bc

TORN BETWEEN TWO LOVERS

book_age18+
338
FOLLOW
3.5K
READ
love-triangle
HE
second chance
office/work place
actor
like
intro-logo
Blurb

CHLOE POV

Nagising ako ngayong araw sa sinag nang araw na tumatagos sa pintuan ng aming tahanan.

Today is the day na papasok ako sa aking unang trabaho bilang isang Sales Lady sa mall.

Huminto naman ako sa aking pag aaral sa kursong Bachelor of Science in Business Management. Isang semester lamang ang kaya kong pasukan kasi mabigat na talaga ang mga gastusin sa bahay.

Minimum lang ang offer sa akin sa trabahong ito pero mabuti na ito kesa naman sa wala.

Panganay kasi ako sa aming tatlong magkakapatid kaya naman kailangan ko talagang kumayod.

Tatlo na lamang kasi kaming magkakapatid, ang nanay at tatay namin ay hiwalay na. Mayroon na silang kanya kanyang pamilya at pinabayaan na nila kami.

Hayskul na ang ang pangalawa kong kapatid na si Roy at ang bunso naman naming si Miya ay elementary. Parehas sila ng schedule, puro mga panghapon kaya naman kailangan nilang mag sabay papunta at pabalik ng school.

Mabigat sa akin na pasanin ang araw araw na problema nila. Baon, mga projects, ubos lahat ng mga kinikita ko sa kaliwa't kanang sidelines ko.

At ngayon na last year na ni Roy sa highschool at tutuntong na ito sa college, sumasakit na talaga ang ulo ko.

Pinag lutuan ko na lamang sila ng almusal at di na sila ginising pa kasi alam ko namang puyat din sila.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
CHLOE POV Nagising ako ngayong araw sa sinag nang araw na tumatagos sa pintuan ng aming tahanan. Today is the day na papasok ako sa aking unang trabaho bilang isang Sales Lady sa mall. Huminto naman ako sa aking pag aaral sa kursong Bachelor of Science in Business Management. Isang semester lamang ang kaya kong pasukan kasi mabigat na talaga ang mga gastusin sa bahay. Minimum lang ang offer sa akin sa trabahong ito pero mabuti na ito kesa naman sa wala. Panganay kasi ako sa aming tatlong magkakapatid kaya naman kailangan ko talagang kumayod. Tatlo na lamang kasi kaming magkakapatid, ang nanay at tatay namin ay hiwalay na. Mayroon na silang kanya kanyang pamilya at pinabayaan na nila kami. Hayskul na ang ang pangalawa kong kapatid na si Roy at ang bunso naman naming si Miya ay elementary. Parehas sila ng schedule, puro mga panghapon kaya naman kailangan nilang mag sabay papunta at pabalik ng school. Mabigat sa akin na pasanin ang araw araw na problema nila. Baon, mga projects, ubos lahat ng mga kinikita ko sa kaliwa't kanang sidelines ko. At ngayon na last year na ni Roy sa highschool at tutuntong na ito sa college, sumasakit na talaga ang ulo ko. Pinag lutuan ko na lamang sila ng almusal at di na sila ginising pa kasi alam ko namang puyat din sila. Pag labas ko naman ng bahay, nakita ko si Alden. Boyfriend ko siya for six months. Nagulat naman ako sa kanya kasi ang buong akala ko ay nasa Pampanga siya. Naka sando lamang siya at mayroon itong dalang paper bag. Nag ngitian kaming dalawa at excited na lumapit sa isa't isa. Damang dama ko na sobra siyang nasasabik sa muli naming pag kikita. Mahal ko si Alden pero alam ko naman na mas mahal niya ako. Nang matapos kaming mag halikan, ngumiti siya sa akin. "Oh akala ko ba ay tutulungan mo ang tatay mo sa pag aani ng palay ngayon sa pampanga?" tanong ko, maayos naman kasi itong nag paalam sa akin noon kaya pumayag na rin ako. "Eh yun na nga eh, nag hired na lamang si papa ng mga tauhan niya kaya naman dito muna ako ngayon sa Manila. Magkasama na tayong muli," saad niya. "Kamusta ka na mahal? Ano nang nangyari sa pag aapply mo sa trabaho?" "Salamat naman kung ganun. Siya nga pala, first day ko ngayon sa bago kong trabaho bilang sales lady," sabi ko pa sa kanya. "Wow! That is really a great news, masaya ako na finally ay mayroon ka nang trabaho. Pero sayang naman, may pasalubong pa naman sana ako sayo ngayon. Pero guston mo ba ihatid na lang kita?" "Ay wag na Alden, ano ka ba? Ayos lang naman sa akin kasi kaya ko na naman ang sarili ko. So please, wala kaman kasing dapat na ikabahala pa," sambit ko pa sa kanya. Napa buntong hininga naman siya ng malalim. "Sure ka ba mahal? Kasi ayos lang naman sa akin. At chaka, wala naman dij akong gagawing iba ngayon," sagot niya pa. Na miss ko rin naman siya kahit papaano kaya pumayag na rin naman ako sa gusto niyang mangyari. Hinatid niya ako sa trabaho ko at sobrang saya ko lang. Stress man ako sa aking buhay, pero nagagawa ko pa rin namang maka ngiti ng dahil sa boyfriend ko. Kumpara naman sa akin, mas mayaman itong si Alden. Mayroon silang farm sa probinsya at mayroon din silang salon at ibang negosyo dito sa Manila. Kaya naman ang iba naming mga kapitbahay, halos masama ang tingin sa akin kasi pakiramdam nila ay isa akong gold digger kahit na ang totoo ay mahal ko naman talaga si Alden, not because of his wealth but because of his pure heart. Mabait na tao siya at mayroong malasakit. Kaya naman madaling nahulog ang puso ko para sa lalaking ito. Unlike sa ex boyfriend kong si Kevin na sobrang babae. Certified tambay sa kanto ng lugar namin. 8 months kaming dalawa subalit nakipag break up ako sa kanya at sinabi ko na wala itong mararating sa buhay. Sinabi niya sa akin na babalikan niya ako kapag naging mayaman na siyang lalaki. Kaya lang hanggang sa salita lang naman pala siya. "Siya nga pala, baka mayroon kang kailangan sa bahay ninyo. O mayroon kang pagkaka gastusan na iba. Pwede naman kitang bigyan ng pera." "Ano ka ba? Ayos lang naman ako Alden. So please, baka naman pwede sana ay bawasan mo na ang pag bibigay ng tulong sa amin kasi ang dami lang talaga ng mga mata sa paligid." "Oh eh ano naman kung marami ang mga taong naka silip sa buhay mo? Wala naman akong pakialam sa kanila eh. At yung mga yun, wala naman silang ambag sa buhay natin kaya wag mo na sana silang pansinin pa. Pramis, ako na ang bahala sa iba mong gastusin sa bahay para naman hindi ka na mahirapan pa." Napa hinto naman ako sa aking pag lalakad at napahinto na rin siya. Binigyan ko naman siya ng seryosong mukha. "Alden, sobrang na aappreciate ko ang lahat ng mga ginagawa mo sa akin. Pero ayaw ko talagang iasa ang lahat sayo. Kaya nga ako nag tatrabaho para mayroon naman akong ipapang tustos sa mga kapatid ko. Di naman lihim sayo na inabandona na kami ng aming pamilya di ba? At ngayon, pasan pasan ko na ang lahat ng problema namin sa bahay." "Shhhhhh... ano ka ba naman ha? Wag mo naman sana akong sabihan ng ganyan. Wala naman kasi akong ibang pinag kakagastusan sa ngayon eh. And hindi ka na naman ibang tao sa akin kaya sana naman ay hayaan mo lang akong gawin kung ano ang gusto ko. Hindi ko lang talaga kaya na makita kang nag hihirap. Masakit lang sa akin na maayos ang buhay ko pero samantalang ang girlfriend ko naman, puno ng pag subok sa buhay." Nag patuloy na ako sa aking pag lalakad, Ewan ko ba naman kasi sayo eh, sa dinami rami ng mga babae sa mundo, pinili mo pa talaga ako?"

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

His Obsession

read
105.0K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
31.4K
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
104.5K
bc

HIDING MY BOSS' HEIRS | SPG

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook