Chapter 18

2169 Words
Nagulat na lang ako nang bigla akong nagising kinaumagahan. Mabilis na dumako ang aking paningin sa kabilang parte ng kama. Doon nakahinga ako ng maluwag. Hindi panaginip ang lahat. Totoong kasama ko si Matteo. Totoo ang mainit na tagpong pinagsaluhan namin kagabi. Muli ay pinagmasdan ko ang kanyang gwapo at maamong mukha. Hindi mo mababakas na minsan napagbuhatan niya ako ng kamay. Alam kong mali ang nagawa niya. Pero hindi ko isisisi sa kanya ang lahat. Hindi mangyayari ang lahat ng iyon, kung hindi dahil sa ex-kaibigan kong ahas. "Isa talaga ito sa pinakamaganda at pinakamasayang umaga na bumungad sa akin. Napakagwapo mo naman. Kaya sana mahalin mo na ako. Mahal na mahal kita Matteo. Sana hindi ito ang huli. Sana ito na talaga ang simula," saad ko, habang nakatingin sa kanya kahit tulog siya. Ito ang unang beses mula ng ikasal kami, na magising akong nasa tabi ko siya. Matapos ang mainit na magdamag na aming pinagsaluhan. Dahan-dahan akong bumaba ng kama. Ayaw kong maabala ang tulog niya. Masyado pa namang maagap para pumasok siya sa trabaho. Kaya naisipan ko na lang magtungo sa kusina. Habang nagluluto ako ay hindi ko mapigilang mapangiti. Ito ang buhay may asawa na pinapangarap ko. Simpleng buhay, pero masaya. Hindi ko naman kailangan i-date ako sa mamahaling restaurant, o kaya naman ay bigyan ng mamahaling gamit at damit. Maramdaman ko lang na mahalaga ako kay Matteo ay masaya na ako. Hindi man niya ako mahal ngayon, pero nararamdaman kong saan ba tutungo itong sitwasyon namin? Di ba papunta na rin iyon para mahalin niya ako. Matapos kong maghayin ay pupuntahan ko na rin sana si Matteo sa kanyang silid, ngunit nagulat na lang ako nang nakasandal sa hamba ng pintuan at magkapulupot ang kanyang braso sa tapat ng dibdib. "K-kanina ka pa dyan? G-gigisingin pa lang kita eh." "Hindi naman gaano. Sapat lang para mapagmasdan ka habang nagluluto ng adobo, at nagsasangag ng kanin." "Di kanina ka pa nga," reklamo ko na ikinatawa lang nito. "Bakit hindi kita naramdaman?" "You're too busy and too occupied on what you did. Kaya hindi mo napansin na kanina pa ako dito. Isa pa nga pala, kanina ko pa napapansin ang mga ngiti mo. Wala naman akong nakikitang pwedeng magpangiti sa iyo." Nakita ko ang tipid niyang ngiti. Ngunit hindi ko mapigilan ang aking sarili na mamula. Nakita niya iyon? Nakakahiya. Kasalanan ko bang magdaydream? Eh pangarap ko naman kasi talaga ang nangyayari sa amin ngayon. "Sorry. Baka naiisip mong weird ako. Pero masaya lang talaga ako. Gusto ko ang mga nangyayaring ito sa atin. Masaya ako, kahit hindi mo pa ako mahal. Umaasa akong doon pa rin patungo iyon." Tipid na ngiti lang ang isinagot niya sa akin. Mas mabuti na iyon kaysa naman magalit s'ya ay wala naman akong sinasabing masama. Sabay na kaming kumain tulad noong nagdaang araw nag-uusap na kami sa hapag kahit mga simpleng bagay. Walang tensyon, walang takot, magaan lang. Pinagmamasdan ko lang si Matteo habang nagdadayag. Siya na ang nagpresenta na gumawa noon. Lalo na at ako naman daw ang nagluto. Bigla ay napatingin ako sa cabinet kung saan nakalagay ang bagay na hindi niya makakalimutan pagkatapos ng aming pagniniig noon. Pero ngayon, ilang beses niya akong inangkin sa nagdaang gabi, pero hindi niya ako pinainom. "Hey!" Nagulat ako sa pagtapik niya sa akin. Tapos na pala siya sa kanyang ginagawa. "Something wrong?" "Ah, wala. Ang sexy mong magdayag," bigla ko na lang nasabi. "Sexy? Pero hindi ka naman sa akin nakatingin kanina." "Sa iyo ako nakatingin kanina. Bago ko." Hindi ko na maituloy ang aking sasabihin. Ayaw kong magbago ang mood niya. "Bago, ano? Huwag ka ng mahiya. I know na mahilig kang maggantsilyo. Sabihin mo lang sa akin ang kulay ng yarn, anong klase, ilan at magpadeliver ako dito." Doon ko lang napagtanto na sa ibaba ng cabinet na aking tinitingnan ay doon din pala nakapatong ang aking mga yarn. "Talaga?" "Sabi ko sa iyo babawi ako di ba? Simpleng bagay man iyan o hindi, basta maging masaya ka." "Thank you Matteo!" Hindi ko na napigilan ang sarili kong yakapin siya. "Thank you." "All for you." Ilang linggo na rin ang nakakalipas mula ng magstay talaga si Matteo dito sa bahay. Ilang linggo na rin niyang pinapatunayan na totoo siya sa salita niyang gagawin niya ang lahat para magwork ang kasal namin, na siya ko namang inaasam. Masaya kong sinimulan ang paggagantsilyo. Pagpumapasok na kasi si Matteo sa trabaho, dito ko lang ibinuhos ang oras ko. Wala naman akong ibang pinagkakaabalahan. Hindi naman ako mahilig magshopping. Lalo na at kapapamili ko lang din naman ng mga kailangan sa kusina, at yarn na rin. Abala ako sa aking ginagawa ng makarinig ako na may kumakatok sa labas ng bahay. Kaya naman itinigil ko iyon para lumapit sa pintuan. "Gavino?" Gulat kung usal sa pangalan niya ng mapagbuksan ko siya ng pintuan. Itinaas nito ang dala nitong supot. Supot na naglalaman na naman ng napakaraming grocery. "Wait lang dalahin ko lang ito sa kusina at kunin ko pa ang mga nasa sasakyan. Gavino na naman. Walang kasawa-sawa," reklamo nito na ikinangiti ko na lang. Binuksan ko ng malawak ang pintuan. Hindi ko na lang muna siya kinausap at hinayaan muna siyang ipasok ang mga dala niya, ganoon rin ang mga nasa sasakyan pa. Umabot din iyon ng halos nasa limang supot. Napakadami. Noon nalukungkot lang ako, dahil karamihan sa gulay at prutas na dinadala ni Gavin ay nasisira lang. Pero ngayon nauubos na nga, makakapaggrocery pa ako, ng ako mismo. "Nakakapanibago," ani Gavin habang inililibot ang paningin sa kabuoan ng kusina. Siguro nga kahit sinong makakapasok sa kusina ng bahay ko ay maninibago. "Bakit?" Inosente kong tanong. "Hindi ko maexplain eh. Pero okay, ito ang mga nakikita ko. Gaano bang katagal mula ng huli akong tumuntong dito sa bahay mo? Ilang linggo na rin. Pero wala na akong nakitang prutas na halos magmakaawa ng itapon mo siya. Meron ngayon fresh, na parang kabibili mo lang kahapon. Isa pa, ang pantry mo, puno. Napapaisip tuloy ako kung saan ko ilalagay itong mga pinabili nina tito at tita. And the ref. Walang nabubulok na gulay at walang super, duper frozen na karne na parang bato na sa tigas at nag-iiba na ang kulay sa katagalan. Puro mga bagong fresh meat and fish ang naroon. Mabuti na lang at malawak ang freezer mo. Kasya itong mga napamili ko. So ito ang tanong? How does it happen?" Seryoso lang namang nakatingin sa akin si Gavin, pati pagsasalita niya. Ngunit ang utak ko, pakiramdam ko tinutukso niya ako, kahit hindi naman. Humugot muna ako ng hangin. Alam ko namang hindi siya maniniwala. Pero totoo naman ang nangyayari. "Matteo stay here. Sinabi niya, susubukan daw niyang magwork itong kasal namin. Ilang linggo na rin. At masaya ako sa mga nangyayari. Walang Eloira sa buhay niya. Pumapasok siya sa trabaho at sa akin umuuwi sa gabi. Alam kong hindi pa niya ako mahal, ngunit umaasa akong doon din magtutungo ang nararamdaman niya. Masama ba akong tao Gavin kung hilingin kong sana ay nakalimutan na niya ng tuluyan si Eloira?" Lumapit si Gavin sa akin at niyakap ako. Iba ang pakiramdam ng yakap niya. Kay Matteo ay bumibilis ang pintig ng puso ko. Nagagalak sa labis na pagmamahal. Ang init ng katawan ni Matteo ay nagbibigay mitsa para sumiklab ang natatagong pagnanasa sa loob ng aking katawan. Pero binibigyan ako ng kapayapaan. Habang ang yakap ni Gavin ay nagbibigay ng kapanatagan sa aking pakiramdam. Iyong parang sinasabi na, kahit iwan ako ng lahat ng tao may pamilya akong malalapitan at siya iyon. Pamilya, tatay, kuya at hindi na hihigit doon. "I'm happy for you. I hope na sana ay magtuloy-tuloy na. Para na kitang kapatid Selle. Tulad ng kwento ko sa iyo noon. Parang ikaw talaga iyong nawawalang anak ng katulong namin na itinuring kong kapatid na babae." "Thanks, Gavin." "Welcome, Selle. Hay naging Gavin din," anito kaya nailing na lang ako. "Kaya lang iyon ba ay talagang thank you, na lang? Ako ang naggrocery, ako ang nagdeliver ako pa rin ang maghahanay ng lahat ng ito. Wala bang bayad?" "Drama mo. Ipagluluto na lang kita ng sinigang mo. Sus kaya naman pala madaming biniling gulay at hipon. Galing talaga, may sinigang mix pa." "Aba'y syempre, dito na ako magtatanghalian. Isa pa, aalis na rin ako mamaya pagkatapos kumain. Ayaw kong makaabala sa quality time ninyo ni Matteo. And I wish na magwork-out na iyang kasal ninyo this time. Alam kong magiging masaya ka pag nangyari iyon. Hindi lang ikaw, at hindi lang si Matteo. Pati na rin sina tito at tita. At pag-alis ko dito, ibabalita ko na kaagad sa kanila. Pakiramdam ko, hindi na muna ako makakabalik dito. Para bigyan kayo ng quality time na dalawa." "Thank you ulit Gavin. Mamaya ko na itutuloy ang ginagawa ko. Ipaghanay mo ako ng mga pinamili mo ha at ipagluluto na kita." "Yown. Thanks Selle." Nailing na lang ako. Parang bata. Pero totoong masaya akong may isang Gavin sa buhay ko. Hindi yata ako mauubusan ng kwento. Pakiramdam ko, sa dami ng pagkakataon sa buhay ko bilang may asawa. Ngayon lang ako nagkaroon ng masayang kwento at hindi ko alam kung talagang hindi ako matapos-tapos o talagang paulit-ulit lang ako. Wala eh, hindi ko maipaliwanag ang galak na nararamdaman ko sa puso ko. "So totoo na bang simula na ito ng happily ever after ninyo?" Sumandal ako sa sandalan ng sofa at tumitig sa kisame. "I wish. Na sana totoo na ito at ito na talaga ang simula. Nakwento ko naman sa iyong na love at first sight nga ako sa kanya di ba? Higit sa lahat, hindi ko talaga nakalimutan ang pagmamahal ko sa kanya sa lahat ng sakit na ipinaramdam sa akin ni Matteo. Siya ay siya pa rin." "Siguro nagising na rin siya sa mga kahibangan niya. Malay natin totoo ng talaga. Alam mong kaibigan ko si Matteo at masaya ako kung magiging masaya siya sa piling mo. I don't know why he like your best friend." "Ex best friend," paglilinaw ko. "Okay, ex best friend. Kasi hindi ang tipo ni Eloira ang alam kong magugustuhan ni Matteo. Puno ng pagkukunwari ang katawan eh." "What?" "Anong, what?" balik na tanong sa akin ni Gavin. "Don't tell me hindi mo alam? O hindi mo napapansin? Bulag ka rin?" "Hindi ah. I mean, paano mo nakita ang mga bagay na hindi nakikita ni Matteo?" "Maybe because, naniniwala ako sa gusto kong paniwalaan at iyon ay ang katotohanan. Tita Leandra and Tito Agustin, know the true color of Eloira. Hindi ko alam kung paano. Basta sinabi lang nila na hindi talaga nila gusto si Eloira para sa anak nila. At ang pagkakamali si Matteo noon na pumasok sa kwarto mo sa hotel ay ipinagpapasalamat nilang, blessing in disguise nga daw." "Pero nagtataka pa rin ako. Si Eloira nga nakilala nila noong gabi bago ang dapat na kasal nila. Ako ay hindi naman nila kilala. How come na ang bilis naman nilang nagustuhan ako. Ay ako nga kung tutuusin ay wedding wrecker sa kasal ng anak nila." "I don't know how to answer your question. Wala naman silang nakukwento sa akin. Maliban sa mahal ka nila bilang anak. Tapos ay gusto ka nila para kay Matteo. At natutuwa sila na parang kapatid na ang turing ko sa iyo. Kasi hindi naman daw pala ako threat sa relasyon ninyong dalawa. But the problem is, si Matteo lang talaga. Pero base na rin sa mga kwento mo ngayon, sure na matutuwa ang mag-asawa." "Sana magtuloy-tuloy na Gavin. Pero natatakot talaga ako. Paano kung panandalian lang pala ang lahat. Na ipinaranas lang sa akin ang bagay na ito kasi para maranasan ko lang. Pero ang totoo ay hindi pala talaga para sa akin si Matteo." "Iyan ka na naman. Ang nega mo. Huwag kang mag-isip ng mga bagay na hindi pa nangyayari. Focus to yourself. Sa pagmamahal mo kay Matteo. Kung kayo, kayo. At walang makakahadlang doon. Kahit pa ilang libong sibat. Trust me, kahit anong unos ang dumating o dumaan sa buhay ninyong dalawa ni Matteo. Kung kayo talaga, kayo talaga." "Paano kung totoo nga iyang sinasabi mo. Pero sa tagal ng panahon na minahal ko siya. What if mapagod na ako at saka niya marealize na mahal niya ako? May chance pa ba kami kung ako na ang talagang sumuko at kalimutan ang nararamdaman ko sa kanya?" "Hmp, may point ka naman dyan. Pero lahat naman ng desisyon mo nasa sa iyo. Iyon ay kung ayaw mo na, walang makakapilit sa iyong gustuhin ang bagay na ayaw mo na. Pero kung gusto mo pa. Walang makakapigil para ayawan mo ang bagay na iyon. Lahat ng desisyon nasa iyo. Pwede kang mapagod at sumuko. Pero maaari ka ring mapagod, pero nagpahinga. Ang masasabi ko lang, I am here to support you, no matter what." "Thank you Gavin." Hindi ko na napigilan ang sarili kong yakapin siya. Talagang napakaswerte kong nakilala ko si Gavin. Nagkaroon ako ng bagong kaibigan at instant kuya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD