CHLOE POV
Naging na lamang akong bigla sa tunog ng videoke ng aming kapitbahay. Naiirita talaga ako kapag ganitong kaaga pa lang ay naririnig ko na ang boses nila. Mabuti sana kung maganda, kaya lang sabog na sabog kagaya ng tunog ng speaker nila.
Dahil sa tinatamad pa akong bumangon sa kama ko kasi masarap ang lamig ngayon na yumayakap sa akin. Sakto, today, I declared myself as a single woman. Wala na akong boyfriend na may tatay na sobra ang pagmamaliit sa akin.
Mahal ko si Alden, pero hindi ko kasi kayang masikmura ang sinasabi ng ibang tao sa akin dahil sa relasyon namin, lalong lalo na ang tatay niya.
Kinapa ko ang aking kama hanggang sa makita ko ang cellphone ko. At pag unlock ko nito, bumungad sa akin ang napaka daming missed calls ni Alden. May mga text message din siya pero ang pinaka kinaka gulat ko lamang sa kanya ay ang pagse send nito ng voice message sa akin.
I played it, gusto ko lang na kahit sa huling sandali ay marinig ko ang malamig nitong boses. Nilagay ko sa tenga ko ang cellphone at tahimik akong nakinig.
"Chloe? Why are you not picking up your phone? Ganyan ka ba talaga mag tampo sa akin? Kaya mo akong tiisin? Alam kong weird itong pagse send ko sayo ng voice mail pero hindi ko na kasi alam kung paano ka i rereach out. Alam ko naman na mahal mo pa rin ako. Nakikipag break ka lang naman sa akin dahil sa narinig mo sa tatay ko. But I am gonna tell you right now, di ako papayag na mag break up tayong dalawa. Not even my dad can separate us. Susuyuin kita bukas at aayusin natin ito. Mahal na mahal kita, tuparin natin ang mga pangarap mo sa buhay, lalo na ang pagiging model mo."
Bigla na lamang tumulo ang luha sa aking mga mata sa sinabi niyang ito. Kahit na di ko siya nakikita, nararamdaman ko na pumapatak din ang mga luha niya habang nire record niya ito. Pero kahit na siguro mag punta siya rito at mag makaawa sa akin, ayaw ko na talagang makipag balikan pa sa kanya.
Ayaw kong dumating sa point na silang dalawa naman ng tatay niya ang mag away. So mas mabuti na lang na umalis ako ng maaga ngayon para naman di na niya ako maabutan pa. Baka isang halik lang niya at yakap, bumigay na naman ako at pumayag ako na maging kami ulit.
Nag saing lang ako ng kanin at nag luto ng ulam para sa mga kapatid ko. Mabilis lang din akong naligo at nag bihis. Ngayong araw, kailangan kong umalis kaagad para di ko maabutan si Alden. Kaya kahit medyo weird na 6 am pa lang ng umaga ay nandito na ako sa work, ayos lang. Mayroon nga silang kasabihan, it is better to be early than late.
Nang mag punta ako sa locker room namin para ilagay ang bag ko, nakita ko naman si sir Anjo na nag lalakad papunta sa direksyon ko. Naaamoy ko na nga ang perfume niya na di masangsang sa ilong.
Nang ilagay ko na ang gamit ko sa loob ng locker ko, lumingon ako ulit sa kanya at ngumiti.
"Ang aga mo ngayon ha?" sabi niya pa.
"Good morning sir, medyo ganado lang din talaga ako mag trabaho ngayong araw," sabi ko pa pero ang totoo naman ay umiiwas lang din ako kay Alden.
"Good morning. Siya nga pala, on the way na rito ang boss natin. Baka gusto mo munang magkape sa labas kasama ko? Tutal maaga pa naman ngayon, pwedeng pwede pa tayong mag relax. 10 hours ulit ang duty natin ngayon eh."
Medyo nahahalata ko ang galawan ni sir Anjo sa akin pero supervisor ko siya at sa tingin ko, nakaka bastos naman kung tatanggihan ko siya?
"Ayos lang po sa akin. Medyo napa aga ako ng alis at naka limutan ko ring magkape hehe."
Pumunta kami ulit sa canteen at pinag titinginan kami ng ibang mga employees pero dedma na lamang ako. Trabaho lang naman ang pinunta ko rito. Nothing else matter. Nilibre naman niya ako ng 3 in 1 na kape at na upo kaming dalawa. Ang cute pa nga ng table namin na bilog.
"So bakit pala ang aga mo today?" tanong niya sabay higop ng kape. Kakasabi ko lang sa kanya kanina pero nakalimutan niya yata.
"Ganado lang po talaga akong mag trabaho today kaya maaga akong pumasok," sabi ko pa sa kanya ulit.
"Weh di nga? Baka naman excited ka lang na ma meet ang boss natin?" panunukso niya pa sa akin.
"Hindi sir! Never ko pong naisip yan, pero siyempre excited din naman po ako na ma meet siya lalo na't siya naman ang dahilan kung bakit ako mayroong trabaho ngayon."
"Ganun? Sigurado ako na matutuwa ka kapag nalaman mo kung sino siya."
Napa kunot naman ang noo ko sa sinabi niyang ito. Sino kaya ang sinasabi niyang ito, para bang iba kasi ang ngiti niya sa akin ngayon eh. Mas lalo tuloy akong nasabik na makilala kung sino man ang taong ito.
7:30 in the morning, nang matapos na kaming mag kape ay bigla na lamang mayroong tumawag kay sir Anjo. At sa pakiwari ko ay kausap na niya ang boss namin. Naka ngiti pa nga siya rito so I think talagang mabait ang amo namin.
Nang ibaba niya ang kanyang cellphone, muli itong tumingin sa akin.
"Siya nga pala, ang sabi sa akin ni sir, ihatid daw kita sa bagong bukas na restaurant at doon ka niya gustong kitain. Isa lang din yun sa mga bago niyang negosyo."
"Ha? Grabe naman po sir? Bakit para yatang ang espesyal ko naman sa boss natin? Ayos lang naman po sa akin kung dito na lang kami mag meet. Baka kasi bigyan pa ng ibang kahulugan ng iba pang nag tatrabaho rito?"
"Basta, magugulat ka na lang sa kanya, tara na, ihahatid kita kasi nandoon na raw si sir. Wag kang mahihiya sa kanya kasi natitiyak ko na di ka naman niya ipapahamak."