NAGPUPUYOS SA GALIT na idinayal ni Zandra ang numero sa dati niyang inutusang magmanman kay Eillaine noong nasa Maynila pa ang huli, agad namang may sumagot sa kanya. "Hello, Mrs. Mendoza, ano po ang maipaglilingkod ko sa inyo?" tanong nito sa kanya. "Find my annoying daughter, I think she runs away again." Pag-uutos niya sa imbestigador. Wala siyang narinig na sagot mula rito kaya inulit niya ang sasabihin niya ngunit may halo na iyong inis. "Mrs. Mendoza, pasensiya na po pero hindi ko po kayo matutulungan ngayon, may nauna po sa serbisyo ko at mas malaki po ang ibinabayad niya sa akin," magalang na pagtanggi nito sa kanya. "What did you say? Ilang taon kang nanilbihan sa akin bilang imbistigador ko pagkatapos ngayong kailangan kita ulit ay tatanggihan mo na ako? Wala kang utang na l

