Halos dalawang linggo na rin ang lumipas mula nang dumating si Matteo at dito pumirmi sa bahay nila. Ayaw ko man siyang makasama sa iisang bubong, pero wala naman akong magawa. Hindi naman ako hayaan nina mommy at daddy na tumuloy sa hotel. Habang si Matteo, paano ba ito maghohotel ay bahay nila iton. Isa pa ayaw talaga nitong umalis sa tabi naming mag-ina. Napakatigas ng bungo. Araw-araw mula noong nakawan ako ng halik ni Matteo ay palagi na lang akong alerto pag nasa tabi ko ang lalaking iyon. Pakiramdam ko kasi ay bigla-bigla na lang siyang gagawa ng kalokohan. Hindi naman iyong kalokohan na mapapahamak ako. Kundi, parang palagi na lang akong nanakawan ng halik. Hindi ko naman siya iniiwasan dahil nakakatrauma. Iniiwasan ko siya dahil baka tuluyan na akong ipagkanulo ng sarili ko sa k

