“Oh…You’re daughter is here,” sambit ni Mr. Serra-Ty nang makita niya si Yiesha na nasa may pintuan. “I guess I have to go. I just want to check on you. We’ll talk some time.”
Tumayo ito mula sa kanyang pagkakaupo at isang ngiti lamang ang kanyang iginawad sa ama ni Yiesha na tulala pa rin dahil hindi niya inasahan na darating ang anak at maririnig nito ang kanilang usapan.
“T-thank you for checking on me,” wala sa sarili niyang sabi at hindi mapakali nang tignan niya sa mata ang kaibigan.
Lumabas naman ang ina ni Yiesha galing sa kusina na may dalang pagkain at inumin. Nang makita niya ang anak ay agad siyang ngumiti rito. Subalit, gumapang ang pagtataka sa buong pagkatao niya na nanatili lamang na blanko ang reaksyon ng anak.
Tinungo ng ni Mr. Serra-Ty ang direksyon ni Yiesha upang lumabas na ng bahay. Nanatiling walang ekspresyon ang mga mata ni Yiesha nan siyang ikinatakot ng ama niya. Kinakabahan siya sa magiging reaksyon ng anak.
Nilampasan naman ni Mr. Serra-Ty ang dalaga kung saan nasa gilid ito ng pinto. Lalabas na sana siya pero agad siyang pinigilan nito kaya nagtataka niya itong binalingan.
“Wait,” mahinahong wika ni Yiesha pero halatang nagpipigil lamang ito upang hindi bumugso ang kanyang damdamin.
“Do you have anything to say, Young Lady?” pagtatanong ni Mr. Serra-Ty.
Nakaramdam ng hiya si Yiesha dahil sa pagiging magalang ng lalaki. Ngunit kung hindi niya tatanungin ang mga ito habang nandito ang lalaki ay hindi siya papatahimikin ng kanyang kaluluwa.
Inalis niya ang tingin niya rito dahil pakiramdam niya ay hinuhugot nito ang kanya lakas ng loob. Ibinaling niya ang kanyang atensyon sa kanyang mga magulang at nagpalipat-lipat niya itong tinignan.
“Why would I marry his Son? Hindi ba’t malapit ko nang mabayaran lahat ng utang natin?” pagtatanong niya sa mga ito.
Napaiwas naman ng tingin ang ina ni Yiesha nang tumingin ang anak. Habang nanatiling nasa baba ang tingin ng ama niya at wala itong imik.
Humalakhak si Mr. Serra-Ty dahil napagtanto niya na walang kaalam-alam ang dalaga sa problemang kinasasangkutan niya. Magkasalubong ang kilay ni Yiesha nang balingan niya ito at punong-puno ng pagtataka ang tingin ipinupukol niya.
“I guess, you’re not aware on what kind of situation you are in,” panimula ni Mr. Serra-Ty.
“What do you mean?” pagtatanong niya rito dahil hindi niya mawari kung ano ang ibig nitong sabihin.
“I didn’t accept your payment,” nakangiting nitong saad na tila nasasabik ito na sabihin sa dalaga kung ano ang totoo.
“What?! Why?” agad na asik ni Yiesha sa lalaki sabay lingon sa kanyang ina. “Ma! Anong hindi niya tinanggap ang bayad natin? You know how much effort that I invested just to pay our debt to him!”
“Yiesha…” nagsusumamong pagtawag nito sa anak habang nanginginig ang kanyang mga kamay. “I’m sorry.”
Nagulo ang isipan ni Yiesha kung bakit umiiyak ngayon sa kanyang harapan ang ina pati na ang ama niya na walang tigil sa pag-agos ang luha sa kanyang mga mata.
“Ma? Pa? Do you have something to tell me?” pagpipigil ni Yiesha sa kanyang sarili. “Why would he say that he didn’t accept the money that I’ve worked hard to get?!”
Napapikit ang ina niya dahil sa pagkagulat nang biglang tumaas ang boses ng dalaga. Mas lalong napaiyak ito at lihim na sinisi ang sarili dahil hindi niya sinabi sa anak kung ano ang totoong kasunduan nila ni Mr. Serra-Ty.
“That’s not nice. Don’t ever talked like that to you parents again,” pangaral ng lalaki sa kanya sa isang mahinahong tono.
“Why wouldn’t I be furious?” naghahamon niyang wika sa lalaki. “I don’t even know what was the reason why you didn’t accept our payment! Also, what was about the arrange marriage? Hindi ba’t mawawala na ang bisa no’n kapag nakabayad na kami sa lahat ng utang namin? Just accept our money para wala na kaming utang sa iyo.”
Mr. Serra-Ty grinned at her sabay taas ng kanyang hintuturo sa harapan ng dalaga at marahang itong iginalaw ng pabalik-balik.
“Your debt is unpayable. Unless…” he trailed off and glanced at her mom.
“Gio…No,” umiiling-iling na wika ng ina ni Yiesha upang pigilan ito sa kanyang sasabihin.
Pero isang tingin lamang ang iginawad ng lalaki rito at ibinalik din kaagad ang tingin niya sa dalaga, “You’ll marry my Son.”
“What?’!” pinaghalong galit at inis na wika ni Yiesha sabay lingon sa kanyang ama. “Dad!”
“I’m sorry, Yiesha!” hinging paumanhin ng ina niya sabay luhod at nanatiling nakayuko habang patuloy pa rin na umiiyak.
Agad na tumulo ang luha niya nang makitang ganoon ang sitwasyon ng ina. Maging ang kanyang ama ay nakaluhod din at patuloy na humihingi ng tawad.
“I’m sorry, Anak. Kung hindi na lang ako nagpa-opera ay hindi ito mangyayari sa ‘yo ngayon. I’m really sorry, Yiesha,” humagulgol na wika nito.
“Ang perang ibinayad niyo ay ibinigay ko na lang sa Mama mo dahil mas kakailanganin ninyo iyon para sa pangtustos upang gumaling kaagad si Ricky. Simple lang naman ang gusto kong maging kabayaran sa lahat ng utang ninyo… Iyon ay ang maging asawa ka ng Anak ko,” pahayag ni Mr. Serra-Ty sa isang napakaseryosong mukha na kahit sino ay hindi na babalakin pa na magsalita muli upang tumutol.
Nanatiling tahimik lamang si Yiesha habang nakatingin sa lalaki. Pagkatapos iyon sabihin ni Mr. Serra-Ty ay agad na itong lumabas ng bahay.
Sinundan ni Yiesha ng tingin ang lalaki hanggang sa tuluyan na itong makapasok sa loob ng kanyang sasakyan. Makikita sa kanyang mga mata ang galit dahil sa sinabi nito. Kung alam niya lang sana na ganoon pala ang magiging kapalit sa paghiram nila ng pera, sana naghanap na lang siya ng ibang taong mapagkukunan ng pera noong mga panahong nangangailangan sila.
Nang tuluyan nang umalis ang kanilang bisita ay nagtungo si Yiesha sa sofa at umupo rito. Umayos ng upo ang ama nito sabay pahid ng mga luha niya at hinarap ang anak. Pati ang kanyang ina ay inayos muna ang sarili bago pumunta sa gawi ng mag-ama.
“Hindi ko alam kung dapat ko bang paniwalaan ang sinabi ng lalaking iyon. Naguguluhan ako sa mga nangyayari. Dugo’t pawis ang inalaan ko para makalikom ng ganoong kalaking pera upang mabayaran na natin ang utang natin sa kanya! Tapos ngayon… Malaman-laman ko na lang na hindi pala pera ang kailangan niya kundi ako upang ipakasal sa Anak niya?! Ma, naman! Hindi ba’t ang sabi mo nga sa akin ay kapag nabayaran natin ang utang natin sa kanya ay tapos na lahat?” habol-hininga ang ginawa ni Yiesha matapos sabihin ang lahat ng iyon.
Hindi niya alam kung anong nangyayari sa kanyang paligid. Naguguluhan siya at hindi niya mawari kung saan siya magsisimula upang maintindihan ang lahat.
“Anak…” pagtawag ng ama niya sa atensyon nito. “We borrowed again dahil wala ni isang kusing na ang natira sa savings account namin ng mama mo. Alam namin nagpadalos-dalos kami naging desisyon namin.”
Umiiyak na wika ng ama ni Yiesha. Hindi napigilan ng dalaga ang maiyak din habang nakikita niya kung paano magsisisi ang ama.
“Ayaw namin na sabihin sa iyo na may naging problema na naman sa Papa mo dahil alam namin na mag-aalala ka lang. Dapat kami ang nagsusustento sa ‘yo, kaya masakit para sa amin ng Papa mo na makita kang naghihirap para lamang mabayaran ang utang natin.
“Huwag mong sisihin ang Papa mo, Anak. Kasi una pa lang ay ayaw niyang magpa-opera dahil unti-unti na ngang nauubos ang pera natin dahil sa pagsustento ng mga gamit niya pero ayaw kong mawala ang Papa mo. Kaya naglakas-loob ako na humingi ng tulong sa Tito Ricky upang tulungan tayo. Simula’t-sapol alam ko na ang gusto niyang maging kabayaran pero iwinala ko iyon sa aking isipan dahil akala ko hindi niya iyon totohanin.
“Pero makalipas ang ilang buwan no’ng pumunta ulit ako sa kanya upang humingi ng tulong, walang araw niyang hindi ipinapaaalala sa akin na ikaw ang magiging kabayaran sa lahat ng utang namin. I’m sorry, Yiesha. Patawad kong ipinagkait namin sa iyo ang buhay na dapat ay sayo lamang at hindi hawak ng iba,” wika nito habang nakaluhod na naglakad patungo kay Yiesha na walang humpay na umaagos ang luha sa kanyang mga mata.
Sobrang sakit para kay Yiesha na malaman ang lahat ng iyon kung paano kinuha sa kanya ang sarili niyang kalayaan. Gustuhin niya mang magalit at kamuhian ang mga ito ngunit hindi niya magawa.
Para sa kanya ay masyado pa siyang bata upang pasanin ang lahat ng problemang kinakaharap niya. Nagpapasalamat siya kay Mr. Serra-Ty dahil ito lamang ang tumulong sa kanila noong panahong walang-wala sila. Ngunit ang katotohanang siya pala ang magiging kabayaran ng lahat ng iyon ay masyadong mabigat upang pasanin niya mag-isa.
“Bakit hindi ninyo sinabi sa akin? Bakit ngayon pa? Kung kailangan kampante na ako na malapit na natin mabayaran ang lahat tapos ito pa ang bubungad sa akin,” puno ng hinanakit na tanong niya sa mga ito.
Ramdam na ramdam niya ang paninikip ng kanyang dibdib dahil sa sakit na kanyang nararamdaman ngayon. Pakiramdam niya ay piniling itago ng mga ito ang tungkol sa bagay na iyon na siyang hindi niya magawang matanggap.
“Natakot kami, Anak. Natakot kami na baka kamuhian mo kami ng Mama mo,” umiiyak na paliwanag ng ama niya.
Kahit na sobrang sakit para sa kanya na isuko ang kanyang kalayaan, haharapin niya ito kung ito rin naman ang dahilan kung bakit nanatiling buhay ang kanyang ama ngayon.
Kahit na masakit ay tatanawin niya pa rin itong isang malaking utang na loob kay Mr. Serra-Ty na walang pag-alinlanga silang tinulungan.
Nilapitan niya ang umiiyak niyang mga magulang at pinahiran ang luha ng mga ito sa kanilang ama.
“I clearly remembers what are the consequences if we weren’t able to pay our debt. Kung hindi dahil sa inyo, wala ako sa mundong ito kaya kahit na masakit…Gagawin ko dahil ayaw kong makita kayo na nasa loob ng rehas,” walang tigil sa pag-agos ang luha ni Yiesha nang sabihin niya iyon at ikinulong niya sa kanyang bisig ang kanyang mga magulang sa isang mahigpit na yakap na tila ayaw niya nang bumitaw.
Gusto niyang isigaw ang sakit na kanyang nararamdaman at isumbat ang mga ito sa kanyang magulang. Subalit, mas nanaig ang pagmamahal niya sa pamilya niya kaya kahit sariling kaligayahan at buhay niya ang nakataya, handa siyang gawin ang lahat kung ito lang naman ang magiging daan upang matulungan niya ang kanyang pamilya.
Pagkatapos iyon ay nanatiling nagkulong lamang sa loob ng kanyang kuwarto si Yiesha. Hindi binalak ng mga magulang niya na istorbohin ang anak dahil alam nila kung gaano kasakit para rito ang malaman na siya pala ang magiging kabayaran sa lahat ng kanilang utang.
Kahit na anong gawing pagsisisi ng mga ito ay tila wala na rin itong silbi dahil nangyari na ang kanilang kinakakatakutan.
Nanatiling tulala si Yiesha habang nakatingin sa kisame ng kanyang kuwarto. Sobrang mugto ang kanyang mga mata dahil sa walang tigil na ginawa niyang pag-iyak. Sa pagkakataong ito ay hindi niya alam kung anong dapat niyang gawin.
Gayong alam niya na ang lahat, hindi malabong nalalapit na rin ang araw upang magkakilala sila ng kanyang mapapangasawa. Nakita niya ang kakaibang saya sa mga mata ni Mr. Serra-Ty nang sabihin nito ang tungkol sa pag-iisang dibdib nila ng anak nito.
Doon niya napagtanto niya na walang balak na masama ang lalaki sa kanya at ang tanging gusto lamang nito ay matali siya sa kanyang anak. Subalit, ayaw niyang magpakampante dahil baka nililinlang lamang siya ng mga mata niyang iyon.
Napahimas siya sa kanyang tiyan, kanina pa ito kumukulo dahil wala pa siyang kain. Ayaw niya munang harapin ang kanyang mga magulang dahil nanatiling presko pa ang lahat sa kanyang isipan kung paano siya ipinagkanulo ng mga ito.