TAGUMPAY ang ginawang operasyon sa ama ni Yiesha at maayos na ang kalagayan nito sa ngayon. Dahil sa tulong ng pamilyang Serra-Ty, agad nilang nabayaran ang lahat ng bayarin sa ospital at pati na rin ang pang-araw-araw nitong mga gamot.
Malaki ang pasasalamat ng ama ni Yiesha sa matalik nitong kaibigan na si Mr. Serra-Ty. Kung hindi dahil sa alok nito na tulungan siya, baka matagal niya nang nilisan ang mundong ibabaw.
“How’s your health?” tanong ni Mr. Serra-Ty sa kaibigan na kasalukuyang nakaupo sa sofa.
“I’m good. Kung hindi dahil sa’yo, baka matagal na akong wala sa mundong ito,” pabirong tugon nito sa kaibigan.
Napailing naman si Mr. Serra-Ty dahil sa sinabi nito. “That’s nonsense. I’m your friend, I should help you. Lalo na’t sa ganitong kalagayan,” aniya sa ama ni Yiesha.
Pero sa kabila ng pagtulong nito sa mga gastusin, ang kapalit pala nito ay ang kanyang nag-iisang anak.
****
PUMUNTA sa opisina ni Mr. Serra-Ty ang ina ni Yiesha, upang manghiram ng pera para sa gagawin nitong operasyon sa asawa. Salungat ang ama ni Yiesha sa desisyon ng kanyang ina na humingi dito ng tulong, pero wala na siyang ibang matatakbuhan pa. Naubos na ang kanilang savings at kakatanggap lang ni Yiesha sa kanyang trabaho, kaya sa ngayon ay wala silang mapagkukunan ng pera.
Tinungo niya ang information desk ng kompanya at tinanong kung naroon ba si Mr. Serra-Ty.
“Excuse me, Miss,” pagkuha niya ng atensyon sa babaeng nasa infomation desk.
Agad namang tumingin sa kanya ang babae na may ngiti sa labi, “Yes, Maam? How can I help you?” aniya sa isang pormal na tono.
“Is Mr. Serra-Ty, around?” tanong niya rito.
Tumingin ito sa monitor at chineck kung naroon ba si Mr. Serra-Ty, “Yes, Maam. You have an scheduled meeting with him?”
“Ah, no! Just tell him that Mr. Fuenta’s wife is here to see him,” aniya na may isang ngiti sa labi.
“Right away, Ma’am!” agad naman nito kinuha ang teleponong nasa gilid nito.
Inikot ng tingin ng ina ni Yiesha ang buong lugar. Napakaraming empleyado ang nagkalat sa buong lugar. Napapaisip naman siya na malaki talaga ang inasenso nito.
“Mr. Serra-Ty tells that you can come to his office, Ma’am. It’s on 5th floor,” nagpasalamat naman ang ina ni Yiesha dahil sa hospitality ng babae.
Tinungo niya ang elevator at pinindot ang button patungong 5th floor. Tanging tunog lang ng elevator at malakas na t***k ng puso ang kanyang naririnig.
Tumunog ang elevator, hudyat na nasa tamang palapag na siya. Hindi naman siya nahirapan na hanapin ang opisina ni Mr. Serra-Ty, dahil may malaki itong karatula, nagsasabing iyon ang opisina nito.
Kumatok siya ng dalawang beses, narinig niya naman ang baritonong boses na nanggaling sa loob nito na inaaya siyang pumasok.
Binuksan niya ang pinto, bumungad sa kanya ang lalaking naka-all black suit na nakaupo sa swivel chair nito. Bigla namang bumilis ang t***k ng kanyang puso nang masilayan niya ang lalakeng minsan niyang minahal.
Agad namang napatayo mula sa kanyang pagkakaupo ang lalake. “Elaine,” mahina ngunit may halong pagkasabik na sambit nito at sapat na para marinig ng ina ni Yiesha.
“G-Gio,” nauutal na sambit ng ina ni Yiesha dahil matagal-tagal na rin, magmula noong sila’y huling magkita.
Masayang nagmamahalan si Elaine at Gio, noong kapanahunan pa lamang nila. Dahil sa may lahing chinese si Gio, gusto ng pamilya nito na ipakasal ito sa anak ng kasosyo nila sa negosyo. Lihim ang kanilang relasyon kung kaya’t walang nagawa ang dalawa kundi putulin ang ugnayan nila sa isa’t-isa.
Tanging silang dalawa lang ang may alam tungkol sa kanilang nakaraan, kung kaya’t walang kaalam-alam ang ama ni Yiesha na may nakaraan pala ang dalawa.
Sa pagkakataong ito, napatunayan nila sa kanilang sarili na mahal pa rin nila ang isa’t-isa sa kabila ng mga nagdaang panahon. Pero masyado nang huli ang lahat para itama nila ang kahapon.
Naging magkaibigan ang ama ni Yiesha at si Gio, nang malaman ni Gio na ito pala ang napangasawa ng minamahal niyang si Elaine.
“N-nagpunta ako rito, para sana humingi ng tulong sa’yo,” pagbabasag ni Elaine sa katahimikan na bumalot sa kanilang dalawa.
Iwinala ni Gio ang pag-iisip niya tungkol sa kanilang nakaraan at iginaya ang kanyang panauhin papunta sa sofa dito sa opisina niya.
“What kind of help do you want from me?” aniya habang nagsasalin ng tsaa sa dalawang basong nasa harapan niya at saka ibinigay ito kay Elaine. Humigop siya rito at taimtim na nakatingin kay Elaine.
Parang kanina lang memoryado na ni Elaine lahat ng sasabihin niya, pero ngayon parang nawala ito at nangangapa siya ng salita kung ano ang sasabihin niya sa kaharap niya.
“Elaine? Are you okay? You’re sweating,” aniya sa nag-aalalang tono at saka tumayo ito para sana e-adjust ang kalamigan ng AC. Pero agad naman siyang napahinto nang biglang nagsalita si Elaine.
“P-pwede bang, manghiram ng p-pera? May renal cancer si Ricky, sabi ng doktor na kailangang ma-operahan siya sa lalong madaling panahon,” nanatili lamang na nakayuko si Elaine habang nagsasalita. “Naubos na ang lahat ng savings namin dahil sa panggastos no’ng siya’y inatake ng puso. Kakatanggap lang sa trabaho ng anak kong si Yiesha. Kung kaya’t wala kaming pagkukunan ng pera sa ngayon...” Napatiiim baga siya dahil sa sinabi nito.
“Why would I help you?” malamig na tugon nito habang wala namang makikitang kahit na anong ekspresyon sa pagmumukha niya.
Nanlamig naman si Elaine nang marinig niya iyon. “H-he’s your friend,” nauutal niyang tugon at napag-isip niya na isang malaking pagkakakamali ang ginawa niyang pagpunta rito. Pagkatapos niya iyon sabihin, nanatili namang walang imik si Gio.
Tumayo mula sa kanyang pagkaupo si Elaine nang luminaw sa kanya ang sitwasyon na wala itong balak na tulungan siya. “It’s okay if you don’t want. I’m sorry for barging in your office,” aniya at agad na tumayo at tinungo ang pintuan.
Bago pa man niya mahawakan ang doorknob, agad namang nagsalita si Gio.
“I’ll help you—“nakaramdam naman siya ng saya dahil sa sinabi nito at agad na bumaling kay Gio. Pero agad din na nawala ang sayang iyon sa sumunod na sinabi nito. “—In return, I want your daughter.”
****
“How can I ever repay you?” tanong ng ama ni Yiesha kay Mr. Gio Serra-Ty.
“C’mon, Ricky! Hahaha!” umayos naman ito mula sa kanyang pagkakaupo at tila naging seryoso. “You’re aware about the agreement, right?” aniya na may nakakalokong ngiti sa labi nito.
Agad naman kinabahan si Ricky nang maalala niya kung anong klaseng kasunduan ang kanilang ginawa, kapalit ang perang pinanggastos nila sa kanyang operasyon.
“I-I am....” kinakabahan nitong tugon.
Sa kabilang dako naman, kararating lang ni Yiesha galing sa trabaho. May matamis itong ngiti sa kanyang labi dahil nasasabik na siyang ipaalam sa kanyang magulang ang tungkol sa kanyang promotion.
“Who’s car is this?” aniya sa kanyang sarili nang makita niya ang BMW na kotse sa mismong dapat ng kanilang gate.
Napangiwi nalang siya dahil wala siyang ideya kung kanino ang mamahaling sasakyan na iyon. Nasa tapat na siya ng pinto at dahan-dahan niya naman itong binuksan.
Ang matamis na ngiti na nasa kanyang labi ay agad na napawi nang marinig niya ang usapan ng dalawang tao.
Rinig na rinig ni Yiesha ang bawat salitang binibitawan ng lalakeng nakasuot ng itim na suit habang kausap nito ang kanyang ama.
“Well, we’ve agreed that... I’ll help you with your hospital bills and medications but in return, I’ll have your daughter for my son and arrange their marriage.”
Napako naman siya sa kanyang kinatatayuan nang marinig iyon at parang nanunuyo naman ang kanyang lalamunan.
“Yes, I clearly remembered that,” tugon ng ama niya sa kausap nito na siyang ikinadurog niya.
Napatingin ang lalake sa kinaroroonan ni Yiesha at ganun din ang kanyang ama. Nagulat naman ito nang makita niya ang anak na walang imik na nakatayo lamang sa may pinto na halatang narinig nito ang kanilang pinag-uusapan.