Chapter 4: Ngiti

3379 Words
Parang wala ako sa sarili habang nakaupo sa harap ng Pulis na kumukuha ng statement tungkol sa nangyaring insidente. Halos hindi ako makapagsalita at makapagbigay ng pahayag dahil pa rin sa takot. Ipinagpapasalamat ko na lang na kahit naninikip ang dibdib ko ay walang masamang nangyari sa akin. Marahil nakatulong ang pag-aalo ni Adam. Napatingin naman ako sa kanya na kasulukuyang sumasagot sa mga katanungan ng Pulis. Kung hindi dahil sa kanya, siguro ay nabaril na ako ng snatcher. Hindi siya nagdalawang-isip na iligtas ako. Utang ko sa kanya ang buhay ko. "Thank you." Pareho silang natigil ng Pulis at tumingin sa akin. Bahagyang nangunot ang kanyang noo. Mataman niya akong tinitigan. Muli akong nagsabi ng 'thank you.' Tango lang ang kanyang naging tugon at binaling muli ang atensyon sa Pulis. Pinagpatuloy niya ang pagsagot sa mga tanong nito. Matapos kaming makuhanan ng statement ay pinauwi na rin kami. Bukas na lang daw kung gusto naming sampahan ng kaso ang suspek. Nasa entrance na kami papalabas ng estasyon nang makita ko ang mga magulang ko. Halos mag-unahan sila paglapit sa akin. Sinalubong ko sila ng yakap lalo na si Daddy-Tito. Muli na namang bumuhos ang emosyon ko. Napahagulhol ako. Naramdaman ko ang masuyong pahaplos ni Daddy sa likod ko at sinabing magiging maayos ang lahat. Hindi raw niya palalagpasin ang ginawa sa akin. Bagamat nag-aaalala ang kanyang boses, bakas din dito ang labis na galit. "Tahan na Luke anak. Huwag ka nang umiyak. Makakasama sayo ang labis na emosyon. Tahan na baby, nandito na kami ng Daddy mo. Magiging maayos din ang lahat. No one will hurt you anymore, okay?" Saad ni Daddy-Tito. Hindi ako nagsalita at niyakap lang siya ng mahigpit. Takot na takot pa rin ako sa nangyari lalo na nang itutok sa akin ng snatcher ang baril. Naalala ko bigla ang nangyari sa amin ng kapatid ko noong dinukot kami ni Tito RC labinlimang taon na ang nakakaraan. Tinutukan din kami nito ng baril noon. Mayamaya'y may lumapit na Pulis sa amin. Hinarap agad ito ni Daddy at tinanong ang tungkol sa nangyari. Sinabi ng Pulis na sa loob na lang daw nila pag-usapan. Nakita ko na lang ang pagpasok nilang dalawa sa estasyon. "Luke." Narinig kong tawag sa akin ni Adam. Muntik ko nang makalimutan na nandito pala siya. Napabitaw ako ng yakap kay Daddy-Tito at pinakilala ko siya rito. "Daddy-Tito, si Adam nga pala. Siya po ang nagligtas sa akin kanina. Classmate ko rin siya sa isang subject. Adam, Daddy-Tito ko nga pala. Iyong matangkad na mama ay Daddy ko rin. Sila ang mga magulang ko." Bagamat may pagtataka ang kanyang mukha, hindi siya nagtanong. Sa halip, magalang niya binati ang Daddy-Tito ko."Magandang gabi sa inyo Sir. Adam po pala." "Magandang gabi rin." Lumapit sa kanya si Daddy-Tito at hinawakan ang dalawang kamay niya. "Ikaw pala ang nagligtas sa anak ko. Maraming salamat sayo iho. Napakabait mong bata. Nakuha mong ilagay sa panganib ang iyong buhay para iligtas ang anak ko. Sabihin mo naman kung paano kami makakabawi sayo." Umiling-iling si Adam at nahiyang magpaliwanag. "Huwag niyo ng intindihin 'yon Sir. Siyempre, 'yon naman ang tamang gawin. Hindi maatim ng konsensya ko kapag nanood lang ako at hinayaan na saktan ng snatcher na 'yon si Luke." Sobrang nagpapasalamat talaga ako sa ginawa niya. Kahit hindi naging maganda ang pag-uusap namin noong nakaraang araw, nakuha pa rin niya akong tulungan. Tama si Daddy-Tito na nilagay niya sa alanganin ang kanyang buhay para lang iligtas ako. It's too dangerous especially that there was a gun. Paano kung hindi niya agad napuruhan ang suspek? Baka siya ang mabaril nito. Magiging kasalanan ko pa at hindi maatim ng konsensya ko 'yon.bHindi ko alam kung paano pa ako makakabawi sa kanya. "It's good to know na may mga tao pang kagaya mo na handang ibuwis ang buhay para sa kaligtasan ng ibang tao." Napangiti lang si Adam sa sinabi ni Daddy-Tito. Ako naman ay tila namangha sa klase ng ngiting pinakita niya. It was a genuine smile. Iyon ang unang pagkakataon na nakita ko ang ganoong ngiti niya na nagdulot naman sa akin ng kakaibang pakiramdam. Dahil dito, muling nabuhay ang paghanga ko sa kanya. Hindi naman pala siya ganoong kasamang tao. Na kahit may ginagawa siyang kababalaghan, may parte pa rin sa kanyang puso na kayang magmalasakit gumawa ng tama. "Maraming salamat talaga Adam. Words are not enough for what have you done to my son. Please, atleast come to our house tomorrow evening as our way of grattitude. If that is kung wala kang pupuntahan o gagawin." Dagdag pa ni Daddy-Tito. Napatingin sa akin si Adam na tila kumukuha ng kompirmasyon. Ngumiti naman ako. Tama ang naisip ni Daddy-Tito na ayain ito ng hapunan para makapagpasalamat kami. Kahit iyon man lang ay makabawi kami sa ginawa niya. "Ah, titingnan ko po. Aabisuhan ko na lang si Luke kung matutuloy." "Okay. But please. It would be our pleasure if you would come tomorrow." Nilingin ako ni Daddy-Tito. "Luke, pilitin mo itong si Adam na pumunta sa bahay para makasabay natin siyang magdinner." "Yes, po." Tugon ko. "Magluluto ako ng marami. Sigurado akong magugustuhan mo lahat ng ihahanda ko. At kung may gusto kang ipaluto, magsabi ka lang ha." Nakita ko ang pasimpleng pagkamot ni Adam sa batok. Mukhang nahihiya pa rin siya sa pakikipag-usap kay Daddy-Tito. Marahil sa pagkalumanay ng boses nito at sa kakaibang intimidasyon na naidudulot sa kausap. Mukha kasi talagang anghel si Daddy-Tito lalo pa't napakabait nitong tao. Kaya ito ang nagustuhan sa kanya ni Daddy. Grabeng magpapakumbaba at sakripisyo niya kay Daddy noong mga panahong galit na galit ito sa kanya dahil sa pagtago niya sa tunay naming pagkatao ni Kuya Duke. Sabi pa nga ni Dad, hindi niya deserve ang tulad ni Daddy-Tito. Pero hindi rin niya kayang mabuhay kapag nawala ito. Kaya ginagawa niya ang lahat kahit hanggang ngayon para maging karapatdapat siya para rito. "Sige po, pupunta ako bukas. Magpapasamat na lang ako kay Luke." "That's great! Thank you so much iho." Hindi na maitago ang tuwa ni Daddy-Tito. Ganoon na rin ako. We'll be forever greatful to Adam. Magsasalita pa sana ako nang lumabas si Daddy sa estasyon. Bakas pa rin sa mukha niya ang galit. Lumapit siya sa akin at inakbayan ako. Naramdaman ko ang paghalik niya sa ulo ko. "Magbabayad talaga ang gagong 'yon sa ginawa niya. Magpasalamat siya't walang masamang nangyari sayo. Hindi ka niya sinaktan. Because if he does, I'm gonna kill him." Niyakap ko si Daddy at humilig sa kanyang dibdib. Gusto ko sanang sabihin na okay na ang lahat dahil wala namang masamang nangyari sa akin, but knowing him. Masyado siyang protective sa amin. Noong nabugbog nga si Kuya Duke sa isang bar dahil sa isang babae ay hindi niya tinantan ang mga nambugbog hanggang sa makulong kahit pa ilan sa mga ito ay anak ng mga malalaking tao. He used all of his connections. Humiwalay din ako ng yakap sa kanya para ipakilala naman si Adam. "By the way Dad, si Adam nga po pala. Ang nagligtas sa akin." "Magandang gabi Sir." "Good evening too. Thank you for saving my son. Let us know kung paano kami makakabayad sayo." Saad ni Daddy kay Adam sa halos kaparehong sinabi rin ni Daddy-Tito. "I already invited him to have dinner with us tomorrow and he said yes. Doon na lang natin siya kausapin tungkol sa nangyari. It's getting late already. May mga klase pa sila bukas." Ani Daddy-Tito. Tumango naman si Daddy at nagpasalamat na lang ulit kay Adam. Nagpaalam na rin sa amin ang huli. Nag-offer pa si Daddy na bigyan siya ng ride pero tumanggi siya. Malapit lang daw naman ang sa kanila. Bago naghiwalay ang mga landas namin, may sinabi siya na tuluyang nagpagaan ng loob ko. "Mag-ingat ka palagi a. Good night." SABAY na napa-what sina Taylor, Danica at Dywane pagkasabi ko sa kanila na pinagnakawan ako at malapit ng barilin ng snatcher kagabi. Sunod-sunod ang mga naging tanong nila. Kung maayos lang ba ako, kung nahuli na ba ang snatcher at kinasuhan na ba ito, kung gwapo ba raw ito. "Is he handsome? Gano'n kasi ang mga snatchers ngayon e, may itsura na para hindi sila paghinalaan." Tiningnan ko ng masama si Dwayne. Wala na talagang alam ito kung 'di gwapo. Pati ba naman snatcher, pag-iinteresan niya? "I'm just joking! Sorry na Mami. So paano ka nakaligtas dahil ang sabi mo may baril nga ang snatcher na 'yon?" "Tinulungan ako ng isang lalake. Siya ang nakipagbuno sa snatcher hanggang sa mahuli ito at nakulong." Sa sinabi kong iyon ay nagningning ang mga mata ni Dwayne. Ang dalawang babae naman ay nagpasalamat dahil may tumulong daw sa akin. "Kilala mo ba ang nagligtas sayo? What about him? Gwapo ba?" Pang-uusisa ulit ni Dwayne. Sa inis ay tinapon ko sa mukha niya ang balat ng cupcake na kinain namin. Imbes makakakuha sana ako ng simpatya dahil nakakaramdam pa rin ako ng takot dahil sa nangyari, pagkainis ang umusbong dahil sa tanong niya. Kung anu-ano na lang ang pumapasok sa isip niya kapag mga lalake na ang involve sa usapan. Hindi ko nga alam kung paano kami naging magkaibigan e halos magkasalungat ang ugali namin. Ilang bagay lang ang parehong may interes kami. Marahil sa naiintindihan namin ang isa't-isa at hindi pa kami humantong sa malaking away kaya kami tumagal hanggang ngayon. As well as sa dalawang bruha. "Sino nga?" Napabuntong-hininga ako at sinabi kung sino ang nagligtas sa akin. Tumili ang bruha. Ang dalawang babae naman ay nakisali na rin dahil kilala na nila si Adam. Sabi pa ng bakla, ang swerte ko raw dahil gwapong lalake ang naging knight in shining armour ko. Pero nang marealize niya na si Adam pala 'yon, nag-iba ang timpla ng mukha niya. Nagtaka sa kanya sina Danica at Taylor. Ako naman ay nakuha agad ang ibig-ipahiwatig ng ekspresyon ng kanyang mukha. "It could be better if it's someone. But I should be grateful to him dahil niligtas ka niya pero I have this feeling na he's up to something with you lalo na ngayon na may utang na loob ka na sa kanya." Ani Dwayne nang kami na lang ang nag-usap. Papunta kami sa kanya-kanyang klase namin. Hindi ako makapaniwala sa narinig sa kanya. Gano'n pa talaga ang maiisip niya kay Adam matapos nito akong iligtas? However, I can't blame him dahil isa ngang callboy si Adam at maari niyang gamitin ang pagligtas sa akin to get something from me. Pero hindi ko na naisip 'yon. Ramdam kong mabuting tao rin si Adam kahit napakasungit niya. If he is up to something like money, edi sana kinuha na niya 'yong ibinigay kong tweny thousand bilang kabayaran sa hindi ko pagsipot sa pagkikita namin? Pero kung hihingi man siya ng pabor or pera, sa tingin ko naman obligado akong magbigay. He put his life at risk. Pinaliwanag ko lahat iyon kay Dwayne. "I don't know. Basta if ever na manghingi siya ng kung anu-ano at kapag naramdaman mong sumusobra na, prangkahin mo agad. Dahil kung bukal sa loob niya ang pagtulong, hindi siya hihingi ng anumang kapalit sayo." Hindi na lang ako nagsalita. Ayaw ko munang pag-isipan ng masama si Adam. Sa ngayon ay dapat na magpasalamat ako sa kanya. Kung dadating man sa puntong iyon, doon na lang siguro ako mag-iisip ng gagawin. Nagbukas na lang ako ng ibang topic at iyon ang pinag-usapan namin hanggang sa naghiwalay kami ng landas. Bukas pa ang klase kay Prof Almazan kaya nag-chat na lang ako kay Adam na sa flowershop na lang kami magkita para sabay kaming pupunta ng bahay. Agad naman siyang nagreply. Napangiti ako. Hindi ko alam kung dapat ba akong magpasalamat na may nangyari sa akin dahil nagkaroon ng progress sa aming dalawa? Ito lang naman kasi ang gusto kong mangyari, maging maayos ang pakikitungo niya sa akin. Siguro naman, magkaibigan na kami sa lagay na 'to. Lagpas alas singko nang dumating si Adam sa shop. I was stunned by his look. Ang gwapo niya sa suot na red-violet short-sleeve polo at light-gray pants na pinaresan niya ng puting rubber shoes. By his outfit, mukhang pupunta siya sa isang date. Tapos sinusundo niya ako. Napailing ako sa naisip. "Okay lang ba itong suot ko?" Nag-aalalang tanong niya nang lumabas na kami sa shop. He look so tense also. Ibang Adam na talaga ang nakikita ko ngayon. Marahil ito ang isa niyang peraonalidad kapag nalagaanan niya na ang isang tao. Sana nga ito ang totoo siya. "Don't worry, you look great. Ang gwapo mo nga e." Agad kong narealize kung ano ang lumabas sa bibig ko kaya napaiwas ako ng tingin. Nang-init ang pisngi ko. Ano ba 'tong pinagsasabi ko? Nakakahiya! Hindi na nagsalita si Adam kaya dali-dali akong pumasok sa sasakyan. Pumasok na rin siya sa loob. Wala kaming kibuan habang nasa biyahe. Nahihiya pa rin ako sa sinabi ko. Si Kuya Robert at Kuya Joel lang ang nagsasalita. Ang huli ang nagmamaneho at katabi nito ang una. Sila ang mga bodyguard na tinalaga sa akin ni Daddy. Napraning talaga ito sa nangyari kaya kahit ayaw ko, kumuha pa rin siya ng mga bodyguard para sa kaligtasan ko. Hindi ko rin naman siya masisisi. Atsaka hindi naman nakaka-bother ang presence ng dalawa dahil hindi naman nila ako sinusundan parati. "May gusto ka bang ipahanda para maipaalam ko agad kay Daddy-Tito?" Mayamaya aybtanong ko Adam. Tinapangan ko na ang sarili para hindi maging awkward ang paligid para sa aming dalawa. "Wala." Tipid na sagot niya. Natigagal ako. Nawalan tuloy ako ng sasabihin kaya tumahimik na lang ako. Natapos agad ang pag-uusap namin. Nanatili kaming tahimik hanggang sa makarating kami sa bahay. Sumalubong sa amin ang mabangong amoy ng pagkain pagkapasok sa loob. Nakita ko ang naman ang pagkamangha sa mukha ni Adam habang nililibot niya ng tingin ang bawat sulok ng bahay namin. Malapit na kami sa dining area nang lumabas naman buhat kung saan ang dalawang nakababatang kapatid ko. Ang onse anyos na si Kingvin at walong taon na si Devone. The latter give me a kiss on the cheeks. Nakipag-fist bump naman sa akin si Kingvin. Pagkuwa'y napatuon ang atensyon nila kay Adam. Agad ko silang pinakilala rito. Bibo namang nakipag-usap ang dalawa. "Ang cool mo siguro nung sinuntok mo 'yong snatcher ano?" Usisa pa ni Kingvin at umaksyon pa ng suntok. Medyo may pagkahilig kasi ito sa aksyon. Naging black belter na nga to sa martial arts. "Of course Kuya, he is! Ang tapang kaya ng ginawa niya." Pag-eentra naman ni Devone na may pagka-conyo kung magsalita. "And he's handsome pa. Are you my Kuya Luke's boyfriend?" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabing iyon ni Devone. Agad kong hinila ang kapatid ko at pinandilatan ito ng mata. Narinig ko ang pagtawa ni Adam at halos mabingi ako sa sinagot niya. "Hindi pa. Liligawan ko pa lang ang kuya mo." Napaawang ang labi ko. Narinig ko na lang ang pagtili ng prinsesitita namin. Si Kingvin ay niloko-loko ako. Nun naman dumating si Kuya Duke na agad dumako ang tingin kay Adam at sinuri ito mula ulo hanggang paa. Tinanong agad sa amin kung sino ito. Bago sinagot si Kuya ay binalaan ko muna ang dalawa na huwag magsalita. Pinilit kong maging normal kahit naghuhurumentado na ang puso ko dahil sa sinabi ni Adam. "Si Adam nga pala Kuya. Siya 'yong sinasabi kong nagligtas sa akin. Adam, Kuya ko pala, si Duke. Actually we're twins hindi nga lang halata." Pagkasabi ko nun, nag-iba ang ekspresyon sa mukha ni Kuya. Napalitan ito ng kagalakan. Excited din siya itong makilala nang malaman kagabi ang nangyari sa akin. "Ikaw pala ang nagligtas sa kapatid ko. I'm Duke, nice meeting you, Bro." "May kambal pala si Luke. Adam nga pala, Pre." Nagkamayan silang dalawa. Tatanungin pa sana ni Kuya si Adam nang umentra na naman si Devone. "And he's Kuya Luke's manliligaw, Kuya." Nakita ko ang pangungunot ng noo ng kakambal ko. Nagtatanong ang mukhang nilingon ako. "Nililigawan ka niya?" "Kuya Adam just said that before you came." Si Kingvin ang sumagot. "Yes Kuya. I asked him pa nga if he's Kuya Luke's boyfriend but he just said na nanliligaw pa siya." Pagsegunda naman ni Devone. Nilingon ko si Adam. Tila ba humihingi sa kanya ng tulong. "Totoo bang nililigawan mo ang kapatid ko?" Tanong muli ni Kuya sa kanya. "Ah e, h-hindi 'yon totoo. Niloloko-loko lang ang mga bata. Pasensya na." Para akong pinagsakluban ng langit at lupa sa narinig. Kung gaano kataas lumipad ang puso ko dahil sa sinabi niya kaninang liligawan niya ako, ganoon naman ito bumulusok paibaba hanggang sa bumagsak at nagkandalasug-lasog. Sabay naman napa-what ang dalawang bata. "Sinabi mo iyon kanina e? Hindi ka naman mukhang nagbibiro a!" Si Kingvin. "You made us believe pa. You're not cool anymore." Si Devone. "Sorry na mga bata. Nagbibiro lang ako. Sa totoo niyan magkaibigan lang talaga kami ni Duke." Parang gusto ko na lang umalis at pumunta sa kwarto. Nasaktan ako. Bakit pa kasi umasa akong totoo nga ang sinabi niya? "Good to know that. Iniingatan ko kasi itong kambal ko e. Lahat ng may balak manligaw sa kanya ay dadaan muna sa akin." Natigil ang pag-uusap namin nang sumulpot ang dalawang Daddy namin. Kinausap agad ng mga ito si Adam lalo na si Daddy-Tito na hindi na magkandaugaga sa pag-aasikaso kay Adam hanggang sa magsimula kaming kumain. Nawalan ako ng gana at hindi ko malunok-lunok ang pagkain ko. Kahit kasi anong pagpapaalala sa sarili na hindi dapat paniwalaan ang sinabi ni Adam, mas lalo akong nasasaktan. Panay naman ang tanong ni Daddy-Tito tungkol sa buhay niya. Dito ako nagkaroon ako ng kaunting alam sa buhay niya. Galing pala siya sa probinsya ng Bulacan at nakipagsapalaran dito sa Maynila pagkatapos mag-aral ng mag-high school. Bago siya pumasok sa kolehiyo, pinasok muna niya ang iba't-ibang trabaho. Nang makapag-ipon, doon na siya nag-aral. Nalaman kong tatlong taon pala ang tanda ng edad niya sa akin. He's now twenty four. "You said that you have a part-time job. Saan 'yon?" Si Dad ang nagtanong. Kinabahan naman ako dahil dito. May pagkapartikyular pa naman si Daddy lalo na pagdating sa mga ganitong bagay. "Sa isang bar Sir." "Bar?" Si Kuya ang nagtanong. "Saang bar yan at anong trabaho mo?" Matagal bago nakasagot si Adam. Ako naman ay naghihintay kung sasabihin niya ang totoo. Nagpasalamat na lang ako na kahit sinabi niya ang pangalan ng bar ay nagsinungaling naman siya tungkol sa kanyang trabaho. Waiter ang sinabi niya. I'm sure kapag sinabi niyang entertainer siya at nagbibigay ng extra service, mag-iiba ang tingin sa kanya ng mga magulang ko. Napatango-tango lang si Kuya Duke. Mukhang naniwala naman. Matapos ang dinner ay nagpaalam na rin si Adam. Sandaling kinausap siya ng mga magulang ko bago ko siya inihatid sa labas. Ang driver na lang namin ang maghahatid sa kanya pauwi. "Thank you nga pala sa pagpunta ha. Sana nag-enjoy ka." Saad ko. "Siyempre naman. Nabusog nga ako ng sobra e. Ang bait ng pamilya mo lalo na ang Daddy-Tito mo. May katulad pala talaga nila ano? Gaano na ba katagal nagsasama ang parents mo?" I was shocked by his question. Pero sinagot ko ito. "They've been for fifteen years now and I'm proud that I have a parents like them. Kahit na iba sila sa normal na mag-asawa, hindi naman sila nagkulang bilang mga magulang sa amin kahit pa ang daming nanghuhusga sa kanila. Atsaka mahak nila ang isa't-isa." Hindi na sumagot si Adam at napatango-tango na lang. "Ah sige mauuna na ako. Kita na lang tayo bukas sa klase." "Sige good night." Tumalikod na siya at binuksan ang sasakyan. Pero bago siya pumasok sa loob ay may sinabi siya na nagpagulantang sa akin. "Luke, kung liligawan ba kita, papayag ka ba?" Nanigas ang buong katawan ko. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD