Chapter 17

1830 Words
Habol ang aking hininga ng maramdaman ko ang paghinto ni Matteo sa paghalik sa akin. Nakaramdam ako ng kaba. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin niya sa akin. Hindi ko naman kasi mapigilan ang aking sarili na hindi tumugon. Mahal ko siya. Mahal na mahal. Kaya ang halik na minsan ko lang maramdaman kahit palagi kong inaasam ay mabilis kong tinugon at hindi ko pinigilan ang aking sarili. Naramdaman ko na lang ang paglapat ng kanyang noo sa noo ko. Naghahabol din siya ng paghinga. "Raselle, I'm sorry, and can you forgive me?" tanong nito kaya naguguluhan ako. "S-sorry? F-forgive? Saan?" naitanong ko na lang din pabalik. Hindi ko rin alam ang gusto niyang iparating. Oo marami siyang kasalanan. Kahit kasal kami, si Eloira pa rin ang gusto niya. Nabuntis niya si Eloira at nawala ang bata. Pero ako ang sinisi niya sa bagay na wala akong kinalaman. Bagay na hindi ko ginawa. Kung ang paghingi niya ng tawad ay para sa mga pananakit niya sa akin ng pisikal at emosyonal, pinapatawad ko na siya. Mas malaki ang puwang ng pagmamahal ko kay Matteo, kaysa sakit na idinulot niya sa akin. "I'm sorry sa lahat-lahat. Alam kong hindi madaling patawarin ang mga kasalanan ko. Pero hihingi pa rin ako ng tawad. Hanggang sa mapatawad mo na ako ng tuluyan. Pero sa ngayon iba ang ihihingi ko ng tawad. Ito." Muli kong maramdaman ang labi niyang sinakop muli ang labi ko. Ngayon naiintindihan ko na. Tama ako. Napangiti ako at tinumbasan ang ginagawa niya. Hindi naman niya ito kailangan ihingi ng tawad. Dahil ako man, namimiss ko siya. Naramdaman ko na lang ang labis na pag-iinit ng akin katawan. Ang kanyang bawat haplos ay parang apoy na unti-unting nagliliyab. "M-Matteo," sambit ko sa pangalan niya sa pagitan ng aking mga daig. Katulad ni Matteo ay hindi ko na rin napigilang paglandasin ang aking mga kamay sa katawan niya. Namiss ko siya ng sobra. Hindi ko man aminin, alam kong nararamdaman niya iyon. Nagulat na lang ako ng buhatin ako ni Matteo. Hawak niya ako sa aking pang-upo. Habang ang aking mga binti ay kusa kong ipinulupot sa kanyang baywang. Wala pa ring may nais pumutol sa halik na aming pinagsasaluhan. Lalo ko lang hinigpitan ang yakap kay Matteo para hindi ako mahulog sa pagkakabuhat nito. "M-Matteo." "I want you Raselle." Buo at direkta nito. Napalunok ako. Ako man ay gusto ko rin. "T-take me Matteo." Nauutal man ay hindi na ako nahiya. "As you wish love." Natigilan ako. Ang sarap pa rin sa pakiramdam na tawagin ako ni Matteo sa endearment na iyon. Kung anu-anong endearment ang naririnig ko sa kanya na itinatawag sa akin. Pero mas mabuti na iyon kaysa tawagin niya ako sa pangalang ayaw kong marinig. Naramdaman ko na lang na tumigil din siya sa paghalik. Nataranta ako, gusto kong ituloy niya ang binabalak niyang gawin. "Why?" Malambing nitong tanong. Ngumiti ako. Ngunit inabot ko muna ng labi ang labi ni Matteo. Mariing halik. Ayaw kong mapatid ang init. "Gusto ko, ang kung anong mga salitang itinawag mo sa akin." Pag-amin ko. Iyon naman ang totoo. Nakita ko ang pagsilay ng ngiti sa labi ni Matteo. "As you wish love," anito at muli akong hinalikan. Nagulat na lang ako ng dahan-dahan akong ibinaba ni Matteo sa kama. Hindi ko alam na habang nag-uusap at hinahalikan niya ako ay naglalakad siya. Akala ko ay naroon at naroon pa rin kami sa kusina. Hindi ko rin namalayan ang pagbukas ng pintuan ng aming silid. Patuloy lang sa paghalik si Matteo sa akin, habang nararamdaman kong isa-isa na ring nawawala ang aking mga saplot. Nakaramdam ako ng lamig. Ngunit agad din napalitan ng init ng paraanan niya ako ng halik sa leeg, pababa sa aking dibdib. "Aahh! M-Matt." "Love it?" "Hmm," naitugon ko na lang. Hindi ko malaman kung saan ko ipapaling ang aking ulo ng simulan niyang isubo ang tuktok ng dibdib ko. Mainit, nakakakiliti. Halos hindi ko na makilala ang sarili ko. Sa bawat ungol na lumalabas sa bibig ko, kasabay ang paggalaw ng katawan ko. Ngayon ko lang ulit naramdaman ang ganitong kasarap. Sarap na kay Matteo ko lang nararanasan. Sarap na si Matteo lang ang nais kong magparamdam. "R-Raselle," nauutal pa niyang saad habang minamasahe ng dalawa niyang kamay ang dibdib ko. Nang magsawa na siya doon ay naramdaman ko na lang ang pagbaba ng kanyang halik. Mula sa aking dibdib, patungo sa aking tiyan, hanggang sa aking puson. "Open your legs baby." Napalunok ako sa sinabi niya. Ngunit ang mga hita ko, parang may sariling buhay. Basta na lang naghiwalay. Nahihiya man ako, nilunok ko na lang ang lahat ng kahihiyan. Dahan-dahan kong naramdaman ang kanyang mainit na hininga sa aking gitna. Hanggang sa maramdaman ko na lang ang paglapat ng kanyang dila sa parteng iyong. Habol ang aking hininga. Gumagalaw ang aking balakang at sinasalubong ang dila niya. Ang aking ulo ay hindi ko malaman kung saan ko ba ibabaling. Ang kamay ko man ay hindi ko na malaman kung saan ko na ba naihawak. Nagulat na lang akong isinasabunot ko na pala ang aking kamay sa buhok ni Matteo. Habang mas lalo ko pa siyang idinidiin sa aking gitna. Masarap, nakakapanghina, nakakapangatog ng tuhod at kalamnan. Ngunit hindi ko ipagpapalit ang bagay na iyon. Mas gusto kung maranasan ito ng paulit-ulit mula kay Matteo. Naramdaman ko na lang ang pamumuno ng kung anong init sa aking puson. Bagay na matagal na nang huli kong maramdaman. Bagay na akala ko, hindi ko na muling mararanasan. Hanggang sa hindi ko na kinayang pigilan. Sumabog ako, habang nasa ibaba ko pa rin si Matteo. Namula ako sa hiya. Ramdam ko ang sarili ko, hindi ko man nakikita ang mukha ko. Naroon pa rin si Matteo. Nasa gitna ko. Nililinis ako. What? Nililinis? Naibulalas ko na lang sa aking isipan. Hanggang sa marinig ko ang mahinang pagtawa ni Matteo. "You look tense. Don't be shy Raselle. We're married. At itong ginagawa natin. Normal lang sa mag-asawa. We agreed to fix our marriage, right," anito na ikinatango ko na lang. "So, hindi pa tayo tapos. Be ready love." Napalunok ako sa pilyo niyang ngiti. Kinakabahan, pero aminado akong excited talaga ako sa maari pa niyang gawin at sa pwede pang maganap. Hindi ko maalis ang aking paningin kay Matteo. Sinusundan ko ang bawat niyang galaw habang inaalis isa-isa ang suot niyang damit. Napasunod pa ang tingin ko sa suot niyang polo ng ihagis niya iyon kung saan. Napansin ko pang basa iyon. Alam ko naman kung bakit. Pero heto na naman ang pamumula ng aking pisngi. "You're a shy girl now, huh," nakangisi nitong bigkas. Bago ako muli akong kubabawan. Napasinghap ako ng maramdaman ko ang kanyang kaselanan na tumatama sa aking puson. Napaungol ako. Ungol na nasasarapan. Wala pa man doon, pero alam kong makakarating ang bagay na iyon sa dapat nitong patunguhan. Muli ay nag-isa ang aming mga labi. Mariin, mabilis, mapaghanap. Naramdaman ko ang isang kamay ni Matteo na pinaghiwalay ang aking mga hita. Sa pagitan ng halik na aming pinagsasaluhan ay naramdaman ko na lang ang unti-unting pagsakop ng aking sarili sa kanyang kaselanan. Naramdaman ko siyang muli. Buong-buo. Walang kulang. Sa loob ko. "M-Matteo," daing ko pa. Patuloy lang si Matteo sa pag-ulos. Ako man ay hindi mapigilan ang salubungin ang kanyang bawat labas-pasok. Naliligo na ako sa pawis. Pero wala akong pakialam. Ang mahalaga lang sa akin ay si Matteo at ako. Kami lang dalawa. Walang iba. Walang Eloira. Muli ay nararamdaman ko ng makakarating na ako sa dulo. Ganoon din ang tensyon na nararamdaman ko sa katawan ni Matteo. Pabilis nang pabilis, wari mo ay may hinahabol o mayroong humabol. Hanggang sa manginig ang aking katawan. Hinihingal man ay nakaramdam ako ng labis na kaginhawaan. Kaginhawaang may kaakibat na kapanatagan. Ilang sandali pa at naramdaman ko rin ang pagpuno ni Matteo sa aking sinapupunanan. Kahit naroon ang pangamba ay pinilit kong alisin ang aking lahat ng agam-agam. Dahan-dahan hanggang sa tuluyan na siyang huminto. Ibinagsak ni Matteo ang kanyang sarili, sa pagod ko ring katawan. Naramdaman ko pa ang paglapat ng labi niya sa aking leeg. "M-mahal kita M-Matteo. M-mahal na mahal," sambit ko. Ilang minuto pa ang lumipas, ngunit tahimik lang si Matteo. Naririnig ko lang ay ang kanyang paghinga. Alam kong gising siya. Napangiti na lang ako. Hindi mapait, kundi masaya. Itinaas ko ang aking kamay para yakapin si Matteo na nakadagan pa rin sa akin. Ang isa kong kamay ay inilapat ko sa kanya ulo para haplusin iyon. "Hindi mo kailangan sumagot. Hindi mo kailangan tugunin ang sinabi ko. Sana ay hayaan mo lang akong mahalin ka. Sapat na sa akin na makita at makasama ka. Hindi ako hihiling ng iba. Kung hindi talaga magwork at least hinayaan mo akong maranasan na maging asawa mo ako. Kahit sa maikling panahon. Napasaya mo ako, at sapat na sa akin ang bagay na iyon." "Raselle," aniya at unti-unting umangat ang mukha mula sa leeg ko. "Shh. Masaya ako ngayon Matt. Hayaan mo akong maging masaya kahit ngayon lang. Kontento ako sa kung ano lang ang meron ngayon. Hindi ako naghahangad ng katugon. Wala akong hinihiling na kapalit. Basta hayaan mo lang akong mahalin ka. Pagsilbihan ka bilang asawa mo, habang magkasama pa tayo. Pwede ba?" Hindi ko na napigilan ang sarili ko na yakapin si Matteo ng tumango siya. Sapat na sa akin ang kanyang sagot. "Aray!" Sigaw nito ng tumama ang noo nito sa noo ko. Masakit nga, pero walang panama ang sakit sa sayang nararamdaman ko. "Sorry-sorry," natataranta kong saad sa kanya ng yakapin niya ako pabalik. "M-Matt." "Tulad ng pangako ko, susubukan ko. Kaya, don't worry. Pero namiss ko ang katawan mo. Pwede pa ba?" "Matt!" Napadaing akong bigla ng mapaupo ako. Mula naman sa pagkakadagan sa akin ay napalayo si Matteo. Doon lang namin parehong naramdaman na hindi pa pala, hiwalay ang aming mga katawan. Nahiya ako at napatakip na lang ng kumot sa mukha. Pero agad ko ring tiningnan si Matteo nang maalala ko ang mga niluto kong nakahayin sa lamesa. "Matt hindi pa tayo kumakain!" Gulat na bulalas ko. Narinig ko na lang ang kanyang pagtawa. "Alam ko. Nauna kasi ang dessert," sagot nito. Pero ang pagtawa ni Matteo, hindi pa rin nito mapigilan. "Tuwang-tuwa," hindi ko mapigilang saad sa kanya. Saglit na tumigil si Matteo sa pagtawa. "Ngayon ko lang talaga napansin. You are cute, when I tease you." "Cute lang?" "You're beautiful Raselle, in your own way," anito at niyakap ako. Hindi man mahigpit, pero sapat na para mas lalong mapanatag ang puso ko. Nailing na lang ako at napangiti. Sana wala na itong katapusan. Sana ang pangako ni Matteo na susubukan nito ang relasyon na mayroon kami ay magkaroon ng patutunguhan. Sana palagi lang masaya. Pero naroon pa rin ang takot sa dibdib ko. Dahil tuwing masaya ako, nagkakaroon ng pagkakataong kasunod noon ay iiyak na naman ako. Sa pagkakataong hindi ko inaasahan. Sa panahong akala ko, maayos na ang lahat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD