CHAPTER 2

1006 Words
CHLOE POV He just smiled at me, "Eh ikaw lang naman kasi ang pinaka matinong babae na nakilala ko eh. Kaya ikaw ang pinili ko, kaya wag ka nang ma drama jan. Sige ka, di ba plano mong maging isang model? Paano kung halimbawang mayroon tayong naka salubong ngayon na isang producer tapos nakita ka niya? Paano ka niya kukuhain kung malungkot ang mukha mo?" "Wow ha? Ewan ko sayo, Alden! Puro ka talaga kalokohan jan eh no? Malabo naman mangyari ang sinasabi mo? And ako, wala na akong plano na mag model kasi never naman akong nakaka pasa. Alam mo masakit lang kasi na dito mismo sa bansa natin, sobrang tindi rin ng discrimination sa skin color. Ako nga tingnan mo, sa 20 auditions ko, ni isang model agency ay never akong tinanggap," mahabang salaysay ko pa nag mag patuloy ako sa aking pag lalakad. Deep inside, nalulungkot lamang din ako sa sarili ko sapagkat hanggang ngayon naman ay umaasa pa rin ako na magiging isang model ako kagaya ng mga artistang nakikita ko. Magaling naman akong maglakad, matangkad din naman ako, pero yun nga lang, di rin ako pinalad sa mga auditions na sinalihan ko. Ito lang kasi yung tanging paraan para maka ahon kami sa hirap. Kaya lang, malabo na rin itong mangyari. "Do not give up on your dreams, tandaan mo, palagi naman akong naka suporta sayo eh. Malay mo, dumating din yung time na mayroong producer na lumapit sayo para kuhain ka bilang isang model," pag papalakas niya pa ng loob ko. Sobrang thankful lang din ako kay Alden kasi talagang siya ang palaging nagpu push sa akin lalo na kapag nawawalan ako ng kumpiyansa sa sarili ko. Pinaparamdam talaga niya sa akin na mayroon akong pag asa sa buhay kahit papaano. Nang nasa kanto na kami, isang jeep lang naman ang kailangan kong sakyan mula rito upang makarating ako sa market kung saan ako magwo work. "So paano Alden? Kita na lang tayo bukas ha?" nakangiting sabi ko sa kanya sabay kuha ng aking bag. "Ha? Bakit naman? Gusto sana kitang sunduin sa office mo kung ayos lang eh." "Alden, wag na, abala lang yan sayo eh. May mga paa naman ako at tsaka pramis ko sayo, iingatan ko naman ang sarili ko. Sa katunayan nga, mayroon pa akong dalang pepermint spray para just in case na merong magtangka sa akin." "Anong oras ba ang out mo sa work?" Pinisil ko ang ilong niya, "Secret! Chaka ko na lamang sasabihin sayo, mauna na ako mahal!" Bago ako sumakay sa jeep, hinalikan ko muna siya ulit sa kanyang lips. 10 hours a day ang duty ko, fixed na ito at bayad naman ang two hours na over time. Kasi kailangan na kailangan daw nila ng cashier gawa ng maraming tao ngayon sa market. Basta isa lang ang kailangan ko, dapat ay di ako ma short dahil salary deduction ito sa akin. Mahigit 30 minutes din ang ibinyahe ko bago ako makarating sa trabaho ko. Nakaka pagod, sa usok pa lamang ng sasakyan na dinadaan ko, haggard kaagad ako papasok. Pag dating ko naman ay napa ngiti sa akin ang supervisor kong nag hired sa akin na si sir Anjo. Mabait siya, walang kaso sa kanya kahit na high school lamang ang natapos ko. Pag bibiro pa nga niya sa akin, basta marunog lang daw akong mag bilang ay ayos na. Sa tono pa lang ng pananalita niya ay siya yung tipo ng supervisor na pala biro at friendly. Sobrang importante pa naman ng ganito sa trabaho. Mas magiging magaan ang mga task namin kapag hindi masungit ang nag su supervise sa amin. Sa unang salang ko pa lamang dito, masasabi ko nang hindi ito madali. Lalo na't sunod sunod na mga tao ang dumarating. Ang training ko, actual ko nang ginagawa ang trabaho kaya naman sinabi akin ni sir Anjo na do it right the first time. During lunch break naman, sinabay niya ako sa canteen. Medyo awkward lang naman sa akin na sinabay niya ako kasi baka pag chismisan ako ng mga kasamahan ko sa work which I don't want to happen. At isa pa, feeling ko parang cheating na rin ito kay Alden kasi mayroon ibang lalaking kasama. Kahit na i explain ko pa ito sa kanya, sabihin na supervisor ko siya, mag seselos pa rin si Alden. "So kamusta ang first day mo sa work?" tanong niya nang matapos na kaming kumain. "Heto, ayos lang naman po ako, medyo mabigat ang trabaho pero kakayanin ko po sir. Sa panahon ngayon, mas maganda talagang mayroong trabaho kesa sa wala. At mas maganda na yung ganito, malapit lang sa bahay ko," sabi ko pa sa kanya. "That's really good thing to know. Basta mag sipag ka lang sa pag tatrabaho mo. Malay mo naman dumating yung time na ma promote ka sa work mo?" "Ay sir, malabo naman po yata yang mangyari kasi di naman po ako nakapag tapos ng pag aaral. Ayos na po sa akin yung kumikita ako ngayon, ang swerte swerte ko lang din na may trabaho ako ngayon. Ayaw ko munang mag hangad ng mas engrandeng promotion." "Eh ano naman kung di ka graduate? It does not make you less of a person? At tsaka ang manager natin dito sa market, di rin naman siya nakapag tapos ng pag aaral. High school lang din naman ang tinapos niya pero ngayon isa na siyang bilyonaryo. Kaya para sa akin, hindi naman din talaga basehan ang pinag aralan para lang mai promote ang isang tao. Pero hayaan mo, bukas na bukas din, pupunta siya rito at ipapakilala kita sa kanya." Nagulat naman ako sa sinabi niya, para bang kinabahan ako ng slight kung sino man itong magiging boss ko. "Talaga sir? Pwede bang malaman kung ano ang pangalan niya?" tanong ko naman. Napa ngiti siya, "Hmmm... mas maigi siguro kung siya na lang din ang magpapakilala sayo. Kasi ganun naman si sir sa mga bago niyang mga applicants. Pramis, sure ako na masasabi mong mabait din siyang tao."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD