Krisanta's POV
Mabilis akong natauhan at hindi na nagdalawang-isip. Sinundan ko siya. Bumaba ako ng hagdan papuntang second floor ng rest house—medyo madilim ang hallway, may mga painting sa dingding, pero wala akong pakialam. Ang tanging importante lang sa akin ngayon ay si Liam, at kung bakit ganoon ang naging reaksyon niya.
Pagdating ko sa hallway, sakto kong nakita ang pinto sa dulong bahagi ng corridor na marahas niyang isinara. Tumigil ako sa harap nito, saglit na nagdalawang-isip kung kakatok ako—o kung may karapatan ba akong sumunod sa kanya. Pero bago pa ako makapagdesisyon, may narinig akong kalabog mula sa loob.
“Liam?” tawag ko, bahagyang kinakabahan. Walang sagot.
Kumatok ako. Isa. Dalawa. “Liam, ano bang nangyayari sa'yo? Okay ka lang ba?”
Still no answer. Napatingin ako sa door knob, nang hawakan ko ito, its unlocked.
Marahan kong pinihit ang seradura, at dahan-dahang bumukas ang pinto. Tumambad sa akin ang isang kwarto na medyo magulo—parang hindi bihirang ginagamit. At doon, nakita ko si Liam: nakaupo sa sahig sa tapat ng kama, nakasandal sa gilid nito, at tila may hinahanap sa bag na bukas sa tabi niya. Pawisan ang noo niya kahit malamig ang hangin mula sa aircon. Namumutla. Nakakunot ang noo niya, at nanginginig ang mga kamay.
“Liam?” mabilis akong lumapit. “Anong nangyayari sa’yo? Saan masakit?”
"Leave." kahit nahihirapan na siya, masungit parin. Hindi parin ako kumilos, nakatingin parin ako sa kanya.
" I said, leave,” aniya ulit, bagamat halatang nanginginig na ang boses niya sa sakit. Masungit ang tono, pero hindi ito kasing tigas ng dati—may bakas ng pakiusap, ng desperasyon, ng paghihirap.
“I'm not living you like this” matigas kong sagot habang lumuhod sa harap niya. Kita ko na ngayon kung gaano kabilis ang paghinga niya. Parang kinukulang siya ng hangin, parang ang bawat galaw niya’y may kasamang pagkirot.
“Where's your medicine? Liam, nasaan?” tanong ko habang hinahalungkat ang laman ng bag na bukas sa tabi niya. Hindi siya sumagot. Napapikit lang siya, napakapit sa gilid ng kama habang bahagyang sumasandal pa lalo, parang nawawalan ng lakas. Saka ko napansin—may maliit na metal case sa loob ng bag. Binuksan ko agad iyon at nakita ko ang mga gamot, may mga label at dosage.
“Liam, ito ba?” tanong ko habang ipinapakita sa kanya ang isa sa mga vial. Bahagya siyang tumango. Nanginginig pa rin ang kanyang mga kamay habang inabot ang maliit na syringe sa gilid ng case. Hindi ko na siya hinayaang gawin pa ito mag-isa—kinuha ko iyon mula sa kanya.
“Relax, ako na. Alam ko paano 'to gawin,” sabi ko nang matatag, kahit ang totoo'y medyo nanginginig din ang kamay ko. Kinabahan ako, pero mas matimbang ang takot na baka kung hindi ako kumilos ngayon baka hindi ko na siya muling makita nang buo.
Inihanda ko ang gamot, at dahan-dahang itinurok iyon sa kanyang braso. Tahimik siya lang siya habang nakapikit parin , hindi dahil sa wala siyang nararamdaman, kundi dahil pilit niyang kinakaya ang lahat. Walang reklamo at walang iyak. Pero ang panginginig ng katawan niya, at ang mahigpit na pagkakakapit niya sa gilid ng kama, ay nagsasabing hindi ito simpleng sakit lang.
Makalipas ang ilang minuto, unti-unting bumagal ang paghinga niya. Hindi na siya ganun kaputla. Nagmulat siya ng mata at tiningnan ako. Matagal. Tahimik. Parang may gusto siyang sabihin, pero hindi niya alam kung paano uumpisahan.
"You don't need to talk about it" inunahan ko na ito baka magsusungit na naman. Tumitig ulit siya sa akin, at napasinghap ako ng hawakan niya ang pisngi ko. Ito ang unang paghawak niya sa akin ng matagal.
"You are killing me babe..." Malalim ang tinig ni Liam—hindi dahil sa galit, kundi sa bigat ng damdaming hindi niya na kayang itago. Babe? Anong nakain ng lalaking ito at ganyan ang ginamit niyang salita? Nakatitig siya sa akin, hawak pa rin ang pisngi ko, at sa unang pagkakataon, hindi siya mukhang galit. Hindi rin siya mukhang galit sa sarili niya. Mukha siyang pagod at may pagsuko. At sabay na naglalaban ang hinanakit at pagnanais sa mga mata niya.
Napakurap ako. “What… what do you mean?”
“I mean…” Napalunok siya, bumuntong-hininga, pero hindi niya inalis ang kamay niya sa pisngi ko. “Every time you look at me like that—like you actually care—I forget everything I’ve been trying to fight off.”
“Fight off?” kunot-noo kong tanong. “What are you fighting, Liam?”
Muling sumilay ang ngiti sa labi niya, pero masakit, pilit. “This. Us. Whatever the hell this thing is between us.”
Napatigil ako. Hindi ko alam kung magagalit ba ako o maaawa sa kanya. Parang ang dami niyang gustong sabihin, pero binibigti niya ang sarili niya sa bawat isa. “So… gusto mong sabihin, iniiwasan mo lang ako? All this time, all the cold shoulders, all the disappearing acts—”
“—is me trying to keep myself sane,” putol niya, mahina pero mariin. “You don’t understand, Krisanta. I don’t get to want things. I don’t get to be… soft. Because people like me, when we let our guard down, people get hurt. And I don't want to see you in pain”
"But pain can be so quiet Liam--" Hindi ko alam kung bakit ko nasabi 'yon. Para bang kusa nalang lumabas sa bibig ko habang tinitingnan ko ang nanginginig niyang katawan. Napahinto siya. Parang may humampas sa loob niya. Marahas siyang napatitig sa akin—matalim, halos desperado. At sa loob ng titig niyang 'yon, may gumuhit na anino ng pagkagulat. Ng pagdududa. At... ng alaala?
"Anong sinabi mo?" mahina pero mariin ang tanong niya, para bang pinipilit tandaan kung saan niya narinig 'yon. Hindi ako agad nakasagot. Ramdam ko ang panginginig sa boses niya—hindi dahil sa galit, kundi dahil sa takot. Takot na baka totoo ang pinaghihinalaan niyang pilit niyang kinakapa sa alaala.
Lumuhod ako sa harap niya, marahan kong hinawakan ang nanginginig niyang kamay. “Sinabi ko lang na... sometimes pain doesn't scream. Sometimes it just... stays. And no one notices. Parang ikaw, itinatago mo ang sakit mo”
Napakurap siya. Tila nabingi. Hanggang sa dahan-dahan siyang napatingin sa kamay naming magkadikit. At para bang may bumukas na tagong pintuan sa likod ng mga mata niya.
"Have we met before?" kunot na kunot parin ang noo nito. Umiling ako, never ko pang nakilala si Liam sa apat na taon ko sa University.
"Then why do you know that pain doesn't scream? my dad....----" para itong nawawalan ng lakas dahil sa parang mayroon siyang gustong maala.
"It's just slip on my mouth, there's no big deal on that. Are you ok now?" pag iiba ko. Tumango ito then bumaba ang kamay niya mula sa pisngi ko papunta sa kamay ko. Hinawakan niya ito, pero nang tignan ko siya, napapikit ito na parang may iniinda paring sakit.
"Liam..."
"Give me a second." saad nito. Hinayaan ko lang siya, mahigpit ang pagkahawak niya sa kamay ko. Pagkaraan ng ilang sandali, nagmulat ito at diretchong tumitig sa akin.
"Don't do that again Krisanta"
"Do what?" maang kong tanong. Nakipagtitigan ito sa akin.
"Walking beside Sky--hanging out with him, letting him touch you, and don't smile or laugh at him" seryoso nitong sabi. Kumunot noo ako, ngunit hindi parin siya tumigil. Itinaas niya ang hawak niyang kamay ko at idinampi sa kanyang labi.
"Because if you keep on doing it, you're killing me softly!"