CHAPTER 5

1040 Words
ALDEN POV Galit na galit ako kay papa. Akala ko pa naman ay matatanggap niya si Chloe ngayong mayroon na itong trabaho. Pero nagkamali pala ako. Wala akong plano na hiwalayan ang girlfriend ko kasi sobrang mahal na mahal ko siya at gusto ko na siya ang mapangasawa ko. So I am going to proceed with the plan b. Kailangan kong makumbinsi ang girlfriend ko na makapag aral kahit na vocational course lang para naman matanggap siya ng tatay ko. Binabaan ko na ng tawag si Dad, ayaw ko nang makarinig ng kahit anong mga masasakit na salitang mang gagaling sa kanyang bibig. I knew, he hates it when I am ending the call especially if he is in the middle of talk. However, I just could not help myself right now. Bahala na sa mga susunod naming pag uusap. Naiirita lamang ako sa kanya. Papasok pa lang sana ako sa loob pero nakita ko na si Chloe na naka sandal sa gilid ng pintuan. Naka tunganga lamang siya sa akin, titig na titig at ang seryoso ng kanyang mukha. Kuma kabog naman ang dibdib ko sa labis a kaba. "Teka... nakikinig ka ba-" "Oo, narinig ko ang pag uusap ninyo ng papa mo kasi naka loud speaker ka," she snapped. "Honestly, alam ko naman na noon pa ayaw niya sa akin. Kaya lang, palagi mong pinag tatakpan ang tatay mo Alden. Pero alam ko naman na mahal mo ako kaya ayaw mo akong bitawan. Kaya lang, kung mag aaway lang din kayo ng papa mo kasi tutol siya sa relationship natin, mas maigi pa na wag na lang natin itong ituloy. Masakit man ngunit kailangan nating mag break. Mas maigi na rin siguro na single muna ako ngayon para matutukan ko ang trabaho ko." Lumapit ako sa kanya at hinawakan ko ang kanyang kamay, "Ano ka ba naman? Syempre ilalaban kita Chloe. At di naman ako papayag na ito lang ang magiging dahilan ng pag be break up nating dalawa. Kaya nga, naisip ko na bakit hindi ka kumuha kahit ng vocational course lang? I am going to help you, trust me, kapag nakapag tapos ka ay tatanggapin ka na ng papa ko para sa akin." Sa kabila ng sinabi ko sa kanya, nanatili siyang seryoso, "Alam mo, mas maigi pa na umuwi ka na para mayroong kasama ang tita mo sa tindahan ninyo. Mas kailangan ka sa inyo kesa rito. And please lang, wag ka na sanang pumunta rito kahit kailan kasi ayaw na kitang makita pa." Halos matulala ako sa sinabi niyang ito sa akin. Namumugto na ang mga mata ko sa mga sandaling ito. "Teka lang... anong ibig mong sabihin... Chloe?" Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko, "Alden, sorry pero I am breaking up with you. Malayo ang agwat ng buhay nating dalawa. Mayaman ka at mas mahirap pa kami sa daga. Mas deserve mo ang ibang mga babae sa buhay mo, hindi ang isang kagaya ko lang." "Wait lang... bakit naman biglaan ito ha? I am going to talk to Dad. Aayusin natin ito, pangako ko yan sayo, Chloe." "Wala na tayong dapat na pag usapan pa, di lang naman ikaw ang nasasaktan dito eh. Ako rin, masakit ito para sa akin. Sa totoo lang, yung sinabi ko sayo kanina na di ako affected sa sinasabi ng mga tao sa paligid? Isa lang 'yung malaking kasinungalingan. Nasasaktan naman talaga ako sa mga sinasabi nila sa akin. At ang sakit lang din ng sinabi ng tatay mo sa akin. So please lang, wag ka na sanang pumunta ulit rito." Nang matapos siyang magsalita, tinulak niya ako at sinarado niya ang pintuan. Pinilit kong kumatok subalit ayaw niya na talaga akong pag buksan. Sumabay pa ang nakaka buwisit na buhos ng ulan sa kalangitan kaya naman wala na akong nagawa pa kung di ang sumakay sa kotse ko dahil sa wala naman akong ibang pwedeng silungan. Muli na namang nag ring ang cellphone ko. Tumatawag na naman sa akin si papa, at this time, alam ko na galit na galit na siya sa akin. I chose to avoid answering his call kasi mainit din ang ulo ko ngayon. Habang nasa driver's seat ako, naka tingin lamang ako sa pintuan ng bahay nila Chloe. Hinahantay ko siyang lumabas, alam ko naman na hindi rin niya tanggap ang biglaan niyang desisyon. Napaka laking tanga ko naman kasi, kung lumayo talaga ako sa bahay nila, di naman niya maririnig ang usapan namin ng papa ko. Kaya lang, sanay talaga ako na sagutin ang tawag niya sa loud speaker. Lumipas na ang mahigit isang oras. Sinubukan kong tawagan si Chloe pero pinapatayan niya ako, di rin siya nag rereply sa mga message ko. Lumalalim na rin ang gabi kaya naman wala na akong ibang naging choice kung di ang umalis. I am so broken right now, di ko na mapigilan ang sarili ko sa pag iyak. Parang kanina lang, ang sweet pa naming dalawa ng girlfriend ko. Pero ngayon, kasing dilim na ng kalangitan ang mundo ko. Sa sobrang tampo ko pa sa tatay ko, dumaan muna ako sa bar at dito ay uminom ako ng uminom. Wala na akong pakialam pa sa tawag ni Dad. Pinatay ko na lamang ang cellphone ko para wala nang istorbo pa sa akin. Nakaka anim na bote na ako ng alak, tinatamaan man ako ng kalasingan pero sariwang sariwa pa rin sa akin ang nangyari kanina. Gusto kong mag wala, gusto kong ihagis ang mga bote subalit alam ko na mag mumukha lamang akong tanga. Ngunit na realize ko lang din na dapat ay di muna ako sumuko. Dapat ay suyuin ko ulit bukas si Chloe, ipag lalaban ko siya sa tatay ko kahit na ano pa ang mangyari. Habang umiinom naman ako, lumapit sa akin ang isang guard at bumulong ito, "Sir mag sasara na po ang bar namin kasi malakas po ang bagyo at wala nang gaanong customer. Lumipat na lang po sana kayo." Tiningnan ko siya ng masama pero wala na rin akong planong lumipat pa ng bar. I checked my watch, 11 pm na pala ng gabi, uuwi na lamang ako ngayon sa bahay. Sure ako na sarado na ang tindahan namin kaya useless lang kung pupunta ako doon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD