Chapter 3: No More

3205 Words
Bago pa man niya maibuka ang bibig, mabilis ko nang nabawi ang daliri ko. Balak ba niyang sipsipin ang dugo nito? Nababaliw na ba siya? Dapat na mandiri ako sa binalak niyang gawin pero hindi ko naman mahanap sa sarili iyon. Para ngang pinagsisihan ko pa kung bakit ko binawi. Ano ka ba Luke. Ikaw na yata ang nababaliw e! Tuloy hindi ko alam ang sasabihin. Nun naman dumating si Joanne dala ang panglinis sa sugat pero napadouble take ito nang makita si Adam. Magsasalita pa nga sana ito pero hanggang sa pagbuka na lang ng bibig ang nagawa. Mukhang nastar-struck sa lalake. "Hi. Ako nga pala si Adam. Kaibigan ni Luke." Pagpapakilala niya kay Joanne. Nagulat ako sa inakto ni Adam. Atsaka anong sabi niyang kaibigan ko siya? I don't remember na naging magkaibigan kami. Sinabihan pa nga niya ako ng walang kwenta dahil hindi ko siya sinipot para makipagseks, tapos sasabihin niya sa empleyedo ko na magkaibigan kami? Ang kapal naman ng mukha niya. Pinamulahan si Joanne at hinawi ang imaginary na buhok palikod sa tainga. "Ako naman si J-Joanne. Empleyado ni Sir Luke." Pagpapakilala rin nito sa sobrang sweet na boses. Nagmukha tuloy itong pabebe. Hindi rin nito maitago ang kilig. Kilala ko pa naman ito na assuming sa lahat ng lalaking kumakausap sa kanya. Nagpapahalata ang gaga. Napangiti ng malaki si Adam saka muli akong tiningnan. Naasiwa ako sa klase ng titig niya sa akin. Parang ang daming ipinapahiwatig. Napaiwas tuloy ako ng tingin. Hindi ko kayang makipagtitigan sa kanya dahil parang matutunaw ako. At ano ba talagang ginagawa niya rito? Huwag niyang sabihing bibili siya ng bulaklak? So nagseseryoso pala siya? O baka naman paraan niya iyon para mabilog ang ulo ng mga customer niya? "Bibili ba kayo ng bulaklak Sir?" Tanong ni Joanne. Bago pa makasagot ang damuho ay kinuha ko na kay Joanne ang panglinis at sinabihan na siya na ang bahala sa customer. Nagmamadali kong tinungo ang maliit na opisina ko dito sa flowershop para roon na linisin ang sugat ko. Para akong kriminal na hinahabol ng isang batalyon ng pulis dahil sa lakas ng t***k ng puso ko. Napahawak ako sa dibdib. Kapag nagpatuloy pa ito, dalawa lang ang kapupuntahan nito at alam kong parehong hindi maganda. Nawala ako sa dinadamdam nang mapansin na may sugat pa pala ako. Nilinis ko na agad ito at nilagyan ng band aid. Habang ginagawa ko ito, naalala ko ang nangyari kanina at balak sanang gawin ni Adam. Gosh! Halos manlamig ang buong katawan ko. Sa pagkakalapat pa lang ng balat niya sa pulsuhan ko ay tila nakuryente ako. Totoo nga ang mga sinasabi sa libro at palabas. Hindi ko lubos maisip na mararanasan ko pala iyon. At sa isang tulad pa ni Adam. Pero teka? Bakit parang hindi galit iyon? Parang ang ganda pa ng mood. Pero baka nagpapanggap lang din. Siguro naghahanap lang ng tiyempo kung paano ako gagantihan. Dahil sa pag-iisip na iyon, muli akong kinabahan. Mukha ngang may balak siyang gawing masama sa akin. Paniguradong magkalasug-lasog ang mga buto dahil malaki pa naman siyang tao. Mukhang malakas din. Ito na nga ba ang sinasabi ko noon na huwag dapat akong makipag-interact sa mga mukhang basagulero at aroganteng lalake. Dapat na akong humingi ng tulong kay Kuya Duke. Sana kasi binayaran ko na lang siya kahit hindi na namin gawin ang bagay na 'yon. Tama? Bayaran ko na lang siya para itigil na niya ang pananakot sa akin. 'Yon naman talaga ang habol niya. Kukuha na lang ako sa sarili kong savings. Baka kapag kumuha ako sa savings na mula kay Daddy, baka mapansin niya ito at tatanungin kung saan gagamitin. Tsaka hindi naman ganoon kalaki ang hinihingi ni Adam. Sarili ko 'tong problema kaya marapat lang na bigyan ko ng sariling solusyon. Sa katunayan, maliit lang naman ito. Bago lumabas ng office ay humugot muna ako ng malalim na hininga para pakalmahin ang sarili. Alam kong nasa labas pa siya dahil nakikita ko siya sa Monitor. May CCTV din kasi ang buong flowershop. Paglabas ko, naabutan ko siyang may kinukuhang pumpon ng rosas at inabot ito kay Joanne para siguro bayaran. Bibili nga talaga siya at malamang sa bakla o matronang mauuto niya ito ibibigay para makakulimbat ng malaking pera. Ano pa nga ba ang aasahan ko sa kanya? Pagkakuha ng huli ay pumunta agad ito sa counter na nasa tabi pang ng entrance. Kinuha ko ang pagkakataong iyon para lapitan siya at kauapin. His lips automatically form into a smile when he saw me. Sa ilong niya na lang ako tumitingin habang naglalakad papalapit sa kanya para maiwasan ang makahulugang titig niya. "P-Pwede ka bang makausap?" Tanong ko sa kanya. Ang ngisi niya ay naging mahinang tawa. Tiningnan ko siya nang may pagtataka. May nakakatawa ba sa sinabi ko? "Akala ko ba, ayaw mo? Hindi mo pa nga ako sinipot kagabi. Anong nagpabago sa isip mo? 'Di ba sinabi kong hindi na kita pagbibigyan kapag nakiusap ka pa?" Aniya na may halong pang-uuyam. Gusto ko siyang sigawan dahil nang-iinsulto na naman siya. Pero kailangan kong rendahan ang sarili. Gusto kong matapos ito sa mapayapang paraan. Gusto ko na ring matapos ang kahibangan ko sa kanya. Wala akong future sa isang lalaking tulad niya. "May sasabihin lang akong importante at mainam na opisina ko na lang pag-usapan. Mabilis lang naman ito." "Maririnig ba tayo dito sa labas kapag sa loob natin gagawin?" Napakuyom ako ng kamay. Isa na lang talaga at matatalakan ko na siya. Kung hindi pa siya makukuha sa maayos na usapan magpasensyahan na lang kami. Si Daddy na talaga ang makakaharap niya. Dapat ay humingi na ako ng tulong kay Dad dahil parang binabantaan na niya ang buhay ko. Pero ayaw ko lang kasi talaga ng mas malaking gulo. Alam ko kasi ang kayang gawin ni Daddy sa mga taong handang manakit sa aming pamilya niya. Ilang beses na niya iyong napatunayan. Kaya hangga't kaya ko pang magpigil at hindi madala sa labis na takot, bibigyan ko ito ng maayos na solusyon at sa mapayapang paraan. Sana naman ay makisama siya. "Please. Ayaw ko ng gulo. Kung gusto mong makipag-usap ng maayos. Sumunod ka sa akin sa office." Sabi ko na lang. Hindi na siya sumagot at ngumisi na lamang. Hindi ko na inintindi pa kung ano ang tumatakbo sa isip niya. Pagkatapos sabihan si Joanne na kakausapin ko siya ay tinungo ko na ang office. Sumunod naman siya sa akin. Papayag naman din pala. Hindi na ako nagpaliguy-ligoy pa pagkapasok sa opisina at maupo ng magkaharap. Sinabi ko na agad ang gusto kong mangyari. Kahit kinakabahan, nilakasan ko ang loob. "Twenty Thousand Pesos. Siguro naman sapat na 'yan para hindi mo na ako tatakutin at habulin. Isa pa't 'yan naman ang orginal price na inalok mo 'di ba?" Kahit hindi naman ako nag-aya. Siya lang ang nag-isip ng ganoon. Binigyan niya ng ibang kahulugan ang ilang beses niyang pagkakahuli sa akin na tinititigan siya kapag nasa klase kami. Inilahad ko sa kanya ang perang nasa drawer ko. Iyon sana ang ipangdedeposit ko sa bangko na kita ng flowershop sa loob ng limang araw. Babayaran ko na lang kapag nakapag-withdraw ako sa savings ko. Nakita ko ang pagkunot ng noo niya habang nakatitig sa perang nilabas ko. "Anong tinatakot at hinahabol kita? Ano bang pinagsasabi mo?" Umangat ang tingin niya sa akin. Naghurumentado ang puso ko sa kaba. Nakakatakot pala talaga ang itsura niya kapag nagagalit. "Hindi kita tinatakot at mas lalong hindi kita hinahabol. Ano ka tsiks?" Naiinis na wika niya. Nagulat ako. Hindi niya raw ako tinatakot at hinahabol? E ano pala ang ibig-sabihin ng mga messages niya at pagtingin sa akin ng masama kanina? Siyempre makakaramdam at makagkapag-isip ako ng ganoon. Ipinaliwanag ko sa kanya iyon. "Aba, sino bang hindi magagalit kung hindi ka sisiputin lalo pa't hindi ko nagawang kumita sa gabing iyon?" Tumaas na ang boses niya. Napapikit naman ako. "E ano 'yang sinisigaw mo? Tinatakot mo ako." "Alam mo, ang kapal din ng mukha mo e. Bakla ka lang din kung tutuusin. Paarte-arte ka pa pero nagpapatira ka rin naman. Ang baba na nga ng singil ko sayo kahit alam kong kaya mo akong bayaran ng malaki. Akala mo kung sino ka porket mayaman ka. Solohin mo 'yang pera mo! Ang yabang mo!" Galit na wika niya at basta na lang kinuha ang pera at hinagis sa harap ko. Lumipad ang mga ito sa ere at nagkalat sa mesa at sahig. "Makakabawi rin ako sayong bakla ka." Banta pa niya bago nilisan ang opisina ko. Ako naman ay hindi makahuma dahil sa ginawa niya. Galit na galit ang mukha niya. Nasagi ko ulit ang pride niya. Atsaka ano bang mali sa sinabi ko e kung tutuusin wala akong binalak na literal sa kanya. Siya itong nag-aya at kung anu-ano pa ang pinagsasabi. Nagpakumbaba na nga ako para matapos na ang gulo tapos eto pa ang makukuha ko? Siya ata ang mas makapal ang mukha. And how dare him for insulting me again. Sino ba siya sa inaakala niya? Isa lang naman siyang callboy pero kung makapagsalita, akala mo kung may dignidad na pinaglalaban. Sa aming dalawa ako ang dapat magalit dahil sa mga pinag-iisip niya sa akin. Porque bakla lang ako pwede niya na akong tapak-tapakan? Dahil sa pinaghalong sama ng loob, galit at sakit ng damdamin, napaiyak na lang ako. May araw ka rin sa aking hudas ka. Kung hindi lang ako naawa sa posibleng mangyari sayo, baka nasira na ang buhay mo! Dahil sa pangyayari, hindi na kami nagkausap pa ni Adam. Naging strangers kami sa isa't-isa. Good thing na hindi niya ako nagawan ng masama. Sinabihan ko rin kasi siya sa chat na sa oras na may gagawin siyang masama sa akin, hindi ako magdadalawang-isip na magsumbong sa Daddy ko. Sinabi ko pang may koneksyon ito sa PNP. Mukhang natakot naman siya dahil hindi na niya ako ginulo pa. I don't know but I feel really sad. Nangarap din kasi ako ng maganda sa aming dalawa. Umabot pa ako sa punto na mahuhulog na sa kanya. Mabuti na lang at sinampal ako ng reyalidad na walang patutunguhan ang kahibangan ng isip ko. Hindi nga siya ang Prince Charming ko. Naisalba ako ng pagkakataon dahil muntik-muntikan na akong maipasailalim sa effortless niyang mahika. Dapat isaisip at hindi ko makalimutan na isa siyang Callboy. Ang lalaking katulad niya ay pera lang ang habol. Gumagawa ng imoral at pribadong aktibidades para lang kumita ng kapiranggot na papel kapalit ang dignidad. Dapat ko na talagang itatak sa isip ko na wala ng Prinsepe sa panahon ngayon. Wala ng fairytale-like love story. Hindi na ako makakahanap ng katulad ni Daddy. Bakit ba kasi nagpadala ako sa kanya. Nakayanan ko naman ang buhay sa college na hindi ako nahulog kahit pa ang daming lalaking gwapo na nagkalat sa school. Kahit pa ang mga kaibigan ni kuya at kakilala ni Daddy. Pero nang dumating itong si Adam na isa pang certified callboy, nagulo ang tahimik kong buhay. Araw-araw naman akong inusisa ng tatlong bruha tungkol sa progress ng love story kuno namin ni Adam. Sinabi ko sa kanila na wala na akong pakialam sa lalake. Sinabi ko na lang din na wala naman itong ginawa sa akin o kung ano pa man. Kapag nalaman nilang pumunta ito ng flowershop ko, siguradong iba na naman ang iisipin nila kahit pa sabihin ko ang totoo. Tila nadismaya naman sila. Kahit naman ako, dismayado rin. Ganoon talaga ang buhay, may mga taong darating na akala mo patungo sayo pero ihinto lang pala ng saglit para guluhin ang bubay mo at aalis din kalaunan. Naglalakad kaming dalawa ni Dwayne sa isang pasilyo nang mapag-usapan namin si Adam. Ngayon naging seryoso na siya sa mga tanong niya. Mukhang disappointed siya nang malamang callboy nga talaga ito. Akala kasi niya nagkukunwari lang ang lalake para mapalapit sa akin. Pinabulaanan ko naman iyon at giniit na iyon talaga ang trabaho ni Adam. Naghabi ako ng kwento na nakita ko ito na may kasamang matandang bakla habang pauwi ako sa bahay. Papasok ang mga ito sa isang motel. Na no doubt na ginagawa naman talaga ni Adam. I'm sure, maraming matandang beki na ang naperahan at nahuthutan niya. "Sayang talaga siya nu? Sinubukan ko nga siyang ichat para ayain ng alam mo na at pumayag naman agad siya nang sabihin ang offer ko. Don't get me wrong ha, sinubukan ko lang dahil baka iyon nga nagpapanggap lang siya pero hindi pala. Atsaka huwag kang mag-alala, wala akong balak na makipag-anuhan sa kanya. You know me, sa mga kakilala ko lang ako nagpapaano at nag-iingat ako masyado. Alam mo naman na may epidemya sa Pilipinas sa panahon ngayon. Mahirap na't madapuan pa ako ng sakit. Marami pa akong pangarap sa buhay." Paliwanag niya. Hindi ko alam pero parang nakahinga ako ng maluwag sa sinabi ni Dwayne. Tinuo pala niya ang sinabi na magpapaano kay Adam noong nakaraang linggo pero wala naman pala siyang balak. Wala rin daw siyang balak na taluhin ako kung nagkataon na hindi ganoon si Adam. Nakaramdam naman ako ng guilt dahil pinag-isipan ko siya ng masama. "Let's forget him, Mamsh. Mag-usap na lang tayo ng ibang bagay. Oo nga pala, I forgot to tell you na babalik na pala sa Pilipinas si Kuya Dante." Ang tinutukoy niya ay ang pinsan niyang nag-aral sa China. Akala ko nga doon na rin iyon maninirahan dahil pagkatapos mag-aral ay doon na rin nagtrabaho. Elementary ako nun at grade five at ito naman ay nasa huling taon sa college nang umalis ng bansa. "Pinapakumusta ka niya sa akin. Hindi mo raw kasi ina-accept ang friend request niya. Tsina-chat ka niya pero hindi mo daw siya ina-accept sa lahat ng social media mo." Sabi pa niya. Nagulat ako. "Nagmimessage sa akin si Kuya Dante?" Ito na nga ba ang sinasabi ko. Bakit kasi hindi ko kinakalkal ang mga social media accounts ko? Mas nagbababad pa akong manood ng BL at KDrama series. Adik ako roon e. Kapag kasama ko naman ang mga kapatid ko, nanonood kami ng mga movies kaya wala talaga akong masyadong time para sa mga ganyan. "Oo kaya. Atsaka malakas ang kutob kong may something 'yon sayo kaso ang bata mo pa noong nandito siya. Kilala ko iyon e, paminta." Sabi pa niya. "Pa'no mo naman nasabi? Feeling mo lang 'yon, h'wag mo ng bigyan ng meaning. Tsaka paano magkakagusto sa akin iyon e ang layo ng agwat ng mga edad namin. Bakit? Wala pa ba siyang balak mag-asawa?" "'Yon nga ang dahilan kung bakit 'di pa siya nag-aasawa o girlfriend man lang. Nung tinanong ko kasi siya sabi niya wala pa raw siyang balak. Kaya ang lakas ng feeling ko na paminta siya. Noong pumunta kami sa China at bumisita sa kanya, may kasama siyang lalake sa tinutuluyan niyang condo. Sabi niya, kaibigan niya lang daw iyo. Pero siyempre bakla ako at malakas ang gaydar kay naamoy kong may something talaga sila aside from the fact na may nakita akong sachet ng condom sa ilalim ng sofa." Napahagikhik siya. "Baka naman talaga kaibigan niya lang iyon at iyong nakita mong sachet ng condom ay ginamit niya sa babae. Ikaw kasi minsan napakaasauming sa lahat ng bagay. Binibigyan mo agad ng ibang meaning." "Totoo naman e." Giit niya. I rolled my eyes. "Whatever. Ica-chat ko na lang siya mamaya." Saad ko at nagpaalam na sa kanyang papasok na sa klase ko kay Professor Almazan. He bid his goodbye also. Usually, nauuna akong dumating bago ang klase. Pero dahil sa nangyari sa amin ni Adam sa upisina, nagpapahuli na ako. Lumipat na rin ako ng upuan sa likuran dahil may mga bakante rin doon. Besides, doon din nakaupo ang ilan sa mga kagrupo ko. Tulad ng inaasahan, tulog na naman siya nang maabutan ko sa klase. Parati na lang siyang ganito kahit siguro sa ibang klase niya. Gabi-gabi siguro siyang nagtatrabaho sa club o nakikipag-anuhan sa kung sino. Paano pa kaya siya nakakapag-aral ng mga lessons? I wonder kung paano siya nakapasa sa dati niyang school. Hindi ko rin kasi alam kung matalino siya dahil sa study lang naman ang dinidiskusyon ni Prof. Sa ngayon ay nagtsitsek lang siya ng mga drafts namin. Natapos ang buong araw ko sa school na walang masyadong nangyayari maliban sa gabi na ako nakarating ng flowershop dahil gumawa kami ng study. Nagmamadali naman akong pumunta sa upisina dahil gagawa pa ako ng monthly sales report. Hinihingi na kasi ni Daddy-tito ito. Nagtext na lang ako sa kanya na baka hindi na ako makahabol for dinner. Alas nuebe na siguro ako natapos sa paggawa ng report dahil sinabay ko na rin ang paggawa ng research paper para sa isang subject ko. Hindi ko man lang napansin ang oras dahil nakapukos ako sa ginagawa. Sinara ko na agad ang flowershop at pumunta sa kotse ko. Bubuksan ko na sana ito nang may bigla na lang lumapit sa akin na lalake at sapilitang kinukuha ang bagpack ko. Dahil nakasukbit ito sa likod ko, hindi nagtagumpay ang lalake. Pero patuloy pa rin ang paghila nito kaya nakipaghilaan din ako. Nagsisigaw na ako dahil alam ko na kung ano ang nangyayari. Kasabay nito ang labis na kaba at takot. Tinulak ako nito dahilan para matumba ako pero hindi pa rin nito nakukuha ang bag ko. Hindi niya pwedeng kunin ito dahil nandito ang laptop ko, cellphone at higit sa lahat ang relo na regalo sa akin ni Daddy. Hindi lang basta-bastang relo iyon, espesyal sa akin iyon dahil pinagawa niya ito para lang sa akin. "Snatcher! Snatcher!" Sigaw ko pa rin. Wala bang nakakarinig sa akin? Bakit wala man lang tumutulong? Dahil mukhang hindi ko talaga ibibigay ang bag ko, bumunot ang lalake ng kung ano sa tagiliran niya at nagulat na lang ako na itinutok nito sa akin ang isang baril. Pinanlamigan ako sa takot. Akala ko babarilin ako nito pero nagulat na lang ako sa sumunod na nangyari. May sumipa sa kamay ng snatcher dahilan para mabitawan nito ang baril. Muli itong binigyan ng isa pang sipa ng lalake sa tiyan dahilan para matumba ito. Doon na pinagsusuntok ng lalake ang snatcher. Nun naman may lumapit na mga tao at tinulungan kami. Ang ilan sa mga ito ay security guard at ang mga ito na ang kumuha sa snatcher para dalhin siguro sa presento. Nanatili pa rin ako sa aking pwesto. Hindi pa sa akin nagsi-sink in ang nangyari. Takot na takot pa rin ako. "Ayos ka lang?" Tanong ni Adam na siyang nagligtas sa akin. Doon na ako nakahuma. Imbes na sumagot ay napaiyak na lang ako. "Sshh... Huwag ka ng matakot, ligtas ka na ha. Okay na. Okay na ang lahat." Sabi pa niya at hinawakan ako sa magkabilang braso para itayo. Pero mas lalong lumakas lang ang pag-iyak ko. Halos matumba rin ako dahil sa panghihina. Inalo ako ni Adam at ang sunod niyang ginawa ay niyakap ako ng mahigpit. Umiyak ako sa matigas niyang dibdib. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD