Napatingin siya sa kanyang orasan at pasado alas diyes na pala ng gabi. Kung kaya’t ganoon na lamang kung makapagreklamo ang tiyan niya. Iwinakli niya ang comforter na siyang nakabalot sa kanyang katawan at bumango mula sa pagkakahiga.
Agad niyang sinuot ang kanyang panloob ng tsinelas at tumayo habang bitbit ang kanyang cellphone. Hinihintay niya ang mensahe ng kaibigan niyang si Greige dahil may usapan sila na ise-send nito ang kanyang napaginipan na isang wedding gown.
Tanging ang bawat yapak niya lamang sa kanilang hagdan habang pababa siya ang naglilikha ng ingay. Kaunting ilaw lamang ang nakabukas sa baba na siyang isang warm light lang na nasa may bandang kusina.
Nang tuluyan na siyang makababa ay agad niyang tinungo ang kusina. Binuksan niya ang ref at may nakita siyang ulam na nasa loob ng glass container at binalutan ito ng plastic wrap. Kinuha niya ito at pinaandar ang stove. Pwede naman na sa microwave niya na lang ito painitin pero nasa mood siyang gumamit ng stoce kaya dito niya naisipan na painitin ang adobong manok na ulam niya.
Naghintay muna siya ng ilang minuto hanggang sa nasigurado niyang parang kakalito lamang nito dahil umuusok pa. Nagsandok siya ng kanin sa rice cooker at nagsimula na siyang kumain.
Nasa kalagitnaan na siya ng pagkain nang biglang lumitaw ang pangalan ni Greige sa kanyang screen. Napangiwi siya bago ito sagutin.
“Kung kailan nag-eenjoy ako sa pagkain, ngayon ka pa tatawag.” nangigil niyang sambit at sinagot ang tawag nito.
“Ang tagal mong tumawag! Kanina pa ako naghihintay!” bungad niya rito habang inaayos ang pagkasandal ng cellphone niya sa flower vase.
“Sorry naman! Busy lang!” hingi nitong paumanhin sabay ngiti pero agad din itong naglaho nang mapansin niya ang namumugtong mga mata ng kaibigan. “Anong nangyari? Bakit sobrang mugto yata ng mga mata mo? Naghiwa ka ba ng maraming sibuyas?”
“Tanga! Hindi, no!” agad na angal ni Yiesha habang natatawa sa kakengkoyan ni Greige. “Bukas ko na lang ikukuwento.”
“Ayusin mo ‘yang bukas mo, ha? Baka kako, busy ka na naman!” bulyaw ni Greige dahil sa tuwing may hindi sila natutuloy na usapan ni Yiesha, palagi nitong sinasabi na ipagpabukas na lang pero hindi na natutupad dahil palagi itong abala sa trabaho.
“Oo, na! Sure na bukas,” natatawang wika ni Yiesha na sabi rito. “So, ano na ‘yong tungkol sa panaginip mo?”
“Bukas ko na sasabihin nang magtagal ang chikahan nating dalawa,” tumatawa nitong bigkas.
Napairap naman si Yiesha dahil sa sinabi nito, “Wala ka talagang kuwentang kausap!”
Lumakas naman ang ginawang pagtawa ni Greige nang makitang naasar niya ang kaibigan.
“Bukas na nga kasi, promise! Nga pala, sabag tayong mag-lunch, ha? Alam kong free time ka bukas buong maghapon!” paalala nito sa dalaga.
“Alam na alam mo talaga free time ko, no? Gawin na lang kaya kitang secretary kasi mas nauuna mo pang nalaman ang lahat ng mga dapat kong gagawin at schedule kesa sa akin, e!” wika niya sabay subo ng kanin.
“Puwede rin! Pero dapat malaki sahod ko, ha?” paninigu nito sabay taas-baba ng kilay.
“Ay! Demanding masyado! Kung ganoon din naman ay huwag na lang! Dadagdag ka pa sa mga bayarin ko!” sumbat niya rito.
“So, ano?” pag-iiba ni Greige ng usapan.
Kumunot naman ang noo ni Yiesha dahil hindi maintindihan ang ibig nitong sabihin, “Anong ano?”
“Sa Saturday. Ano game ka ba? Alam kong stress ka masyado para kumayod nang mabayaran mo na ‘yong utang ninyo. Kaya oras na para magsaya ka naman!” pag-uudyok na wika ni Greige.
Saksi siya kung paano kumayod ang kaibigan para lamang mapunta ito sa kanyang posisyon ngayon. Hanga siya rito dahil sa sipag at tiyaga ni Yiesha. Kung kaya’t, laking pasalamat niya na naging kaibigan niya ito dahil sa kanya, nahahawaan na rin siya ng kasipagan.
“Sunduin mo ba ako?” pagtatanong ni Yiesha sabay inom ng tubig.
Bahagya pa siyang dumighay dahil sa pagkabusog. Mabuti na lamang at mahina lang iyon at hindi nagawang marinig ni Greige.
“Oo, naman! Same routine lang,” nakangiting pahayag nito habang naglalakad patungo sa kanyang higaan sabay dapa rito. “Bakit ngayon ka pa lang kumain? Sobrang lalim na ng gabi, a!”
“Hindi pa dinadalawa ng pagkagutom kanina kaya hindi muna ako kumain,” paliwanag ni Yiesha at idinala ang kanyang pinagkainan sa lababo pati na ang pinaglutuan niyang kawali.
“Oo nga pala, naipasa mo na ba kay Ma’am Analia ‘yong mga designs na hinihingi niya?” paninigurado ni Greige dahil ilang beses nang nakalimutan ni Yiesha na ipasa ang mga designs niya sa kanilang head. Mabuti na lamang at walang sawa siyang nagpapaalala rito.
“Yes, tapos na. Baka kasi bulyawan mo na naman ako!” nakangusong wika niya sabay kuha ng cellphone at inilagay ito sa gilid kung saan kitang-kita siya nito kung maghuhugas na siya.
“E, kasi naman! Nakakalimutan mo na minsan dahi sa rami ng mga ginagawa mo! Mabuti na lamang at hindi ako nagsasawa na paalalahanan ka!” pagmamalaki nito.
“Gustl mo lang makarinig ng another ‘Thank you’ galing sa akin, e!” panunukso ni Yiesha aa kaibigan.
“Aba! Siyempre, no! So, bilis! Naghihintay ako!” pagmamadali niya kay Yiesha na sundi ang kanyang gusto habang tumatawa.
“Sige na nga! Baka umiyak ka pa!” wika nk Yiesha sa isang nakakalokong ngiti.
“Hoy! Kapal, a!” agad na angal ni Greige sa sinabi nito.
“Thank you, Greige Yna Santos for always reminding me!” sarkastikong wika niya rito at pilit na ngumiti.
“Ang sama mo talaga! Tsk!” tila nagtatampong usal ni Greige pero tinawanan lamang siya ni Yiesha.
“Huwag ka ngang magtampo! Hindi ka magkakaroon ng boyfriend niyan!” pananakot niya rito sabay tawa at hinugasan ang mabulang pinggan.
“Makasabi naman ‘to! Hoy! Wala ka rin kayang boyfriend kaya parehas lang tayo!” tukso pabalik ni Greige rito pero hindi naman iyo sapat upang maasar si Yiesha.
“Okay lang. Para walang sakit sa ulo!” tumatawang tugon niya at pinatuto na ang kanyang mga pinaghugasan.
“Tsk! Namo ka!” asik nito habang nakabusangot.
“Matulog ka na nga riyan! Maaga ka pa bukas, hoy!” tukso ni Yiesha.
Sa tuwing magkatawag ang dalawa ay walang humpay ang tuksuhan nila sa isa’t-isa at kung saan-saan na lamang lumilipad ang kanilang mga usapan. Pero kahit na ganoon ay masaya naman silang dalawa sa bawat kulitan nilang dalawa.
They’re both thankful that they’ve meet each other. Palaging naiisip ni Yiesha na kung wala si Greige sa tabi niya, baka hindi niya kayanin ang lahat ng mga problema niya. Mabuti na lamang at nagkaroon siya ng isang kaibigan na katulad ni Greige.