CHAPTER 6

1021 Words
ALDEN POV "Sige lang, isang bote na lang naman ito, uubusin ko na kasi nabuksan ko na," sagot ko. Napa lingon ako sa paligid ko at napansin ko naman na wala nang ibang tao dito bukod sa akin. Ang mga taong nakita ko kanina, umalis na pala silang lahat. "Anong klaseng bar ba ito? Bakit walang katao tao?" sabi ko pa dulot na rin ng aking kalasingan. "Sir, matumal na po talaga ang mga taong nagpupunta rito ngayon. Sa katunayan nga, ito na po talaga ang last day naming mag bubukas. Gagawin na po kasi itong restaurant ng may ari kaya kayo po ang huling customer." Tiningnan ko siya at napa ngisi, "Talaga ba? Engot naman pala ang may ari nitong bar eh? Hindi siya marunong mag patakbo ng negosyo? Baka naman kasi hindi siya nakapag tapos ng pag aaral?" Wala na akong pakialam pa kung ano man ang mga salitang lumalabas sa bibig ko ngayon. Ganito siguro talaga kapag nilalagay ang alak sa utak at hindi sa tiyan. "Grabe ka naman sir. Nakapag aral naman po yung may ari ng bar na ito. At marami na rin po siyang mga naipundar. Sana sir ay bilisan niyo lang pong uminom kasi di ako makaka uwi nito ng maaga. Mayroon pa naman pong bagyo." Medyo marami pa ang alak sa bote pero tinungga ko ito sa kanyang harapan hanggang sa maubos. At pagkatapos ay tinapon ko ito sa sahig, dahilan upang ito ay mabasag. "Ayan masaya ka na ha? Alak na nga lang ang kakampi ko ngayon tapos pipigilan mo pa ako? Buti pala at nag sara na itong bar na ito!" sabi ko, kinuha ko naman ang cellphone ko at wallet sa lamesa sabay alis. Wala na akong panahon pa na makipag away sa lalaking ito na wala namang imik sa akin. Pagewang gewang akong nag lakad patungo sa sasakyan kong naka parada sa labas at nauulanan. Sa kalasingan ko pa nga ay umabot dinng ilang mga minuto bago ko mabuksan ang aking sasakyan. Basang basa na nga ako ng ulan pero wala na akong pakialam pa. Bago ko i start ang kotse, napa sandal muna ako ng saglit. Ngayon lang talaga ako naka inom ng ganitong karaming alak sa buong buhay ko. At isang babae lang pala ang mag tutulak sa akin na gawin ito. Ang huling inom ko pa ay noong maka graduate ako sa college kasama ang mga tropa ko na isa isa ring naglaho na parang bula matapos ang apat na taon naming pinag samahan. Muli, binuksan ko ang cellphone ko at sinubukan kong tawagan si Chloe. Nakaka ilang ring lang ako pero ayaw niya talagang sagutin ang aking tawag. Paano niya ako nagagawang matiis ng ganito? Kung tutuusin nga, kapag siya naman ang mayroong kasalanan sa akin, di ko rin naman siya magawang matiis. Minsan, di ko rin talaga malaman kung anong ugali meron ang babaeng ito. So, wala akong ibang choice kung di ang mag send ng voice email sa kanya. Kahit na di na ito masyadong uso ngayon, gusto ko lang na malaman niyang di ako basta basta sumusuko lalo na sa relasyon naming dalawa. I started the f*****g car at binilisan ko ang pagpapatakbo kahit na malakas ang ulan. ********************************* ********************************* KEVIN POV Ngayong araw, naka tanggap ako ng isang tawag galing kay Anjo tungkol sa bagong empleyado namin. At ang ikinatutuwa ko pa, ito ay walang iba kung di si Chloe. Mahigit one year na rin yata kaming di nag kikitang dalawa. At sigurado ako na malaki ang pinag bago niya, kagaya ko na dati ay isa lamang tambay kaya niya hiniwalayan. Ito naman talaga ang nag pamotivate sa akin para mag sumikap ako sa aking buhay. Kaya naman ngayon ay isa na akong ganap na negosyante. Sa loob lang ng maikling panahon, naging isa akong mayamang lalaki. I was about to visit her house para makipag balikan sa kanya dahil mayroon na akong maipag mamalaki. Malakas ang kutob ko na papayag siya na maging kami ulit dahil sa yaman ko ngayon. At kapag nangyari ito, ako na siguro ang pinaka magiging masayang lalaki sa buong mundo at papakasalan ko siya kaagad. Pwede ko rin siyang tulungang maging model kung gusto niya. Malaki naman ang agency namin at iha hired ko siya kaagad. Marami na kaagad akong pangarap para sa kanya. Bukas na bukas din, dadalhan ko pa siya ng maraming pagkain at pera kapag nagkita kami sa market ko. I cannot hide my excitement anymore. Lalo na ngayon na tumatanda na ako, asawa na lamang talaga ang kulang sa akin. At ito ay wala nang iba kung din si Chloe. Habang nag mamaneho naman ako, mayroong isang mabilis na sasakyan akong nakita at sa isang iglap lang ay bigla itong tumama sa puno. Halos matulala na lamang ako sa nakita ko. Sa buong buhay ko, ngayon lamang ako naka kita ng kotse na nabangga. Walang gaanong sasakyan ang dumadaan at sa sobrang curious ko, bumaba ako ng sasakyan at tiningnan ito. Halos wasak na wasak ang bagong sasakyan na ito. Basag na basag ang salamin sa unahan at sa driver's seat. Tiningnan ko ang driver nito at nakita ko na halos duguan siya at wala nang malay. Bagamat kalunos lunos ang sinapit niya, hindi ako siya tinulungan. Kasalanan niya naman kung bakit siya nabangga sa puno. Ang lakas lakas ng ulan tapos mag mamaneho siya ng matulin. Ngayon, mapapa aga yata ang pag punta niya sa kabilang buhay. Mabilis naman akong sumakay sa sasakyan ko at baka mayroon pang maka kita sa akin dito at mapag bintangan pa ako. Binilisan ko ang pag papatakbo ng aking sasakyan at pagkarating ko sa aking napaka gandang condo unit, uminom kaagad ako ng isang boteng alak at inalala ko ang bawat sandali na kasama ko si Chloe. At noong time na sinabihan niya ako na wala akong mararating dahil sa isa lamang akong tambay, ito na marahil ang pinaka masakit na narinig ko sa aking buhay. Hindi ko nga matanggap na nakipag hiwalay siya sa akin. Ilang beses ko siyang sinuyo hanggang sa mag sawa na lang ako at inayos ko ang sarili ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD