Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata. Hindi ko alam kung anong oras na. Ngunit sa tingin ko ay hapon pa lang base sa sikat ng araw na natatanaw ko sa labas ng bintana. Mula sa pagkakatitig sa labas ay umayos ako sa aking pagkakahiga at tumitig sa kisame. Wala akong maalala kung paano ako nakarating sa kamang kinahihigaan ko. Hindi ko rin alam kung bakit ako narito? Ang alam ko lang hindi ako pamilyar sa silid na kinalalagyan ko. Nakatitig lang ako sa kisame at pinapakinggan ang paligid. Tahimik ngunit hindi payapa. May naririnig akong mga yabag. Maraming yabag. Mayroong marahan lamang. Mayroon ding nagmamadali. Mga yabag na nagmumula sa labas ng silid na kinalalagyan ko. Inilibot kong muli ang aking paningin, kung nasaan ako. Ngayon pamilyar na sa akin ang kinalalagyan ko. Pero h

