"P-pakiulit nga ng s-sinabi mo?" Hindi pa rin ako naniniwala at wala akong balak paniwalaan ang sinasabi ni Gavin. Hindi maaaring mangyari na naman kay Matteo ang bagay na iyon. "Naaksidente si Matteo. Wala pang linaw kung ano ba talaga ang nangyari. Ang sinabi lang ni tita ay uuwi sila kaagad dito. Sa lalo at mabilis na panahon." "Wait? Bakit uuwi. Nasa ibang bansa si Matteo di ba? Kasama nila! Iniwan natin doon si Matteo. Bakit kailangan nilang umuwi?" Hindi ko na napigilan ang emosyon ko. Bigla na lang akong umiyak, at bumagsak sa sahig. Nagulat na lang ako ng maramdaman ko ang yakap ng anak ko. "Why are you shouting Mimi? Why are you crying?" Lalo lang akong naiyak ng marinig ang malambing na tanong ng anak ko. Paano ko ba siya sasagutin? Hindi ko pa rin alam ang totoo. Pero paano

