Sweet moments

1713 Words
Janine POV Sobrang busy today at sobrang dami kasing meetings na dapat kong puntahan dahil si Jerome umalis bigla ng bansa di pala nagsabi na need niyang ayusin ang negosyo nila din sa Europe. " Ma'am may bisita po kayo, kaso wala po siyang appointment na naka list." Napaangat ako ng tingin sa kaniya dahil bakit kailang niya pang itanong kung alam niya naman ang habilin ko kapag ganitong madaming ginagawa. "Ma'am k-kasi po kapag di niyo daw po siya papasukin at di kayo makita baka daw po ikamatay niya. " Hindi ko alam kung kabado na tong secretary ko o natutuwa siya. " Sige papasukin mo na baka mamaya ako pa ang dahilan ng pagkamatay niyan." Hays sino naman kaya tong nang iistorbo sa ganitong oras ng trabaho. Pagkabukas ng pinto napatayo ako sa bigla, ang asawa ko na may hawak ng bouquet of red roses. Lumapit ako bigla sa kaniya at niyakap siya ng mahigpit. "Bakit ka nandito? Hindi ka busy sa company mo?" Hinalikan niya ko salabi at inabot ko ang dala niya. " Hinayaan ko muna si Diego dun, tutal naman palagi naman akong nagtatrabaho. Nag leave muna ko para makasama ka. Babantayan kita dito." Natuwa ako sa sinabi niya at syempre kinilig. "Ang sweet naman ng Honey ko. Salamat ha, Lucas." Kumunot ang noo niya dahil siguro sa sinabi ko. Huminga ako ng malalim. " Dahil nagagawa mo na akong tingnan ng mata sa mata ulit. Yon lang naman ang hiling ko pero di ko aakalain na pati lahat ng ito ipinaparamdam mo sakin." Bigla niyang pinunasan ang luha ko sa mga pisngi, hindi ko namalayan na tumulo na pala ito, pero hindi na ito kagaya ng dati na sa sakit ako naiiyak ngayon sa sobrang kasiyahan na. " Ako ang dapat magpasalamat sayo, dahil sa kabila ng lahat mahal mo pa din ako at nandiyan ka pa rin. Nagtiyaga na maghintay sakin." Hinalikan niya ako sa aking labi na ramdam ko ang sinseridad kahit hindi ko pa alam kung may kasama na itong pagmamahal. " Mahal na mahal kita Lucas, mula noon hanggang ngayon. " Niyakap ko siya ng mahigpit. Sana hindi na matapos ang lahat ng ito. Napag-usapan namin na itutuloy ko muna ang trabaho at siya naman ay maghihintay lang sakin sa sofa. Kaso hindi naman ako makapag focus nito, papano naman kasi palagi siyang nakatitig sakin. Umiling lang ako nang nahuli ko siyang kinukuhanan ako ng litrato sa cellphone niya. Hindi ko muna siya tiningnan para matapos ko ang ginagawa ko. Maya maya ay kumatok siya sa lamesa ko kaya napaangat ako ng tingin sa kaniya kung ano ang problema. " Ganito ka ba talaga ka workaholic? Parang kapatid mo si Vince ah, dumating na lahat ang in-order ko di mo man lang namalayan. Twelve o five na pero di mo pa rin nararamdaman ang gutom?" Masungit niya saking sabi. Natawa lang ako sa kaniya. " Bukod kay Diego at Nilo isa ka sa madaldal talaga, na miss ko yang kadaldalan mong lalaki ka." Umirap lang siya at bumalik na sa kung saan siya nakaupo. Itong lalaki na to di pa din pala nagbabago, malambing at maalalahanin pa din. Mabilis na kong pumunta sa kaniya at umupo sa harapan, inaayos niya ang mga kakainin namin tumulong ako pero hinampas niya lang ang kamay ko. " Ako na. Maghugas ka na ng kamay mo, nandito ako para asikasuhin ka." Napanguso ako sa sinabi niya. " Wag ka ng magpa cute, sige na nagugutom na ko." Nagmadali akong tumayo at nagpunta ng banyo para maghugas. Para naman isang panaginip ang lahat ng ito! Habang kumakain kami hindi talaga nawawala samin ang kwentuhan na kahit ano lang. Parehas kaming nagtatawanan, nalulungkot o nagagalit basta kung anong klaseng kwento ang meron kami sa isa't isa kagaya ng dati parehas kami ng mga opinyon. Nakauwi na kami ng mansyon dalawa ngayon lang ako uuwi nang masaya at ramdam kong may tahanan ako. Nag dinner na din kami sa labas. Sabi niya date daw namin yon dahil hindi ma lang namin nagawa bilang mag asawa hindi sana panaginip ang lahat ng ito, dahil ayoko nang magising kung nagkataon. Kinaumagahan maaga akong papasok at nasabi ko naman na sa kaniya yon, paalis na ko at pasakay na ng sasakyan ng may humila sakin. " Hindi mo man lang ako ginising para kasabay mo kong umalis." Nag aayos siya ng damit niya at mukhang naligo lang ng mabilis. Hinalikan niya ko sa labi natawa ako sa kaniya dahil kahit inis siya nagawa niya pa ding maging sweet. Nakarating na kami sa company namin at lahat ay nabibigla sa presensya niya. Hindi ko naman maintindihan kung nabibigla ba talaga o sobrang gwapong gwapo sila sa asawa ko. " Good morning ma'am ayos na po ang mga files niyo pong gagamitin sa meeting. " Binati ko din siya at tumango. Inayos ni Lucas ang uupuan ko at nginitian siya. Hahalikan niya sana ako nang maupo na ko nang may umubo sa harapan namin. Nandito pa pala ang assistant ko akala ko nasa labas na. " Ahm. Sir wag po sana kayong magagalit kaso nasabi na po ba ni Ma'am na ano po?" Napakunot noo ako sa kaniya at tiningnan si Lucas na mukhang naagaw ang atensyon ng assistant ko. " What? " Seryoso na tanong ni Lucas sa kaniya kumamot muna ang assistant ko. Meron siyang sinenyas sakin na hindi ko talaga maintindihan. " Sabihin mo na lang kasi. Ano ba kasi yon?" Huminga ng malalim siya at umupo sa upuan na nasa harap namin. " K-kasi po ma'am diba bawal makita ng mga investors si Sir sa meeting? " Nagkatinginan kami ni Lucas at natawa siya. " Don't worry I have no plans na pumunta ng meeting ng asawa ko and I know my limits. Maghihintay lang ako dito hanggang sa matapos. Privacy ng kumpanya niyo yon." Kalmadong sabi ni Luc habang hinahagod ang likod ko. " Thank you Sir at naiintindihan mo po yung point ko! Baka mamaya kapag nakita ka nila mag atrasan po yon, lalo na si Sir Jonas mamaya dahil sa selos mag back out." Nilakihan ko ng mata ang assistant ko at narealize niyang naging madaldal siya. "Ahmm sir diba po kayo din naman ganon kapag babae ang investor niyo po. Parang aalagaan niyo lang naman po sila para di po makawala." Inalis ni Lucas ang paghahatid niya sa likod ko kaya napatingin ako sa kaniya. Nakasimangot na ito. " No. I don't care to our investors sila ang nagmamakaawa na mag invest sa amin not us." Parang natatakot na ang assistant ko at nagsisi sa kadaldalan niya dahil pati ako ay naiinis sa kaniya. Nagpaalam na muna ang assistant ko at dalawa kaming natira sa office ko. Tahimik lang kami siya ay nakaupo sa sofa na nagbabasa ng magazine. Tiningnan niya ko pero saglit lang dahil alam kong inis siya. Tumayo ako at nilapitan siya, niyakap ko siya bigla. " Papano ka ba mag treatment sa mga investors mo?" Tumingin ako sa kaniyang mukha na seryoso nga ang inis niya. " Wala naman magandang treatment, ewan ko ba dyan sa assistant ko. Kung ano ano ang pinagsasabi." Mukhang hindi siya naniniwala sa sinasabi ko. Hinawakan niya ang mukha ko at tinitigan ako sa mga mata. Hahalikan ba niya ko dahil sa selos? " Ma'am meeting na po kayo na lang hinihintay ng mga suitors niyo! Este mga investors pala!" Mag peace sign siya bigla samin at umalis na. "Sige na, saglit lang naman yon. Maya maya nandito na din naman ako." Tumango lang siya at di na nagsalita pa. Alanganin akong lumabas sa office ko at nang makita ko ang assistant ko, tinitigan ko ng masama pero natawa lang siya. " Napag-utusan lang po ni Sir Jerome. At saka true naman po chinika ko sa asawa niyo eh." Umiling lang ako at inabot na lang ang mga files na inaabot niya. Pagpasok ko sa loob ng conference room lahat sila ay tumayo at bumati sakin pero si Jonas nakita kong papalapit sakin para makipag beso. " You look great as always, Janine." Ganito talaga siya palagi kapag May meeting kami halatang bolero. " Thank you. Ikaw din naman." Napangiti pa siya lalo sa sinabi ko. " So I assume na ngayon, you can accept my invitation to have dinner with you. Single ka pa din naman, apelyido lang ang dala mo sa asawa mo." Huminga ako ng malalim dahil hindi ko alam kung matutuwa ako o ewan. " In your dreams fucker." Nabigla ako ng may humawak sa likod ng bewang ko, Si Lucas pero bakit nandito siya. "Montenegro wala na ba talagang hiya yung makapal mong mukha pati ang may asawa na tinatalo mo?" "Wait wait Bro! Mukhang nag iba ata ang ihip ng hangin, okay na kayo? Balita ko hindi." Natawa si Lucas ng mahina at inayos ang kwelyo ni Jonas. " Hindi ko aakalain na pati mga lalaki ngayon chismosa, sa itsura mong yan ah. By the way don't call me Bro you are not my good friend baka kapag nalaman nung apat yan maghirap ka bigla." Huminga ng malalim si Jonas na parang nanlambot. " I'm sorry Br- I mean, Mr. Samaniego. " At umalis na sa harap namin at naupo na lang. Hinila ko si Lucas at hinarap siya. " Bakit ka nandito? Alam mo naman na hindi ka pwede dito diba? " Biglang lumapit samin ang assistant ko. " Sir Lucas eto na din po ang mga files niyo." Inabot ni Lucas iyon at nagpasalamat. Naguluhan akong tiningnan silang dalawa. " Ay ma'am nakalimutan ko bagong investors mo po at ka share na po sa kumpanya mas malaki pa ang kay sir Luc kesa kay Sir Jerome. " Natawa ang assistant ko. " Iba talaga nagagawa ng selos noh ma'am? Nakakapaglabas ng milyones agad agad!" Tumingin ako kay Lucas na sa iba nakatingin. " Ang haba ng hair niyo ma'am. Ay wait naapakan ko na." Napatingin tuloy ako sa sahig at umarte pa siyang nag suklay. Tiningnan ko ulit si Lucas na nakatingin sakin at hinawakan ako sa dalawang balikat. " Ang sakin, sakin lang." Hinalikan niya ko bigla at hindi ko na lang pinansin ang mga taong nasa paligid para kong lutang sa ginawa niya. Sana habang buhay kitang makasama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD