CHLOE POV
Siguro nga mabait itong tao na tinutukoy ni sir Anjo. Kasi parang hindi naman siya stress dito sa trabaho niya eh.
"Sige po, wala namang problema sa akin-"
"Siya nga pala, di ba sinabi mo sa akin nitong nakaraan na dati kang nag audition sa ilang mga model agencies di ba?" tanong niyang pumutol sa sinabi ko.
"Ay opo sir, ilang beses na po akong nabigo na matanggap sa ilang mga model agencies kung saan ako nag audition. Karamihan kasi sa kanila, gusto ay isang mestizang babae. Eh ako naman, kayumanggi kaya grabe, sinukuan ko na lang. 20 times na nga akong nabigo kaya nata uhan na ako."
"So bakit ayaw mo na lang na magpa puti?'
"Magpa puti? Mas gusto ko po kasi yung ganito, kahit na kayumanggi lang ang kutis ko, proud naman ako. At wala rin po kasi akong budget na bumili ng mga mamahaling sabon. Mayroon nga silang kasabihan, kung hindi talaga para sayo ang isang bagay, wala ka nang magagawa."
Niloloko ko lang naman ang sarili ko. Deep inside, alam ko naman na gusto ko pa ring sumubok. Lalo na't pinapalakas ni Alden ang loob ko.
"Oh pwede ka namang kumuha ng sabon sa stocks natin. Basta wag ka lang maingay."
"Ay sir, wag na po, nakaka hiya lang din kasi eh."
"Ano ka ba? Hindi naman yan masama eh. Pero wag ka lang din mag susumbong kasi madadali tayo jan. Ako ang bahala sayo, tutal ako naman ang mayroong hawak ng cctv camera eh. But kung nahihiya ka, ako na lang ang kukuha para sayo," sabi niya pa.
Grabe naman, ganun lang ba kadali ang pag nanakaw dito sa store ng kanyang amo? Mali ito at hindi naman ako isang desperadang babae para mag paputi. Lalo na kung galing sa nakaw ang perang gagamitin ko. Kahit na wala akong magulang, may common sense naman ako kahit papaano.
***************************
***************************
ALDEN POV
Ang sarap lamang ka kwentuhan ng mga kapatid ni Chloe at ang masarap pa, tanggap nila ako at boto sila sa akin para sa ate nila. Which is really a good thing. 6 pm naman ng gabi, muli akong bumisita sa bahay niya. May dala akong isang boquet ng bulaklak at chocolates. Feeling ko lang kasi ay kulang ang mga dinala ko sa kanya kanina. Kahit na tapos ko na siyang ligawan, I still want to give her something to make up for those times na wala ako sa tabi niya.
Sakto naman, pag parada ko ng sasakyan ay papasok siya ng kanilang bahay. Bumaba ako kaagad at binitbit ko ang bulaklak, isasara na sana niya ang pintuan pero tinawag ko siya.
"Chloe?"
Kaagad siyang lumingon sa akin. Bakas ko ang pagod sa kanyang mukha pero nagawa niya pa ring ngumiti sa akin.
"Oh Alden? Bakit ka pumunta rito? Di ba kakapunta mo lang kanina?"
Lumapit ako sa kanya, "Oo kaya lang kasi saglit lang naman tayo nag usap dalawa. Kaya naman nabitin ako. Ilang buwan din kasi tayong hindi nagkita kaya na miss lang kita," sabi ko pa sabay bigay sa kanya ng bulaklak at chocolate.
"Nag abala ka pa? Tapos mo na akong ligawan di ba? So bakit bumili ka pa ng bulaklak at chocolate para sa akin?"
"Eh gusto ko lang din sanang maka bawi sayo kasi matagal akong nawala kaya naman gusto ko lang bumawi."
Inamoy niya muna ang bulaklak, alam ko naman na red roses ang paborito niya sa lahat ng bulaklak na binigay ko sa kanya. At sariwang sariwa pa ito nang binili ko kanina.
Pinapasok niya pa ako sa loob at pina upo. Nilapag niy ang gamit niya at ang bulaklak at chocolate na binigay ko sa kanya sa lamesa.
"Gusto mo ba ng kape? Or kahit sana anong maka kain?"
"No I am good, wala naman akong gustong kainin o inumin. I just wanted to see you, sobrang bitin lang kasi ng pag uusap nating dalawa kanina."
"Okay, wala pa kasi ang mga kapatid ko. Baka nag lalakad na sila pauwi. Pero anyway, mag bibihis lang ako ha? Babalik naman ako kaagad pramis."
"Sure! Pero ikaw, baka may gusto kang pagkain o inumin? Pwede naman kitang pag silbihan."
"Sige, kape lang sana ayos na sa akin. Salamat Alden, nakaka hiya naman, ikaw ang bisita rito pero inuutsan kita."
"Ano ka ba? Ayos lang naman sa akin. Mas gusto ko nga na pinag sisilbihan kita eh. Mag bihis ka lang, ako na ang bahala sayo."
Pumasok na siya sa loob ng kwarto niya. Mabilsi naman akong nakapag timpla ng kape at saktong pag labas niya ay naka timpla na ako. Natulala naman ako sa kanya dahil sa maiksing damit at shorts niya. Ayaw ko pa naman na nag susuot siya ng ganitong klase ng damit. Baka mabastos na naman siya ng mga tao sa labas. Noong last time nga, mayroon nag bulong bulungan sa labas na malanding babae raw si Chloe kasi ang iksi iski ng suot niya nang kasama niya ako. At mas nasasaktan ako sa kanya kasi hindi naman siya ganitong klase ng babae.
"Ano ka ba naman mahal? Di ba nag usap na tayong dalawa na wag ka nang mag susuot ng mga maiiksing damit? Baka mamaya niyan ay mayroon na namang bumastos sayo eh," di naman ako galit pero parang ito ang naging tono ng pananalita ko sa kanya.
"Hindi naman ako lalabas. Dito lang naman ako sa loob, ang init lang kasi ng panahon ngayon kaya mas gusto kong mag suot ng maiksing damit."
Lumapit pa siya sa akin at niyakap ako ng mahigpit, tumingala pa siya sa akin. She is always like this kapag sine sermonan ko siya. Pero ginagawa ko rin naman ito para sa ikaka buti niya.
"Sorry na mahal, pramis ko sayo, dito lang talaga ako sa loob pramis," malambing niya pang sabi sa akin.
Talagang alam niya kung paano ako lambingin ng ganito. Isang yakap lang sa kanya at isang sorry, napatawad ko na siya.
"Okay, basta dito ka lang ha? Alam mo kasi, maraming mga tao sa paligid ang pinag chichismisan ka at nasasaktan ako kapag nakaka rinig ako ng mga maling kwento sayo kasi mas kilala kita."