Tulala lang ako habang nakatitig sa glass door ng ICU. Hawak ko pa rin ang larawan naming mag-ina. Ang larawan naming sigurado akong kinuha ni Matteo nang ilipat niya ako sa kama mula sa sofa noong gabing nakatulog siya sa kwarto naming mag-ina. Ang gabing ninakawan niya ako ng halik. Ang gabing, naramdaman kong mahal ko pa rin talaga siya. Kahit ang tangkay ng rosas na halos iilang petals na lang ang natitira ay hawak-hawak ko pa rin. Inilagay ko iyon sa tapat ng dibdib ko. Kahit hindi ko mapigilan ang sakit, gusto kong sa pamamagitan ng mga bagay na iyon, maramdaman ko si Matteo. "Matteo, ang daya mo naman. Love, bumangon ka dyan. Narito lang kami ni Martina. Hinihintay ka. Magpagaling ka Matteo, pakiusap," mahinang usal ko, sa pagitan ng aking mga iyak. Naramdaman ko ang pagtabi sa a

