ALDEN POV
"Ano ka ba? Hayaan mo nga sila no? Sanay na sanay naman ako sa mga maka kating dila ng mga kapitbahay ko. Ni isa sa mga yan naman, di ko naman close. Simula nang iwan kami ng pamilya namin, never namin silang nalapitan. At hanggang ngayon naman, ganyan pa rin ang ginagawa nila sa akin."
"Ang tatag mo talagang babae, Chloe. Tumatayo kang nanay at tatay sa dalawa mong mga kapatid, daig mo pa silang lahat. Wala silang panama sayo."
"Sinabi mo pa? Sige maupo ka muna, mag sasaing lang ako at baka dumating na ang dalawa kong kapatid. Sure ako na gutom na naman sila at mag hahanap ng pagkain mamayang pag dating nila."
"Wait lang? Gusto mo ba tulungan kita?"
Kumawala naman siya sa higpit ng pagkaka yakap niya sa akin.
"No need na Alden, nakaka hiya talaga sayo pramis. Ayos lang naman sa akin, sanay na ako sa ganito. Pero hati hati naman kami sa mga task dito sa bahay. Alam naming tatlo na wala na kaming ibang aasahan."
Umupo naman ako at pinag mamasdan ko lang si Chloe. Nakikita ko na talaga na siya na ang magiging future wife ko. Masipag na sa trabaho tapos masipag pa sa bahay. May mana naman akong matatangap sa tatay ko so what if bigla ko na lang kaya siyang alukin kung gusto niyang mag aral ulit?
"Chloe, siya nga pala, wala ka na bang planong bumalik sa pag aaral mo?" I asked.
Umabot pa ng ilang mga minuto bago niya naman ako sagutin, "Alden, di ba sinabi ko na naman sayo na wala na akong plano na ipag patuloy pa ang pag aaral ko? Eh ganun din naman, minimum rate lang din ang sasahurin ko kapag nakapag tapos ako ng pag aaral so what is the difference? At alam mo ba ha, kanina lang, ikunuwento sa akin ng supervisor ko na yung may ari ng market na pinag tatrabahuan ko, hindi naman daw nakapag tapos ng pag aaral yun pero grabe ang yaman ngayon."
"Kanya kanya lang naman din kasi yan ng kapalaran. Marami din naman talagang mga tao na di naman nakapag tapos ng pag aaral pero tingnan mo naman, sila pa yung mga taong asensado. Nasa sa tao lang naman kasi ang diskarte sa buhay pero ako, ayaw ko sanang maging mababa ang tingin sayo ng ibang tao kaya kung ayos lang sana sayo, gusto kitang pag aralin ulit. Sasagutin ko ang tuition fee mo."
Lumingon na siya sa akin this time, "No, Alden, ayaw ko nang mag aral at ang pangarap ko na lang ay makapag tapos ang mga kapatid ko. Kahit sila na lang, wag na ako."
"Bakit ganun? Paano ka naman, saludo ako sayo kasi nagagawa mong tumayong parents sa kanila. Kaya lang, paano ka naman pag dating ng araw? Ano yun, nakapag tapos sila tapos ikaw hindi? Baka maging kawawa ka niyan kapag nagkataon."
"Di naman siguro ganun? Ako kasi wala na akong plano na mag aral eh. Pero yung pag momodelo, gusto ko ulit subukan. Malay mo maging bilyonaryo din ako kagaya niya? Sure ako na matatapos lahat ng mga problema ko kapag mayroon akong maraming maraming pera. Di ba?"
"Audition? Pwede kitang samahan kung gusto mo?"
"Wala akong alam na pwede kong salihan eh? Ikaw, mayroon ka bang alam na agency na nagpapa audition ngayon? Kahit na malayo pa yan, pupuntahan ko talaga pramis!" excited niya pang sabi, "Nag bago kasi ang isip ko, sobrang halaga lang ng support na binibigay mo ngayon sa akin Alden. Kaya naman, nabuhayan ulit ako ng loob para ipag patuloy ang naudlot kong pangarap."
"Titingnan ko kung makaka hanap ako ha? Pero pwede naman siguro, sasamahan kita kapag may nakita ako sa online."
"Thanks mahal. Kapag natanggap siguro ako sa modeling, bibitawan ko kaagad itong trabaho ko kasi ayaw ko naman na masayang yung opportunity. Pero prangkahang tanong, sa tingin mo ba ay makaka pasok ako sa modeling kahit na ganito ang kutis ko? Filipinang filipina kasi eh."
"Siyempre, maganda naman ang kutis mo. Wala naman akong nakikitang mali eh. Kaya lang, iba rin kasi ang perception ng mga model agency. Siguro talagang nagkataon lang na ang lahat ng mga sinalihan mo, mas prefer nila yung mga mas mapuputi. At sana naman ay wag ka nang mag bago ng kutis kasi mas bagay talaga sayo ang isang kutis Filipina. Tiwala ka lang, malay mo ito na yung time mo para matanggap."
Habang nag uusap naman kaming dalawa, bigla na lamang nag ring ang cellphone ko. Tumatawag na pala sa akin si papa at mukhang importante itong tawag niya sa akin.
"Sige sagutin mo muna, mamaya na lang tayo mag usap," sabi pa ng girlfriend ko.
Lumabas muna ako para mas malakas ang signal. And the moment I answered his call, binulyawan niya ako kaagad.
"Ano Alden? Bakit wala ka sa tindahan natin jan ha? Di ba sabi ko naman sayo bantayan mo yan?" galit niyang sabi.
Nawala tuloy ako sa mood bigla, "Pa naman, nandoon naman si tita Tessy sa tindahan. Sinabi ko lang sa kanya na mayroon lang din akong pupuntahan."
"Pupuntahan? Mas may iimportante pa ba sa negosyo natin? Nasaan ka, nasa girlfriend mo na naman? Napaka engot mo talagang lalaki ka, sa dinami rami pa ng mga babae sa mundo, bakit pipiliin mo pa yung babaeng di naman nakapag tapos at wala nang mga magulang? Ganyan ba ka purol at kakitid ang utak mo?"
Namumula na ang pisngi ko sa galit. Naiinis ako, ayos lang sana sa akin kung ako lang ang aawayin ng papa ko. Pero dinamay niya pa si Chloe. Nasasaktan ako para sa girlfriend ko.
"Mahal ko si Chloe pa! Hindi man siya nakapag tapos ng pag aaral pero isa naman siyang madiskarteng babae at mayroon pa siyang magandang trabaho ngayon. Cashier na siya at mag a audition siya ulit para maka pasok siya bilang isang model."
"Wala akong pakialam sa kanya. Umalis ka na sa bahay ng babaeng yan kung ayaw mong lumuwas ako ng Manila para ako na ang sapilitang mag hihiwalay sa inyong dalawa!" pag babanta niya pa sa akin.