Habang naglalakad si Greige patungo sa kaniyang opisina ay para namang buntot niya si Criza na sunod ng sunod sa kaniya. Hinayaan niya na lang ito dahil naiintindihan niya rin naman ang dalaga. Marahil, naboboryo na ito sa kanisong opisina dahil hindi pa rin bumabalik sa trabaho si Yiesha. Kahit na alam niyang malabo na gawin ng dalawa kung ano ang nasa kaniyang isipan, hindi niya pa rin maiwasan na isipin ito. Napakuno ng noo si Criza habang nakatingin kay Greige. Hindi mawari kung bakit sobrang lalim yata ng iniisip nito. Nagpakawala siya ng isang buntong hininga at nagsalita, “Sa tingin mo Ma’am Greige, kailan kaya ang balik ni Miss Yiesha? Magmula kasi no’ng nag-leave siya, nag-iba ang klima sa loob ng opisina dahil kay Ma’am Laica.” Agad na napalingon si Greige kay Criza sa isang

