KAKALABAS lamang ni Greige sa kaniyang kotse at agad niya na itong isinara. Iniligay niya sa loob ng kaniyang bag ang susi at pumihit papunta sa elevator. Saktong pag-ikot niya ay bigla siyang tumama sa isang matigas na animo’y isang pader na nakaharang sa kaniyang harapan. Dahil sa lakas ng impact nang pagkakabunggo niya rito, napapikit na lamang siya sa pag-aakala na matutumba siya. Subalit agad naman siyang nasalo ng taong iyon gamit ang bisig nito. Ibinuka ni Greige ang isa niyang mata dahil nagtataka siya kung bakit hindi siya bumagsak sa sahig. Nang tumambad sa kaniyang harapan ang isang lalaki na siyang hawak-hawak siya ay agad siyang napabalikwas at umayos ng tayo. Nagulat ang lalaki sa naging asal ni Greige at hindi naman makatingin ang dalaga sa lalaking nasa harapan niya. Nag

