MAHIGPIT ang hawak ni Niella sa binabasa niyang magazine habang nakatingin sa litrato nilang dalawa ni Axriel at Yiesha. Makikita sa litrato ang magagandang ngiti ng mga ito na siyang dahilan kung nakit kanina pa kumukulo ang dugo ni Niella. Nagbabaga ang mga mata niya at nagtatangis ang kanyang ngipin. Umigting ang panga niya at kasabay no'n ay ang pagkuyom ng kamao nito na siyang dahilan kung bakit halos mapunit na ang kaniyang hawak na babasahin. Hindi niya matanggap na ikinasal sa ibang babae si Axriel na dapat siya ang nasa tabi nito habang suot ang puting wedding dress. Dumating si Kevin, subalit hindi ito napansin nk Niella dahil nanatiling nasa babasahin ang kaniyang buong atensyon. Naisipan ni Kevin na puntahan ang dalaga aa bahay nito dahil baka kung anong gawin ni Niella kap

