Chapter 19

2051 Words
"Matt, pwedeng magtanong?" Mula sa binabasang papeles ay nag-angat siya ng tingin sa akin. Ako man ay biglang nakaramdam ng kaba. Baka kasi ng dahil sa itatanong ko ay magbago ang kung anong nasimulan na namin ulit. Pero narito na rin lang naman ako. Hindi na dapat ako umurong pa. Sa mga buwan na lumilipas mula nang umuwi siya dito sa bahay at sabihing ayusin namin ang dapat ayusin ay hindi pa kami nakakapag-usap ng maayos. Oo nga at palaging may nangyayari sa aming dalawa tuwing may pagkakataon. Inaasikaso ko siya, ipinagluluto, ipinaglalaba. Pagpapasok siya sa opisina ay naglilinis ako ng bahay, bago ko gawin ang aking libangan. Pero mula noon ay wala pa kaming pormal na pag-uusap na dalawa. Kung paano ba magwowork ang sinasabi niyang susubukan niyang maging maayos ang kasal namin. "Ano iyon?" "Anong plano mo sa akin? Sa atin? Pakiramdam ko mag-asawa na tayo sa tunay na kahulugan noon. Noong una ay hindi ako umaasa na magiging ganito tayo, pero ito ang pinaparamdam mo. Alam mong mahal kita Matteo. Kaya sabihin mo sa akin kung ano na ba ako sa iyo? Ayaw kong manghula. Naguguluhan ako." Napahugot siya ng hangin. Mukhang wrong timing pa rin ang aking pagtatanong. Kung hindi pa ako magtatanong ay kailan pa ang tamang panahon? "Sinusubukan ko Raselle. Bigyan mo pa ako ng konting panahon. Hindi ka ba masaya sa kung ano ang meron sa ating dalawa ngayon?" "How about Eloira?" Hindi ko na napigilang tanong. Alam ko namang hindi pa niya nakakalimutan ang babaeng iyon. Pero paano niya makakalimutan kung hanggang ngayon suportado pa niya. Hindi nga sila nagkikita. Pero ang lahat ng luho, binibigay niya. Hindi naman ako naiinggit. Di hamak na mas maayos ang pakikitungo sa akin ni Matteo, ngayon, kaysa noon. Hindi rin naman siya huminto sa pagbibigay sa akin ng pera na allowance ko daw. Naiipon lang naman lahat iyon, dahil sa lahat ng gastusin dito sa bahay, bukod niyang ibinibigay. Pati yarn ko, sagot na niya. Kaya ang mga extra, napupunta lang sa ipon ko. "Bakit naman nakasama si Eloira sa usapan Raselle?" Kitang-kita ko ang pagtitimpi ng inis ni Matteo ng marinig ang pangalan ni Eloira. Alam ko namang mahal pa niya, pero hindi niya makasama dahil sa akin. "I'm sorry. Naitanong ko lang naman. Gusto ko lang talagang magkaroon ng assurance na hindi mo na ako iiwan. Sorry ulit." Naglakad papalapit sa akin si Matteo at naupo sa gilid ng kama sa tabi ko. "Alam mo ang dahilan kung bakit hindi ko kayang pabayaan si Eloira." Napabuga na lang ako ng hangin. Alam ko nga. Dahil lang iyon sa utang na loob na hindi naman talaga dapat sa babaeng iyon. At hanggang ngayon bulag pa rin si Matteo sa bagay na iyon. Hindi pa rin siya naniniwala na ako iyon. Hindi ko na rin naman ipinagpilitan. Paniwalaan niya ang gusto niyang paniwalaan. Pero hindi ko talaga siya iiwan. Hindi ko siya hihiwalayan. "Raselle," anito at hinawakan ang pisngi ko para maiharap sa kanya. Nagulat pa ako sa pag-aakalang sasaktan niya ako. Sa halip ngumiti siya sa akin. "Malay mo, baka magising na lang tayong totoo na." Masaya akong tumango sa kanya. Umaasa akong ganoon nga ang mangyayari. Na hindi ko na kailangang mamalimos ng pagmamahal sa kanya. Dahil baka sa susunod hindi na lang salita, at buong puso niya nasa akin na. Dahan-dahang ibinaba ni Matteo ang kanyang labi, papalapit sa labi ko. Ako naman ay unti-unting napapikit. Kahit palagi naming ginagawa ang bagay na iyon ay parang sabik na sabik ako palagi sa kanya. "M-Matt." "Ssh. Feel me love," wika ni Matteo. Ipinikit ko ang aking mga mata ng dahan-dahan niya akong inihiga sa kama. Damang-dama ko ang init ng kanyang katawan na siya ring gumagatong para tumbasan ko ang init na iyon. "M-may, papeles ka pang binabasa di ba? H-hindi ka pa tapos." "Kanina oo. Pero ngayon ibang trabaho ang gusto ko," nakangisi niyang saad ng bigla niyang punitin ang damit ko. "Bakit mo pinunit? Hagya ko na ngang natahi iyon eh." "What?" Sigaw nito at biglang napabangon. "Binibigyan naman kita ng pera para ibili mo ng mga gamit mo, damit mo at ng kung anu-ano. Isa pa bukod pa iyong pera na binibigay ko sa iyo pag may nasisira akong gamit mo. Tulad ng damit mo." "Bakit ako bibili? Pwede ko pa namang tahiin," sagot ko naman sa kanya. Nakipagtangisan pa siya ng tingin sa akin. Bago siya sumusukong tumango sa akin. "Pero hindi gagana sa akin ang patalastas mo Raselle," nakangisi niyang saad bago muling sinakop ang aking labi. Wala din naman akong balak palampasin ang gabing ito. Kahit palaging nagaganap ang mainit na tagpong ito sa aming dalawa ay parang kulang at kulang pa. Pakiramdam ko gusto ko palagi siyang madama. Bagay na labis kong ipinagtataka. Hindi ko na mabilang kung ilang beses niya akong inangkin. Ang alam ko lang ay pagkatapos ng ilang minutong pahinga. Ready na ulit siya. Walang kapaguran. Daig pang napakaraming nainom na energy drink sa katawan. Kung anong oras na kami nakatulog ay hindi ko na alam. Ang alam ko ay madaling araw na. Hindi ko rin alam kung paano ako nakatulog. Basta ang natatandaan ko ay inaangkin pa rin ako ni Matteo, hanggang sa mawalan na ako ng malay. "Tapos ka na?" Narinig ko ang sigaw ni Matteo mula sa labas ng aming silid. Wala naman sana akong planong sumabay sa kanya patungong grocery lalo na at papasok siya sa opisina. Ngunit hindi ko mapigilan ang sarili kong hindi sumabay sa kanya. Ewan ko ba. Ang weird lang. "Patapos na ako. Nagmamadali na." "Nagtanong lang ako Raselle. Take your time. Hindi kita pinagmamadali. Maagap pa naman." "Okay sabi mo eh. Hindi ako magmamadali ha," sigaw ko. Gusto ko mang magmadali pero pagal na pagal ang katawan ko. Ngunit pagal man, ay gusto ko pa ring maranasang magtungo ng grocery kahit papasok siya sa kompanya, habang ako ay hinahatid niya. Inabot pa rin ako ng halos nasa kalahating oras bago lumabas ng silid. Nakaramdam ako ng hiya. Alam kong napakabagal ng pagkilos ko ngayon. Bagay na hindi ko naman alam kung bakit. "Okay ka na?" tanong niya na ikinatango ko naman. "Sorry ha, ang tagal ko." "No worries. Pero okay ka lang ba talaga? Bakit parang namumutla ka?" "Baka kasi napuyat lang ako kagabi," sagot ko na ikinapula rin naman ng pisngi ko. Totoo namang napuyat ako kagabi. Pinuyat niya ako kagabi. Unti-unting umalsa ang dulong labi ni Matteo. Halatang tinutukso ako. "Totoo naman talaga ah!" reklamo ko. Ang ngisi niya ay napunta sa malakas na pagtawa. Hanggang sa naramdaman ko na lang ang mainit na yakap niya. "Hindi na na mabiro." "Biro daw. Pero inaaway mo ako eh," reklamo ko. Ilang beses ko pa siyang sinuntok sa dibdib, pero hindi naman ganoong kalakasan. Ngunit bigla rin akong natigilan. Pakiramdam ko ay parang hindi ako ito. Para akong naging pabebe sa kanya. Bagay na alam kong hindi talaga ako. "Hindi kita inaaway. Ikaw naman. Tara na. Hindi na talaga kita masasamahan sa paggogrocery mo ha. Maiihatid lang talaga kita. May meeting pa ako mamaya eh." "Ayos lang bibili lang ako ng ilan nating mga kulang sa kusina. Tapos yarn at uuwi na rin ako." "Okay," sagot ni Matteo at hinila na ako palabas ng bahay. Siya na rin ang naglock ng pintuan. Habang patungo kami sa garahe kung saan nakapark ang sasakyan ni Matteo ay may naramdaman akong nakatingin sa amin. Mabilis akong lumingon kung saan ko naramdamang may nakatitig sa aming dalawa. Ngunit wala naman akong nakita. Ipinagkibit balikat ko na lang ang bagay na iyon. Siguro ay nagkakamali lang ako. Maaaring dala pa rin ng puyat ko kagabi ang aking nararamdaman. Inalalayan akong makasakay ni Matteo sa passenger seat, nang makarating kami sa harap ng kotse niya. Siya na rin ang nagsuot sa akin ng seatbelt. Bago siya nagtungo sa driver seat. "Ingat ka papunta sa trabaho," wika ko kay Matteo, nang nasa harap na kami ng grocery. Hindi pa rin ako bumababa sa passenger seat. "Mas lalo ka na. Okay ka lang ba talaga? Hindi na ba talaga masama ang pakiramdam mo? Hindi ba talaga madami ang bibilhin mo?" Hindi ko na talaga mapigilan ang aking mga ngiti sa sinabing iyon ni Matteo. Nakaramdam ako ng tuwa sa pag-aalala niya. Ramdam kong totoo iyon at walang halong kaplastikan. "Tama lang, basta hindi naman iyon madami. Isa pa, okay lang po talaga ako. Maputla lang nga ako kanina, kasi nga napuyat ako. Gawa mo," sisi ko na naman sa kanya. "Nasisi pa nga." "Totoo naman ah. Kung nagpigil ka ng sarili mo, hindi ako mapupuyat ng ganito." "Oo na nga po. Sorry na. Paano ka pag-uwi mamaya? Hintayin mo na lang kaya ako, after ng meeting babalikan kita dito." "Ang oa. Ikaw ba talaga yan?" Sinamaan niya ako ng tingin. Kaya napangiti na lang ako. "Pikon. Huwag ka ng mag-alala. Okay lang talaga ako. Sasakay naman ako pauwi. Kaya huwag ka ng mag-alala. Nag-aalala ka ba talaga?" Biro ko sa kanya. "Oo naman. Sinong hindi mag-aalala sa iyo, kung hanggang ngayon maputla ka pa rin." Saglit akong natigilan. Iba talaga ang saya pag mismong sa bibig ni Matteo ko narinig na nag-aalala siya sa akin. "Okay ka lang?" Nagulat na lang ako ng hawakan niya ang kamay ko. Nakakapagpatulala pa rin talaga ang mga bagay na nangyayari na hindi ko nakasanayan na ginagawa at pinaparamdam niya. Pero ang hindi ko nakasanayang bagay na iyon ay ikinatutuwa kong talaga. "Okay lang talaga ako. Masaya lang ako. Basta, huwag ka ng mag-alala. Sasakay ako sa tricycle. Magpapahatid pa ako sa harap ng bahay natin." "Bakit tricycle? Asawa kita Raselle. Hindi ko gustong tinitipid mo ang sarili mo. Oo mali ako noon. Pero bumabawi naman ako sa iyo di ba? Bakit hindi ka na lang magtaxi?" "Hindi naman sa nagtitipid ako. Sanay lang ako sa mga simpleng bagay Matteo. Hindi ko kailangang magbago dahil lang sa kasal ako sa isang katulad mo, na gwapo, mayaman, lahat ng magagandang katangian ng mayroon ka gusto ko. Pero ang mga hindi ay pilit kong tinanggap, dahil mahal kita. Ayaw kong baguhin ang lifestyle ko, para lang ipakita sa ibang mayaman ang asawa ko. Gusto ko ay kung ano ako, iyon pa rin ako." "Ikaw ang masusunod Raselle," sagot ni Matteo. Ilang beses pa itong tumango. Alam ko namang kahit ilang buwan na kaming magkasama ay kinikilala at nangangapa pa rin kami sa isa't isa. Sana ay sa pagkakataong iyon, kahit sa maikling panahon ay makilala niya ang tunay na ako. At mahalin niya ako bilang ako. Hindi lang dahil sa kasal ako sa kanya sa papel. Isa pa, alam ko namang hindi pa rin nito pinapabayaan si Eloira. Tuloy pa rin ang sustento nito sa babaeng iyon, kahit hindi nagkikita ang dalawa. Bagay na hinayaan ko na lang para walang gulo. "Sige na, pumasok ka na sa loob ng grocery at dumarami na rin ang mga tao. Para mabilis kang makatapos at makauwi ka kaagad. Papasok na ako sa trabaho." "Ingat ulit." "Ikaw din. Magpadala ka ng mensahe pag nasa bahay ka na ha." "Opo," sagot ko na lang, at muling nagpaalam sa kanya. Hindi ko na pinababa ng sasakyan si Matteo. Ilang beses ko pa siyang kinawayan, hanggang sa tuluyan ng mawala ang kanyang sasakyan sa aking paningin. Bago ako pumasok sa loob ng grocery. Excited pa akong tingnan ang aking listahan. Mula noon ay sanay na akong gumawa ng listahan. Una, para walang makalimutan at ikalawa, iyong mga needs lang talaga ang dapat bilhin. Kung may makasama mang wants, minsan lang iyon at hindi palagi. Sumusobra lang talaga ang grocery sa bahay, pag galing kina mommy at daddy na si Gavin ang nagdadala. Patapos na akong mamili ng makaramdam ako bigla ng hilo. Huminga ako ng malalim ngunit pasama nang pasama ang aking pakiramdam. Ilang beses kong inilibot ang aking paningin para maghanap ng mauupuan, ngunit wala akong makita. Napahawak na lang ako sa pushcart na kinalalagyan ng aking mga grocery. Pilit kong nilalabanan ang aking hilo. Ngunit unti-unti ng nagdidilim ang aking paningin. Hanggang sa pakiramdam ko ay nawalan na ng lakas ang aking binti. Tinanggap ko na lang na ang sahig ng grocery ang sasalo sa aking nanghihinang katawan. Hanggang sa maramdaman kong may bisig na sumalo sa akin. Bago ako tuluyang mawalan ng malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD