi ko si Lucas na ngayon eh tahimik lang dahil magkayakap kaming dalawa.
"Bro, baka langgamin naman tong sasakyan namin." Sabay tawa nilang lahat. Hindi pinansin ni Lucas si Jeric mas lalo pang hinigpitan ang yakap nya sakin.
"Hoy bro! Gago ka bakit di mo sinabing nakauwi ka na? Tarantado to tapos gugulatin tayo na ikakasal na pala. " Naalalang sabi ni Nilo at hinampas pa ang upuan niya. Nagtawanan sila pero si Lucas nakayakap pa din na akala mo naman aagawin ako sa kanya, nakapikit lang siya at parang dinadama talaga niya ang nararamdaman niya sakin.
"Kailangan mga bro para sa inyo rin to. Alam niyo naman ang trabaho ko diba? Putcha! Luc baka gusto mo naman bitiwan yang asawa mo, walang nanakaw sayo niyan lahat kami taken na!" Natawa ko sa sinabi ni Jeric. Kasi naman talagang parang tanga to si Lucas. Hinarap niya saglit ang kaibigan.
"Taenamo Jeric may kasalanan ka pa samin mag drive ka na lang." At niyakap niya ako ulit. Grabe talaga tong si Lucas din man lang mang-awit, sa bagay ako din naman.
"Don't mind him wife. Yakapin mo lang ako dahil hindi na talaga ko makapag pigil. Baka magawa ko na yung gusto kong gawin sayo dito. Kahit nandiyan pa sila. " Bulong nya sakin at inamoy amoy ang buhok ko.
"Ang pervert mo talaga." bulong ko din sa kanya dahil nakakahiya naman kung marinig nila ko.
"Sayo lang naman ako ganito eh." Nahampas ko tuloy siya ang kulit kasi at natawa kaming lahat dahil malakas niyang sinabi iyon.
Kinaumagahan nagising ako sa katok ni Bess maaga pa naman ata. Pagtingin ko sa cellphone ko mag aalas dose na pala agad kong hinablot ang kumot at tinapis ko agad sa sarili ko.
"Lucas gising na magrehearsal na daw. Kanina pa daw tayo ginigising." Dumilat na pa unti unti ang mga mata niya.
"Hon, pwede bang dito na lang tayo maghapon. Sabihin mo kay Jeric sila na lang mag rehearsal tutal naman si Vince ang bestman niya." Natawa ko sa biro niya na parang nagtatampo kunwari sa kaibigan.
"Get up Lucas! Nakakahiya sa kanila bilisan mo na." Tumayo na ko para pumunta ng banyo. Binilisan kong maligo para maayos ko na ang sarili ko, pagkalabas ko sa banyo nagulat ako sa nakatayo sa harap ko.
"Where do you think your going Hon?" Naka crossed arm niyang tanong sakin.
" Sa baba kanina pa tayo hinihintay. Maligo ka na din aayusin ko yung dadamitin mo." Bigla niya kong hinatak at hinalikan. Nanghina na naman ako sa halik niya, ganito ba ko ka patay na patay sa kniya.
"Sabayan mo kong maligo Hon." Eto na naman sa pangungulit nya grabe tong Tao na to! Parang hindi nauubusan ng lakas tsk.
"Lucas katatapos ko lang eh." Umiwas na ko para wag nang mangulit pero bigla nya kong hinatak ulit at hinalikan wala na kong nagawa kundi sundin sya.
Nasa simbahan kami nagulat ako ng makita ko si Sophia lumapit sya samin at nakipag beso kay Lucas at sa mga iba pang kaibigan nila pero sakin pinasadahan niya lang ako nang tingin.
Binalewala ko na lang dahil alam ko naman na at tanggap ko na ang malamig niyang pakikitungo sakin.
Natapos na ang rehearsal at kumain din kami sa malapit sa simbahan na restaurant. Nang maka uwi na kami dahil pagod na din ako kaya dumiretso na ko agad sa kwarto para umidlip muna saglit.
Nagising ako bigla dahil nakaramdam ako nang gutom. Hindi man lang ako ginising ni Lucas para kumain at para sabay na din kami. Sabagay grabe ang pagod ko kanina siguro nakita nyang sobrang bagsak ang katawan ko at masarap ang tulog ko kaya hinayaan niya ko na matulog na LNG muna. Tumingin ako sa wall clock two na pala ng madaling araw.
Bumaba ako para maghanap ng pagkain sa kusina. Gutom na kasi talga ako, nang nasa kusina na ako may nakita akong tinapay at pinalamanan ko na lang na kung anong meron dun. Nagtimpla na lang din ako ng juice babalik din agad ako sa kwarto pagkatapos ko dito.
Habang papanik na ko ng hagdan may narinig akong parang may nagtatalo sa di kalayuan pero para kasing boses ni Lucas yung isa. Lumapit ako kung san ko mas malinaw maririnig ang usapan nila.
"Luc maawa ka namn kay Jewel please." Nakita kong nagmamakaawa si Sophia para sa best friend niya.
"No. Hindi ko iiwan ang asawa ko." Sabi ni Lucas sa kaniya. Lumuwag ang pakiramdam ko sa sinabi ng asawa ko kay Sophia.
Paalis na si Lucas kaya binilisan ko ang lakad ko para hindi niya ko makita. Buti na lang at nakapagtago agad ako nang nakita kong pumanik na siya pati si Sophia, pumunta muna ko ng garden para makapag pahangin, hindi ko kasi alam kung natatakot ba ko sa narinig ko.
"Hon, nandito ka lang pala. Pagdating ko sa kwarto natin wala ka na dun natakot ako baka umalis ka." Halatang nag aalala sya kaya't lumapit ako saka niya at niyakap ko siya nang mahigpit.
"Mahal na mahal kita, Lucas" At agad niya kong hinalikan.