AGAD nang inayos ni Yiesha ang kanilang mga gamit sa loob ng cabinet. Napapahiyab pa ito dahil sa inaantok pa rin siya pero sumasabay naman ang kaniyang tiyan dahil sa gutom. Tinignan ni Axriel ang kaniyang relos at napagtanto na it’s past 12 noon na. He turned at Yiesha and spoke to her. “Do it later. It’s past lunch, we need to get something to eat,” wika niya. Sumang-ayon naman kaagad si Yiesha dahil pagkapasok pa lang nila ng kuwarto ay kumukulo na ang kaniyang tiyan. Napanguso siya habang iniisip na marami naman ang kaniyang kinain kanina pero bakit tila isang oras lamang ang nakalipas, nagugutom na kaagad siya. Naglakad na papalapit si Yiesha kay Axriel na siyang nakatayo na sa may pinto. Binuksan ni Axriel ang pinto at naunang lumabas habang hawak ang door handle nito. Hinint

